webnovel

Chapter 1 - High Hopes

Chapter 1

High Hopes

"BAKLA! " sambit nito sa kanyang tainga  at kapagkuwa'y sinadya nitong bungguin ang balikat niya.

Ikinuyom ni Peter ang kanyang kamao.

"Vince! Tama na yan" saway sa kanila ng kanilang coach.

Lumabas din agad ito ng gym.

Halata naman ang pagkagulat sa mukha ni Peter sa mga sinabi ni Vince.

Ngunit nagpigil parin siya ayaw niyang ibaba ang pagkatao niya para lamang patulan ang hambog na Vince na iyon.

Kung hindi lang ito kapatid ni Sam  ay baka matagal na din niya itong ginawaran ng suntok para matuto ng leksyon.

" Pre ayos ka lang ba? " tanong sakanya ng mga kasama niya.

" Bro huwag mo na lang pansinin yung si Vince masyado lang talagang mataas ang self-confidence sa sarili nang isang yun eh" paliwanag sa kanya ni Marcus.

"Oo ayos lang ako" Peter

Sabay-sabay na din silang lumabas ng gym.

Hindi parin niya alam ang gagawin.

May alam kaya si Vince tungkol sa kanya?

Pero paano wala naman siyang pinagsabihan?. Maging pamilya nga niya walang alam tungkol doon.

Paano kung ipagkalat niya ito. Paano kung sabihin niya ito kay Sam? Anong mangyayari sa kanya.

"Tara-tara, samahan mo muna ako sa computershop maglalaro tayo bago umuwi" pagyayaya sa kanya ni Marcus.

"Sige-sige" walang ganang sagot ni Peter.

Sumama na lamang siya dito, naghiwa-hiwalay sila ng mga tea mates nila pagkarating ng lobby.

Wala naman na siyang afternoon class. Pwede naman siyang tumambay muna sa computer shop habang hinihintay si Sammy sa club practice nito sa Theater Project nila.

"Sinong makakalaban mo sa Game?" tanong ni Peter kay Marcus.

"Taga ibang campus" sagot naman ito sabay akbay sa kanya.

"Pa-coach naman ako mamaya sa'yo alam kong magaling ka maglaro eh, superb ang mga techniques mo!" anito.

Ngumisi na lamang siya sa kay Marcus.

Para na niya itong kapatid kung ituring.

Kahit na hindi sila magkatulad ng kurso at sa varsity team lamang sila ng University nagkakilala ay parang matagal na talaga silang magkaibigan kung itrato siya nito.

"Syempre naman ako pa ba? master na ata ito!" Peter.

Malapit na sila sa computershop na hindi naman gaanon kalayo sa labas ng University.

Kilala na sila ng may-ari dito dahil madalas sila ang customer palagi.

"Ikaw! kailan ka magkaka-girlfriend" tanong sa kanya ni Peter.

Tumawa lamang ito sa tanong niya.

"Ay naku dude, masarap maging single a.k.a Bachelor malaya akong magkagusto at makipag-flirt sa maraming babae not like you  in-a-relationship nga eh para namang  pinagsakluban ng langit palagi.. problematic ka ata kay Sam eh" anito.

Aminado si Peter sa sinabi ni Marcus. Madalas talagang atakihin ng mood swings si Sammy pero hindi niya ito sinasabayan instead palagi niya itong iniintindi.

"Oo na! oo na! ikaw na ang panalo" Peter.

"Di ba? tama ako HAHA" anito.

Kinuha ni Marcus ang kanyang schedule of class form pati na rin si Peter at ipinakita ito sa nagbabantay na kasalukuyang abala sa pagpipi-print ng materials.

Hindi kase basta-basta pinapapasok sa computershop kapag class hours dapa may maipakita kang schedule of class form na nagpapatunay na wala kang klase sa oras na papasok ka sa computershop nila para makapasok ka.

"Bagong bantay?" tanong ni Marcus sa matangkad na lalake na nasa counter ng shop.

Lumapit ito sa kanilang dalawa at tiningnan ang Schedule of Class form na dala nila.

Ngumiti ito sa kay Marcus at sa kay Peter.

Peter nodded at him

"Oo ako yung pumalit sa pamangkin ni Tito umuwi sa probinsya eh" sagot nito gamit ang malumanay na boses.

"Iba din talaga si Tito Manuel pumili ng tagapag-bantay oh, sinisigurado talaga na maraming mahahatak na chicks, tsk..tsk..tsk" biro ni Marcus.

Tumawa naman ang binata sa biro ni Marcus.

Hindi kase maipagkakaila ang angkin nitong kakisigan ng katawan. May pagkasingkit, maputi at Matangos din ang ilong nito.

