webnovel

Sugat na Nag-iwan ng Pilat

" Kuya Benjie, laro tayo ng text.." sabi ng kanyang kababata si Mark.

Hindi naman nagkakalayo ang edad nilang magpinsan ngunit nakasanayan na nitong tawagin siyang kuya. Dala- dala nito ang isang sisidlang plastik na puno ng mga laruang text o postcard. Isa ito sa mga paborito niyang laruan noong bata pa siya.

"Sige ba,.." sagot naman niya. "sige taya na,.."

Isang dangkal agad na text ang itinaya ng kanyang kalaro. Masaya silang naglalaro noon sa kanilang bahay. Dala marahil ng suwerte, sa kanyang bawat pagpitik ng mga pamato ay palaging siya ang tumatama. At sa tuwing natatalo naman ang kanyang kalaro ay patuloy pa rin itong tumataya. Umaasang magbabago ang ihip ng hangin. Ngunit sadyang mailap ang kapalaran nito kung kayat hindi na nito nagawang mabawi ang mga naipusta. Nang manalo na siya at wala ng maitaya pa ang kanyang kalaro ay bigla itong pumalahaw sa pag- iyak.

"Madugas ka, ang daya mo! Huhuhu…" bigla nitong sigaw sa kanya.

Napamaang siya sa tinuran nito. Hindi niya alam na ganito ang magiging reaksyon ng kanyang pinsan sa kanilang paglalaro.

"Paanong dinaya kita? Ay sa laging pamato ko ang tumatama…" sagot niya.

"Dinaya mo ko,..mandaraya ka!" sabi pa nito saka mabilis na lumakad pauwi sa kanilang bahay.

Ipinagwalang- bahala niya ang pagmamaktol ng pinsan sapagkat alam niya sa kaniyang sarili na wala siyang ginawang hindi tama. Siya ang nanalo sa kanilang paglalaro dahil sinuwerte siya. Lingid sa kaniyang kaalaman ay nagsumbong na ang kalaro sa nanay nito. Wala pang sampung minuto ay dumating na galit na galit ang kanyang tiyahin. Sa pagbulwag pa lamang nito sa kanilang bahay ay agad na siyang dinuro habang patuloy sa pag-iyak ang kanyang pinsan sa likod nito.

"Ikaw na bata ka, pati mas bata sa'yo pinapatulan mo," malakas na imik nito. "dinaya mo daw si Mark kaya natalo siya,.."

Nangangatal man ay nakuha niya pa ring sumagot." N-naglalaro lang naman po kami,…"

"Kinabig mo lahat ng text ko,.. ang daya mo, huhu…" sagot ng kaniyang pinsan habang tila pinupunas ng braso ang mga luhang nasa mukha.

Akmang iimik pa sana siya upang magpaliwanag ngunit panay na ang hagulgol ng kaniyang pinsan kung kayat pinili na lamang niyang manahimik.

Tila lalong nanggigil sa kaniya ang tiyahin kayat hindi na nito napigilang sugurin siya. Hinablot nito ang mga text na kasalukuyang hawak niya. Gustuhin man niyang huwag ibigay ang mga laruang nakuha niya sa isang patas na laban ay kaniya na ring ipinaubaya ito sa nanggagalaiting tiyahin.

"Akin na, akin na! Sa anak ko 'to, akin na,…" sabi nito.

Nakayuko siya habang nagpapaubayang kuhaing lahat ang kaniyang napanalunan. Maging ang sarili niyang text ay nadamay na sa pagbawi nito. Hindi pa ito nakuntento sa ginawa. Muli siyang hinarap nito at saka dinuro.

" Huwag na huwag ka ng makikipaglaro sa anak ko, ha! " pagbabanta nito. "isusumbong pati kita sa nanay mo!"

Dagli niyang iniangat ang tingin sa tiyahin. Napamulagat ang kaniyang mga mata. Nang binanggit nito ang kanyang ina, pakiramdam niya'y lumobo ang kaniyang ulo sa nerbiyos. Nais niyang pigilan ito ngunit napakabilis ng bawat hakbang nito papunta sa likod ng bahay nila. Gusto niyang magsumamo dito na huwag ng ipaalam sa kanyang ina ang reklamo ngunit tila hindi niya magawang ibuka ang kanyang mga bibig dahil sa sobrang kaba.Tanging ang pagbuntot sa direksyon patungo sa kaniyang ina ang kaniyang nagawa. Nang marating nga nila ang kinaroroonan nito sa bukana ng kanilang kusina habang naglalaba ay muli na namang umandar ang bibig ng kaniyang tiyahin. Ipinangangalandakan nito na inargrabyado niya ang pinsan na pawang mga kabulaanan. Wala siyang nagawa kundi ang magsawalang kibo at manatiling nakayuko.Todo ang kanyang pangamba sa maaaring ibunga nito.

