'Arra POV'
Nakarating na ako sa room and kasabay ko ang teacher ko.
Discussed!!
Discussed!!
Discussed!!
Ganon din ang pangalawa pero hindi ako nakikinig kasi nga nakakaboring at nakakasawa na yung mga sinasabi nila paulit ulit na lang.Ganon din naman ang mga UGOK hindi rin nakikinig nagpapasahan lang sila ng papel kapag nakatalikod na ang mga teacher. Yung iba naman pasimpleng nagtititigan kung baga nag uusap through mata to mata.
At ayan na ang pinakahinhintay na ng lahat maski ako kasama siyempre ang RECESS time!
"Hala, si boss oh bumalik na,"sabi ni Clyde.
Pumasok siya ng room at masama itong tumingin sa akin.Tila ba sa pagtitig niya may ginawa akong mali sa kaniya.Umiwas ako ng tingin sa kaniya para kasi itong nanghihipnotize .At umupo ito sa kanyang upuan na parang wala lang nangyari.
"Hello Arra!"bati sakin ni Clyde.Sabay tabi sa aking upuan.
"Lumayo ka nga! Teka close ba tayo?!"sabi ko sapagkat umakbay ito sa akin.
"Hindi.Pwede ba kitang maging friend?"
"Don't talk to stranger."
"Oh, sige magpapakilala na ako."
"I'm Clyde Kim,"pagpapakilala nito sabay shake hand sa akin.
Nakipagkamay naman ako sa kanya.At nagpakilala din kahit na hindi na dapat kasi kilala naman na talaga niya ako.
"I'm Arra De Verra"
"Pwede na ba akong umupo sa tabi mo start ngayon?"tanong nito.
"Sige,"mahina kong sagot pero sapat na para marinig niya.
Pumayag na rin ako kasi ako lang naman ang walang kakampi dito sa room nato at sa University nato.
Nilipat niya ang upuan niya sa likod papunta sa harap para magtabi kami.
"Ahmm pwede bang magtanong?"
"Nagtatanong ka na nga,"pang aasar niya sa akin.
"Seryoso kasi."
"Oh sige, ano ba yun?"
"Bakit walang mga babae dito sa University?!"tanong ko.
"Sorry. Hindi ko masasagot yan mas better na si Boss na lang ang magsabi sayo."
Naiinis ako kasi wala naman akong napala.Kaya naman kumain na lang kami ng sabay.
***************************
Pagkatapos naming kumain nagkwentuhan kami ni Clyde.Mabait naman pala siya kahit papaano at madaldal nga lang pero okay lang yun para naman may makausap ako.
"Arra, about sa nangyari nung simula.Sorry ah!"ani nito.
"Past is past kaya pinapatawad na kita,"sabi ko at kita ko sa kaniya ang dimple nito dahil sa malawak na pagngiti.
"E,yung mga kasama ko mapapatawad mo din ba sila?"
"Depende kung magsosorry sila sakin patatawarin ko at kung hindi, edi, manigas sila."
"By the way, bakit ba ang bubully niyo sakin nitong nakaraang araw?"
"Well,ayaw kasi ni Boss ng babae dito at siyempre inutusan niya kami na pahirapan ka.Kaya sinunod namin,"ani nito.
Magtatanong pa nga sana ako pero dumating na ang teacher ko at nagsiayos na kami ng upo.
Discussed!!
Discussed!!
Discussed!!
At nung natapos na, umalis na si Sir.Wala namang iniwang assignment kaya ang saya!
"Arra!!sabay tayo ngayon.Hatid kita sa inyo."
"Maglilinis pa ako"
"Edi, tulungan na kita para matapos na."
Tutulong na sana sa akin si Clyde kaso sinamaan ito ng tingin ng BOSSINGERO.Kaya naman hindi nito nagawa.
"Hoy!nagmamalasakit lang naman ang tao ah!Pipigilan mo pa!"bulyaw ko sa kanya.
"Bakit kasama ba sa usapan na tulungan ka?!Di ba hindi!!Kaya linisin mo yan mag-isa! "bulyaw din niya sa akin.
"Clyde,diyan ka na lang sa labas.Hintayin mo na lang ako,"sabi ko at sumunod naman ito.
Naglinis na lang ako ng mabilis para makauwi na din.At yung isa diyan tahimik na nanonood.
