[Sylvan]
Wala man lang reaksiyon yung babae ng sirain at kuwelyuhan siya nung lalaki at nakikipagtitigan lang dito.
"Ano Nina? Bakit hindi mo ipakita ang lakas mo ngayon... hindi ba hindi ka naman natatakot kahit mag isa ka lang,...
O baka naman naduduwag kana dahil tatlo kaming nasa first class family ngayon na kaharap mo at ikaw ay mag isa lang..."
Sigh... kung ganun kabilang pala sila sa First class family kaya pala ganun ang mga ugali nila... nakakatawa naman...
Dito pa talaga sa harapan ko mismo nangyayari ang mga ganitong bagay...
Geez!... Hindi ko na sana papansinin ang mga ganitong bagay kung hindi ko lang nakikita ang mga gaanong klaseng mata nung babae.
Ang klase ng mga mata na nagsasabing 'bitiwan mo ako kung ayaw mong suntukin kita'...
"Kahit magsumbong ka pa sa family mo---"
"Tigilan mo na yan..."
Hinawakan ko ang manggas ng polo ng lalaking may hawak sa kwelyo nung babae.
"Oi! Oi!... Hindi ka ba marunong lumugar!?..."
Hindi pa rin niya binibitiwan ang kwelyo nung babae pero sa akin na siya nakatingin at mukhang balak pa ata akong idamay sa galit niya.
"Ano bang kaguluhan ang nangyayari diyan?..."
Sabi ng teacher namin sa arts and design na nasa kabilang building at biglang nagsalita yung isa sa kasama nung lalaki.
"Wala po ito maam..."
"Sige na, tapos na ang break time kaya bumalik na kayo sa classroom niyo..."
Matapos iyong sabihin ng teacher ay hindi na ito nag usisa pa at umalis na rin agad samatalang yung tatlo ay tinalikuran na kami at lumayo.
"Humanda ka sakin!..."
Sabi pa nung lalaki sa gitna bago ito tuluyang umalis at naiwan naman kaming dalawa nung babae.
Ako na ang pumulot ng nasira niyang project at iniabot ito sa kanya.
"Aayusin mo pa ba yan?"
"Hindi na."
Pansin kong nagdadalawang isip siya. Mukhang ayaw niyang makialam ang pamilya niya sa isyu niya sa school.
"Ayos lang din naman kahit hindi ka magpasa,... siguradong kayang kayang ayusin ng mga magulang mo ang bagay na ganito..."
Sa wakas nagawa rin niyang tumingin sa akin pagkasabi ko nun...
"Ayokong---"
"Kung ganun halika,... tutulungan kitang ayusin iyan..."
[Nina]
Natigil ako sa pagsasalita ko nung hawakan niya ang kamay ko at hilahin ako patungo sa art room.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko nung mga oras na iyon habang ginagawa namin ang project ko...
Nag skip kamj ng classes namin sa hapon para lang matapos iyon at ng maipasa na namin ang aming kanya kanyang project ay saka pa lang namin nagawang makapag usap. Halos hindi kasi kami naguusap ng ginawa namin ang project ko.
"Hindi ko pa naipapakilala ang sarili ko... kaya naman,... ako nga pala si Nina Alumielle..."
"Sylvan,... Sylvan Zephyni... may gusto sana akong itanong sayo?..."
"Ano yun?..."
Tanong ko kay Sylvan.
"Bakit mo ako madalas na tinitignan sa classroom kapag nandoon ako?..."
"Hah!?..."
"Madalas ka ring mag isa dun,... nasa kabilang dulo ka sa pwesto ko..."
"Paano mo nalaman ang pwesto ko?..."
Hindi ko pa naman siya nakikitang tumingin sa akin o maski na sa kung saan bukod sa may labas ng bintana...
"Nagrereflect kasi sa salamin ng bintana yung buong room,... makikita mo yun kung titignan mo ng mabuti..."
Kung ganun hindi pala siya nakatingin sa kung saan lang,... kundi, pinagmamasdan niya pala yung kilos ng lahat sa may bintana...
Hindi na niya sinundan pa ang sinabi niya at pareho na kaming naghiwalay ng landas pero magmula noon ay naging madalas ko siyang kausapin.
Pero nagtaka rin ako kung bakit hindi na kami ginulo nung tatlong lalaki na kabilang sa first class family na nakaaway ko.
Nasagot lang ang mga tanong ko nung makalipas ang isang linggo ng karamihan sa mga babae sa room namin ay magsimulang lumapit kay Sylvan.
Kumalat sa buong school ang balita na walang nagawa ang tatlong nakaaway naming lalaki sa nag iisang si Sylvan Zephyni at maging ang mga pamilya nito ay hindi rin makagalaw dahil kay Sylvan.
Doon din nag umpisa ang laban ko sa mga babae...
****
[Present] Nina
"Nagustuhan na kita nun kaya kita madalas na tignan,... ito ang sagot ko nun sa tanong mo,... kaya naman hindi ako makapagsalita nun ng malaman kong ang tinitignan ko ay nakatingin din pala sa akin..."