" Naku Rose, pagsabihan mo iyang anak mo,..lumalaki iyang walang ugali!" wika pa ng kaniyang tiyahin. "Aba'y, sinasagot- sagot pa ako,..."

Hindi kumibo ang kaniyang ina habang may sigarilyo sa bibig. Nakatingin lamang ito sa kaniya habang panay ang dakdak ng kaniyang tiyahin. Nang mapagod sa kasasalita ay umalis na rin ang hipag nito at naiwan silang mag-ina.

Mas tumindi ang kaniyang naramdamang kaba. Hindi man lamang niya matapunan ng tingin ang ina sa labis na kaba. Tuwid siyang nakatayo sa harap nito habang nakayuko. Pigil na pigil ang pangangatog ng kaniyang tuhod. Sa gilid ng kaniyang mga mata ay nasulyapan niyang tumayo ito sa inuupuang bangko sa paglalaba. Damang- dama niya ang panginginig ng kaniyang kalamnan.

Maya- maya'y pinunasan ng kanyang ina ang basa nitong mga kamay sa suot na saya. Ang mga sinaunang hanger na gawa sa manipis na bakal na tila alambreng nababalutan ng manipis na plastic ang noo'y nakapatong sa ibabaw ng kanilang mesa. Ito ang ginagamit nito sa pagsasampay ng mga damit. Kitang- kita niya ang pagdampot ng tatlong piraso sa mga nakasalansang hanger ng nanay niya. Kasabay ng tuluyang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata ay ang paglapat ng nasabing bagay sa kaniyang binti.

"Peste ka!" sabi nito saka muling inihampas ang tangan na hanger sa kaniyang binti. "tarantado ka!"

Galit na galit ang kaniyang ina habang nasa bibig pa rin ang hinihithit na sigarilyo. Buong puwersa siya nitong hinahagay ng hanger sa kaniyang magkabilang binti. Hindi kakikitaan ng awa ang kaniyang ina, na sa bawat niyang pagsalag ay tila mas nanggigigil ito na hindi nasasapul ang kaniyang binti.

"T-tama na po, m-mama,..!" pagmamakaawa niya habang magkasabay ng tumutulo ang kaniyang luha at sipon dulot ng pagpapahirap na nararanasan. Napasalampak na rin siya sa sahig sapagkat hindi na natagalan pa ng kaniyang tuhod ang pagtindig habang nananalag ng mga palo.

Subalit tila hindi natinag ang kaniyang ina sa kaniyang pagsusumamo. Ang kanina'y sa binti lamang na pagpalo sa kaniya nito ngayo'y napapatama na sa iba't- ibang bahagi ng kaniyang katawan. Bagaman nasasalag niya ang ibang hampas nito ay napapaigkas pa rin siya sa tindi ng sakit sa bawat nitong paghagupit.

"Hayop ka! Perwisyo ka masyadong lintik ka!!" mariing imik nito na sa sobrang inis ay naging sanhi ng pagkabali ng sigarilyong nasa bibig nito na kalauna'y nahulog na ng tuluyan. "buwiisssittt ka!"

Isang pagpalo nito ang hindi niya naagapang salagin kung kayat napakayod ang dulo ng nagsisilbing pangkawit ng hanger sa kaniyang kanang dibdib. Malalim ang naging pagbaon nito sa kaniyang balat. Gumuhit ito ng sugat na nagbigay- daan sa pag-agos ng dugo sa parteng iyon. Gayunpaman, hindi nito nagawang pigilan ang kaniyang ina sa pagkastigo sa kaniya.

"Mama,…tama na po,.." muli niyang pakiusap dito. "t-tama na po,.."

Bahagya ng naabot ng dumadaloy na dugo ang kanyang suot na puting sando. Ang pagkapit ng pulang likido sa kaniyang damit ang umagaw sa pansin ng kaniyang ina at umawat sa patuloy na pamamalo. Binitawan nito ang wala na sa pormang mga hanger.

"Magtanda ka, ha, Benjie,magtanda ka,..!" hindi pagpapaalaala ngunit mas lamang na pagbabanta nito sa kanya. "mapapatay kita, mapapatay talaga kita,..!"

Iniwan siyang nitong nakaupo sa sahig saka muling inatupag ang paglalaba. Piping saksi ang kanyang dalawang mas nakababatang kapatid na pasilip- silip mula sa kanilang sala. Mistula siyang basang sisiw na inabandona. Pawisan sa kaiiyak, mugto ang mga mata at may mga namumulang latay sa braso at binti. Bagaman mahapdi ang sugat sa kanyang dibdib ay walang- wala ito sa hapdi na nararamdaman niya sa kanyang puso. Ang hinagpis niya sa ina na binugbog siya ng walang dahilan ay ganun na lamang. Ni hindi man lamang nito inalam ang totoong nangyari. Kung sana'y dininig man lamang nito ang kaniyang panig. Disinsana'y naintindihan nito na inosente siya sa ibinibintang ng kaniyang tiyahin. Marahil ay naipagtanggol pa siya nito. Ngunit hindi ito ang nangyari. At wala na rin siyang magagawa pa sapagkat inakusahan siya at sinentensiya ng hindi man lamang nabigyan ng karapatang makapagsalita.

