Ilang linggo na kaming nagkikita ng palihim ni sir Paul. I'm enjoying it. Kahit na minsan ay kinakabahan kaming mahuli ay lagi pa rin kaming nagkikita. Wala na rin naman akong pake kung mahuli kami, ilalaban namin 'to.
Nasa room ako ngayon, as usual, maingay na naman ang klase. Kakatapos lang din ng exam namin at ina-access nila 'yong answers nila.
Habang ako ay confident sa answers ko dahil inaral ko talaga ito. I'm inspired and motivated.
Nasa harap ang teacher namin at mabilis na nagche-check ng papers namin.
Si Limuel naman ay tahimik lang sa tabi ko dahil may ginagawa. Gano'n pa rin siya, kinukulit ako lagi.
"Ange, anong chapter 'yong coverage ng exam mamaya?" Tanong niya, aligaga ito. Halatang ngayon lang magre-review.
"Chapter 6-10."
"What? Seryoso?"
Tumango ako.
Bahagya itong nagdalawang isip bago simulan ang paghahanap at pagbabasa.
Tapos na akong mag review kaya chill na lang ako.
Maya-maya pa ay tumayo na ang teacher namin. Halatang masaya ito sa naging result ng exam namin.
"Wow, class! Most of you passed the exam. I'm so happy with that. Gusto niyo bang iannounce 'yong mga nakapasa sa exam?"
"Yes ma'am!" Excited na sagot nila.
"Sa mga bumasok, study more. Hindi ko na iaannounce 'yong scores niyo but I need you to study more. Clear?"
"Yes ma'am."
Medyo kinakabahan na ako. Ilan kaya ang scores ko? Nag-review ako kaya lang baka may questions na nakalimutan ako or what.
Nagsimula nang mag-announce si ma'am. Ang dami ngang nakapasa. Including Limuel na tuwang-tuwa na nakapasa.
"Ito, two mistakes lang. 148/150 'yong scores niya." Sabi ni ma'm at lahat sila ay kinabahan.
Nang sinabi ni ma'am na 'yong president namin 'yon ay nawalan na ako ng pag-asa.
Bagsak pala ako? Nag-aral pa naman ako. Nagpuyat pero babagsak lang din naman pala ako. Hays.
"Wait, there's more. May isang naka-perfect ng exam niyo. I'm very happy to announce that she is Angelica Samson!" Nagtinginan sa 'kin ang mga kaklase ko.
May ibang natuwa at 'yong iba ay masama ang tingin sa 'kin.
"I'm so proud of you, Samson. Keep it up! Kaya, gumaya kayo kay Samson, class. Study harder. Kung siya nga nakaya, kayo pa kaya? At sa mga pumasa, congratulations!"
Nagpalakpakan sila. Masayang-masaya sila dahil karamihan sa 'min ay pumasa.
No hard feelings naman sa president namin dahil mukhang masaya siya na highest ako. Mukha ring proud siya sa nakuha niyang score.
Pero may part sa 'kin na hindi masaya. Kasi huhusgahan na naman nila ako. Aalamin ang mali kung bakit ako perfect. Pero wala silang makikita dahil fair ako sa lahat. Hindi ko kailangan ng perfect score, ang sa 'kin lang, nag-aral ako at ginawa ko ang best ko. May mali ba do'n?
"Wow, congrats Ange! Ang galing mo naman! Lumalabas na ang katalinuhan mo ah. Pa share it naman." Sabi niya habang tumatawa.
Natawa na rin ako sa sinabi niya. Nakaka-proud kapag may proud na magaling ako.
Parang tuloy-tuloy na ang pagganda ng buhay ko ha. Parang nag-eexist na talaga ako.
Kailangan ko pa ba 'yong letters ko? Mahahanap ko pa ba 'yon?
Pero kailangan ko pa ring alamin kung sino ang kumuha no'n. Baka kasi ibigay niya or basahin niya eh.
"Samson." Tawag sa 'kin ng guro namin kaya agad akong tumayo.
Ang sama ng tingin ng iba naming kaklase sa 'kin.
"Paki-tulungan mo naman ako, please. Mabigat kasi 'to, tulungan mo akong dalhin sa faculty." Sabi niya at inabot sa 'kin ang maraming test paper.
May mga bitbit din siyang ibang test papers mula sa ibang section.
"Goodbye, class."
"Bye, ma'am!" Sabi nila at nagsitayuan na. May iba namang nagsasalamin.
"Let's go?"
Tumango ako at sumunod sa kanya.
"Ang galing mo ha. Gusto kong imaintain mo 'yang ginagawa mo."
"Sige po, ma'am."
Nang makarating kami sa faculty ay may mga teachers na nag-uusap.
Rinig na rinig sa labas ang pinag-uusapan nila.
"Oo raw, may asawa na nga raw si sir Paul." Sabi ng isanf teacher.
"Ay sayang, crush ko pa naman 'yon."
"Ako nga rin eh. Ang gwapo at ang ganda ng katawan niya. Kaya lang no'ng mabalitaan kong may asawa na siya na nasa probinsya raw ay hindi na ako nahumaling."
"Wala naman kasi siyang sinabing may asawa na siya."
Nang makapasok na kami ay hindi pa rin sila tumigil sa pinag-uusapan nila.
"Sayang naman. Kala ko pa naman may gusto sa 'kin 'yon kasi ang bait at gentleman niya."
"Hindi lang naman sa 'yo, ma'am. Sa lahat naman." Sabi nito habang tumatawa.
"Pero kung gano'n naman kagwapo ay handa akong maging kabet."
"Ay ikaw talaga ma'am Ann, palabiro ka." Sabay silang tumawa.
Totoo ba? Parang nadudurog ang puso ko.
Gusto ko siyang puntahan sa klase niya.
Gusto kong tumakbo at tanungin siya kung totoo ba ang nalaman ko.
Masakit.
Sobrang sakit. Ilang linggo pa lang kami ay ganito agad ang malalaman ko.
Bakit gano'n? Ang bilis naman.
Ang bilis namang napawi 'yong kasiyahan ko. Ang bilis maglaho. Parang bula lang.
Karma ba 'to?
Bakit parang pinaparusahan ako ng mundo?
Ayaw ko siyang mawala. Ayaw ko pang mawala ang kasiyahan ko.
Pero, bakit ganito kasakit?
"Samson?" Dahan-dahan akong tumingin sa guro namin.
"Ayos ka lang?" Hinawakan niya ang braso ko.
Lumingon ako sa mga teachers sa faculty na nakatingin din sa 'kin.
"Opo, ma'am." Lumunok ako. Kinagat ko ang labi ko dahil sa mga luha kong pilit na kumakawala. And I hate this.
"Sige na, balik ka na sa classroom mo. Keep it up, okay?"
"Yes, ma'am."
"Thank you for helping me."
Nginitian ko siya bago lumabas ng classroom.
Nang makalabas ay bumagsak ang luha ko.
Tumakbo ako sa CR. Nakayuko lang ako habang papasok dito.
Ang sakit. Gusto ko siyang tanungin pero ayaw kong malaman ang totoo, natatakot ako. Paano kung totoo nga ang pinag-uusapan nila? Paano ako?
Ayaw ko siyang mawala. Ayaw kong mawala 'yong nag-iisang kaligayahan ko.
I'd rather lose myself than lose him.