webnovel

Kabanata 412

"Ay kabayo!" Pagulat na sambit ni Kevin pag labas nya ng room ni Kelly.

"Ano naman at gulat na gulat ka diyan?" Sambit ni Keith.

"Bakit naman kasi pa bigla-bigla ka nalang sumusulpot?"

"Anong meron?"

"Hmm?"

"Anong ginagawa mo sa room ni Kelly?"

"Ha? May binigay lang ako kay Kelly."

"Anong ginagawa niya? Bakit nag kukulong?"

"Hindi naman tinatamad lang sya hindi sya pupunta sa cafè ngayon."

"Hindi nga pupuntahan ata namin si Patrick eh."

"Pupuntahan? Wala naman sya nabanggit."

"Hmm?"

Click...

"Bakit ga dine pa kayo nag uusap sa labas ng room ko?"

"Hindi ba at aalis tayo nag bago na ang isip mo?" Sabi ni Keith.

"Um. Tinatamad na ko. Kaya shuuu! Wag kayong maingay!"

BLAG!

At sinarado na nga ni Kelly pinto ng room nya.

"Kelly!!!"

"Yaan mo na sya kuya. Di mo yan mapipilit kilala mo yan kapag inatake ng katamaran nya."

"Bakit? Ano bang nangyare? Kagabi lang nasa mood pa yan ah."

"Ha? Ah... Eh... Ewan ko baka wala lang talaga sa mood umalis."

"Bakit meron ba sya? Binilan mo ba sya ng paborito nyang chocolate? Baka masakit ang puson nya."

"Dami mong alam tol. Tara na nga!"

"Pero kasi..."

"Imbes na si Kelly ang atupagin mo yung mag ina mo hindi va at uuwi na sila bukas?"

"Ah, oo nga pala tara samahan mo ko mag grocery para sa need ng baby."

"Okay!"

At umalis na nga yung dalawa at si Jacob naman ang kumatok sa pintuan ni Kelly.

"Po?"

"Yeah. Nagalit ang tito Patrick mo sakin kagabi."

"Pero bakit po?"

"Bahala sya parati nalang syang nag tatampo lately daig nya pa ang babaeng may period."

"Eh tita, baka naman po kasi kayo na ang may mali."

"Ewan bahala sya wala ako sa mood ngayon. Mag tutulog lang ako."

"Si-- Sige po."

Lumabas na nga ng room ni Kelly itong si Jacob at naunawaan naman nya ang kaniyang tita. Kaya naman pag labas ng room kinuha agad nya yung cellphone at tinawagan ng pa lihim ang tito Patrick nya.

Jacob: Po? Wala rin kayo sa mood?

Patrick: Hayaan mo na ang tita Kelly mo ayoko rin muna syang gambalain. Sige na, may gagawin pa ko.

Jacob: Pero tito Patrick, kapag hindi nyo sinuyo si tita Kelly bak tuluyan na yung magalit senyo imbes na kayo yung nag tatampo.

Patrick: Wala na kong pakialam baby boy. Nakakasawa ng intindihin ang tita Kelly mo.

Jacob: Po? Ibig sabihin po ba nyan nakiki pav break na kayo?

Patrick: Hindi sa ganon, gusto ko lang malaman din ng tita Kelly mo kung ano yung worth ko.

Jacob: Si-- Sige po.

At na tapos na nga ang conversation nung dalawa.

Jacob sighed "ang hirap intindihin ng matatanda."

"."

Mag hahapon na ng biglang na gustuhan ni Kelly na mag bike isasama nya sana si Jacob kaso na pag tanto nya na wala pala syang kasama sa bahay umalis ang mga ito at sya lang ang na iwan.

"Huh! Porket tulog ako di man lang ako inaya na gumala ng mga yon? Tsss! Happy family ha!"

Pag labas nya ng terace napaisip sya kung nag babike ba sya o mag atv car nalang dahil nga tinatamad sya ng araw na yon ayaw nya ring mag pedal.

"Sige atv na nga lang. Pero san naman ako pupunta? Haysss... Nagugutom na ko. Makakain na nga muna."

Pumasok syang muli at nag punta sa kitchen...

"Tsk! Parang gusto ko nalang pala kumain sa jollibee. Mag microwave pa ba naman ako."