___________________o O o ________________

Kinapa niya ang peklat sa dibdib. Matagal na panahon na rin naman ng mangyari ang bagay na iyon ngunit sa tuwing nasasalat niya ang iniwang alaala ng araw ng iyon sa kaniyang katawan ay bumabalik ang kaniyang hinanakit sa ina. Ang galit sa kaniyang puso ay muling sumisibol. Na tila naging sanhi na rin ng kaniyang hindi mawala- walang galit sa mundo. The world is so unfair. Ito na ang kaniyang naging paniniwala simula noon. Hindi totoo ang tinatawag na patas. Its either manglalamang ka o malalamangan ka. Mang-aapi ka o magpapaapi ka. Mananaig ka o magpapadaig ka. Sa lahat ng ito, isa lang ang kaniyang pinaninindigan… hinding- hindi na siya ang lalabas na kaawa-awa katulad noon kundi siya na ang hihingan ng awa.

Ilang sandali pa'y lumabas na sa banyo ang kaniyang nagsisilbi ngayong trainee/ lover. Sumisimoy sa buong kuwarto ang samyo ng sabon na ginamit nito sa paliligo. Wala itong kaalam- alam sa panganib na nakaambang mangyari.

"You look so hot,.." puna niya sa babae.

Nilapitan niya ito at tinangka niyang alisin ang nakabalot na tuwalya sa katawan nito ngunit pinigilan siya nito. Napadako kasi ang mata nito sa mga gamit na inilapag niya sa kama. Takang bumaling ito sa kanya.

"What are those? Para saan 'yun..?" tanong nito.

Tinignan niya ng diretso sa mga mata ang babae habang bahagya niya itong niyakap. Nais niyang makita nito ang sinseridad sa kaniyang sasabihin.

"Sam, I know this may sound stupid,.." pagsisimula niya. "pero gusto ko sanang mag-role playing tayo,.. you know,.. somethin' playful.."

Bahagya itong kumawala sa kanya. Tila uneasy ito sa kanyang naging sorpresa at sa nais niyang mangyari.

"No Benjie, ..." yamot na turan nito. "this is insane,.. this is crazy,.."

"Sam, Sam, calm down,..." pilit niyang pagpapakalma dito. " I'm sure you know 50 shades, right?"

Hindi sumagot ang kausap niya. Nakapamaywang lamang ito sa kanya.

" You know sometimes we need to add some, little sort of…. violence…" kumbinsi niya rito. "Sam…, tonight…, let's pretend, you're Anastasia… and I'm Mr. Grey…"

Tiningnan siya nito na parang nanunuri. Ginalingan naman niya ang pagkukunwari na tila nagmamakaawang maigi rito. Sinamantala niya ang pagkakataon. Muli niya itong hinapit at dahan- dahang inalis ang bagay na humahadlang sa tuluyang pagdadait ng kanilang mga balat.

"Ohhh Sam,…" anas niya sa bandang leeg nito.

Kinuha niya ang kamay nito at ipinadama ang kaniyang pagkalalaki. Nang maipakilala niya sa palad nito ang kaniyang nagmamalaking ari ay napapikit ito. Ang kaniya namang palad ang kusang dumama ng mainit- init nitong pagkababae. Napakagat ng ibabang labi ang babae kayat agad niyang sinalo ito ng nananabik na mga halik. Ipinasyal na rin niya ang kanyang mga kamay sa kabuuan ng babae. Sa tulong ng kaniyang mga hinlalaki ay nanigas ang mga koronang pumapagitna sa malulusog nitong dibdib.

"Benj,.." bulong nito.

Tumigil siya sa paghalik dito. Sa pagbitaw ng kaniyang labi ay kitang-kita niya ang pag-aapuhap nito sa kumawalang halik. Habol ang labi nitong muling lumapat sa kaniya ngunit hindi niya ito pinagbigyan. Sa halip ay tinanong niya ito.

"Sam, are you ready,.. ?" tanong niya rito na ang tinutukoy ay ang kanilang pagrorole playing. "Come on baby,..let's give it a try.."

Bagaman may pag- aalinlangan ay nagawa niyang tuluyang makumbinsi ang babae. Bilang pagpapasalamat ay muli niya itong ginawaran ng halik.