Sa wakas magagawa ko na rin itong sabihin sa kanya kaya naman...
(Deep Inhale)
"Sylvan,... I LOVE YOU..."
Matapos ko iyong sabihin ng nakatingin sa mga mata niya ay mabilis kong ibinaba ang ulo ko at ipinikit ang aking mga mata dahil sa medyo ngayon lang ako nakaramdam ang panghuling buhos ng sobrang kahihiyan...
(BLUSHED)
(EMBARRASSED)
[Sylvan]
Huwag kang yumuko Nina,...
Matapos mong sabihin ang lahat ng nilalaman ng damdamin mo ay wala na akong magagawa pa kundi ang harapin ka ng diretso.
"Nina..."
[Nina]
Tumingin ako kay Sylvan ng sabihin niya ang pangalan ko ng malumanay at alam kong may sagot na siya sa akin.
CHEER UP...
Yun nga ang ginawa ko at ngumiti sa kanya,...
Tama, hindi ko na kailangang marinig pa ang rejection mula sa bibig niya...
"Huwag kang mag alala,... hindi mo na kailangang sabihin pa..."
Please lang Sylvan,... wag ka sanang mag so-sorry,...
Dahil pag ginawa mo iyon eh baka hindi ko na mapigilan ang mga mata ko at tuluyan na akong umiyak...
Tumalikod na ako sa kanya pero parang ayaw atang humakbang ng mga paa ko...
Hindi, ang totoo eh gusto ko talagang marinig si Sylvan na magsalita kahit na ano pa ang lumabas sa bibig niya...
Gusto ko talagang marinig ang mga sasabihin niya,...
Gustobg gusto kong lumingon sa kanya pero mukhang huli na ata para gawin ko yun...
Matapos kong sabihin na alam ko na kung anong sasabihin niya...
[Sylvan]
"Nina..."
Matapos kong sabihin ang pangalan niya at tumingin siya sa akin at biglang ngumiti...
CHEER UP!?...
NO!... That wasn't the right words for her expression...
She's hiding herself, the ONE that she really feels is that BITTER SMILE of her...
"Wag kang mag alala,... hindi mo na kailangang sabihin pa..."
Tumalikod siya sa akin pagkasabi niya nun at ang katawan ko ay nagdadalawang isip kung pipigilan ko ba siya...
TELL HER SOMETHING!...
MAGAGAWA KO BA YUN?...
DO SOMETHING!...
KAYA KO BANG GAWIN YUN?...
It is right that I should speak but,... it is better not doing it...
Ayokong matali ng matagal ang nararamdaman niya para sa akin pero gusto kong mapalagay ang loob niya at hindi magdalawang isip matapos nito...
Ayokong gawin ang isang bagay na pinakamalala kong magagawa... ang hindi gumawa ng kahit na ano...
ONE STEP!
BLOOM!...
[Nina]
Huli na para humarap pa akong muli at makita sa huling pagkakataon ang mukha niya...
ONE STEP!
BLOOM!...
FLOWERS FALLING...
Napatigil ako sa pagalis ng bigla ko na lang marinig ang paghakbang ng mga paa ni Sylvan mula sa likod ko at maramdaman ang mga braso niya na ngayon ay nasa may bandang leeg ko...
Nakayakap siya sa akin mula sa likuran at naramdama ko na lang na inilagay niya ang noo niya sa likuran ng ulo ko...
The warmth of his body against my back gives chills on me and for so long,... just for this moment... I want to feel his feeling... just this once...
"Sylvan?..."
"Salamat Nina..."
(SAD...)
"Natuwa ako ng sabihin mong may gusto ka sa akin... ikaw ang unang taong nagsabi ng ganun sa akin kaya lang,... ayokong maging unfair ako sa iyo... sorry Nina..."
TEN SECONDS SILENCE...
Hinawakan ko ang dalawang braso ni Sylvan na nakayakap sa akin at ibinaba ko iyon at humarap sa kanya habang hawak ko ang dalawang kamay niya...
"Hindi Sylvan,... Hindi mo naman kasalanan na tumibok ang puso ko sayo,... hindi ko alam kung kelan pa ako nagsimulang maramdaman ito pero masaya ako at sa iyo ko ito unang naramdaman... masaya akong malaman na natuwa ka din kahit na konti sa damdamin ko..."
"Nina?... Patawad..."
"U-um!.."
Umiling iling ako ng ulo.
"Sylvan?... Pwede mo bang hayaan muna akong maramdaman pa ang damdaming ito para sayo?..."
Tumango labg siya sa akin pero okay lang yun...
"Tara na,... siguradong nag uumpisa na ang klase..."
Sabi ko sa kanya.
"Oo..."
Ngumiti siya pagkasabi niya nun,...
Tama,... wala nga siyang pinagbago...
Kagaya ng dati... ang bait pa rin niya...