webnovel

Chapter 25

Zia POV

Nakuha ni Xander ang deal sa KH group of companies. Marami na namang nakaabang silang projects. Sobrang busy ni Xander nitong mga nakaraang araw. Pero kahit ganoon palagi parin siyang tumatawag sakin.

"Bukas na ang start ng leave namin" tuwang anas ko. Nagleave kasi kami pareho para sa pre nuptial photo shoot namin. Ang gusto ko sa beach ganapin, sya naman sa baguio. Kaya napagdesisyunan naming ilaan ang isang araw ng photoshoot sa beach sa isang resort sa batangas na pagmamay-ari ng pamilya ni Xander. At isang araw sa baguio. Naeexcite na ako, bukod sa makakapagbakasyon na ako ay makakasama ko pa sya ng ilang araw. Umuwi na ako ng maaga para makapagempake. Mamayang gabi kasi kami babyahe, at susunduin nya ako. Dumaan muna ako sa mall para magshopping ng ilang damit at pang personal needs ko.

Pagdating ko sa bahay, agad akong nagtungo sa kwarto ko, nilabas ko ang maleta ko at pinatong sa kama. Binuksan ko iyon at nagtungo sa closet ko. Pinili ko ang pang summer outfit at pangwinter na mga damit.

Isa isa ko itong inayos, at kinuha lahat ng kailangan ko. Pagkatapos ko magempake, bumaba na ako para puntahan si dad. Nagtungo ako sa living room pero wala sya, pinuntahan ko rin ang study room nya pero wala din sya roon. Nagtungo ako sa garden at nakita ko sya roon na nakaupo. Nilapitan ko sya at binati. "Hi dad!" humalik ako sa pisngi at tumabi sa kanya.

"iha, aalis ka na?" tanong nito sa akin.

"yes dad. I hope wala na kayong lakad sa mga susunod na araw. After ng pre nuptial photoshoot namin ay uuwi na ako agad dad." anas ko.

"hmm.. You don't have to worry that much, malakas pa ako at kaya ko pa ang sarili ko. Just enjoy your prenup together with Xander. This is your chance para makapagrelax, so grab it" napangiti ako sa sinabi ni dad. Simula kasi ng magtrabaho ako ay hindi man lang ako nagtake ng vacation. Masyado akong nagfocus sa kumpanya kaya hindi ko na naisip pa ang magbakasyon.

"thanks dad. Basta magiingat ka dad, kung may problema just call me. Okay?" tumango naman si dad bilang tugon. Humalik na ako sa pisngi at niyakap ko sya.

"Gotta go dad, i haven't finished packing my things"

"Go" pagtaboy naman nito sakin.

Umalis ako at nagtungo sa kwarto. Pagkarating ko sa kwarto ay chineck ko ang cellphone ko, may 7 missed call. Napakunot naman ang noo ko. "Baka si Xander ang tumatawag" hindi naman ako nagkamali. Tatawagan ko sana siya ng biglang nagring ulit ang cellphone ko. "Hello" anas ko ng masagot ang tawag nito.

"Hi, are you busy?" tanong nito.

"No, i'm just packing my things. Where are you?" tanong ko rito.

"I'm on my way to your house. Are you done?"

"Malapit na. I need to hurry, ingat ka sa pagdadrive, bye! see yah" para akong nataranta sa sinabi nya, kailangan ko ng magmadali. Kailangan ko ng matapos ang pageempake ng gamit ko.

"okay, see you" at pinatay na nito ang tawag niya.

Ilang sandali pa ay natapos na ako sa pageempake ng gamit ko. Pinababa ko na rin ang mga ito, hindi naman nagtagal ay nakita kong papasok na ng bahay si Xander.

"Hi! Ready?" bungad na tanong nito sakin. Tumango naman ako bilang tugon. Namataan naman kami ni daddy kaya nilapitan kami.

"Magiingat kayo sa byahe. Ikaw na bahala sa anak ko Xander." sabay tapik sa balikat ni Xander.

"Yes dad! Ako na po ang bahala sa prinsesa" anas nito sabay kindat sa akin. Napatawa naman ng bahagya si dad sa sinabi ni Xander.

"Sya sige, umalis na kayo at baka gabihin pa kayo sa daan".

Humalik aq sa pisngi ni dad "bye dad, call me if you need me. Don't hesitate. Okay?" anas q matapos kong yakapin si daddy.

"okay, okay. Don't worry, sige na umalis na kayo" pagtataboy sa amin.

"Sige po dad, alis na kami" pamamaalam ni Xander.

"ingat sa pagdadrive" hinatid na lang kami ng tingin ni dad hanggang sa makaalis na kami sa bahay.

"Are you excited?" tanong ni Xander ng nakalayo layo na kami.

"medyo, ngayon lang kasi ako ulit makakapagbakasyon, although hindi naman to totally bakasyon pero kinokonsider ko na. Ngayon lang kasi ako nakapagleave simula ng maging CEO ako ng kumpanya ni dad." kwento ko habang nasa daan ang tingin.

"Don't worry, we will be having a long vacation after our wedding. Sisiguraduhin kong mag eenjoy ka" sabay hawak at halik sa aking kamay. Napangiti na lang ako bilang tugon sa kanya.

5 hours ang naging byahe namin. Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa resort ni Xander. Sinalubong kami ng crew sa resort ng makapagpark si Xander, inasikaso ang aming bagahe at dinala kami sa may lobby. Naghihintay na rin samin ang mga hinire naming photographer para sa aming prenup.

"Hi sir! Good evening" bati samin ng isang photographer na si Kent. "I'm Kent Domingo, this is my assistant John Santos" turo nito sa kasama nya.

"I'm Xander and this is my fiancee Zia" nakipagkamay kami bilang bati sa isa't isa.

"Tomorrow morning po ang first set up natin before sunrise. Para makuha natin yung perfect shot of sunrise along the ocean kung okay lang po sainyo?"

Nagkatinginan kami ni Xander, at nagustuhan ko ang idea ni Kent. "That's a good idea. I like it." anas ko. Napangiti naman ng maluwang ang photographer dahil nagustuhan ko ang idea nya.

"let's have dinner first bago natin idiscuss ang ibang detalye sa sa photoshoot" tumango naman ang mga photographer at nagpunta kami sa isang restaurant na nasa loob din mismo ng resort.

Na amazed ako sa ganda ng resort. Hindi maikakailang alaga sa linis at mga bulaklak at iba pang atraksyon ang resort. Kahit gabi na ay mistulang umaga parin dahil sa liwanag ng mga ilaw.

Natuwa ako sa mga idea ni Kent. Kaya excited na ako para sa photoshoot namin bukas.

Próximo capítulo