webnovel

Chapter 32

[Start of the party 8:00pm] Sylvan

Matapos naming makapasok kanina sa gate ay nandito na kami sa loob ng mansion nila Emia kung saan gaganapin ang party at nagsisimula na ring mapuno ang mga upuan sa bawat lamesa dahil karamihan sa mga bisita ay dumating na.

Matapos na ipakilala ng Emcee si Emia bilang ang nag iisang tagapagmana ng Meridiem Empire ay nagpakita na ito kasama ang kaniyang mga magulang habang papunta sa harapan.

Karamihan sa mga bisita na nasa party ay mga tagapagmana rin ng kani-kanilang family business at ang iba naman ay kasama sa mga may kapangyarihan sa lipunan na kasama ng kanilang mga magulang.

Palagay ko ay hindi lang ito basta birthday party dahil mukhang nandito ata sila para ipakilala ang kanilang mga anak kay Emia at sa pamilya nito.

[Lindoln]

Mukhang napansin na rin ni Sylvan ang bagay na ito ngayon.

Palagay ko wala pang napipili na ipapakilala ang mga magulang ni Emia na magiging fiancee nito pero kahit na ganun ay hindi kami dapat na maging kalmado dahil hindi pa namin alam kung ano ba talaga ang totoo sa birthday party na ito.

Kaya lang ayon kay Lliane at Nina ay nagkausap sila nila Emia kanina ng magkita sila at mukhang hindi naman ang tipo na lang ng magulang ni Emia ang basta na lang pipilitin siya sa isang business marriage.

[Lliane]

Halos karamihan na sa lahat ng dumalo ay naibigay na ang kanilang regalo para kay Emia na nasa harapan kasama ang mama at papa nito habang naroon din ang lolo niya at mukhang ginagawa ng lahat ng mga anak ng bisita ang makakaya nito para magpapansin at maging maganda ang tingin ni Emia sa mga ito.

Hmp!... Hindi ba nila alam na may iba ng mah ari sa puso ni Emia at syempre walang iba iyon kundi ang lalaki sa gilid ko na heto at nandito lang at nakatingin sa paligid na akala mo ay may hinahanap.

Tignan mo kaya si Emia!...

[Nina]

Mag aalas nuebe na ng gabi ng matapos ang pagpapakilala at pagbibigay ng mga bisita ng regalo nila para kay Emia ng mapansin ko ang isang lalaki na nasa may gilid lang at nakasandal sa may bintana sa tabi.

"Lliane, may pupuntahan lang ako saglit..."

Paalam ko kay Lliane at matapos niyang tumango ay umalis na ako at pumunta sa may bintana.

"Anong ginagawa mo dito Elliot?..."

Tanong ko kay Elliot matapos ko siyang lapitan.

"Wala naman, ikaw? Hindi ko akalain na close ka pala sa kanilang lahat..." sabi ni Elliot matapos tumingin kila Lliane.

"Hindi ko nga rin alam na magiging close akk sa kanila..."

Matapos ko iyong sabihin ay sumadal din ako sa may bintana.

"Heh!?...(smile)"

"Anong nakakatawa Elliot?" tanong ko.

"Wala, naalala ko lang nung mga bata pa tayo. Madalas tayong ganito na magkasama bago pa dumating si Sylvan. At kahit pa nga madalas kitang inaaway nuon ay nakadikit ka pa rin sa akin..." sabi ni Elliot.

"King hindi lang magkaibigan ang mga magulang natin hindi kita lalapitan nuon..."

"Dapat pala akong magpasalamat sa mga magulang natin haha..." sabi ni Elliot na ngumiti.

"Magsabi ka nga sa akin ng totoo Elliot..."

"Sige, ano ba yun?..." tanong niya.

"Wala ka naman talagang gusto kay Emia hindi ba?... Huwag mong sabihin na inutusan ka ng tatay ni Sylvan na magpanggap na may gusto kay Emia..."

"Kelan mo pa nalaman na magpinsan kami ni Sylvan?…" tanong niya.

"So, sagutin mo na ang tanong ko..."

"Ikaw? Ano sapalagay mo?..."

"Bahala ka nga."

Pagkasabi ko nun ay umayos na ako ng pagkakatayo para bumalik sa pwesto nila Lliane kaya lang napahinto ako ng marinig kong magsalita si Elliot.

"Sigh... ano pa nga ba ang sasabihin ko sa nag iisang babae sa puso ko..."

BLUSHED!...

Napatingin ako kay Elliot sa sinabi niya na medyo mahina lang pero rinig na rinig ko...

"Ano ulit yun—?..." Napatigil ako sa pagtatanong ng hawakan ni Elliot ang ulo ko ng kanang kamay niya habang nakapamulsa ang kaliwa niyang kamay.