At dahil tamad na tamad nga sya kahit mag init lang ng pagkain nya ay di nya magawa napag pasyahan nalang nya nag mag punta sa isang fast food resto na malapit sa kanila.

"Nice, walang masyadong naka park."

Pag baba niya ng atv car nya may biglang tumawag sa kaniya ng "K!!!"

"Hmm?"

Pag lingon ni Kelly...

"Lervin?"

"K!!!"

"Nasa Manila ka?"

Niyakap nil ang isa't isa sa sobrang galak.

"Um. Dito na ko ngayon mag titigil inilipat kasi ako ng boss ko eh."

"Really? San ka ngayon?"

"Ahm... Actually, kararating ko lang dito ngayon sa Manila at bigla akong na gutom kaya eto kakain sana ako diyan tas nakita kita dine."

"Oh... Ako rin eh tara sa loob treat ko."

"Nice! The best ka talaga K!"

"Sus! I know naman na mahilig ka sa libre. Don't me!"

"Hahaha... Okie. Let's go?"

"Um."

At pumasok na nga yung dalawa sa fast food resto kung saan madami rin silang napag kwentuhan ka agad. Bilang mag kababata naman sila eh... namiss nila ng sobra-sobra ang isa't isa.

"Eh? Malapit lang kayo dito?"

"Um. Kung wala ka pang nakikitang apartment pwede ka naman samin na muna."

"Eh?"

"Um. Matutuwa sila kuya kapag nakita ka lalo na si kuya Kian. You two are like teacher and student."

"Um. Di na nga kami nag kita ni kuya Kian simula ng dito na kayo nanirahan sa Manila."

"Yeah. Ahm... Mag sasakyan ka ba?"

"Um. Dala ko yung kotse ko."

"Oh... Sige mamaya you just follow me nalang pero pumunta munat tayo sa grocery store para bumili ng ilang kakailanganin mo. Alam kong kulang kulang ka sa dala."

"Hahahaha... You know me well."

"Yeah. Ah, nga pala... Balita ko artista daw ang girlfriend mo. Taray! Kabogera ka pala."

"Issue ka! Paano ko mag kaka girlfriend eh ngayon palang kita nakita uli."

Kelly bonked him "sira ulo!"

"Eh, ikaw... Sabi satin dun sa province girlfriend ka raw ng may ari ng SM?"

"Shhh... wag kang maingay baka mamaya may makaranig sayo!"

"So, totoo nga? Luh! Nag bago na ang K na nakilala ko nung bata ako."

Kelly bonked him again "ewan! Kumain ka na nga lang mamaya na tayo mag usap pag nasa bahay na bilisan na natin para ma surprise sila kuya pag nakita ka."

"Yes Ma'am."

Samantala sa labas ng fast food resto hindi alam ni Kelly na pinapanood na siya ni Patrick habang nasa kotse ito.

"Yo-- Young Master? I... I think pinsan naman ni Young Miss yung kasama nya wag nyo po sana syang ma misinterpret."

"Umuwi na tayo."

"Po? Pero hindi po ba balak nyo surpresahin si Miss?"

"Surprise? Huh! Ako ata ang na surprise dito. Umuwi na tayo!"

"O-- Opo."

Makalipas ang isang oras ng makauwi sila Patrick dumating sa mansion si Richmond.

"Welcome home young master." Sambit ng isang kasambahay.

"Si Patrick andito na ba?"

"Opo nasa kaniyang silid na po."

"Okay. Paki dalhan mo kami ng tea. Salamat."

"Opo."

At pumunta nga itong si Richmond sa kwarto ni Patrick pero ayaw sya agad nitong pag buksan ng pinto.

"Hey, open the door. Minsan lang ako nandito pag bigyan mo na kong makita ka."

Click.

Pag bukas ni Patrick ng pinto "oh? Okay na? Nakita mo na ko. Bye."

"Te-- Teka lang."

Hindi na kumibo si Patrick at isasara na sana ang pintuan pero na harang agad ito ng kuya nya na nag pumilit pumasok.

"Ano ba?! Labas!"

"Ito naman! Parang others eh. Ano bang problema at wala ka sa mood?"

