webnovel

My Lab

Dollar's POV

A-huh? Pinigilan kong tumaas ang kilay ko ng makita ko ang lalake sa harap ng Al's. Hmn...

Parang isa siyang butler sa mga pelikula. Nasa early fifties siguro siya. Hanep ang tuxedo na may bow tie, lapat na lapat at walang gusot. Tuwid na tuwid din ang pagkakatayo at marahan niyang ginagala ang metikulosong mga mata sa paligid.

"I'm Mr. Bryant, personal assistant of Don Marionello Flaviejo." Inabot niya ang kamay ko at nakipagkamay.

"Si Lolo? Kasama niyo po ba siya?" Na-miss ko din si Lolo ah. Bihira na lang kaming magka-text sobra niyang busy kase.

"No, Miss Viscos. Pinapunta niya lang ako dito para ibigay ang regalo niya." ngumiti siya ng konting-konti lang at inayos ang bow tie.

"Aah. Pasok po muna kayo sa loob para makakain."

"Thanks, Miss Viscos pero importanteng maibigay ko na sa inyo ang inutos ng Don. Nakapagpaalam na din ako kay Mr. Alvaro. Shall we?"

Nagtataka man, tumango na lang ako. Mukhang strikto si Mr. Bryant. Iginiya niya 'ko sa naghihintay na sasakyan. Hindi na 'ko bumalik sa loob para magpaalaam, madali lang naman siguro 'to. Pero anong klaseng regalo iyon at kailangan pang puntahan?

"Mr. Bryant, tawagin niyo na lang po akong Dollar, at wag na po kayong mango-po sa'kin."

Alanganin siyang ngumiti at inayos ulit ang bow tie, katulad ng ginagawa niya after two minutes.

Hindi naman lumabas ang sasakyan sa main highway nasa hangganan lang kami ng bahagi ng lupang pag-aari ni Uncle. Tinutumbok namin ang gubat sa likod bahay. Ang bahay at ang restaurant ay nasa pinakabukana at ang gubat ay kung saan kami dati naglalaro nila Moi.

Pero bakit dito kami papunta? Pagkatapos ng sampung minuto, inihinto ng driver ang sasakyan at inalalayan ako ni Mr. Bryant na bumaba. At bago kami maglakad, nagbukas pa siya ng malaking payong kahit hindi naman masyadong mainit.

"Sa pinaradahan ng sasakyan nagtatapos ang hangganan ng pag-aari ni Mr. Alvaro, at ang lupang nilalakaran natin ay ang bahaging nabili ni Don Marionello sa lupain ni Mr. Garcia."

Hmm... Ang tinutukoy niyang Mr. Garcia ay ang may-ari ng katabing lupa ni Uncle. Gubat at talahiban pa ang malakaing bahagi niyon at walang nakakaalam kung anong balak ni Mr. Garcia sa bakanteng lupa niya. Ngayon ko lang nalaman na naibenta na pala.

Mga isang minuto pa kaming naglakad ni Mr. Bryant hanggang huminto kami sa tapat ng isang bahay na puro salamin ang dingding.

Hindi kalakihan ang bahay at wala ding garden sa harapan. Out of place sana ang bahay sa gitna ng gubat pero mukha namang maaliwalas sa loob niyon kahit hindi maaninag. Hmn... Hindi ko alam na may bagong tayong bahay dito. Nabawasan na kasi ang pag-gagala namin nila Moi nang pare-pareho na kaming tumuntong sa college.

"Mr. Bryant, kaninong bahay po 'yan."

"That's a Chemical Laboratory, Miss Dollar, ang bahagi ng lupang ito na may sukat na 350 sq. m., ang lupang kinatatayuan ng laboratory, ang laboratory mismo at ang mga gamit na nasa loob ay nasa pangalan mo na. Pinatayo ni Don Marionello. Bilang regalo ngayong birthday mo."

(O_O)

Próximo capítulo