webnovel

Man to man

"Achkkkk! Ang sakit ng ulo ko!" Sabunot ni Arc sa sarili. She probably got a hangover last night. I reached her hand at marahang pinisil kaya napatingin siya sa akin.

Nasa loob kami ng kotse ko ngayon and I decided to take her to her dorm. Leya was with Tristan, Khero and Ekon brought their own car.

"Ikaw ba ang kasama ko kagabi? I mean did I do some weird stuffs? And sakit ng ulo ko!" Nag aalala niyang tanong. Umakto naman akong parang nag iisip.

"Well..." All of her attention was on me na para bang gustong gusto niya talaga malaman ang nangyari.

•Flashbacks•

Marahan ko siyang ibinaba sa kama ng kwarto nila ni Leya and gently covered her with some blanket. She's already slept dahil sa sobrang kalasingan. I was about to seal some kiss on her lips when her fingers met my mouth.

"No!no!no! Angel, you can't kiss me kasi may mahal na ako. Ok?At hindi ikaw yon dahil Grint ang pangalan niya tapos di din siya angel." She stated before turning her back at me. Hindi makapaniwalang napangiti ako. Saying those things just brings different kind of joy to my heart. Shit! This is unordinary. 

•End of flashback•

"Hoy!" She snapped me out into reality. I threw her a smile.

"Nothing, you're so behave when you're drunk all you did is sleep the whole night" nakangiti kong turan at marahan naman siyang napatango tango.

-Arc-

"Angel?Langit?Huh?" Paulit ulit na bulong ko sa sarili habang nasa sasakyan. Ano bang nangyari bat may naaalala akong langit? Pucha naman.

"Ugh! Ayoko na! Sumasakit na ulo ko bwisit!" padabog kong ipinadyak ang paa ko sa loob ng sasakyan. Nakakainis wala akong maalala!

"Pfft!HAHAHAHAHA" sinamaan ko naman ng tingin ang katabi ko. Pucha! Kung hindi lang to nagmamaneho binatukan ko na to.

"Bat mo ba kasi ako tinatawanan!? Ano ba kasing ginawa ko!?" inis na tanong ko pero itinaas niya lang ang balikat niya at nakangiti parin.

"Hmmm? Wala. Wala talaga, behave ka lang" he bit his lower lips para magpigil ng tawa at ibinalik sa daan ang tingin. Ang hot niya tingnan sa ginagawa niyang kagat labi ah.

Arghhhh! Ewan! Pantasya pantasya! Puro pagnanasa na nasa utak ko! 

Pagkarating namin sa dorm ay nauna na akong bumaba, sumunod naman siya para ilabas ang mga gamit ko.

"Ako na magdadala!" iritadong saad ko at tsaka pinagdadampot ang mga gamit ko. Pero hindi pa ako nakakahakbang ng bigla niya itong hinablot.

Humarap siya sa akin.

"Alam mo, mas mukha ka namang Angel para sa akin" he playfully stated and wink at me bago nauna ng umalis.

"Bwisit ka! Ano ba kasing Angellll!!!" habol na sigaw ko sa kanya pero tinaas niya lang ang kamay niya. Bigla kaming napatigil sa harap ng dorm ng may pamilyar na pigura ng lalaki ang sumalubong sa amin. Nakasandal ito sa pader.

"Khero?" takhang tanong ko. 

"What do you need?" Seryosong tanong ni Grint. Naglakad ito papalapit sa amin bago tumigil sa harap ni Grint.

Ngumiti muna ito sa akin bago ito hinarap.

"I want to ask you something..." panimula niya. Nagpalipat lipat lang ang tingin ko sa kanila.

"Spit it"

"I know it would be rude if I'll court my--- I mean her without your knowledge, so I was here to formally tell you na hindi pa ako sumusuko. Fight like a man, kung ikaw ang pipiliin niya hanggang sa huli matatanggap ko na ang pagkatalo ko". usal niya. Agad naman nagtagis ang bagang ni Grint.

" Pero Khe--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng pigilan ako ni Grint.

"Tama siya, Sure! Payag ako, alam ko naman na ako ang mananalo e" napakamot nalang ako sa batok. For the first time in four years napag agawan ulit ako ng mga lalaki. Haba naman ng buhok ko.

"Good, so that's it! I'll get going" tapik niya sa balikat ni Grint at tsaka umalis pero tumigil din siya ulit.

"Haha it's so weird to fight for what's already mine at the beginning" pinanlakihan ko lang siya ng mata pero lumapit lang ito at ginawaran ako ng halik sa noo bago umalis.

Kita ko kung paano nandilim ang mukha ni Grint sa ginawa niya.

"AZRAEL JONESS!" sigaw niya pero itinaas lang ni Khero ang kamay niya at tuloy tuloy na pumasok sa sasakyan niya bago mabilis na pinaandar ito.

Ibinalik ko ang tingin kay Grint na huminga muna ng malalim.

"Pero Grint..." Nagaalalang sambit ko pero ngumiti lang ito sa akin.

"Let's go!" nakangiti nitong aya at tumalikod na dala ang mga gamit ko.

"Pero..." Bahagya naman siyang napatigil sa paglalakad at muling humarap sa akin.

"Don't worry, buo ang tiwala ko sayo. Alam kong ako ang pipiliin mo and if ever na mahalin mo siya at matalo ako, I'll respect your decision" boung bou ang pagkakasabi nito na para bang napakalaki ng tiwala niya sa akin. 

Pakiramdam ko kinurot ang puso ko sa mga sinabi niya, Tama bang pagkatiwalaan niya ako?

"Dito nalang kita mahahatid" he stated ng makita si guard na mataray na nakatayo sa entrance ng dorm.

Napatango tango lang ako at ngumiti. Nagpaalam na siya pagkatapos akong ihatid kaya pinagmasdan ko lang siya habang papasok sa kotse niya. Kumaway muna ito bago tuluyang umalis.

"Kayo na ba non?" Lapit ng guard sa akin. Napaka chismoso e noh?

Nginitian ko lang siya na halatang nagulat sa sinabi ko.

"Ang bilis naman! Parang kailan lang dinalhan ka lang non ng noodles ahhh" agad ko namang binatukan si guard sa sinabi niya.

"Yan talaga sasabihin mo? Di mo ako icocongratulate kasi ang pogi niya?ha?" Proud na saad ko at tinaas baba ang kilay sa kanya.

"Easy to get ka girl?" Parang baklang sambit pa ni Guard na pumilantik pa. Hala! Confirm!

"Pakialamero ka beh?" sagot ko naman na may parehong tono sa kanya.

"HAHAHAHA joke lang!" anito at bumalik na sa pwesto niya. I crossed my arms in front of him.

"Hindi mo ako tutulungan sa mga gamit ko?" Mataray na tanong ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Pucha! Ang taray!

"Nah, uso magbanat ng buto" he mouthed kaya padabog kong dinampot ang gamit ko at sinadyang banggain siya.

"Bahala ka diyan! Di ko babayaran utang ko!" sigaw ko ng paakyat ba ako sa hagdan. HAHAHAHAHA joke Hindi naman talaga ako nagbabayad e

Próximo capítulo