"Alam mo na dapat yun dahil mula pa lang ng bata tayo ay sinabi ko na iyon sa iyo...(smile)"

FLOWERS BLOOMING...

----------

[Emia]

Matapos maipakilala sa akin nila Lolo ang mga bisita ay napansin ko na nasa may bandang dulo sila Sylvan nakapwesto at nginitian ako ni Lliane ng makita niya ako na nakatingin sa direksiyon nila bago kinalabit si Sylvan na nasa may kanan niya at saka itinuro ako.

Namula ang mga pisngi ko ng magtama ang mga paningin namin.

Gusto ko sanang lumapit sa kanila kaya lang bago pa ako makapagsimulang maglakad ay biglang nag dim ang lahat ng ilaw at umilaw ang spotlight at itinutok kay Lolo na may hawak na ngayon ng isang microphone.

Nanginig ako bigla ng nginitian ako ni Lolo bago siya magsalita at nahalata ko rin na nag iba ang expression sa mukha nila Lliane at Lindoln ng tumingin ako sa pwesto nila.

O! hindi! wag naman sana...

Tumingin ako kay Sylvan na katabi lang nila Lliane pero nakayuko lang ito at mukhang nakapikit habang magka-cross ang dalawa niyang braso...

Sylvan?...

"Good evening everyone..."

Naptingin ako kay Lolo na katabi ng emcee nasa may gilid ng magsalita siya.

"Naisip ko na tutal naman ay karamihan sa nandito ngayon ay halos kasing edad ng apo kong si Emia,... bakit hindi kaya tayo magkaroon ng isang game para sa kanila para naman hindi sila ma-bored. Ano sa palagay niyo?..."

Matapos ni Lolo na sabihin iyon ay bumukas na ang ilaw. Mukhang pinaghandaan talaga ni Lolo ang birthday party ko. Ano kayang pinaplano niya?... Tinignan ko ang reaksiyon ng mga bisita at mukhang ini-encourage nila ang kanilang mga anak at mukhang ini-expext na talaga nila na mangyayari ito kaya siguro halos karamihan sa kasama nila ay ang mga lalaki.

"Simple lang naman ang mechanics ng game, napansin ko kasi nitong mga nakaraang araw na medyo malungkot ang apo ko at dahil sa birthday niya ngayong araw ay gusto kong maging masaya siya kaya naman kung sino ang makakapagpasaya sa kanya ay—..."

Napansin ko ang kakaibang ngiti sa akin ng Lolo ko kaya lang bago pa niya tuluyang sabihin ang sasabihin niya ay napatigil na siya at napatingin sa isang direksiyon.

STEP... STEP... STEP...

Hindi ko napigilan ang sarili ko na tumingin din sa tinitignang direksiyon ni Lolo at ganun din ang mga bisita. Nasulyapan ko na lang na napangiti sila Mama at Papa sa gilid at nakita ko na lang ang isang lalaki na papunta sa pwesto ko.

[Sylvan]

Matapos akong kalabitin ni Lliane at ituro si Emia ay bigla na lang na may naramdaman akong kakaibang sumabog sa may bandang dibdib ko ng magtama ang mga paningin namin at para bang may nag uudyok sa akin na lapitan siya.

Pero matapos ng mga sandali na iyon ay bigla na lang dumilim ang paligid at nagsimulang magsalita ang Lolo niya...

ONE...

TWO...

SNAP!...

Matapos mag blanko ng utak ko ay isang kakaibang pakiramdam ang dumaloy sa buo kong katawan mula sa puso ko. Para bang may salamin na hawla na nagkukulong sa akin ang bigla na lang nabasag.

ONE...

TWO...

STEP!...

Sa pagkakataong ito ay nagsimulang maglakad ang dalawa kong paa papunta sa direksiyon ni Emia.

[Lliane]

Isang kakaibang aura ang naramdaman ko bigla sa tabi ko at nakita ko na lang si Sylvan na biglang naglakad matapos niyang idilat ang mga mata niya sa pagkakayuko at mukhang duon pa ata siya papunta...

Tama! Patungo nga siya sa direksiyon ni Emia!...

OH MY GOD!...

Napatingin ako kay Lindoln sa kaliwa ko at nakita ko ang pag ngiti niya ng makita si Sylvan at biglang may sinabi...

[Lindoln]

I felt relieved when I saw Sylvan walking upfront...

This is what I always hope for...

That reaction of his...

I guess he finally decided...

"Sylvan, kaya mo yan..."

[Emia]

GO!

GO!

EMIA!...

Hindi ko alam pero para bang may nagsasabi sa akin na maglakad patungo kay Sylvan na palapit sa akin habang nakatingin siya sa mga mata ko.

