webnovel

PROLOGUE

"DO I LOOK BEAUTIFUL NOW, MOMMY?" tanong ng batang babae sa ina.

"You are beautiful, Kaze." Pinagmasdan ni Aliya ang anak sa salamin.

Parang kailan lang ng pinanganak niya ang batang ito pero heto na at walong gulang na. Lumaking maganda ang anak niya at lahat ng katanginan na meron ito ay nakuha sa asawa niya. Girl version ito ng ama. Hinalikan niya sa noo ang anak. Tumayo siya. Ngayon lang siya ulit nagkaroon ng pagkakataon na makasama ito. Ilang buwan din siya sa ibang bansa para asikasuhin ang negosyo ng pamilya. Kasama niya ang asawa kaya na iwan ang anak nila sa pamamalaga ng mga katulong.

Panatag naman ang loob niya dahil lahat ng katulong nila ay matagal na sa pamilya. Kaze is safe with them.

"Bakit ba gusto mong maging maganda ngayon, anak?" hinarap niya ang anak. Lumuhod din siya para magpantay ang kanilang mukha.

Namula ang pisngi ni Kaze at yumuko. Pinaglaruan nito ang damit na suot. Hindi nakakailang nahihiya ito. Her daughter is very adorable child.

"Kasi po mommy. Pupunta po ngayon si Shilo."

Napangiti siya sa turan ng anak. "Oh! Ano ngayon kung pupunta ang Kuya Shilo mo? Madalas naman itong pumunta dito. Hindi ba at nandito siya noong nakaraang linggo."

Lalong namula ang pisngi ng anak niya. Nais niya sanang kurutin iyon ngunit pinigilan niya ang sarili. Hurting her daughter is the last thing she will do. Alam niyang masakit ang pisilin ang mataba nitong pisngi.

"Oo nga po mommy pero last week pa kasi iyon. Busy kasi siya sa studies niya at ganoon din ako. Matagal din po ang last week." Paliwanag ng anak niya

Mahina siyang natawa sa sinabi nito. "Kaya gusto mong maganda ka sa paningin niya?"

Tumungo ang anak niya. "Ang sabi ng friend ko sa school kailangan daw laging maganda para pansinin ako ni Shilo."

Hinawakan niya ang mukha ng anak. "Maganda ka na, Kaze. Hindi mo na kailangan pang magpaganda. Si Kuya Shilo mo lang iyon at saka maglalaro lang kayo."

Mukhang may batang paghanga ang anak niya sa Kuya Shilo nito. Ngayon niya lang naisip na lumalaki na pala talaga ang anak ngunit napakabata pa nito pero sa ganoong bagay. She is just eight years old. Gusto niyang pagtuunan nito ang pag-aaral nito. Wala siyang ibang nais sa anak kung hindi ang magkaroon ito ng maayos na buhay. In near future, mapupunta dito ang lahat ng meron sila mag-asawa at gusto niyang handa ito sa ganoong bagay.

Natigilan siya sa iniisip ng may kumatok at pumasok si Yaya Ariel. Napatayo siya ng tuwid at hinawakan sa kamay ang anak.

"Ma'am, nandiyan na po ang mga besita." Imporma sa kanya.

"Sige, yaya. Baba na kami ni Kaze. Pakihanda na ang pagkain."

"Sige po, Ma'am." Yumuko ito at iniwan sila sa kwarto ng anak.

Muli niyang hinarap ang anak. Ipinantay niya ang sarili dito. "Can mommy ask a favor to you, baby?"

Tumungo si Kaze. May ningning ang mga mata nito. Sigurado siyang nais na nitong bumaba at makipaglaro kay Shilo.

"Please behave, okay?"

"Yes mommy."

"That's my baby Kaze." Tumayo siya at hinawakan ang kamay nito. "Let's go."

Lumabas na sila sa kwarto ng anak at bumama. Nabungaran nilang naka-upo ang mag-asawang Wang sa sala at kasama nila ang bunsong anak na si Shilo. Nandoon na rin ang asawa niya at ito ang ka-usap ng mga ito. Mas humigpit ang hawak niya sa kamay ng anak ng nais sana nitong tumakbo. Sigurado siyang nais nitong lapitan si Shilo.

"magandang umaga sa inyo." Bati niya.

Tumayo ang pamilya Wang ng makita sila.

"Magandang umaga din sa iyo, Aliya." Bati ni Sheena at bumaba ang tingin sa anak niya. "Hello, our princess. Matagal din tayong di nagkita."

"Hello po, Tita Sheena, Tito Shawn." Magalang na bati ng anak.

"Ang ganda talaga ni Kaze, Aliya." Kumento ni Sheena.

"Kanino pa ba magmamana kung hindi hindi sa amin ni Franz." Lumapit sa kanya ang asawa at agad na ipinalot ang braso sa kanyang baywang.

"May inihanda kaming almusal. Tara." Sabi ng kanyang esposo.

Tumungo ang mag-asawa at humakbang sila papunta ng komedor. Habang naglalakad sila ay may napansin siya. Hinawakan niya sa braso si Sheena.

"Wala yata ang panganay mo?" tanong niya.

