webnovel

Kabanata 107

Biyernes ng Umaga,

"Okay, tara na mga bro's male-late na tayo anong oras na oh." Ang sabi ni Kian at nagsi labas na sila Kim ta Kevin at nung pasakay na sa kotse "Oh, baka may nalilimutan pa kayo hindi na ko babalik may seminar pa ako sa ibang shool kaya kailangan ko na talagang mag madali." Dagdag pa ni Kian.

"Wala na ko." Ang sabi ni Kevin at sumakay na sa sasakyan.

"Ako rin wala na." Ang sabi rin ni Kim

"Oh, siya sige tara na yung gate Kim paki buksan muna bago ka sumakay."

"Sige Bro." At binuksan nga ni Kim yung gate.

"Okay, tara na."

"Alright." Anila Kevin at Kim at nung medyo nakakalayo- layo na sila sa bahay nila may bigla silang naalala "Sandali lang." Anila.

"Mga kuy's parang may nalimutan ata tayong mahalagang mahalaga." Ang sabi ni Kevin.

"Pakiramdam ko nga rin eh wala kasing nahilek sa sasakyan." Ang sabi naman ni Kim.

"Anak nang!" Ang pagulat na sabi ni Kian at sinabi nilang tatlo na "SI BUNSO!!!"

Samantala, sa bahay nila Kelly "Eh? Nasan na yung sasakyan? At sila kuya?"

"Good morning Kelly." Ang bungad naman ni Rica na kagagaling lang sa trabaho.

"Morning ate Rica si Jacob po nasa loob inaantay na kayo."

"Ahhh...oo may pasalubong nga ako sa kaniya pero sandali lang may pasok ka ba?"

"Opo, pero nakita niyo po ba sila kuya?"

"Ha? Hindi pero parang nakasalubong ko yung kotse ng kuya Kian mo."

"Ano? Iniwan nila ako???"

"Ah...eh...baka nalimutan ka?"

"Sigh...pambihira! Sige na po malelate na ko nito eh."

"Kung gusto mo ihahatid na muna kita."

"Ho? Hindi na kakahiya naman po puyat pa kayo eh tsaka inaantay na kayo ni Jacob sa loob."

"Pero paano ka?"

"Bahala na po si One Punch Man....sige po GTG..." At kumaripas na sya ng takbo.

"Ke----lly!!!!! Ang bilis niyang tumakbo infairness pero ano raw yon? Hindi ba dapat "Bahala na si Batman" yun? Nabago na ba? At ano raw yung GTG?" Ang nasabi ni Rica pagka alis ni Kelly.

"Mommy?"

"Baby..." Niyakap naman ka agad niya si Jacob "Sino pong kausap niyo?"

"Ahhh...yung tita Kelly mo kaso umalis na baby, alam mo ba yung ibigsabhin ng GTG?"

"GTG?"

"Oo sabi ng tita mo yun pagkaalis niya tsaka napalitan na ba yung saying na "Bahala na si Batman?" naging "bahala na si One Punch Man" na ba?"

"Eh? Malay ko po pero alam ko po ang GTG eh "got to go" tapos yung "one punch man" naman po anime po yun sigurado naman akong hindi niyo rin yun magegets kaya wag niyo nalang pong tanungin at baka hindi pa kayo makatulog niyan pang gabi pa naman kay mamaya."

"Ikaw talagang bata ka, Opo eto na sya halika na umuwi na tayo satin."

"Dito na po kayo matulog sa kawarto namin ni daddy wala naman siya dine eh."

"Pero baby nakakahiya may bahay naman tayo eh tsaka hindi ba napag usapan na natin ito?"

"Sigh...sige na nga po ano po yang dala niyo?"

"Ahhh...cake halika kain natin?"

"Sino pong may birthday?"

"Wala naman naisipan ko lang bumili ang cute kasi ng design naalala kita bigla."

"Talaga po? Love you mommy sige nga po buksan niyo patingin po ako."