Nahiga sa kama si Patrick "just close the door pag labas mo."

"Teka lang! Mamaya kana matulog sabi mo madami kang ginagawa."

Binuksan ni Richmond ang kurtina sa may balcony at lumabas "tara dito mag chill ka muna."

At na upo na nga roon si Richmond na para bang chill na chill.

Patrick sighed at nag tungo na rin sa may balcony "ano na namang kailangan mo?"

Hinila naman ni Richmond ang kapatid para maupo "chill ka lang! Wala akong kailangan kung iniisip ko na gaya pa rin ako ng dati pwes nag kakamali ka babawi ako sa inyo at pangako di na ko babalik sa dati kong gawain."

"Just do it! Dami mo pang sinasabi."

"Ito naman! Bakit ba parang wala ka sa mood? Maaga pa ah, matutulog ka na nga?"

"Wala ka na don! Sige na."

"Teka! Nag away kayo ni Kelly?"

"None of your business."

"Okay, okay... Di na ko mangingialam sa love life mo. Pero eto payong kapatid dahil minsan mahirap talagang intindihin ang mga babae at nakikita mo naman yun sa ate May mo at kay Mommy. Kaya..."

"Kaya?"

"Oh, now you're interested to me na."

"Tsss!"

"Hahahaha... Manang mana ka talaga kay Mommy napakadaling uminit ng ulo. Pero bilang lalaki dapat tayo ang na uunang mag sorry kahit pa tayo ang may kasalanan sa girlfriend natin."

"Huh! What?"

"Um. Sabi nga ng iba "happy wife is a happy life" oo nga at di mo pa asawa si Kelly pero pwede mo namang i-apply ang motto na yun sa buhay nyo. Once na masaya yung babae masaya ang pag sasama nyo."

"Huh! Maka pag salita ka parang love guru ah. Eh ikaw nga itong may malaking problema sa love. Ano ng gagawin mo kay Ms. Maricar? Di na yun bata napag iiwanan na wala na rin ang edad sa calendar ikaw pa rin ata ang inaantay."

"Heh! Alam ko ang ginagawa ko kaya nga nag propose na ko sa kaniya kanina eh. Kaya gusto kota makausap."

"Wha-- What? Pro-- pose? Nag propose ka ng kasal kay Ms. Maricar? Alam na ba ito ng family?"

"Hindi pa, ikaw ang gusto kong unang makaalam."

"Hmmm?"

"Um. Remember nung mga bata pa tayo... Parati rin tayong andito sa balcony para tumambay lang at nabanggit ko nun na kapag nag propose ako gusto ko nasa balcony rin ako para romantic with candle light dinner."

"Wow! Baliw ka na kuya!"

"Ano?!"

"Bata ka pa nun at nasabi mo sakin na kapag nag propose ka ganun? Huh! Ibang klase ka bata-bata mo pa kasal agad ang iniintindi mo? Kaya ka siguro napapagalitan parati ni daddy non."

"Heh! Laking tanda ko naman sayo what I mean is syempre nung bata-bata pa ako."

"Just kidding. Pero anong sabi ni Ms. Maricar? Did she accept you?"

"Um."

"Really?!"

"Oo! Bakit parang gulat na gulat ka naman sabi mo nga matagal na akong inaantay ni Maricar kaya go! Nag propose ako."

"Eh, bakit di mo pa sinasabi kila mom and dad? Lalo na kay ate May na sure tuwang tuwa pag nalaman yung good news mo."

"Ayoko kasing madisappoint ka."

"Ako?"

"Um. Alam ko kasing nag propose ka na rin kay Kelly pero hindi mo pa sya pwedeng pakasalan."

"Hayssss... Si Johnsen talaga!!! Napaka daldal!"

"Wag ka ng magalit pero kaya bga gusto kitang makausap eh dahil nga doon."

"Okay lang. Don't bother I think I need to analyze everything before I made a decision again."

"Hmm? What do you mean?"

"Sa tingin ko kasi need muna namin ng space ni Kelly."

"Eh???"

Like it ? Add to library!

.

.

Don't forget to read my 2 another novels "Chasing Her Smile" and "Pride of Friendship" Thankies and Godbless y'all! ^_^

lyniarcreators' thoughts
Próximo capítulo