At nung matapos na, sabay na kaming umuwi ni Clyde at iniwan namin siyang mag-isa.
"Sana di siya makalabas ng buhay"bulong ko sa sarili ko.
Hinatid na'ko ni Clyde at pagkatapos ay nagpaalam sa isa't-isa.
"Bye,Arra! kita-kits bukas."
"Bye din ingat ka!"
Pumunta na'ko sa kwarto ko at ginawa na ang night routine ko.Kumain na rin ako at magbabasa na ngayon ng wattpad.
Oo,tama ang narinig niyo nagbabasa ako ng wattpad kahit na mataray at matapang ako.Yun lang naman ang pampalipas oras ko e.Nang matapos na sa pagbabasa matutulog na sana ako pero may narinig akong ingay.
----------------------------------------------------------------
Lumabas ako upang tingnan kung sino yung engot na pupunta pa para lang mangdistorbo.May dala dala naman ako ng pamalo incase na may gawin siya sa'kin.
'Sana lang walang baril' bulong ko sa sarili ko.
Pinakikiramdaman ko muna kasi feeling ko nagtatago din.Sira talaga ang tuktok non pupunta punta dito tapos magtatago.
Nung makita ko kung saan iyon nagtatago. Palihim ko na pinuntahan at nung nasa likod na'ko pinagpapalo ko.Nakahood pa ito ibang klase din at naka mask pa.
"Araaaaay!!!"bulyaw ng lalaking pinagpapalo ko.Parang familiar ang boses niya sakin pero binalewala ko pa rin.Patuloy ko pa din siyang pinagpapalo huminto muna ako kasi napagod na hanggang sa tinanggal ko ang maskara at nakita ko ay si.......
"ZAAACKKK!!!"sigaw ko.
"Anong ginagawa mo dito?!"tanong ko.
"Ssshhhshh"sabay tinakpan niya ng kamay niya ang bibig ko para di makagawa ng anumang ingay.
Pumasok siya sa dorm ko at kahit na ayoko, no choice din kasi may panganib na palang dumating.
"Hoy,anong ginagawa--"natigilan ako sa sinabi ko dahil nakita ko ang hitsura niya na may pasa sa mukha at mukhang namimilipit sa sahig dahil sa kakapalo ko din kanina.
"Huwag mo nga akong tingnan!!"inis nitong sabi.
"Ano bang ginagawa mo dito ah?!"
"Alam mo naman ang dahilan itatanong mo pa din."
"Bat kasi dito mo pa naisipang magtago e, madami namang iba diyan."
"E, ito ang malapit."
"Ayan dahil sa kagagawan mo yan ang napala mo,"habang nag-uusap kami ginagamot ko siya.
"Ouchhhhh,dahan dahan naman!"ani nito.
"Hoy sino ba yang humahabol sayo ah?!"
"Sino pa ba edi yung mga nakaaway ko kanina."
"Binalikan ka talaga ng mga yun?"
"Obvious naman diba!!"inis nitong sabi.
"Oh, pano yan saan ka matutulog?!sure ako na hinahanap ka pa rin ng mga yun?!"
"Uuwi na'ko, salamat na lang dito,"lalabas na sana siya kaso nahawakan ko ang kamay niya.
"Sandali,dito ka na lang.Mas safe pa dito."
"Sure ka?!"
"Oo,basta don ka sa sahig"turo ko.
"Ayoko nga duh!!"
"Hindi pwede, dun ka sa sahig."At sinamaan ko ng tingin.
"Sige na nga!!"inis nitong sabi.
Buti na lang may extrang unan at kumot pa.
" Oh,ito gamitin mo!!"sabay hagis ko.
Matutulog na sana ako.....
"Arra! Salamat.."sabi niya sabay higa sa sahig .Wag kayo mag alala may kumot naman yun ang ginamit na pang sapin at pumikit na siya.
Nilingon ko muna ito at yun na nga mabait pag tulog sana panghabambuhay na.Chos lang.
At natulog na din ako ng nakangiti.Teka,ang weird noh.Sige na goodnight.
Authors note:
Hello mga kareaders.Thank you sa mga nagbabasa nito I really appreciate it.By the way anong masasabi niyo sa gawa ko.Commeent here you can critique my work if my napuna kayo.Thanks!!!!