webnovel

Chapter 7

[ Lindoln ]

Kakasimula lang ng lunch break at nasa canteen na ako ng school ng makita ko sina Lliane at Emia na magkasama sa isang mesa...

Strange feeling...

Evil thoughts...

Hehehe...

" ano yun?... Hindi ba ikaw yung kaibigan ni Sylvan?... "

Tanong ni Emia sa akin.

" oo, ako nga pala si Lindoln... Pwede ba akong makiupo sa inyo?... Wala na kasing bakanteng upuan eh... "

Halata kong nainis si Lliane pero hindi naman siya ang dahilan ko kung bakit ako lumapit sa kanila...

[ Emia ]

" okay lang naman sigur— "

Napahinto ako ng pagsasalita ng tumingin ako kay Lliane para malaman kung okay lang din sa kanya ang kaso eh parang naiinis siya sa presensya ni Lindoln?... Hindi ako sigurado...

" magkakilala—? "

" classmate ko siya sa second class ko sa umaga. "

Deretsong sagot ni Lliane na nakatingin lang ng masama kay Lindoln.

Grabe!, sigurado na akong inis talaga si Lliane kay Lindoln. Ano kayang meron sa kanilang dalawa?...

[ Lindoln ]

Nandito ako para kausapin sana si Emia pero wala akong makitang magandang tyempo para sabihing may nagmamatyag kay Sylvan at sigurado akong kilala niya ang mga iyon.

Natapos tuloyang lunch break na wala akong nasabi... Sigh,... Hindi ko makakausap si Emia kung magkasama sila ni Lliane...

**********

[ Sylvan ] with Nina

Kakaiba ata ngayon si Nina,... Hindi naman niya ugali na magyaya ng makakasabay kumain pero niyaya niya ako...

At dahil sa magkaklase naman kami sa fifth class namin ay magkasabay na rin kaming pumasok pero kahit na ganun ay hindi man lang siya umiimik at natapos lang din ang klase na wala ni isa man lang siyang sinabi...

Magkatabi lang kami ng upuan kaya naman nagsalita na ako habang nililigpit niya ang kanyang mga gamit.

" Nina?... "

Tumingin siya sakin pagkasabi ko nun.

" hindi mo ako kailangang hintayin palagi na unang magsalita... Pwede mo akong kausapin kahit kelan mo gusto... Minsan sinusubukan ko lang ang mga tao kung kelan sila magsasalita sa akin... Makakaya ba nilang maghintay o hindi... "

Matapos kong sabihin iyon ay binawi ni Nina ang tingin niya sa akin...

" hindi naman yun ng dahilan kung bakit hindi ako nagsasalita... Hindi ko lang talaga alam kung kaya kong sabihin... "

Nagpapanggap ang mga tao na malakas sila pero minsan eh nangangailangan din sila ng masasandalan,... Ganun si Nina,... Pinipilit niyang itago ang nasa loob niya at pinapakitang kaya niya...

At doon ako pumapasok sa buhay... I am the listener in any time will become her shield that will protect,... The sword that will cut and the wings that will able her to fly... At iyon ang si-net kong role...

Ang problema, dahil sa ayaw niyang ipakita sa iba ang kahinaan niya eh ako lang tuloy mag isa ang nakakakita nun,... t iyon ang hindi ko gustong nangyayari kapag kasama ko siya...

[ Nina ]

Inakbayan niya ako sa balikat at saka isinandal sa kanya...

Kahit na hindi ko pa sabihin eh nakikita na niya na mahina ako... He is the one who can always see me... Napapansin niya ang lahat sa akin at siya lang ang gumagawa nun... Iyon marahil anv dahilan ko kung bakit... Kung bakit... ganito ang nararamdaman ko para sa kanya...

Pero higit pa sa pagsandal sa balikat niya ang gusto ko,... I know that i am very greedy and ambitious enough to wish this... Pero gusto ko sanang... gustoko sanang... But he doesn't show any intentions of taking advantage over me or did he even think of it?... That?...

——————————

[ Lliane ]

Napadaan kami ni Emia sa may third floor ng makita kong napahinto si Emia sa may tapat ng nadaanan naming room at nakitatingin lang sa loob nun kaya sinubukan ko ring tignan ang tinitignan niya...

( Cat's face... )

Uy!... Yellow siya,... Yellow!...

" tara na Lliane,... "

" huh!? Teka lang,... Hindi ba natin sila titignan... "

" ano ka ba!? Mamaya makita pa nila tayong tinitignan sila... "

WOW!? ? Big question mark...

Okay?... So ano naman ito ngayon?...

May gusto? Wala? May gusto? Wala?