At binuksan nga ni Rica yung kahon ng cake at nakita ni Jacob na "piggy" yung design ng cake kaya na pasigaw siya ng "MOMMYYY!!!!!!"

"Ahahahaha...ang cute di ba? Love you anak."

"Humph! Love you din po."

Mabalik tayo sa pagtakbo ni Kelly "Sigh...nakakapagod pala bakit wala paring lintek na tricycle dine sa subdivision na ito? At bakit iniwanan ako ng mga lintek kong kuya? Mga bwiset na yon sabi kong sandali lang at may kukunin ako sa kwarto ko iniwanan na ko agad?" Hingal na hingal siya nung nakarating sya sa may waiting shed ng kanilang subdivision at nakita niyang may dadaang jeep kaso may pumara na mga sasakay sa bandang unahan niya kaya hindi siya nakasakay "Putek! Pag nga naman minalas-malas tumakbo ka na nga palabas ng subdi.tapos pag labas pa dine punuan naman ang jeep. Jusmiyo marimar! Lagot talaga sakin yang sila kuya hindi man lang ako talaga binalikan ng mga lintek."

"Beep....Beep..."

"Wow...ang ganda naman ng sports car na yan sino kaya sa mga nandito ang kasamahan niya?" Ang sabi ni Kelly sa isipan niya at noong bumukas ang bintana nung sasakyan nakita niyang si Axel yun "Kelly!!!" Anito.

"A----axel?"

"Tara na sumabay ka na."

Sa isip-isip ni Kelly "Ene dew? Nekekeheye nemen.."

"Kelly?"

"Ha? Pero hindi na mag ji-jeep nalang ako."

Sa isip-isip niya "Pilitin mo pa ko nakakahiya naman dine sa mga kasabayan ko kung papayag agad ako."

"Sige na male-late na tayo." Bumaba si Axel ng kotse niya para alalayan si Kelly na sumakay "Sige na sumakay ka na."

"Sige na nga."

"Ayos..."

At habang sumasakay naman si Kelly sa kotse ni Axel hindi niya alam na binalikan sya ng mga kuya niya at nakita nilang sumasakay sa ibang kotse ang kapatid nila "Si Kelly ba yon?" Ang sabi nila Kian.

"'Oo si Kelly nga yun bro pero sino yung nag pasakay sa kanya?" Ang sabi ni Kim.

"Palagay ko isa yun sa kaklase niya parang nakita ko kasi yung lalaki na yan sa DLRU." Ang sabi ni Kevin.

"Aba't sandali nga!" Bababa na sana si Kian pero pinigilan siya ni Kevin "Bro, wag na male-late na tayo at sure akong hindi na bababa doon si Kelly galit na yun satin kain iniwanan natin siya."

"Pero...."

"Hayaan mo na bro knowing Kelly sure rin akong tama si Kevin sa mga sinabi niya kaya mabuti pang bumalik na tayo."

"Sigh...tsk...humanda sya sakin pag uwi natin mamayang hapon."

"Yeah..."

"Ako ng bahala aalamin ko kung sino yung lalaking yon itatanong ko kay Mina."

"Sige alamin mong mabuti kung hindi ikaw ang tatamaan sakin."

"Oo na!"

Sa DLRU,

"Guys, ano tuloy ba kayo sa Sunday?" Ang sabi ni Harvey.

"Oo pre ano bang oras?" Ang sabi ni Patrick.

"Uhm...kahit anong oras ayos lang pero sana umaga tayo umalis."

"Ha? Bakit?"

"Taga Batangas kasi ang lola ni Harvey." Ang sabi ni Mimay.

"Alam mo?" Ang sabi ni Dave.

"Paano namang hindi eh bata palang sila ni Harvey mag best of friends na sila and syempre ako." Ang sabi naman ni Vince.

"Ohhh...hindi mo ata nabanggit yun sakin Mims."

"Ah...eh...hindi naman yun mahalaga tsaka mga bata pa naman na kami nun."