"San ka nag-aaral bro?" muling tanong ni Marcus.

"Sa kabilang bayan, pero baka nextweek magtransfer na din ako dyan sa North Valley University inaayos ko lang yung subject credits ko para alam mo na malapit lang hindi na ako mahirapan kakalipat ko lang din dito" anito.

"Ahh" Marcus.

Madada talaga itong si Marcus. Nakikinig lang si Peter sa usapan nilang dalawa ngunit napapansin din ni OPeter na pasulyap-sulyap ang binatang ito sa kanya.

"PC 16 and 17 ako nga pala si Blake" anito.

"By the way, regular customer kami dito alam yan ni Tito Manuel" Peter.

"Ah ganon ba sige?"

"Magta-transfer ka? any kind of sports na nilalaro mo bro? hmm?" Marcus.

"Basketball" sagot nito.

"WOW SAKTO BLAKE! haha may try-outs kami nextweek baka makahabol ka" Marcus.

"Talaga? Kasali kayo sa Varsity? teka don't tell me Ikaw si Peter Sebastian?" ani ni Blake.

"Oh , nga pala Ako si Marcus and you're right bro ito nga si Peter Sebastian" Marcus.

"Oh hoho wow! Its an honor to meet you bro maugong na maugong ang pangalan mo simula nong matalo mo sa MVP award ang Stallion Valley University!" kinuha nito ang kamay ni Peter at nakipagkamay sakanya.

Napangiti na lamang ng alanganin si Peter dito .

"Ah ganon ba hehe" sagot na lamang ni Peter.

"Sige bro see you sa try-outs next week ah? Friday! " Marcus.

"Uhmm.. idol pwede  ba kitang ma-ichat  sa facebook account mo? tungkol doon sa Try-outs ng team ninyo?" Blake na nakahawak pa din sa kamay ni Peter.

Nakaramdam ng pagkailang si Peter.

He urged to moved back his hands.

"Oh pasensya na na overwhelm lang idol!" Blake.

"Sige! dito na kami sasamahan ko lang ang kaibigan ko" Peter.

Tumango lang sakanya si Blake at bumalik na sa ginawa nito.

"Weird!" sambit ni Peter na narinig naman ni Marcus.

"Sino? sinong weird? haha" Marcus.

"'yong Blake.. " Peter.

"Ano ka ba dude, na-excite lang ang tao eh maski ang iba din naman siguro ma-eexcite kapag nakilala nila sa personal ang isang Peter Sebastian ang MVP ng North Valley University  Basketball Varsity Team!" ani ni Marcus sa napakadramatic na paraan.

Binatukan naman ito ni Peter.

"Umaandar ka na naman dude! ikaw yata ang mas weird eh!" Peter.

Tinawanan lamang siya ni Marcus.

"Hindi ako wierd dude, I'm cool!" anito bago umupo sa harap ng kanyang PC.

Binuksan ni Peter ang PC ganoon din si Marcus.

Sabay silang nag-log in sa Internet Game na lalaruin nila.

"Dude! okay lang ba kayo ni Sammy?" Tanong ni Marcus.

"Oo naman bakit?"Peter.

"Eh kase naman ang kuya niyang si Vince palaging mainit ang ulo sa'yo" Marcus.

"Ewan ko nga rin doon, wala naman akong nagawang bagay na ikaka-badshot niya sa'kin" Peter.

"Oy! oy! oy! ayan sa harap mo dude ... kung wala eh bakit parang palaging may period iyon kapag nakikita ka" Marcus.

"Ayan! tinamaan! haha.... ewan ko ba doon halos isang taon na nga tayong magka-team mate pero ni minsan hindi ako kinausap ng matino ng taong 'yon" sagot na lamang ni Peter.

But other than that, alam na niya ang isa pang dahilan kung bakit siya nito tinatrato ng ganoon.

Vince knows something about him at iyon ang bagay na hindi masabi-sabi ni Peter sa kanyang kaibigan na si Marcus.

Pagkatapos ng kalahatingboras ng paglalaro ay magpaalam siya kay Marcus na hihinto muna sa natalo kase ang hero niya at hindi na siya pwede pang maglaro ulit dahil baka magdadagan lang ang deduction sa level ng hero niya kapag nagkataon.

Pumayag naman si Marcus.

Inayos niya ang pagkakaupo sa harap ng PC mayroong divider ang ang bawat PC set kaya hindi maiistorbo ang katabing customer kapag ganoon.

Pumunta siya sa ibang site at nagbasa-basa ng mga kung ano-ano.

