webnovel

Chapter 11-Thumping

Chapter 11

Thumping

Her heart never stops in thumping, lalo na noong magkaharap silang muli ni Tristan noong pagbuksan siya nito ng pintuan ng kotse nito.

She took a deep breath bago bumababa ng kotse ni Tristan.

"Uhh, salamat sa pag-iimbenta sakin ng dinner sa bahay ninyo Tris" tanging sabi ni Adalyn kay Tristan, ngumiti sa kanya si Tristan ngunit umiwas siya ng tingin dito.

"That's okay... si Mama naman ang idea actually, alam mo naman si Mama turing na niyon sa'yo ay babae niyang anak" Tristan.

"Oo nga" Adalyn.

She's still guilty of that scene happened inside Tristans' room earlier kaya naman hindi siya gaanong makapag-respond sa sinabi nito, hanggang ngayon ay damang-dama pa rin niya kung paano siya tinignan ni Tristan gamit ang mga mata nito idagdag mo pa ang topless nitong katawan na nakadagan sa ibabaw niya and that keeps on popping in her mind making her blush indeniably, yeah! she has to admit that Tristan was unexplainably hot that time.

Pumikit siya ng mariin para tigilan na ang ganoong isipin lalo na at nasa harap niya ngayon ang kaibigan.

"Sure.. Uhh Adalyn yung nangyari--" Tristan

"Ah papasok na ko ... Salamat sa paghatid sa'kin.. ingat sa pag-uwi" she said to interrupt Tristan from spilling something she didn't want to hear for now.

Humakbang na siya paalis ng kotse nito, nilingon niyang muli si Tristan nang marating niya ang gate ng bahay nila, nakikita niya ang confusion sa mukha ng kanyang kaibigan habang nakatayo ito sa gilid ng kanyang kotse, ngumiti siya ng tipid dito.

She was confused too, hindi niya alam kung ano ang dapat na maramdaman.

This day is making her exhausted.

"Adalyn... I hope nothing changes, what I said earlier ... I really meant it" Tristan.

Natuod siya sa kanyang kinatatayuan sa mga narinig niyang iyon mula kay Tristan.

Pagkatapos nitong sabihin iyon kay Adalyn ay pumasok na ito sa kotse at umalis na

She bit her lip.

Anong gagawin niya kay Tristan?.

Eksaherada niyang kinamot ang kanyang ulo gamit ang kanyang dalawang palad.

Pumasok na siya ng bahay nila.

Naabutan niya ang kanyang kapatid sa sala gumagawa ng mga homework nito.

Samantala ay naririnig niya ang boses ng kanyang mama mula sa kanilang kitchen marahil ito ay nagluluto na ng kanilang hapunan.

"Ma, nandito na po ako" Adalyn.

Walang gana siyang lumakad sa sala palapit sa kapatid niyang abala sa ginagawa nito. Nanga-ngawit na ang buo niyang katawan..trying to pull off a good vibe sa harap ng Mama ni Tristan kanina hanggang sa pag-uwi nila kahit na ang totoo ay pagod na talaga siya.

"Oh! Andyan ka na pala nak, nag-text sakin si Tristan earlier inimbitahan ka daw niyang maghapunan sa kanila?" Ani ng kanyang mama.

"Opo ma!" sagot na lamang ni Adalyn.

Hindi siya napansin ng kanyang kapatid, natawa siya ng bahagya dahil naglalaro pala ito ng online games sa kanyang cellphone ang akala niya'y gumagawa ng ito ng kanyang assignments.

"Oy! ginagawa mo Jacob isusumbong kita kay Mama" Adalyn.

"Shh.. ate! wag kang maingay tapos ko nang gawin ang mga assignments ko kaya nag-one game lang ako kasama ko kase si kuya Cleo hihi" Jacob.

Umiling siya sa sinabi nito, kahit kailan talagang hindi mabuting impluwensya ang kaibigan niyang iyon sa kapatid niya.

Ginulo ni Adalyn ang buhok nito. Ngumiti naman ito sa ginawa niya.

