Now playing: Always be my baby
Adriana
Maagang-maaga pa lamang kinabukasan ay pumunta na ako sa mansion kung saan bihag ni daddy si Zion. Sa wakas, pagkatapos ng halos dalawang linggo eh natupad ko rin ang bagay na iniiwasan kong mangyari. Dahil sa ngayon, handa na akong harapin ito.
Nasa dibdib ko parin ang galit at puot dahil sa nagawa niya. Hanggang ngayon ay hindi ko parin nakakalimutan ang pait na ibinigay nito sa akin. Ang puno't dulo ng lahat kung bakit hindi na ako nagagawa pang tignan ni Rae katulad ng dati. Kinuha niya at inilayo nito sa akin ang pinaka importanteng tao sa buhay ko. Ngunit nakapag desisyon na ako, alam kung mahirap, pero alam ko rin na tama itong gagawin ko.
Ang patawarin ito. Lately, ang dami-dami kong gustong iparanas kay Zion. I want him to suffer like me. I want him to feel the pain I am experiencing now. Pero....alam kung kahit na anong gawin ko, hindi na magbabago pa ang katotohanan na nawala na ang alaala ni Rae. At isa pa, kapag ginawa kong idaan sa dahas ang lahat katulad niya, wala na akong pinagkaiba sa kanya. Magiging katulad na rin niya ako.
Alam kong may paninindigan ako, katulad ng sinabi ko noong una, hindi ako tumitigil hangga't hindi ko naparurusahan ang mayroong kasalanan sa akin, pero nagbago na ang lahat ng iyon the moment I saw Rae. She really changed everything about me. Ang matigas kong puso ay malambot na ngayon dahil sa pagmamahal niya.
Pagmamahal niya na hindi ko alam kung saan na napunta ngunit alam kong babalik iyon, in the right time.
I want to forgive Zion not because he deserves it, but because that is what Chesca wants for me. And even though Rae remembers me now, I know that's also what she wants me to do, to forgive.
And one more thing, I will do it for myself. Because I do not want to be imprisoned forever in the past. Maybe the suffering that Zion experienced when I accidentally shot her wife was enough. That to this day my conscience continues to haunt me.
"What does it feel, Adriana? Huh? How does it feel to be forgotten by the person you love?" Sabay ngisi na tanong nito sa akin noong nasa harapan na niya akong muli.
Maga ang magkabilaang mata nito, basag na nguso at duguan ang damit. Naka gapos ito sa isang bakal na silya, habang ang kanyang dalawang paa ay nakatali rin. Halatang nanghihina na ito at nangayayat na rin dahil for sure, kahit tubig ay hindi siya binibigyan ng mga tao ni daddy. His lips were dry and his skin was yellow.
Pinilit kong huwag magpakita ng ano mang emosyon sa sinabi nito, bago ibinuhos sa kanyang mukha ang tubig mula sa balde na aking hawak. Uhaw na uhaw na napapadila ito sa kanyang labi na nabasa ng tubig.
"Kill me Adriana, just like you did to my wife. So that I can be with her again, please." Pakiusap nito at biglang na paluha.
Bigla akong napatingin sa ibang direksyon, suddenly my heart ached, maybe Zion would not take revenge if I did not do that. If until now his wife is still alive. Dahil kung ganoon din ang mangyayari sa akin, gagawin ko rin ang bagay na ginawa niya, pero iba ang sitwasyon namin ngayon, wala mang maalala si Rae pero buhay siya. Patuloy na nakikita ko ang mga ngiti niya at naririnig ang boses niya, hindi katulad sa yumaong asawa ni Zion.
Naghintay muna ako ng ilang segundo bago muling sinalubong ang mga mata niyang nalulungkot.
"I'm sorry, Zion. But I will not kill you because I am not like you. I want you to regret what you did for the rest of your life, because I would not have killed your wife if it had not been for you. Because you, yourself, brought her into such this situation." Ramdam ko ang pag galaw ng aking sariling mga panga. Totoo naman ang sinasabi ko, diba? Hindi mangyayari iyon sa asawa niya kung hindi dahil sa kanya.
"If you had been a good husband, if you had not made illegal transactions here in the Philippines, you would not have lost her, she would not have been affected by your chaotic life---"
"That's enough...please!" Napapangawa na sambit nito at mararamdaman mo ang sakit sa mga salitang kanyang binibitiwan. "I know it's my fault...p-please, I'm begging you. Just fcking kill me!"
Ngunit nagmatigas parin ako atsaka napa iling.
"There's something I can do for you, Zion. Here in the Philippines, there is a law enforced, and God also has a law so I will not break it, just for now." Kunot noo na napatingin ito sa akin at sa paligid, lalo na noong mayroong pumasok na mga kapulisan sa loob ng silid kung saan siya ikinulong si daddy.
Sinubukan pa sana nito ang mag protesta ngunit huli na. Buo na ang desisyon ko, ang batas na ang bahalang humatol sa kanya. At sisiguraduhin ko sa abo't ng aking kapangyarihan na hinding-hindi na siya makakalabas pa ng kulungan. Hindi lamang siya sa akin nagkasala, o maging kay Chesca at Rae. Nagkasala siya sa buong bansa at sa mga kapwa Pilipino na nag buwis ng buhay noon sa MOA.
I know I'm not perfect, I have mistakes too. But Zion, he deserves it all because so many lives have been affected and damaged because of him.
-------
Lumipas pa ang ilang araw, naging abala na akong muli sa Restaurants and Baylight. Because next week, I have plans to go to Palawan to visit another branch of the restaurant there. It's been a while since I last visited there. I was with mom then, and besides, I miss her too. She does not often come here to Manila because she prefers to live and stay in the Province. Kaya syempre, dadalawin ko na rin naman ang branch doon, bibisitahin ko na rin naman siya.
