webnovel

Chapter 6: Half

Kevin's POV

"Takbo!"sigaw ko kay Sam ng habulin siya ng isang halimaw. Tumakbo naman ito papunta sa direksiyon ko.

Inihanda ko ang aking pana't palaso upang magamit ko iyon sa humahabol kay Sam.

Maya maya pa ay ikinalas ko na ang aking kamay sa pagkakahawak ko sa palaso at lumipad ito sa direksiyon ng halimaw.

Kasabay nun ay tunog ng isang baril.

Nagtaka ang lahat sa paligid namin. Saan nang galing ang putok ng baril?

Tinignan ko ang halimaw at si Sam.

Unti unting natumba ang halimaw sa harap ni Sam kaya naman agad niya itong nilapitan.

Dumadaloy sa katawan nito ang kanyang dugo.

"Cut! Cut! Cut!"utos ng direktor sa aming klase.

Nilapitan namin lahat si Martin na nakasuot ng costume pang halimaw.

Inalis namin ang kanyang costume at nakita naming lahat si Martin na wala ng buhay.

"Shit!"ani ni Sam. Napayakap ako sakanya.

"Sinong may gawa nito?!"tanong ng direktor saaming lahat.

"Mia, walang may baril sa atin. Bawal yun sa Academy kaya paano?"sabi ng isa sa mga kaklase namin ni Sam.

Nagsidatingan ang mga Prof at saka kami pinaalis sa mismong lugar kung saan naganap ang krimen.

"Sam. Okay ka lang?"tanong ko sakanya.

"Sino saatin ang may gawa nun?"tulala nitong sabi saakin.

"Hindi ko alam."malamig kong sagot sakanya.

Kilala ko si Sam. Matapang siya pero ngayon ko lang siyang nakitang ganoon.

"Patay narin si Tera!"dinig kong sabi sa isa ko pang kaklase. Tang ina! Ano ito? Sa isang araw mamatay lahat?

"Asa banyo si Tera, basag ang mukha niya!"dagdag pa nito.

Nagsitakbuhan ang lahat papalabas ng Academy.

"Announcement! Announcement! All classes will be suspended for one week due to the what happened right now. Please stay safe everyone!"dinig naming announcement galing mula sa sa Dean ng Academy.

🌺🌺🌺

Inihatid ko si Sam sa bahay niya. Nangangamba ako sa kung anong nangyayari ngayon.

"Tang ina! Anong nangyayari sa eskwelahan natin?!"ani ko upang mabasag ang katahimikan.

Tinitigan ko siya atsaka ko siya binatukan.

"Tang ina mo naman, Kev!"ani nito saakin.

"Eh ano ba kasing iniisip mo diyan?" tanong ko sakanya.

Napatitig ito saakin. Anong mayroon?

"Kevin. Ako ata ang pumatay kay Martin."ani nito saakin. Nababaliw na ba siya? Paano?

"Sam, kitang kita kong hindi. Wala ka namang hawak na baril eh."ani ko dito. Nakapagtataka naman na ganun ang sinabi niya.

"Kevin, kitang kita ko ang sarili ko." ani nito saakin.

Natatanga na ata siya eh. Nangulangot ako at saka ako sumandal sa sofa na inuupuan namin ngayon ni Sam.

"Sis, alam mo? Nababaliw ka na. Tanga ka na ata eh."ani ko dito.

Tinignan naman ako nito ng masama saka umirap. Aba, siya na nga itong sinasabihan ko ng ganyan uy.

Hello, ayoko naman kaya ng baliw na kaibigan. Ano? Kailangan ko pa siyang dalawin sa Mental soon? No. No. No.

"Alam mo, kung ayaw mong maniwala, diyan ka na nga lang."ani nito saakin saka tumayo at umakyat sa kanyang kwarto.

Anong problema nun? Nasisiraan na ata yung tangang yun ba.

"Sir, anong nangyari kay maam?"tanong saakin ng kasambahay ni Sam habang hawak hawak ang isang cobra.

