webnovel

Chapter 53 (Last Chapter)

Last Chapter

"I don't know how to start this, pero sisimulan ko pa rin. Alexa, I know isa akong douchebag lalo na these past few days. Lagi kitang nasasaktan sa mga ikinikilos ko. I'm so sorry, sorry sa lahat ng mga nagawa ko sa'yo from the very beginning na makilala kita. Nung una, gustong gusto lang kitang inisin kaya lagi akong nagpapapansin sa'yo. Napaka-isip bata ko 'non. Lagi tayong nagbabangayan, nag-aasaran, minsan halos magpatayan na tayo. Ang dami na rin nating napagdaanan, may mga time na tawanan, iyakan, at minsan tampuhan. Pero lahat ng 'yon hindi ko pinagsisisihan, kasi dahil don, mas nakilala kita. Siguro nga sinasabi nila sa'yo na ang cold mo at kinakatakutan ka nila dahil don na siya namang kinaiinisan ko. Kinaiinisan ko sa umpisa na minahal ko naman as the time passes by. Hindi kumpleto ang araw ko 'pag di kita nakikita. Ewan ko ba, para kang droga, nakakaadik. Naaakit ako sa'yo in a way na kahit madami tayong 'di napag-kakasunduan ay gustong gusto ko parin na makita ka. Siguro nga tama yung sinasabi nila na opposite attracts, parang sa magnet lang, nag-aattract ang positive at negative. Kagaya natin, ikaw, cold ka, samantalang ako hot haha. Nang dumating ka sa buhay ko, lahat nagbago. Kung dati ay wala akong pakialam sa mga nasa paligid ko at puro hangin ang ang nasaloob ng katawan ko, pwes nung dumating ka, nabago mo ako. Para kang isang snow storm na tinangay lahat ng hangin ko sa katawan. At dumating yung time na narealized ko na gusto na pala kita, gusto na napunta sa pagmamahal. Kung kaya't hindi ako nagsisisi na makilala kita no'ng araw na 'yon, yung araw na nabuhusan mo ako ng slurpee. Kasi magmula no'n ay nagbago na ang ikotng mundo ko. Natutunan kong mahalin lahat ng tungkol sa'yo. Kaya siguro isa na ako sa pinakamasayang tao sa mundo nang pumayag kang ligawan kita. Ang tagal kong naghintay para sa pagkakataon na ito. Pasensya na kung natagalan kasi natatakot ako na baka mareject ako pero habang tumatagal, narerealize ko na kung mahal mo talaga ang isang tao, hindi na magiging mahalaga sayo kung mahal ka rin ba niya o hindi. Kasi pag mahal mo ang isang tao, mahal mo siya kasi iyon ang nararamdaman mo at masaya ka doon, bonus na lang din kapag mahal ka rin niya. Kaya napag-isip-isip ko na bakit hindi ko itry? Wala din namang mawawala kung susubukan ko. ang mahalaga sa akin ngayon ay maparamdam ko sa'yo ang pagmamahal ko. Mahal na mahal ka talaga ng unggoy na to. Sana payagan mo ang unggoy na 'to na lumambitin sa puso mo at magbigay kaligayahan sa'yo. Gusto kong makasama kang maging masaya at harapin ang mga pagsubok nang magka-hawak kamay. Kaya Alexa, pwede ba kitang maging nobya? "

Halos hindi ako makapagsalita sa mga sinabi ni Jacob. Hanggang sa 'di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Luha na sumisimbulo ng kasiyahan ko ngayon.

Napatingin-tingin ako sa paligid, nandito ang mga kamag-anak at mga kaibigan ko, sila mommy at daddy, kuya Brian at ate Aubrey, Briley, Shane, mga tito at tita ko, Buzzer, at ang mas ikinatuwa ko pa ay ang dalawang tao na magkahawak kamay, si Anthony at Aira. Bakas sa mga mata nila ang kasiyahan habang nakatingin sa amin no Jacob.