Hindi ko alam kung saan ako titingin at mukhang parang sini-senyasan din ako nila Lliane at sinasabing "Go for it...".

Samantalang sa tabi ay napansin kong patuloy lang na nakangiti sila Mama at Papa at mukhang hinihintay kung anong mangyayari.

Uh!... anong gagawin ko?...

Napahawak ako sa gilid ng dress ko at iniangat ito kaunti bago ako mabilis na naglakad na para bang tumatakbo palapit kay Sylvan.

Napansin kong tumahimik ang buong paligid paghinto ko sa paglakad pero alam ko rin na nagbubulong bulungan sila pero hindi ako duon nakapokus kundi kay Sylvan na huminto na rin sa paglalakad ng magkaharap na kami.

"Uh?... Ano yun Sylvan?... May sasabihin ka ba?..."

Hindi ko alam kung bakit pero ang lakas lakas ng tibok ng puso ko ngayon na magkaharap na kami at nakatingin siya sa akin ng diretso.

"Kailangan ko ng umalis... kaya lang may kailangan pa akong gawin..."

"Huh!?... Anong gagawin mo?..."

Medyo nalungkot ako sa unang sinabi ni Sylvan na kailangan niyang umalis pero hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa pangalawa niyang sinabi...

[Sylvan]

RELIEVED...

HAPPY...

ACCEPTANCE...

Yun ang mga nararamdaman ko ng mga sandali habang palapit ako kay Emia at biglang lumukso ang tibok ng puso ko ng makita ko siyang lumapit sa akin na para bang be sinasalubong niya ako...

At ng mga sandali na huminto siya sa paglakad at hinintay ako...

Ang mga sandali na huminto ako sa harapan niya...

Alam ko na kung anong kailangan kong gawin ngayon.

"Kailangan ko ng umalis... kaya lang may kailangan pa akong gawin..."

[Emia]

"Huh!?... Anong gagawin mo?..."

Napansin kong may kinuha si Sylvan sa bulsa ng suit niya sa may dibdib na isang maliit na kahon at inilahad niya sa harapan ko.

"Para sayo." sabi ni Sylvan na hinihintay akong kunin ang kahon mula sa kanang kamay niya.

"Para saan ito?..." nagtataka kong tanong matapos kong kuhanin ang kahon.

"Regalo ko yan para sayo,... Emia, happy birthday...(smile)"

"Thank you..."

Ngumiti ako sa kanya pagkasabi ko nun at agad na binuksan ang binigay niya na regalo.

"Ano ito?..."

Tanong ko kay Sylvan matapos kuhanin ang nasa loob ng kahon na isang mahabang tali na kulay pula na mukhang ipinantatali sa buhok.

Isa itong ribbon hindi ba?...

Kaya lang matapos ko yung malabas ay maya maya ay narinig ko na lang na para bang medyo naging maingay ang mga nasa paligid na bisita at may pinag-uusapan sila.

Hindi ko sigurado pero para iyong tungkol sa hawak ko na pulang tali. Parang alam nila kung para saan ito at kung anong ibig sabihin ng taling ito.

[At the sidelines] Emia's Mother

Nagvibrate ang cellphone ko at napansin kong tumatawag pala sa akin ang Mama ni Sylvan na si Sylvia ng mga sandaling iyon ng ilabas ni Emia ang laman ng regalo ni Sylvan.

"Hello?..."

"Kumusta Hannah, nandito kami ni Ivan sa may taas sa tapat niyo..."

Sabi ni Sylvia kaya naman tumingin kami ng asawa ko na si Parris at nakita namin sila na nakasandal na dalawa sa may railings at duon nanunuod kasama ng ibang mga bisita na nasa itaas at sumenyas sila ng "HI" sa amin kaya naman kumaway din kami sa kanila.

"Nagustuhan niyo ba ang regalo namin?..." tanong ni Sylvia at alam ko na kung anong ibig niyang sabihin.

"Haha... hindi ko alam na naalala niyo pala ang pangako natin na kapag lumaki na ang mga anak natin..." sabi ko na binitin ang sasabihin.

"Ginawa ni Ivan ang lahat para magkakilala silang dalawa ng normal hehe..."

Sabi ni Sylvia na mukhang nilalambing si Ivan.

"Oo nga, hindi namin akalain ni Parris na gaya din ng ginawa ni Ivan dati sayo ang gagawin ng anak mong si Sylvan ngayon. Kung sabagay eh ito na ang tradisyon ng pamilya ng mga Zephyni ang gumamit ng ribbon imbes na singsing..."

[Lliane]

"Bakit ganun ang regalo ni Sylvan kay Emia? Napakasimple naman ata nun?..."

"Mali ka Lliane,... may ibang purpose ang ribbon na yun. Hindi ko akalain na ganun ka seryoso talaga si Sylvan para sa kaibigan mong si Emia..." sabi ni Lindoln.