Nalilito na ako sa babaeng ito ah...

——————————

[ Emia ]

Weird??? Hmm... Napapaisip ako,.. Mukhang mali ata ako ng pagkakakilala ko kay Sylvan,... O baka naman may kakayahan lang talaga si Nina na palabasin ang kahinaan niya(Sylvan)?...

Kaya lang mukhang itong si Lliane ang hindi nakakaintindi ng sitwasyon ngayon...

Sigurado akong inaalo lang ni Sylvan si Nina...

Hindi ko iyon nasabi dahil hindi ko naman gaanong kilala si Sylvan, nasabi ko yun dahil halata sa mukha ni Nina na pinapagaan lang ni Sylvan ang damdamin niya...

**********

[ end of classes ] Lliane

Palabas na ako ng gate ng school ng mabunggo ako ng ibang mga estudyante na nagmamadaling lumabas kaya naman nalaglag ang mga hawak kong libro...

Napahinto ako sa pagdampot ng makita ko ang isang kamay na tumulong sa akin sa pagdampot sa mga libro na may suot ng isang bracelet na pamilyar a pamilyar sa akin...

" ano ka ba!? Wag mo nga akong tulungan Lind—??? "

Napatigil ako sa pagsasalita,... Si Sylvan pala yun...  Akala ko si...

Dinampot pa rin ni Sylvan ang mga libro ko at parang hindi man lang pinansin ang sinabi ko...

" pasensya ka na sa nasabi ko,... Salamat nga pala sa pagtulong—"

" tulungan na kitang dalhin itong mga libro... "

" eh!??? "

Napilitan na akong maglakad habang nasa kanya pa ang mga libro kong dala at mukhang balak pa ata niyang usisain ang tungkol sa sinabi ko kanina... Wag naman sana...

" bakit mo naman ako sinigawan kanina?... "

" wala,... Akala ko kasi eh— "

" dahil ba dito? "

Napatingin ako sa kanya ng ipakita niya ang kaliwa niyang braso upang makita ko yung suot niyang bracelet... Kinabahan tuloy akong bigla...

" akala mo si ano ako di ba?... "

Iniintriga na nito ako ah... Hindi ko akalain na ang walang pakialam na Sylvan sa pagkakakilala ko eh marunong din palang mang asar... Hehehe... Effective nga lang...

" ano? Akala mo si ano ako no?... "

" akala ko ba eh gusto mo ng mag isa,... Saka bakit mo ba ako kinukulit... "

" akala mo lang yun, kelan ko ba sinabing gusto ko ng mag isa?... "

" ang friendly mo ngayon,... Hindi naman tayo magkaibigan saka hindi nga kita nilalapitan kapag magclassmate tayo... "

" ikaw ang friendly, kasi kung hindi eh hindi mo naman ako kakausapin ng kagaya ngayon... "

Mahirap talaga makipaglaban ng utakan sa taong ito... Sighhh!...

" may sinabi na siya sayo ano?... "

" sino??? Wala pa naman akong sinasabing pangalan ah... Ang bilis mo namang umamin... "

Nang aasar talaga ito ngayon...

" kanina ka pa ano ng ano diyan ah!... Alam mo naman kung sino. "

" wag kang malungkot,... Wala pa naman siyang sinasabi... Hindi mo rin naman kailangang magsabi sa akin,... May iba akong dahilan kung bakit ako sumasabay sayo... "

" talaga??? So ano naman yun,... Nagpapaganda ka ng image sakin para ibulaklak kita kay Emia? "

" ang lawak ng imahinasyon mo... Hindi yun tungkol Sa kahit na kanino pero alam mo,... Kung pakiramdam mo eh kailangan mong magkwento,... Magsalita ka lang,... Wag kang mag alala, hindi ko ugaling magkwento sa kahit kanino... "

Mukha naman akong walang takas eh....

Tyismoso talaga siya... Sigurado ako dun...

**********

[ next morning/tuesday] Sylvan

Magkasabay kami ni Lindoln ngayin at parang may gusto siyang sabihin sa akin...

Sigh!... Kelan pa kaya ako naging buhusan ng kwento ng sama ng loob dito?...

Bakit kaya palai na lang kapag gusto nilang magkwento ng buhay nila eh ako ang natyetyempo na kasama nila...

Nabingi na nga ata ang tenga ko kahapon dahil hindi ako tinantanan ng kakakwento ni Lliane tungkol sa kanilang dalawa nitong si Lindoln at nakalimutan pa ata niyang magkaibigan kaming dalawa nung kinukwento niya.

Kunwari pa siyang naiinis siya sa pagkukuwento at napilitan lang pero tinapos niya talaga hanggang sa dulo...