Medyo na lungkot naman si Harvey nung narinig niya yun at napatingin naman sa kaniya si Dave "Ahem...Anyways, bakit naman sa Sunday pa talaga kayo nag pa schedule ng pag punta doon?" Ang sabi ni Vince.

"Oo nga pala birthday mo rin yun." Ang sabi ni Mimay.

"Yeah.."

"Edi, dun nalang tayo mag celebrate."

At sinabi nila ni Mimay at Vince na "YEAH...BOODLE FIGHT!" Nagulat naman sila Patrick at Dave dun sa tatlo "Mukhang close talaga kayo ah." Ang sabi ni Dave na medyo na out of place.

"Ahhh...oo naman elementary palang mag kakaklase na kami ng mga yan." Ang sabi ni Vince.

"Yeah...at nakakamiss ang mag boodle fight sa may tabing ilog." Ang sabi ni Mimay.

"Andoon parin ang hideout natin pina ayos nila tatay nung umuwi kami ng last summer vacation." Ang sabi ni Harvey.

"Oh? Yung duyan ko andun pa kaya?" Ang sabi ni Mimay.

"Ahhh...oo naman naka tago pa doon tsaka sirang gulong yun eh buhay na buhay pa yon."

"Oh? Buti naman ayos yan nakakamiss tuloy."

Lumapit naman si Vince kila Parick at Dave na parang nang iinis "Selos ka?" Ang pa bulong niyang sabi.

"Huh! Bakit naman? Para duyan? Kaya kong bilhan si Mimay ng sampung duyan kung gusto niya."

"Talaga lang ha?"

"Dude naman suportahan mo naman ako."

"Heh!"

Ipinagpatuloy naman nila Harvey at MImay ang kanilang usapan at nag iba na ng usapan yung tatlo "Nga pala, sabi niyo kayong tatlo lang ang mag kakaklase nung elementary? Na saan si Master nung mga panahong iyon?"

"Ahhh...online education kasi siya noong nag simula siya mag aral."

"Oh? Para pala siyang si Paula di ba Dude?"

"Ahh...O---oo nung nag kinder at nag elementary siya."

"Oh? Yung kapatid mo? Ilang taon na nga ba sya dapat?"

"Ahm...isang taon lang kasi ang tanda ko sa kaniya kaya kasing edad lang din siya ni Kelly."

"Ohhhh...I see, kaya naman pala kala ng kuya mo eh si Kelly ay si Paula."

"Yeahh..." Ang reaksyon nung dalawa.

"Uhm...bakit nga pala online class si Kelly?"

"Oo nga bakit hindi niyo naging kaklase si Master noon?"

"Yun ba? Nito lang sya nag aral sa actual na school."

"Nitong college?" Anila.

"Yep, sobra kasi talaga syang mahiyain, grabe"

"Kaya pala naman ikaw lang halos lagi niyang kausap at kasama kahit nga sila Mimay at Harvey bibihirang pinapansin ni Master parang sa pilitan pa nga minsan."

"Oo kahit mga kamag anak namin noon hindi niya kinakausap lagi lang siyang nasa kwarto niya ayaw niyang nakikihalubilo sa ibang tao naaalala niya kasi yung pagkamatay ng daddy nila."

"Ohh...oo yun yung unang nagkita ay...I mean unang away nila dude at ni Master."

Bineltukan naman siya ni Patrick "Oo alam ko! Kailangan mo pa talagang ipaalala?"

"Hindi naman baka lang kinalimutan mong pinaiyak mo noon si Master."

"Aba't! Hindi ka ba titigel?! Sasabihin ko kay ate bawiin na ang motor mo pag di ka tumigil diyan."

"Ikaw naman hindi ka na mabiro, change topic na nga tayo Vince dun na tayo sa nag sorry si Patrick kay Master."

"DAVE!!!!"

"Ahahahaha...GTG!" at kumaripas na nga si Dave ng takbo papalabas ng kanilang classroom.

Próximo capítulo