"Anong ibig mong sabihin?..." tanong ko sa kanya.

"The Thread Of Fate. Yun ang ibig sabihin ng tali na hawak ni Emia ngayon..."

"Thread of Fate?..." nagtataka kong tanong. Ano naman kaya yun at mukhang alam din ng mga bisita kung para saan yun.

"May tradisyon ang pamilya ng mga Zephyni sa pag-propose sa gusto nilang babae at yun ay ang pag gamit isang mahabang tali na ipinantatali sa buhok..."

"Propose!?... Kung ganun yun ang ginagawa ni Sylvan ngayon!?..."

Oh my god!?... Kaya pala ganun na lang ang reaksiyon ng mga nasa paligid at mukhang nag eenjoy lang sa tabi ang mga magulang ni Emia. Pero hindi ko alam na ganun ka seryoso ang damdamin ni Sylvan para kay Emia.

"Oo,... pero palagay ko walang ideya si Emia sa bagay na iyon,... pero mukhang naiintidihan rin niya ang nangyayari ngayon dahil sa mga bulong bulungan sa paligid lalo na at alam ng karamihan ang tradisyon na ganun nila Sylvan."

"Siguro nakuha na rin iyon ni Emia kasi kung iisipin mo eh parang inireregalo ni Sylvan ang sarili niya kay Emia dahil sa pulang tali. Parang gusto niyang sabihin na 'ako ang regalo mo.' yieeeh!(kilig)"

"Parang ganun na nga yun..."

[At the center of it all] Emia

"Ano ito?..." tanong ko.

"Alam mo na ba ang ibig sabihin niyan?..." Tanong ni Sylvan habang nakatingin sa akin.

Tumingin ako kay Sylvan ng tanungin niya iyon habang namumula ang mukha ko dahil medyo nagkaroon na ako ng ideya matapos kong marinig ang pinag uusapan ng karamihan ng nasa paligid at hindi ko maiwasan na kabahan at isipin kung totoo ba ang mga sinasabi nila.

"O-um..." tumango ako sa kanya matapos kong mag isip saglit saka naman niya inihingi sa akin ang laso na regalo niya at iniabot ko sa naman sa kanya.

"Papayag ka ba na itali ko ito sa buhok mo?..."

Sabi ni Sylvan na medyo namumula rin kahit na hindi niya gaanong ipinapahalata.

"O-um." Tango ko sa kanya habang hinawakan ko ang mukha ko ng dalawa kong kamay para itago ang pamumula ko at kasabay nun ay narinig ko ang pag-react ng mga nasa paligid.

O H ! ! ! ! ! ! ! . . .

[Sylvan]

Humakbang ako ng palapit kay Emia hanggang halos nasa may tapat na siya ng dibdib ko habang nakatakip pa rin ang mga kamay niya sa kanyang mukha.

Habang nasa harapan ko si Emia ay hinawi ko bahagya ng kaliwa kong kamay ang buhok niya sa likod habang palapit ang kanang kamay ko na may hawak na pulang laso.

"Um,... ano... Sylvan?..."

Napatigil ako ng magsalita si Emia at ibaba niya ang kanyang mga kamay na tumatakip sa kanyang mukha at ipag-interlock ang mga daliri niya na para bang nahihiya sa kanyang sasabihin...

"Ano yun Emia?..." tanong ko sa kanya.

"Pwede ba akong humiling sayo?..." tanong ni Emia habang nananatiling nakayuko.

"Ano yun?..."

"Please, I don't want for us to be far away again..." sabi ni Emia na medyo may konting luha ang mga mata ng tumingin siya sa akin.

Oo, alam ko ang ibig niyang sabihin dahil kahit ako ay ganun din ang nararamdaman ko kaya naman...

"Yes, absolutely." sagot ko sa kanya ng may paniniguro at matapos ko iyong sabihin ay itinali ko mula sa ulo niya sa taas pababa sa likod ng ulo niya ang laso na kulay pula saka ako masayang ngumiti at ganun din naman siya.

Nagkatitigan kami pareho ng medyo matagal at hindi ko na kaya pang pigilan ang kaninapa sumasabog sa dibdib ko at hinawakan ko sa pamamagitan ng dalawa kong kamay ang mukha ni Emia banda sa may pisngi niya at leeg.

"Emia?..."

"Yes?...

"I LOVE YOU..."

"O-UM... I LOVE YOU TOO..."

S I L E N C E!...

FLUTTERING HEARTS...

FIREWORKS...

K I S S ! ! ! ! . . . .

"Would you come with me Emia?..."

"Yes Sylvan, absolutely..."

I guess the supposedly game already had a winner...

THE END.