Napakaganda pala rito sa loob ng academy, pakiramdam ko ito yung lugar kung saan makakaramdam ako ng tahimik na buhay.
"Alice bakit ngayon ka lang pala pumasok sa academy?" tanong ng katabi ko sa akin na si Edrian
"kailangan kong magipon pa ng pera para makapasok rito" pabilog ang bibig ni Edrian at para bang naamaze sa akin.
"pursigido ka talaga rito pumasok?" ang kulit ha, magtityaga ba ko kung hindi?
Sa sobrang dami nyang tanong binilisan ko na lang ang lakad, ngunit nahabol pa rin nya ako sa bilis netong maglakad.
Napunta kami sa parang garden netong eskwelahan at sa hindi inaasahang pangyayari, natagpuan kona yung taong isa sa mga dahilan kung bakit narito ako ngayon.
"ang ganda pala rito sa academy no?" tanong ko kay Edrian pero may kalakasan para marinig ako ni Rose. Si Rose ang nakita ko ngayon na may kasamang lalaki, mukang may espesyal silang pinagsamahan.
Napatingin sa akin si Rose at halata sa kanyang mukha ang pagkagulat at pagkalito kung bakit narito ako ngayon. Right Rose, nagulat ka ba sa sarili mong multo?
"Uy Rose! Ikaw pala yan" bati ko sa kanya ng nakangiti na para bang matalik ko syang kaibigang matagal ko ng hindi nakikita
"ba..bakit ka narito?" ang gulat sa kanyang mukha ay napalitan na ng galit. May lumabas na apoy sa kanyang mga kamay na para bang handa siyang ibato ito sa akin.
Pagkatapos noon nilabas ko ang mahika ko sa aking kamay, agad ko itong itinapat sa mga kamay ni Rose, dahilan upang mamatay ang apoy na nasa kanyang mga kamay.
Sa ginawa kong ito, lalo pang nagalit si Rose sa sitwasyon ngayon. Siya pala ang may mahikang apoy at ako ay tubig.
Bakas ang pagkagulat sa kasama kong si Edrian at sa kasama ni Rose na lalaking hindi ko kilala, ngunit agad itong nawala napalitan ng hindi ko mabasang ekspresyon.
"natakot ka ba sa sarili mong multo Rose?" puno ng pangiinis ang tono kong iginawad sa kanya.
"umalis ka rito!" sigaw neto sa kanya at agad nabalot ng apoy ang paligid namin. Natutuwa ako sa mga nangyayari rito ngayon, sige Rose kabahan ka na sa mga ginawa niyo sa amin ni mama.
"chill Rose masyado kang napaghahalataan." tinalikuran ko siyang nakangiti at agad hinila si Edrian, nagulat siya sa paghila ko sa kanya pero agad rin siyang umayos at sumunod na lang.
Huwag ka masyadong magpahalata Rose na masyado kang takot dahil baka mas lalo mong padaliin ang plano ko. Napangiti ako sa kawalan at dumiretso na lamang sa loob ng dormitoryo upang magpahinga. Nakalimutan kong kasama ko nga pala si Edrian.
"kita na lang tayo mamaya." humarap ako kay Edrian para huwag na rin nya kong sundan. May balak pa atang sumunod 'to sa akin sa kwarto.
"ahh sige Alice mauna na ko." pilit na ngiti sa akin ni Edrian, para siyang maraming gustong itanong sa akin. Natawa na lamang ako dahil sa inakto niya.
"chill Ed" tinapik ko ang kanyang balikat at pumasok na ng tuluyan sa dormitoryo. Teka saan yun papunta bakit hindi siya dumiretso sa loob?
Kinagabihan napagpasyahan kong magikot ikot sa academy, dahil kaninang hapon ay nagpahinga lang ako dahil sa pagod kakahanap neto.
Mabuting hanapin ko na rin si Edrian ng may makasama ako sa pagiikot, baka maligaw nanaman ako at mapuno nanaman ako ng kuryosidad ang utak ko.