Hmp!... Dahil sa kanya eh pinagtinginan tuloy kami ng mga kasabay namin sa bus at doon niya pa talaga nakuhang umiyak...

Napatingin ako kay Lindoln ng magsimula siyang magsalita...

" may nagmamayag sayo,... Mag iingat ka... "

Napangiti ako ng konti sa sinabi ni Lindoln habang tumingin ako sa langit.

Buti naman, akala ko eh magkukwento siya ng version niya ng love story nilang dalawa ni Lliane...

" bakit parang natutuwa ka pa diyan Sylvan?... "

" alam ko na yan,... Mahigit isang linggo na rin nila akong minamatyagan... "

" may hinala ka na ba kung sino sila?... "

" hindi ko na inaalala ang bagay na iyan ngayon... "

Sa totoo lang eh may nakimpirma na akong bagay kahapon,... Yun ang dahilan ko kung bakit sumabay ako kay Lliane pauwi...

[ Lindoln ]

" ano ka ba!?... Nakuha mo pang mag relax?... "

" wala silang masamang balak sa akin, kaya wag kang mag alala... Hindi mo na rin naman ako kailangan paxbg tulungan, Lindoln Foris... "

Siguradong nalaman na ni Sylvan na wala akong magagawang tulong sa kanya kahit pa nga nasa Second Class Families ako...

Alam niya na aya na may isa pa na nabibilang sa First Class Family ang nag aaral dito ngayon—

Napahinto ako sa pag iisip ng makita kong makakasalubong namin sila Lliane at Emia pero mabuti na lang at nauna na silang lumihis ng daan...

" alam mo Lindoln, malapit ng magsimula ang first subject ko kaya— "

" saglit lang Sylvan,... Si Lliane,... Siya ang— "

" bakit mo sinasabi sa akin yan... "

" pakiramdan ko kasi eh kailangan kong sabihin, isa pa may tiwala din ako sayo... "

" wala akong ipapayo sayo,... Alam mo naman mg ayoko sa mga taong alam naman nila ang kailangan nilang gawin pero humihingi pa rin ng payo... You have your own reason to do what you believe so don't ask me to give you that reason... "

" kaya lang, hindi ko alam— "

" ano ka ba? Hindi na magiging ikaw yun kung sasabihin ko sayo... "

Nakangiti siya ng sinabi niya iyon kaya naman para akong nabuhayan sa sinabi niya kaya lang...

... Nagugulat ako ngayon kay Sylvan,... May alam kaya siya tungkol sa amin ni Lliane?... Kelan pa kaya siya naging tsismoso???...

——————————

[ Sylvan ]

Ginagawa akong tsismoso ng mga ito eh...

Natural na marami akong malalaman dahil sa akin sila nag o-open up... Kung wala lang talaga akomg sinusunod na OUGHT OF SECRECY eh... Naman!!!...

**********

[ Emia ] lunch break

Nabwibwiset na ako ah!!!! Ilang araw na talaga akong nagigising ng maaga at sa mismong oras pa kung kelan ako tinatawagan ng Sylvan na yun!... Hindi ko tuloy maiwasan na tignan tung phone ko kung may tawag nga...

Hindi naman sa nag e-expect ako na tatawag siya ano... Kaya lang kasi... Alam mo yun?... Yung ano... Nahihirapan na ako ah...

Sigh... Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko?....

Wala tuloy akong ibang maisip ngayon,... Hindi pa kasi dumarating si Lliane....

A minute later...

Nasa gitna ako ng pagsipsip sa iniinom kong juice ng makiupo sa lamesa ko si Lindoln,...

Tamang tama yung timing,... May topic na kami ngayon...

" may sasabihin pala ako... "

Sabi ni Lindoln. Sayang naunahan pa ako...

" talaga? Ano yun? Tungkol ba yan sa inyo ni Lliane?... "

" hinde,... Tungkol ito sayo... "

Tungkol sa akin???... Sayang akala ko pa naman sa kanila na pero parang hindi niya dineny na may something sa kanila ni Lliane. Di bale, hahanap na lang ako ng pagkakataon pata magtanong...

Mangungulit sana ako kaya lang napansin kong medyo seryoso si Lindoln...

Naku!?... Baka alam na niya ang sekreto ko???...

" sigh,... Sa totoo lang nung umpisa pa lang napansin ko na ang bagay na ito,... Pero gusto ko sanang malaman ang dahilan mo kung bakit dito naisipang pumasok... "

Alam niya na nga kaya??? Paano niya kaya nalaman???

" ah... Hindi ko maintindihan— "

" ikaw ang nag iisang tagapagmana ng Meridiem Empire..."

Próximo capítulo