webnovel

Chapter 49

CHAPTER 49

--ALEX:

"Kanina ka pa bothered diyan." Sabi ni Jacob habang pumapapak ng Nutella ko. Oo Nutella ko, andito siya sa bahay ko para lang kumain.

Kakarating lang namin galing ng Airport, nakaalis na si Aira papuntang Puerto Rico. Hays, kahit naman naiirita ako sa kadaldalan niya, mamimiss ko pa rin siya. Bestfriend ko kaya 'yon. At ito namang si Jacob, imbis na sa bahay nila siya dumiretso, eh dito siya dumiretso sa bahay ko at pumunta kaagad sa kusina para maghanap ng niya lang sinabing papalitan niya ng isang galloon ng Nutella ang kinuha niya. Syempre, sino ba naman ako para tumanggi eh grasya na 'yon. Lulubusin ko na kabaitan niya habang hindi pa nag-eexpire. Siya na richkid.

"Ahm, wala lang. Ipagpatuloy mo lang pagpapak ng Nutella, diyan. Don't mind me."

"Paanong hindi kita papakialaman eh kanina ka pa ikot ng ikot sa harapan ko. Ako na ang nahihilo sa'yo. Ano ba kasi 'yang tinitignan mo sa phone mo? Baka naman picture ko 'yan ha na pinagpapantasyahan mo. Ano ka ba naman, nandito na nga ako sa harapan mo pero diyan ka pa nakatingin si cell--"

"Shut up! Kung ayaw mong ibato ko sa'yo itong cellphone ko." Nakakainis, 'di na nga ako mapakali dito tapos isisingit pa niya pagka-assumero niya.

Nakita ko namang napabuntong hininga siya atsaka nilapag ang Nutella sa lamesa na nasa harapan niya. "Kung gusto mong magpaalam or kung ano man ang gusto mong gawin at sabihin, walang pumipigil sa'yo. Alam ko namang kahit ano'ng mangyari, siya pa rin ang una mong bestfriend at hindi mo 'yon maaalis at mababago. Ang dami mo kasing nalalaman na magpakalayo-layo muna siya siya eh mamimiss mo din lang naman. Tsk. Basta ako, nakapag-paalam na ako sa kaniya kahapon, kami ni Shane. Ikaw na lang ang hindi pa 'wag mong pairalin ang pride mo. Alam ko namang mahal na mahal mo yung bestfriend mo. Kaya go, you're free to go while me, I'm just gonna sit here here and eat my Nutella." Saka niya ako kinindatan. Eww.

"Don't act like you know my pain--" Walang hiya, putulin daw ba naman ang sasabihin ko.

"Hindi ikaw si Daniel Padilla kaya 'wag mo akong maganyan-ganyan Alexa ah, alam ko na ang line na 'yan. Napanood ko kaya 'yan. Kung ako sa'yo, gagawin ko na ang gusto kong gawin baka mamaya, magsisi ka." Wtf is he talking about?! Wala akong alam diyan sa Daniel Padilla na 'yan!

So imbis na makipag-away ako sa kaniya, just this once ay susundin ko ang payo niya.

Agad kong kinuha ang susi at agad pumunta ng garahe at saka pinaharurot ang baby wheels ko.

Ngayon na din kasi ang alis ni Anthony going to somewhere I don't know. Kanina pa ako nabobother kasi hindi ko alam kung magpapaalam ba ako o kung ano. Habang nasa airport kami kanina ay panay din ang tingin ko sa relo ko. 12:00 pm kasi ang departure ni Aira samantalang si Anthony naman ay 2:00 pm.

Magkaiba ang airport kung saan ang flight ni Aira at ni Anthony. Si Anthony, hindi na din nakapag-paalam sa akin kasi ang alam niya ay galit ako sa kaniya.

Nakakatampo siya ng konti, bestfriend niya ako pero hindi man lang siya magpapalam sa akin. Kay Shane ko lang din nalaman kahapon na ngayon pala ang flight ni Anthony.