Naagaw lang ang atensyon ni Peter ng masagi ang tuhod niya ng customer na katabi niya.

Sinilip niya ito para sana tignan kung bakit siya nito nasagi ngunit laking sisi ni Peter ng makita ang ginagawa nitong milagro.

"F**k" sa isip ni Peter.

Ibinalik niya ang tingin sa kanyang PC. Nilingon niya si Marcus ngunit abala parin ito sa ginagawang paglalaro.

Nayapos ni Peter ang kanyang mukha.

Ang totoo'y nagmimilagro nga ang katabi niyang binata habang nanunuod ng pornographic content sa kanyang PC.

Iritable na si Peter. Ni minsan ni hindi niya ginagawa iyon sa sarili niya, ang isipin palang na gawin iyon sa sarili niya ay nakapandidiri na lalo na kung gagawin ito in a public place.

Muli na naman nitong nasagi ang tuhod niya.

Ngunit sa muling pagsilip ni Peter sa binata ay nakatingin na din pala ito sa kanya, habang ang kamay nito'y nakahawak sa bandang ibaba ng puson nito abala habang itinataas at ibinibaba ito doon sa parteng iyon.

Ngumisi ang binata sa kanya at tila ba may mensaheng gusto itong iparating  sa kanya.

May kakisigan ang katawan nito at may ibubuga din naman ang mukha.

Sa inis ni Peter ay umatras siya at tumayo sa kanyang upuan.

Dinampot niya ang kwelyo nito at hinila patayo. Bahagyang nagulat si Peter dahil mas matangkad pala ito sa kanya.

"G*g* KA BA?!" bulyaw ni Peter sa harap ng mukha nito.

Agad naman siyang hinila ni Marcus.

Nagkagulo ang mga customer na naroroon sa biglang pagbulyaw ni Peter.

"Dude! relax anong nangyare!" Marcus.

"Eh eto! Ang bastos mo!" Peter.

Ngumisi lamang ng nakakaloko sa kanya ang lalake.

"Gusto mo rin naman... pinapanuod mo pa nga ako eh!" anito.

"ANO?!" Peter.

"Dude tama na!" Marcus.

"JAKE! " dumating si Blake sa komosyon nila.

"LUMABAS KA NGA! ALAM MO NAMANG BAWAL MANUOD NG MGA RESTRICTED MATERIALS DITO SA COMPUTERSHOP NI TITO AH!" ani Blake.

"FINE!" walang gana nitong usal tsaka dinampot ang jacket sa kanyang upuan.

Muli itong tumingin kay Peter na yakap-yakap ni Marcus sa braso nito. Sabay pinasadahan ito ng malagkit na kindat.

"Tsss" Blake.

"Idol! pagpasensyahan mo na ang kapatid ko ah masama talaga ang ugali non" Blake.

"Kapatid mo 'yon?" Marcus.

"Uh oo" Blake.

"Tss" Peter.

Aalis na sana si Peter ngunit hinarang naman siya ni Blake.

"Pasensya na talaga Idol! teka-teka bago ka umalis dalhin mo na 'ton, peace offering manlang idol! " may dinampot ito sa cabinet na malapit sa kanila.

Walang gana nitong tinanggap ang bagay na ibinigay ni Blake sa kanya nang hindi manlang ito tinitignan.

"Peter!" Marcus.

Sinundan siya ng kanyang kaibigan palabas ng shop.

"Gusto kong mapag-isa dude, babalik ako sa University para sunduin si Sam" wala sa ganang usal ni Peter sa harap ni Marcus.

"Sigurado ka? okay sige kung yan ang gusto mo dude" Marcus.

Ibinigay niya kay Marcus ang paper pag na bigay ng Blake sa kanya.

Dumeretso na siya nang lakad pabalik ng University.

Ngunit sakto din namang nasa gate na siya ng makatanggap siya ng text message mula kay Sammy.

"Babe, sinundo ako ni Mama... sorry nag-antay ka ba? pwede ka na ding umuwi may pupuntahan kase kami eh okay? I love you." laman ng text message ni Sammy.

"I Love You too" pagtipa ni Peter ng mga salita sa screen ng kanyang cellphone at ipinadala ito kay Sam.

Nasagi ng paa niya ang isang maliit na bato.

Sinipa niya iyon, kapagkuwa'y nakaramdam siya ng isang mainit na tingin sa di kalayuan.

'Yung Jake kanina sa loob ng computershop.

Tinignan niya ito ng masama at hindi na lamang pinansin.

Nag-abang siya ng taxi sa highway kapagkuwa'y sumakay na din pauwi.