'Thank you baby... I promise it will not take long…'

Agad niyang kinuha ang zip tie at ikinabit ng hindi gasinong mahigpit sa pulsuhan ng babae. Ayaw niyang magkaroon ito ng pagdududa sa kaniyang motibo.Nagpaubaya naman ito sa kaniyang ginagawa.

"This is weird…" sabi nito. "ngayon lang ito Benj, ha, hinding- hindi na ito mauulit,.."

Napangisi siya sa nasabi nito. 'Talagang hinding- hindi na ito mauulit.'

Sunod niyang kinuha ang packaging tape at ang labaha. Halata ang pagtataka sa reaksyon ng babae sa kaniyang ginawa.

"Teka, at para saan naman 'yan, please don't tell me you'll gonna cover my mouth with that thing?"

Hindi siya sumagot.

"You are freaking me out, Benj! Yan, yang straight razor na yan para saan ba iyan?" tila galit ng tanong nito.

"Props lang to, Sam, para lang mas realistic,.."

Inismidan siya nito na halatang yamot sa kanyang mga pinagsasasabi.

"Sam, this is role playing.."sagot niya. "You know, like, I am your abductor and-"

Pinutol siya nito sa iba pa niyang sasabihin.

"Stop, stop, no Benj, don't push it, this is too much!" malakas nitong imik.

"But Sam,..please.."

"No Benj, hindi ko na gusto 'to ha,..I hate this whole, f--king, roleplaying idea of yours!"

Muli niyang niyakap ang babae habang wala ng kalayaan ang mga kamay nitong kumawala. Hindi niya ito susukuan hanggang sa tuluyang makuha ang pag-sangayon nito. Bagaman ayaw niyang magkaroon ng ideya ang babae sa kaniyang masamang balak ay tila nagugulumihanan ito sa talagang nais niyang gawin. Kayat ipinasya niyang libangin muna ito upang mai-divert sa ibang bagay ang isip nito.

Sa pagkakatindig nito ay siniil niya ito ng mapusok na halik na unti- unting namang naging marahan. Hindi na rin napigilan ng babae ang kanyang kapangahasan kayat bumigay na rin ito. Kalauna'y gumanti rin ito ng maririing halik. Alam na alam na niya ang kiliti nito kung kayat kampante siyang mapapaikot niya ang babae sa nais niyang mangyari. Ibinaba niya ang kaniyang labi saka binigyang- pansin ang tirik na tirik nitong suso. Nilaro niya ng kaniyang dila ang sentro ng isa nitong dibdib.

"Ohhhh,.." ungol nito sa sensasyong binibigay niya.

Habang abala ang kanyang isang kamay sa pagsapo sa isa pa nitong dibdib ay panay naman ang pagsalat ng isa pa sa pagitan ng mga hita nito. Sa pamamagitan ng kaniyang hintuturo ay hinanap niya ang munting perlas nito saka banayad itong pinaikot- ikutan ng nasabing daliri. Kitang- kita niya ang kaligayahang naidudulot niya sa kapareha. Pikit habang bahagyang nakakunot ang noong napapadaing ito sa sarap.

"Are you there yet?" usal niya rito.

Hindi na ito makasagot sa kaniya dala ng labis na konsentrasyon. Nakapikit ito at halos magsalubong ang mga kilay. Napapakagat- kagat din ito sa ibang labi sa kaniyang ginagawang pagpapaligaya rito.

Nang alam niyang malapit na nitong marating ang rurok ng tagumpay ay hininto niya ang ginagawa. Intensiyonal niya itong ginawa upang mas lalong manabik ito sa kanya at kalaunan ay pagbigyan na rin ang gusto niya upang ito'y makaraos.

"Nooo, please Benj, don't stop,…" nakikiusap na usal nito.

"Yes, Sam, I know you like it, but how about me?" tanong niya rito. "Pinupunan ko ang kaligayahan mo,.. pa'no naman ako?"

Dismayado itong napatingin sa kaniya.

"Baby please pagbigyan mo na ako,.. I just want my fantasy to be real.."

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Tahimik siyang nakayuko sa harap ng babae. Nais niyang makuha ang simpatiya nito at maawa sa kaniya. Baka ito ang makakumbinsi rito na pumayag sa gusto niya. Sinadya niyang maging malungkot na tila nagtatampo upang makaramdam ito ng kahit kaunting guilt. Na sana'y maisip nito na handa siyang ibigay ang ikaliligaya nito and she must return the favor.

Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita.

"Okay, Benj, let's do it,… but please make it quick."

Sumilay ang mumunting ngiti sa labi niya. Alam na niya, he is now in control. Wala na siyang mga pagtutol na tatanggapin pa. Na sa mga susunod pang sandali, hindi na siya ang magmamakaawa rito kundi ito na ang magmamakaawa sa kanya.

Próximo capítulo