Habang naglilibot ako pinagmamasdan ko ang mga tao rito sa academy, may napansin akong isang bagay na ikinatuwa ko. Kapag pinagsama na pala ang aming mga mahika magbibigay ito ng liwanag sa paligid. Habang pinagmamasdan ko ito para ako isang may mayari dito sa academy, parang ito ang lugar na matagal ko ng binigyan ng aking pagaalaga.
May isang pusang puti ang lumapit sa akin at pumulupot sa aking mga binti. Binuhat ko ito at dahan dahan kong hinimas ang ulo niya dinidilaan niya ang aking mga kamay.
Bigla itong tumalon palayo sa akin, tumakbo ito na para bang may hinahabol.
"Alice ano bang ginagawa mo dito?" may biglang humablot sa braso at alam ko na agad kung sino to. Bigla kong inalis ang braso ko sa pagkakahawak nya
"bakit sa tingin mo mananatili kang masaya dito sa academy?" tinaasan ko siya ng kilay habang may namumuo ng yelo sa aking mga kamay dahil sa tindi ng galit ko
"sa kamalasan mo sa buhay baka ikaw pa magpahamak dito!" agad kong kinalma ang sarili ko, dahil wala naman magagawa ang galit ko kung magpapadala ako dito.
"minalas ako dahil sayo, dahil sa inyo ng nanay mong sarili lang ang iniisip!" naalala ko nanaman si mama at hindi ko na napigilan ang sarili ko, tunulak tulak ko sa balikat si Rose gamit ang aking isang daliri.
Biglang hinawakan ni Rose ang kamay ko na may kasamang apoy kaya nakaramdam ako ng sakit sa aking daliri.
Bigla kong nilabas ang aking mahika dahilan kung bakit nanigas ang mga kamay niya. Sa lamig ng tubig na lumabas sa aking kamay na para bang yelo ito, nanigas ang kamay niya at umaaray siya dahil dito.
"babawiin ko lang yung dapat sa akin." tumalikod na ko at nagpatuloy sa paglalakad upang hanapin si Edrian.
Lagi kong tinatandaan ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Iwasan ang mga bagay na makakasira ng plano kong pagkuha ng kwintas ko.
Bigla kong naalala ang sinabi ng matanda, sino siya? Bakit parang marami siyang alam.
Bata pa ko noon nung huling kita ko sa kanya, siya yung pinuntahan ni mama at nung tinuring niyang tunay na kaibigan subalit ito'y isang traydor pala.
Napadpad ako sa lugar kung saan puno ng mga paro paro at iba pang mga klase ng hayop. Baka nandito sa garden si Edrian, hindi ko naman alam kung anong kwarto niya kaya nagbabakasakali ako na nandito siya.
"wala dito si Edrian" isang lalaki ang nakita kong nakatayo sa ilalim ng puno. Pamilyar ang isang to kaya pilit kong inalala kung saan ko ba siya nakita.
"paano mo nasabing siya ang pinunta ko dito?" pinagtaasan ko siya ng kilay dahil hindi ko gusto ang kanyang dating
"sino pa ba? May iba ka pa bang kilala dito bukod kay Edrian? Oo nga pala si Rose." napantig ang tainga ko nung narinig ko ang pangalang Rose
"mukhang may espesyal kayong ugnayan" umalingawngaw ang tawa niya pagkatapos kong sabihin iyon.
"matalik mo siyang kaibigan tama?" lumapit na ang lalaki sa akin na naka krus ang braso sa kanyang balikat.
"hindi." tatalikuran ko na sana siya nung may lumapit ulit na pusa sa akin at tumalon sa mga braso ni jacob. Yung pusa to kanina, mukhang alaga niya ang isang to.
Tinalikuran ko na ang lalaki dahil wala naman mangyayari kung pagtutuunan ko pa siya ng pansin. Sayang lang ang oras, tulad ng pagaaksaya ko sa kagaya ni Rose.
Nasaan ka ba Edrian, kailangan ko ng kasama maglibot dito upang mas mapadali ang trabaho ko dito sa magic academy.
Isang araw pa lang ako dito pero yung pagod ko parang napaka tagal na. Huminga ako ng malalim at naupo sa damuhan para magpahinga. Hindi ko makita si Edrian, nasaan lupalop ba yung taong yun?