"Naku.. basta wag kang papahuli kay Mama ah... alam mo naman ayokong mabingi ng litanya niya kapag nalaman niyang naglalaro ka na naman ng online games diyan" Adalyn.

"Opo ate. One game lang naman. Matatapos na 'to ngayon lang naman 'to hehe" sagot nito sa kanya ngunit nakatingin parin ang mga mata nito sa screen ng cellphone nito.

"Jacob, umupo ka na dito kakain na tayo.. ikaw Adalyn kakain ka pa ba?" tanong ng kanyang Mama.

"Kaunti nalang po siguro ma...titkman ko lang 'yong mga niluto mo hehe" sagot niya.

Tumayo na silang magkapatid at tumungo sa kitchen.

Napangiti naman agad si Adalyn ng maamoy nito ang mga niluto ng kanyang Mama.

"Woaah, the best ka talaga ma" Adalyn.

"Si mama pa ba? kaya mas inaagahan ko ang pag-uwi kase alam kong masarap palagi ang mga luto ni Mama" Jacob.

Napangiti narin ang mama nila sa kanila

"Hala sige.. umupo na kayo. Ngayon lang ako nakapagluto ng ganito eh, pagpasensyahan niyo na kung busy ako palagi sa trabaho" ani ng Mama nila.

"Alam naman namin Ma.. higit sa lahat naiintindihan po namin iyon" Adalyn.

Nagsimula na silang kumain.

"Hmmm.. pasensya na din kung hindi manlang kita nasamahan sa mga therapy session mo anak.. buti na lamang at nandyan ang mga kaibigan mo.. lalo na si Tristan.."

Bahagya ay napatigil si Adalyn sa kanyang pagkain at napakuha ng tubig at mabilis itong ininom bago pa man siya mabulunan, wala sa hwesyo siyang napatingin sa kanyang Mama. Kumunot naman ang noo nito na nakatingin din kay Adalyn.

"Hmm.. bakit may problema ba anak?" tanong tuloy ng kanyang Mama.

"Ah! wala po Ma ..opo ang swerte ko kase mababait po yung mga naging kaibigan ko" aniya.

Ngunit ang totoo'y nakaramdam siya ng awkwardness ng banggitin ng Mama niya ang pangalan ng kaibigan niyang si Tristan.

" Hayaan mo at iimbitahan ko din sila na kumain din dito minsan.. nang matikman din nila yung nga lutuin ko anak" ani ng Mama niya.

"Oo nga ate, namimiss ko na kalaro ng video games sina kuya Tristan at Cleo hihi" Jacob.

"video games na naman Jacob?" ani ng kanilang Mama.

"Mama naman.. atleast video games at hindi na online games" Jacob.

Nagkatawanan na lamang silang tatlo.

Natapos na silang maghapunan.

Pumasok na sa kwarto nito ang kapatid niyang si Jacob. Ang Mama niya at si Adalyn na lang ang natira sa kusina at nagliligpit ng mga pinagkainan nila.

Habang inaayos ni Adalyn ang mga plato sa lalagyanan ay kumuha siya ng tyempo upang sumulyap sa kanyang mama.

Alam niyang masasagot ng Mama niya ang tanong na kanina pang gumugulo sa isip niya, considering she knows the story of her mom and her friend na naging rival din ng papa niya noon noong college days nila.

"I can see you looking... may gusto ka bang sabihin Nak?" ang sabi ng kanyang ina na nakaharap sa sink nila at naghuhugas ng mga baso.

Ngumiti si Adalyn, lumakad siya palapit sa kanyang ina.

"Ma.. gusto ko lang pong itanong" Adalyn.

"Hmm.. ano iyon anak?"

" I have a friend po... well may gusto siyang isang lalaki pero ang lalaki na 'yon ay hindi niya sure kung gusto din ba siya kung baga it's a one-sided love but then there's a friend of hers na lalaki din which confessess his feelings for her... what do you think Ma ano kayang pwedeng ng kaibigan gawin ko? nahihirapan daw kasi siya" Adalyn asked.

Her Mother took a deep breath and looked at her.