Sabi ni Shane ay mas pinili raw ni Anthony na 'wag na lang magpahatid pero wala siyang sinabing dahilan kung bakit.

Sa totoo lang, hindi naman ako galit sa kaniya. Masama lang ang loob ko and gusto ko rin na mag-reflect siya sa mga nagawa niyang pagkakamali.

Kaibigan ko pa rin siya kahit ano'ng mangyari. Hindi 'yon magbabago.

Sabagay, bakit nga pala siya magpapaalam sa taong nagpapaalis sa kaniya?

Habang nasa biyahe ako, hindi ko maiwasang kabahan. namamasma na rin ang kamay ko, I don't even know why.

Timecheck: 01:50 pm. Sht! Kailangan ko na talagang bilisan baka hindi ko siya maabutan.

Pinaharurot ko na ang kotse ko ng sobrang bilis, thank God hindi masyadong traffic ngayon at walang mga enforcer.

Pagkadating ko sa airport, agad akong tumakbo papasok sa loob ng airport at hinanap ang gate 5.

May mga nakikita akong nagpapacheck na ng mga passport nila pero hindi ko makita sa Anthony. Mukhang hindi na ata ako umabot. Hayst.

Napaupo na lang ako sa isang upuan habang nanlulumo. Nilagay ko ang mga siko ko sa mga tuhod ko at dinaop ko ang aking mukha.

I feel so frustrated, alone, disappointed, and--

"Alex?"

Bigla akong napatingin sa harapan ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Halos pagsaawaan ko na ang boses na 'yon kaya hindi ako magkakamali.

Pagkaharap ko, nakita ko ang mukha ng... bestfriend ko na nagtataka. He looks so confused ang surprised as well.

"Ano'ng ginagawa mo di--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya nang bigla ko na lang siyang niyakap.

Habang yakap ko siya doon na bumuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Ang daya mo, hindi ka man lang nagpaalam sa akin. Hindi mo ba alam na ang sakit para sa akin na hindi ka magpaalam? Hindi ka na nga umuwi sa bahay ko ng ilang araw tapos malalaman ko na lang na aalis ka na pala ngayon. Akala ko pa naman sa mga susunod na araw pa. kung hindi sinabi sa akin ni Shane na ngayon ang alis mo, hindi ko malalaman. Kahit naman ako ang nagpapaalis sa'yo, sana nagpaalam ka pa rin. Parang wala tayong pinag-samahan. Akala ko ba bestfriend tayo? Pero bakit ka ganiyan sa akin?" Sabi ko habang mahinang humihikbi.

Nang maramdaman kong namamasa na ang damit ni Anthony ay ako na ang unang kumalas sa pagkakayap ko sa kaniya.

At nakita ko siya, nakangiti habang naluluha.

"Hindi mo alam kung paano mo ako napasaya ngayon bebs. Galit ka kasi sa akin kaya I decided na hindi na lang magpaalam sa'yo. At sa huling pagkakataon, I'm sorry." Sabi niya saka ako niyakap.

pagkain. Ayaw ko nga talagang ipamigay ang Nutella ko kung hindi

"Hindi ako galit sa'yo. Nagtatampo lang. kaya 'wag ka na magdrama diyan. 'Di ako sanay." Saka ako kumalas sa yakap niya ulit na inirapan siya.

"So, baka ma-late na ako. Bye este see you soon bebs. Take care always ha." Saka niya ako hinalikan sa noo.

"Ikaw din, mag-iingat ka doon. Refresh your mind and meditate. Be healthy din." Saka na ako kumuway sa kaniya.

Habang papapalayo siya, unti-unti namang sumisikip ang dibdib ko.

Hayst, ang bestfriend ko. magkakalayo ulit kami.

Kahit mahirap, kailangang gawin para sa ikabubuti ng lahat.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
Próximo capítulo