webnovel

Chapter 38

CHAPTER 38

--ALEX:

"Bebs, bilib na talaga ako sa'yo." Manghang sabi ni Anthony habang tinitignan niya ang results ng exam ko.

"Lagi ka namang nabibilib sa akin ehh." nakangising saad ko, napairap naman siya sa kawalan. Mukha talaga bakla itong nilalang na ito, nang-iirap eh.

"Sows, if I know... na madali lang ang binigay sayo na exams ng mga prof kasi alam nilang madami kang na-miss na lessons at kayo ang may-ari ng school kaya ayaw ka nilang pahirapan."

"Sows mo mukha mo, for your information, hindi gano'n kadali sa iniisip mo ang exam na binigay sa akin. Nahirapan nga ako eh kahit na mataas ang nakuha ko, alam kong pinaghirapan ko 'yan. Tsaka from the very first start, ayaw ko ng may special treatment sa akin. At ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi NAMIN pag-aari ang school, kundi pag-aari NILA, ng parents ko."

"Oo na, papatalo na ako. Lagi naman akong nagpapatalo para sa'yo eh." Saka niya tinaas ang magkabilang kamay na parang sumusuko sa pulis. Hindi ko na rin narinig ang huling sinabi niya kasi tumayo na ako at pumuntang kwarto at agad pinuntahan ang sulat na nasa side table ng kama ko.

Kaninang umaga, nakatanggap nanaman ako ng sulat galing sa Summoners. Neg-set ulit sila ng date para sa fight. Nakasulat doon ang lugar at eksaktong petsa kung kailan gaganapin ang fight.

Naalala ko ang sinabi ni Jacob sa akin nung time na nagkasagutan kami. Sabi niya, pinapatay ng Summoners ang lahat ng nagiging sub member nila kapag natatalo sila. Para namang hahayaan kong matalo ang gang na kakampihan ko. Psh.

Pero ang isa pang bumabagabag sa akin, hindi ko alam kung paano makipaglaban ang Artemis. Ito ang unang beses na makakasalamuha ko sila. Ang tanging nalalaman ko lang ay wala silang sinasanto pagdating sa patayan. Sa lahat kasi ng nasalihan kong gang fight, nag-iimbestiga muna ako tungkol sa gang na kakampihan ko at sa magiging kalaban namin. Inaalam ko kung paano sila makipag-laban, kung gaano sila kalakas, kaya madali na lang sa akin na kalabanin sila. Nag-iimbestiga ako in my own little ways.

Kaya lang, ang Artemis lang ang mahirap kuhanan ng impormasyon. Kilala sila ng marami, kilala sila sa pangalan pero hindi sa kung sino talaga sila, iilan lang ang may nakakalam tungkol sa kanila pero walang nagbabalak na magleak ng impormasyon tungkol sa kanila kasi buhay nila ang kapalit. Maimpluwensyang tunay ang Artemis. Kaya mangangapa ako sa dilim kapag makakalaban ko na sila.

Hindi ko rin alam kung bakit kakalabanin ng isang high class na gang ang low class na gang. Bihira kasi itong mangyari, kadalasan ay kapwa magkapantay ng estado ang naglalaban. Sa tingin ko mahalaga ng pusta nila. Or baka naman ay binabalak sila na hindi ko nalalaman. At 'yon ang dapat kong alamin.

Pagdating ko sa lugar kung saan gaganapin ang laban ay sinalubong ako ni Kurd, ang leader ng summoners.

"Oh sa wakas naman ay nakapunta ka rin Azh. Akala ko ay hindi mo nanaman sisiputin ang aming imbitasyon." Nakangising bati niya sa akin.

"Ahh gano'n ba ako kaimportanteng tao para lang ipagpaliban ang labanan. Tsaka sa pagkakalam ko, maaari niyong ituloy ang laban kahit wala ang sub. O baka naman natatakot kayong matalo ng Artemis." Nakangising saad ko rin.

Napakunot ang noo niya ng konti dahil sa sinabi ko at binawi niya rin iyon kaagad at pinalitan ng matamis na ngiti.

"Nakakatawa ka naman binibining Azh, hindi naman sa takot kaming matalo. Sadyang hindi lang kumpleto ang laban kapag wala ka." Huh? Ano daw?

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Halika muna sa loob at magpahinga muna, alam kong malayo-layo rin ang biyahe papunta rito." At iginiya niya ako sa isang pintuan 'di kalayuan sa kinatatayuan namin. Wala din naman akong choice kundi sumunod sa kanya kasi ayo'ko rin namang amagin mag-isa sa labas.

And by the way, as I have said nung mga nakaraang chapter, hindi nagaganap ang labanan sa isang abandonadong gusali kundi sa isang napakagarang gusali o 'di naman kaya'y mansion.

So ayun, pumasok na kami sa isang pintuan at pagkapasok namin, bigla na lang may nagtakip ng panyo sa ilong ko mula sa likuran ko. Gustuhin ko mang lumaban, wala na akong sapat na lakas para gawin ito dahil unti-unti na akong nilamon ng kadiliman.

Nagising na lang ako sa isang madilim na lugar. Kapag sinabi kong madilim, as in madilim talaga. Wala akong nakikita kahit katiting na liwanag sa paligid ko.

Pilit kong inaalala ang nangyari kanina bago ako mawalan ng malay then dun ko narealized na they tricked me. Pero bakit naman kaya? Sht! I have to know what and who's the fckn reason behind it!

Kapag ilalarawan ko ang sitwasyon ko ngayon, masasabi kong medyo nahihirapan ako. Ikaw ba naman magsing sa isang madilim na lugar habang nakagapos ang kamay at paa sa silya.

Then after a minute, nakapag adjust na rin ako sa dilim. Agad ako nakapag-adjust kasi nga nabiyayaan ako ng good eyesight, hindi naman sa pagmamayabang pero malinaw talaga ang paningin ko.

At base sa nakikita ko, walang bintana ang kwartong kinalalagyan ko. Tanging nag-iisang pintuan lang ang nagsisilbing daan para makalabas dito. At ang sosyal din ha, naka- airconditioned ang kwarto kaya pala hindi ako pinagpapawisan. Pero bukod doon, ay wala na akong makitang ibang gamit na nasa paligid. Nasa sentro ako ng kwartong ito.

Sht! A realization hit me! Hindi totoong may laban. Sinabi lang ng Summoners na may laban kahit wala naman talaga. Totoo ang sinabi ni Jacob na papatayin nila ako at para namang papayag akong magpapatay ako sa kanila. Kaya pala bago ako pumunta dito ay kinukutuban ako ng masama.

Then bigla na lang bumukas ang pintuan dahilan para masilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa labas. May isang babaeng nagbukas ng pinto. Nalaman ko agad na babae ito dahil na rin sa nakalugay niyang buhok at shape na rin ng kanyang pangangatawan. Sexy siya pero mas angat naman ang kurba ng katawan ko. No offense ha.

"Long time no see...Ate Mau." Sabi ng babaeng nasa harapan ko na siya ring nagbukas ng pinto kani-kanina lang.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
Próximo capítulo