"Is it Maggie?" tanong nito.

"No hindi po classmate ko po Ma you know naman Maggie won't have that kind of thing" Adalyn.

"Hmmm Adalyn... wag ako alam ko na 'yan are you trying to secretly seeking an advice dahil ikaw ang nasa sitwasyon na ito? di ba sabi ko sa'yo? wala munang boypren boypren na 'yan?! 2nd year college ka pa lang ah!" ani ng Mama niya.

"Ma! kalma! seryoso ako hindi po ako 'to tsaka ano ka ba Ma may magkakamali ba saking magkagusto? napaka-imposible" Adalyn.

Hinampas siya ng kanyang Mama sa kanyang balikat.

"Oy! para mo na ring sinabi na hindi magandang babae ang pinagmulan mo!" ani ng kanyang ina.

Natawa na lamang si Adalyn dahil umawra pa talaga ang kanyang Mama para ipakita na magandang babae ito.

"Eh? mama naman haha.. oo na! maganda po kayo it means maganda din 'tong anak niyo" Adalyn.

"Natural! kanino pa ba magmamana di ba" ani ng kanyang Mama.

"Well, I have the same situation before.. you know my friend nag-confess siya sakin bago pa naging kami ng Papa mo, magulo din ang isip ko 'non kase he is my close friend at ayoko na masayang yung pinagsamahan namin kasi nga anak inlababong tunay ang mama mo sa papa mo..." ani ng kanyang ina habang tinutuyo ang kamay nito gamit ang maliit na tuwalya. Tumabi ito sa kanya at itinuloy ang pagkukuwento.

"Ang ginawa ko.. hinayaan ko lang sila pero sinigurado ko na hindi ako nagbibigay ng motibo any of them two kasi sa paniniwala ko one of them will eventually surrender when time comes and I was right my friend came in to realization na he doesn't want to loose me as a friend and I deserved a guy whom I actually liked. Mahirap, I feel sorry for him.. but I had to kase mayron akong ibang gusto eh ... then later on nalaman ko din na gustong-gusto din pala ako ng Papa mo kaya lang hindi siya agad nag-confess sakin its because of his senior friend na may gusto din sa akin, but when he found out na nireject ko ang friend niyang iyon.. everything then happens and fell into their right places" ani ng kanyang Mama.

Nakuha naman ni Adalyn ang gustong ipaghiwatig sa kanya ng Mama niya.

"Tell your friend, kung nahihirapan siya... let time and place choose kung sino talaga ang nararapat para sa kanya kasi kung kokontrolin niya ang puso niya it will be unfair for all of them...kase alam mo nak kailanman hindi natin makokontrol ang puso natin kung sino ang dapat nitong mahalin ngunit kaya nating kontrolin ang paggawa ng pagkakamali at piliin kung ano ang dapat at kung ano ang tama" ani ng Mama ni Adalyn.

Ngumiti siya ng bahagya sa sinabi nito.

"Salamat Ma.. sasabihin ko po 'yan sa kaibigan ko" Adalyn.

Pinat ng Mama niya ang kanyang balikat bago ito sinalansan ang mga baso sa cabinet sa ibabaw ng sink nila.

"Oh siya.. pumasok ka na sa kwarto mo at magbihis na.. pwede ka nang magpahinga tatanggalin na 'yang casts mo bukas di ba? last session mo na din sa therapy... susunduin kita bukas nga hapon dahil wala naman akong appointment okay?" ani ng Mama niya.

"Okay Ma... goodnight" Adalyn.

"Goodnight din anak"

Pumanhik na siya sa second floor ng kanilang bahay at pumasok sa kanyang kwarto.

Huminga siya ng malalim habang nakaharap sa salamin sa loob ng kanyang banyo. Inalala niya ang mga sinabi ng kanyang Mama sa kanya kanina, ngayon ay malinaw na sa kanya ang gagawin. Sisiguraduhin niyang bukas ay hindi siya magpapaapekto sa mga taong huhusga sa kanya, even Treyton.

Iiwasan na niya ito ng tuluyan.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Itutuloy...

Próximo capítulo