Pagdating niya sa bahay nila ay nadatnan niya ang Papa at Mama niya at ang bunso niyang kapatid na lalake din na nasa sala nanunuod ng telebisyon.

"Oh nandito na pala ang Pogi naming anak" nakangiti at buong giliw na sambit ng kanyang papa.

Ang papa niya ay isang kilalang Navy Officer. Kasalukuyang nasa vacation leave ito ngayon kaya nasa bahay lang kasama nang kanyang Mama.

"Oh anak nandyan ka na pala. Nakahain na diyan sa kitchen ang hapunan mo ah kase itong papa mo ayaw paawat nag early dinner kami para lang mapagbigyan ang gusto niyang manuod ng bagong series sa Netflix eh" ani ng kanyang mama.

"Hi pa! Ma" Matamlay na bati ni Peter sa mga ito.

"Hi kuya!" ani ng kanyang kapatid.

"Hi jacob!" Peter.

"May sakit ka ba? matamlay ka anak? halika maupo ka muna dito" pag-aalala ng kanyang Mama.

"Ano ka ba Honey, pagod lang siguro ang bata" awat naman ng kanyang Papa.

"Opo, pagod lang po ako mamya na lamang po ako kakain" Peter.

"Okay sige" ani ng kanyang Mama.

Pumanhik na si Peter sa second floor ng bahay nila.

"Bumaba ka nalang anak kapag gusto mo nang kumain"pahabol na bilin ng kanyang Papa habang paakyat na siya ng hagdan.

"Opo" malakas na sagot niya dito.

Pumasok siya sa loob ng kanyang kwarto at deretsong sumampa ng nakatihaya sa kanyang kama.

Nakatingin ng tuwid sa kisame ng kwarto niya. Hindi maganda ang araw niya ngayon. Bukod sa mga sinabi ni Vince sa kanya kanina ay dumagdag pa ang eksena na iyon kanina sa Computer shop.

Nainis na lamang siya sa kanyang sarili. Bakit pa nga ba niya naisipang sumilip sa ginagawang milagro ng lalakeng iyon?.

Sa totoo lamang ay kailanman hindi niya ginagawa ang ganoong bagay sa sarili niya. Ni minsan ay walang ganoong aktibidad kahit pa noong nandito pa ang kaibigan niyang si Edward.

'Nakakainis' sa isip ni Peter.

Bahagya niyang itinagilid ang katawan paharap sa bintana ng kanyang kwarto. Maya-maya pa ay bigla siyang napabalikwas ng pagkakahiga ng makitang bukas ang ilaw sa silid ni Edward. Bigla siyang nagtaka.

Magkatabi kase ang bahay nila at bakuran lamang ang pagitan sa isa't-isa, katabi ng kwarto niya ang kwarto din ni Edward sa kabila.

Naalala pa niya noong hindi pa ito umalis papuntang Canada.

Palagi silang nakatambay sa kanya-kanyang bintana ng kwarto. Hawak ang gitara ng isa't-isa at nagja-jamming.

Minsan kapag hating gabi na ay binabato ni Edward ang bintana niya, makikipagkwentuhan ito sa kanya ng kung ano-ano lang kahit ang totoo'y hindi lamang ito makatulog ng maayos at naghahanap ng maiistorbo. Gayon pa man ay pinagbibigyan na lamang ni Peter iyon nga dahil kaibigan niya ito

Noon si Edward ang naghihintay na dumangaw siya sa bintana ng kanyang silid pero ngayon eto... si Peter na ang naghihintay gabi-gabi na may dumungaw na isang Edward sa bintana nang kwarto nito.

"Baka mama niya lang ang nagbukas ng ilaw doon" sa isip ni Peter.

Tumalikod na lamang siya, tumayo at binuksan ang cabinet kung saan nakalagay ang mga damit niya para magbihis.

Ang hindi niya napansin ay ang anino at imahe ng lalake na sumilip sa bintana ng kwarto sa kabila. Sa muling pagpihit ni Peter  para tignan ang kwarto ni Edward ay wala nang ilaw ito.

Napahugot na lamang siya ng malalim na paghinga.

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Edward kapag nagkita ulit sila pag-uwi nito galing Canada. Iyon ang isiping bumabagabag kay Peter buong gabi.

"Nasisiraan ka na ba ng mabait Dude? magkaibigan tayo? hindi pwedeng ganyan! hindi ba nagparaya ako para sa'yo kase ikaw ang gusto ni Sammy at ang sabi mo mahal mo siya... tapos ngayon sasabihin mo sa'kin mahal mo din ako higit pa sa isang kaibigan?" Edward.

.

.

.

.

.

Itutuloy...

Próximo capítulo