"Naku! Si Shan? Iyon at may sariling lakad. Magkikita daw sila ng mga kaklase niya" sagot ni Sheena.

"Baka nobya ang kikitain at hindi kaklase?" pabiro niyang tanong dito.

Tumawa si Sheena. "Hay, Aliya. Tama ka ng sinabi." Umiling si Sheena. "Hindi ko alam kung saan ba nagmana ang batang iyon. Nalaman ko na kaliwa't kanan ang nagiging nobya niya simula ng mag-aral ng high school. Natatakot nga kami at baka makabuntis ng wala sa oras."

"Pagsabihan mo na lang. Ganoon talaga siguro ang mga kabataan ngayon." Tumingin siya sa unahan.

Napangiti siya ng hinawakan ni Shilo si Kaze sa braso. Si Shilo ang bunsong anak ng mga Wang at napapansin niyang ibang-iba ang ugali nito sa Kuya nitong si Shan. Shilo loves to study. Napaka-achiever nito sa batang edad at ma-ipagmamalaki ito ng mag-asawa. Wala siyang masabi sa ugali ni Shilo. Kahit na nasa high school na ito ay nakikipaglaro pa talaga ito sa anak niyang si Kaze. Malapit ang dalawa sa isa't-isa. Hindi naman nakapagtataka iyon dahil madalas sa bahay nila si Shilo. Bakod lang naman ang pagitan ng bahay nila ng mga Wang.

"Tingnan mo ang dalawa, Aliya." Tinuro ni Sheena si Kaze at Shilo na ngayon ay inaalalayan ng huli na makaupo si Kaze. "Ang cute tingnan ni Shilo at Kaze."

"Oo nga eh." Sabi niya. "Alam mo bang gusto ng anak ko magpaganda dahil pupunta daw si Shilo dito." Natatawang kwento niya.

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Sheena. "Naku! Si Shilo naman parang nagbibinata. Hindi mapalagay kanina sa bahay. Ilang palit ng damit."

Natawa silang dalawa ni Sheena dahil sa kwenento nito. Natutuwa sila sa kanilang mga anak. Lalo siyang napangiti ng lagyan ni Shilo ng pagkain ang plato ni Kaze. There is something on this two. Ngayon palang ay natutuwa na siya sa nakikita.

"Sa tingin mo, Aliya. May future ba ang dalawa?"

Napatingin siya sa kaibigan at ngumiti. "Sa tingin mo, Sheena. Handa ka na ba na maging magbalae tayo sa paglaki nila?"

Natawa si Sheena sa tanong niya at hinawakan ang braso niya para makalapit sila sa kanilang mga asawa. Naging masaya ang pagsasalo nilang iyon. Pagkatapos nilang kumain ay pumunta sila sa entertainment room para magpalipas ng oras. Ganito ang gawain nila sa tuwing magkakasama ang pamilya at magkaroon ng oras. Minsan lang nilang gawin iyon. Maswerte na nga kung magyayari sa isang buwan. Pareho kasi silang busy sa trabaho.

Nasa gitna sila ng pangalawang movie ng mapansin niyang wala sa kwarto ang asawa at si Shilo. Nagpaalam siya sa mag-asawang Wang at iniwan sa mga ito si Kaze na nakatulog na. Lumabas siya ng intertainment room at hinanap ang asawa. Itinuro ng mga katulong ang asawa niya sa study room nito. Pagdating doon ay napansin niyang nakabukas ang pinto. Sinilip niya kung sino ang nasa loob. Nagsalubong ang kilay niya ng makita ang asawa at si Shilo na nag-uusap. Kakatok na sana siya ng mapansin ang seryusong pag-uusap ng dalawa.

"Shilo, napakabata mo pa para sabihin ang ganyang bagay." Seryusong sabi ng asawa niya. Hinawakan pa nito sa balikat ang bata.

"Pero Tito seryuso po ako. I will marry her." Nakikitaan din ng kaseryusuhan ang mukha ni Shilo.

Napahawak sa batok niya ang asawa niya dahil sa sinabi ng bata. "Hindi mo pa alam ang sinasabi mo, Shilo. Masyado ka pangbata para mag-isip ng kasal. Ilang taon ka pa lang."

"Alam kong bata pa ako pero alam ko po ang gusto ko. Gusto ko pong pakasalan si Kaze sa tamang panahon. Pakakasalan ko po ang anak niyo pagtungtung niya sa tamang edad."

Napasinghap siya ng marinig ang sinabi ni Shilo. Nanlaki ang mga mata niya. Tama ba ang narinig niya? Shilo is asking for her daughter hands. Hinihinggi na agad nito ang kamay ng anak nila sa batang edad. At talagang kay Franz pa ito nakipag-usap.

"Tito, I will take care of Kaze. Hindi ko po siya sasaktan. Iingatan ko po siya. Pangako po. Gustong-gusto ko po ang anak niyo."

Napakalmot na lang ang ulo nito ang asawa niya. Matigas din ang ulo ni Shilo. At hindi lang iyon, napakaseryuso ng mukha nito. Para itong hindi isang bata ng mga sandaling iyon.

----

First love story of Wang Family

Próximo capítulo