Hindi man kami madalas magkasama at magkita, alam nito ang lahat ng bagay na nangyayari tungkol sa akin. As in, lahat! Updated siya sa lahat.
My mom is not a typical mother like everyone else, she has a very strong personality like daddy, no, actually, sometimes she is even braver than my father. She's also not sweet person, but when it comes to me, she becomes like a melting sugar. She did not often show her weakness, just like when she found out about the explosion at Rae's concert, she did not panic because she knew that I could handle everything, except for something that I have been very upset about until now. Ang mawala ang alaala ni Rae. But it's fine.
Dahil ngayong nasa bilangguan na si Zion, malaya na akong magagawa ang lahat ng plano ko para kay Rae. At hindi ako titigil, hangga't hindi bumabalik ang kanyang alaala para sa akin.
Rae
Ilang gabi na akong walang maayos na tulog, ewan ko ba, kung bakit sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, ang imahe ng babaeng iyon ang palaging naiisip ko. Si Adriana.
Paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili na tama na. Pero ayaw magpapigil ng mga brain cells ko. Nahihirapan na ako, ilang araw na rin akong balisa dahil sa totoo lang, pakiramdam ko nagiging unfair na ako kay Sommer. Dahil kahit magkasama kami, bigla na lamang papasok si Adriana sa isipan ko na parang isang virus. Argh!
At ngayon nga, hapon na nang magdesisyon ako na lumabas ng aking lungga. Hindi pa naman kasi ako ngayon pinababalik ng trabaho, pero nandoon na ang dobleng pag-iingat ni Jess para sa akin kaya palagi na lamang akong naka kulong sa penthouse.
Nagmamaneho ako ng aking kotse ngayon, hindi ko rin alam sa aking sarili kung saan ako papunta. Everything is new to me now, because since I got out of the hospital, ngayon lamang ako muli nakapag maneho ng sasakyan.
Maging ang daan na tinatahak ko ngayon, hindi ko ito kabisado. Pero parang alam na alam ko na at matagal ko na itong dinadaanan. Para bang...para bang kusa na lamang akong dinadala ng aking mga paa ng hindi ko namamalayan, ng hindi ko kontrolado.
Mas binilisan ko pa ang aking pagpapatakbo, hanggang sa bigla na lamang may sumabay sa akin na isang itim na big bike. Of course, hindi ako magpapatalo. Mas binilisan ko pa ang aking kotse, pero ayaw rin nitong magpatalo nang bigla siyang nag over take sa aking sasakyan hanggang sa aksidenteng tumama ang dulo ng bike nito sa hood ng kotse ko.
Mabilis ang mga paa na napa preno ako noong makita kung paano ito magpa gulong-gulong sa kalsada kasama ng kanyang sinasakyan. Agad na napatakip ako ng aking labi atsaka nanginginig ang mga kamay na binuksan ang pintuan ng kotse bago mabilis na bumaba.
Pagkatapos ay patakbo akong nagtungo sa taong iyon na ngayon ay nasa ilalim na ng kanyang big bike. Walang malay. At hindi ko alam kung huminga pa ba.
May iilang sasakyan na rin ang napahinto upang tignan ang nangyari. May ilan na tumatawag ng rescue habang ang iba pa ay kinukunan ako ng litrato pero wala sa mga iyon ang pinagtuunan ko ng pansin.
Sinubukan kong hawakan ang kamay 'nong taong nasa harap ko pero hindi iyon gumagalaw, sinusubukan ko itong gisingin pero ayaw talaga. Mabuti na lamang at naisipan kong tanggalin ang helmet dahil baka sa sobrang higpit nito kaya mas lalo siyang hindi makalanghap ng hangin.
Ngunit ganoon na lamang ang laking gulat ko noong makita ang mukha ni Adriana na naka ngisi, habang naka tingin sa akin ng nakakaloko.
"Are you nervous?" Tanong nito sa akin habang napapataas baba pa ng kanyang kilay na parang isang biro lamang sa kanya ang lahat. "Do I make you nervous?" Dagdag pa niya.
Mabilis na napatayo akong muli bago napa face palm.
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang akong naluha ng hindi ko inaasahan. Basta ko na lamang naramdaman ang namamasa kong pisnge dahil sa umaagos na luha mula sa aking mga mata. Bigla akong nasaktan noong makita siya sa ganoong sitwasyon. Hindi ko maintindihan. Natakot ako bigla nang malaman na siya iyon dahil ang buong akala ko, hindi na ito huminga.
Nakita ko ang dahan-dahan nitong pagtayo para sana lumapit sa akin nang pigilan ko siya. Her smile really annoys me. Why did she do that? To have fun? Is it because she wants to play with me? Huh?! Is it fun for her?
At isa pa, ang hindi ko maintindihan, eh kung bakit ako nasasaktan ngayon?! Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.
I was about to turn my back on her when my head suddenly hurt.
"You have a nice voice!" Komento nito. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil medyo madilim sa parte kung saan kami naroroon.
"Oh shit! I'm in love." Hindi ko napigilang banggitin iyon habang naka tingin parin sa kanyang mukha.
"Excuse me?" Mataray na sambit nito bago ako muling binugahan ng usok na mula sa kanyang sigarilyo.
"Then maybe you won't mind if I call you, love. Right, love?" Atsaka ko siya binigyan ng most adorable smile na meron ako.
I was on the rooftop then, with a stranger woman. I could not see her face very well, but her voice was very familiar. And that is none other than...Adriana.
Wait...is that one of my memories of her? And my heart, why did it beat so fast when I thought of her name?