Ewan ko ba naman sa kaibigan ko. May ahas na, may tigre, may buwaya pa. Naiimagine ba niya na parang zoo itong bahay niya.

"Ah. Hindi ko po alam. Hayaan niyo na po parang hindi naman po kayo nasanay saamin."ani ko dito.

"Ah ganun po ba sir."ani nito saakin habang hinahaplos haplos ang cobra.

Nakakatakot.

"Alis na po muna ako."pagpapaalam ko sakanya.

"Hindi na po kayo magpapaalam kay ma'am?"tanong nito saakin atsaka inilapag ang ahas sa aquarium.

Tang ina. Ang weirdo talaga ni Sam. Ewan ko ba kung paano ko ba ito naging kaibigan.

Napalunok ako habang tinitignan ito na inilalapag ang ahas.

"Ah eh, hindi na po. Alam niya na po yun." ani ko sakanya saka ako tumayo sa kinauupuan ko.

"Sige po sir. Ingat po kayo."sagot nito saakin. Ngumiti naman ako sakanya saka ako lumabas ng bahay ni Sam.

Hay naku. Ugali na talaga ni Sam ang ganito.

Pero hindi niya ugali ang maging mahina sa mata ko.

Lalo ang sasabihin niya saakin na siya ang pumatay kay Martin.

Kitang kita ko na nakatayo lang si Sam nang mabaril si Martin kaya paano?

Walang rin itong dahilan para patayin si Martin. Kaya paano?

Napatingin na lamang ako sa kalangitan at napabuntong hininga.

Sam's Pov

I don't even know what happened.

But, I am sure that it was me.

I saw my self holding a gun.

And I killed him.

Tinignan ko ang aking sarili sa salamin.

Who am I?

Kinuha ko ang sulat na nakalagay sa drawer ko. Sulat na galing sa aking ama't ina noong sila'y nabubuhay pa.

Nakasaad sa sulat na hindi nila ako tunay na anak pero minahal nila ako.

Minahal nila ako na parang tunay na anak.

Napahawak ako sa batok ko na kanina pa sumasakit.

Hindi ko alam kung bakit laging sumasakit ito. Dahil ba ito sa stress kanina?

*Kring... Kring...*dinig kong tunog ng aking cellphone.

Kevin's calling...

"Hoy tanga! Okay ka na ba?" tanong nito saakin.

"Gago kang ulol ka!"sagot ko dito. Tumawa naman ito ng malakas.

"I'm glad your okay now bullshit!" ani nito saakin habang nagpipigil ito ng tawa.

Kahit pala talaga nakakainis itong lalaking ito.

Kaibigan ko parin talaga ito. Kilalang kilala niya ako eh.

"Huwag kang mag isip ng kung ano ano. Mababaliw ka niyan."dagdag pa nito saakin.

"Oo na. Oo na. Magpapahinga muna ako." sagot ko sakanya.

"Okay, pahinga well pakshit!"ani nito saka pinatay ang tawag.

You are the best, Kevin.

Sana alam mo yan. Napakasolid mong kaibigan mula noon at hanggang ngayon.

"Samantha..."dinig kong pagtawag saaking pangalan.

Hinanap ko sa kung saan nanggaling ang boses ngunit hindi ko mahanap.

Tumingin ako sa salamin at tila ba umiilaw ang marka ko sa batok ko at nananakit ng sobra.

Ano ba itong nangyayari saakin?

Napakaweird.

Bigla na lamang akong nahilo kaya naman naramdaman ko ang aking katawan na bumagsak na lamang sa sahig.

Naaninag ko ang mukha ko.

Kaharap ko siya ngayon.

"Sino ka?"pilit kong bigkas upang matanong ito ngunit bago pa man ito makasagot ay nilamon na ako ng hilo ko at tuluyan ng naging itim ang paligid.

A/N: How was the sequel? Gusto ko kasi unexpected yung kasunod na chapter. So, ano? Kamusta? Sana nagustuhan niyo. Maraming salamat po sa support ninyong lahat lalo na po sa mga readers ko. I love you guys, always!

Próximo capítulo