Napadako naman ang tingin ko kay Jacob na nanginginig at pinagpapawisan. Bakas din sa mga mata niya ang kasiyahan at pag-asa.

Matagal ko na rin itong hinihintay. Na tanungin niya ako tungkol sa bagay na 'to.

"No." rinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid ko. At ang pagkalungkot ng mga mata ni Jacob.

"Alexa..." Tanging nasambit na lang ni Jacob habang nakatingin sa mga sapatos niya. Nagbabadya na ring pumatak ang mga luha niya, pero bago pa man 'yon mangyari ay inunahan ko na siya.

"No. Hindi ko kaya Jacob. Hindi ko kaya kapag mawawala ka pa sa akin. Kaya sinasagot na kita." Biglang napaangat ang ulo ni Jacob at bakas doon ang gulat.

Natatawa ako sa hitsura niya, priceless hahaha.

"What? Ano'ng sabi mo?" nanginginig na tanong niya.

"Yes." Nakangiting sagot ko. kasabay 'non ay ang malakas na hiyawan at palakpakan ng mga tao sa paligid.

Agad akong niyakap ng mahigpit ni Jacob habang lumuluha.

"Thank you Alexa, damn. I love you so much." Sabi niya habang yakap pa rin ako.

"I love you too unggoy haha."

There's a time for everything ika nga nila. Para sa akin ay totoo ito. Hindi lahat ng bagay ay minamadali. Lalo na sa pagmamahal. Hindi ako naniniwala sa mga nagsasabi na mahal na nila agad ang isang tao in just a short period of time.

Opinyon ko lang naman ito pero para sa akin, masasabi mong mahal mo na talaga ang isang tao kapag nakilala mo na ang totoong siya. Na kahit marami siyang flaws ay walang magbabago sa pagmamahal mo sa kaniya. At kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao ay mananatili ka parin sakanya. Bakit? Kasi kilala mo na siya kung kaya't hindi na magagamit ng ibang tao ang mga masasamang bagay laban sa kanya.

Ang daan tungo sa totoong pagmamahal ay isang mahabang proseso. Andiyan yung mga pakiramdam na masaya,malungkot, nakakagalit, nakakasakit at darating din 'yung time na madidisappoint ka at iiyak sa mga bagay-bagay. Syempre hindi rin maiiwasan ang pagkakataon na kailangan mong magparaya para sa taong mahal mo. Na kahit masakit, pero gagawin mo pa rin para sa ikabubuti ng lahat. Gustuhin mo mang maging selfish para sa sarili mo pero kapag naiisip mo na sa iba magiging masaya ang taong mahal mo ay buong puso ka magpaparaya para sa kanya.

Pero at the end of the day, hindi ka magsisisi sa mga naramdaman mong sakit. Kasi kung hindi dahil sa mga hirap na naranasan mo ay hindi mo makakamit ang inaasam mong kaligayahan, kung hindi dahil sa mga sakit ay hindi mo siya lubos na makikilala, ang taong para sa'yo.

Isa rin sa mga natutunan ko ay kapag nagmahal ka, hindi na mahalaga kung ano at sino siya. Lahat ng flaws niya matatanggap mo, mahal mo eh. Kaya ibang-iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal sa buhay natin. Nababago din tayo nito nang 'di natin namamalayan.

It's better to suffer now then enjoy later than enjoy now but suffer later.

-----------------------END-----------------------

Super thank you po sa pagbabasa. Naappreciate ko po ng bonggang-bongga ang pagsubaysabay niyo sa story ni Mau at Jacob (Kung meron mang sumusubaybay haha). May susunod pa po akong story entitled "Online It Is". Hoping for your support! Lovelots!

Follow me on:

Twitter: https://twitter.com/Kylnxxx?s=09

Facebook: https://www.facebook.com/Kyleneeeee

Instagram: https://www.instagram.com/khey_line

Booklat: https://www.booklat.com.ph/User/UserProfile/38831/Kylnxxx

Vsco:

vsco.co/kylnxxx

kylnxxxcreators' thoughts