webnovel

Chapter 31

CHAPTER 31

--JACOB:

"SABI KO NAPKIN, HINDI DIAPER!!!" Agad-agad naman akong pumunta sa pintuan ng cr para pulutin ang tinapon niyang napkin.

Pagkapulot ko, tinignan ko ang pangalan "PAMPERS" ang nakalagay. Tinignan ko rin ang likuran ng pakete, at sht! Baby diaper pala ang nabili ko. >_<

"Sht, sht, sht antanga ko talaga." Sabi ko habang pinupukpok ang kamay ko sa ulo ko at agad na pumunta sa tapat ng pintuan ng cr.

"Alexa, sorry, sorry talaga. Hindi ko naman alam na baby diaper ang nabili ko. Teka, ano'ng brand ba dapat ang bilhin ko? andami kasing nakadisplay dun sa supermarket kaya hindi ko napansin na iba pala ang nahablot ko sa pagmamadali ko." Kinakabahang sabi ko.

"Heh! Tigilan mo ako! Bumalik ka sa supermarket, hanapin mo ang pangalan na modess, whisper, sisters, charmee na pangalan! 'Wag kang babalik dito hangga't wala kang dalang matino na napkin! Letse ka! Palibhasa richkid ka kaya hindi mo alam! LAYAS!" Kaya wala akong nagawa kundi kumaripas ng takbo, halos magkandahulog-hulog ako sa hagdan at isang himala na rin na buhay pa akong nakarating sa garahe.

Pinaandar ko agad ang bike at kumaripas hanggang sa supermarket. Sa sobrang bilis ko, muntikan na akong matumba, buti na lang at medyo nacontrol ko pa ang bike kaya hindi ako sumemplang sa daan.

Pagdating ko sa supermarket ulit, pumunta agad ako sa section ng mga diaper at napkins. Sinigurado ko na ngayon na tama na ang kukunin kong napkin at hindi na diaper. Lahat ng binaggit niyang brand ng napkin binili ko kaya halos mapuno ang basket na dala ko.

Pagkarating ko sa counter, narining kong nag-uusap ang dalawang babae na sa tingin ko ay kasing-edad ko lang.

"Ang swerte naman ng girlfriend niya, binibilhan siya ng boyfriend niya ng napkin." Sabi nung isang babae.

"Oo nga sis, kung ako yung girl, 'di ko na siya papakawalan. Idagdag mo pa na ang gwapo ni boy kaya jackpot lang niya." Sabi naman nung isang girl.

Parang ansarap lang pakinggan na binibilhan ko ng napkin ang girlfriend ko, lalo na at si Alexa ang girlfriend ko.

Kaso nga lang wala akong girlfriend at malayong maging girlfriend ko si Alexa. Kahit gustuhin ko mang maging girlfriend siya, baka ayaw niya sa aki—wait?! Did I just said na gusto ko maging girlfriend si Alexa? Ugh, I like her as a friend only okay? Sht! What am I thinking?

Pagdating ko sa bahay, inabot ko agad sa pintuan ng cr ang mga napkin na binili ko ata agad din naman itong kinuha ni Alexa sabay labas niya ng kamay niya sa pintuan habang nasa loob ang katawan niya.

"Thanks." Nahihiyang sabi niya.

Napangiti naman ako kasi halata sa boses niya ang hiya at alam kong sincere ang pagtha-thank you niya.

"Sige, welcome basta ikaw." Masayang sabi ko sa kanya at nagmartsa papuntang kusina para uminom ng tubig kasi na drain na talaga ang katawan ko dahil sa pagod.

Makalipas ang ilang minuto, nakita kong pababa ng hagdan si Alexa habang nagsusuklay ng basa niyang buhok. Sigurado akong naligo siya habang nasa cr siya.

Hindi ko namalayan, tumakbo ako papalapit sa kanya at di ko namalayan, yakap-yakap ko na pala siya ng mahigpit. Nakita kong nagulat si Alexa nung niyakap ko siya. Muntikan pa nga kaming matumba dahil nga bigla ko siyang niyakap.

Habang yakap-yakap ko siya, halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Magkahalong pag-aalala, pagka-miss at saya dahil nakita ko siyang ligtas. Kaninang nakita ko siya na mainit at may dugo siya, halos mamatay ako sa pag-aalala, iniisip ko na mawawala na siya sa akin. Akala ko patay na siya.

At nang makita ko siyang nandito sa harapan ko ngayon mismo, napawi lahat ng pag-aalalang naramdaman ko kanina. Ansaya-saya ko ngayon kasi alam kong malayo siya sa peligro.

"Ackk. I c-can't breath." Mahinang usal ni Alexa kaya agad naman akong kumalas ng yakap sa kanya.

Nang kumawala ako ng yakap, nakita kong inirapan niya ako sabay batok sa akin.

"Ouch! Masakit yun ha!" Feeling ko tuloy maaalis ang ulo ko. -_-

"Ano nanaman ba'ng kabaliwan ang ginagawa mo at bigla-bigla ka nanamang nanyayakap ha!?" Inis na tanong niya sa akin.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at kinapa ko na lang ang noo at leeg niya niya para tignan kung may lagnat pa siya. Mabuti naman at hindi na siya gano'n kainit.

"Ano ba?! Binobosohan mo ako eh!" Nakangusong sabi niya sabay tampal ng kamay ko na nasa leeg niya.

" 'To naman, parang concern lang eh."

"Concern mo neknek mo!" At pumunta siya sa kusina at binuksan ang ref at kumuha ng chocolate at umupo sa upuan at sinimulang kainin ang mga chocolates

"Ano ba kasi nangyari sayo kanina? Ba't ka may dugo?" Nakita ko namang namula ang pisngi niya. Ano ba'ng meron sa tanong ko?

"Uhh, may bisita ako?" Nahihiyang sabi niya habang nilalantakan pa rin ang chocolate.

"Huh? 'Di ko gets, ano'ng bisita?" Nakita ko namang nagbuntong-hininga siya ng malalim ang binitawan ang chocolate na hawak niya bago magsalita.

"I have my menstruation, you knowww monthly period sa amin na mga kababaihan." Nakataas ang kilay na sabi niya.

Teka, menstruation? Hmmm-Whattt??!

"Teka, okay ka na ba? Anong masakit sa'yo?" Sabay hawak ko sa magkabilang balikat niya.

At deym, ayan nanaman yung kuryente na nararamdaman ko kapag nadadapo ang balat ko sa balat niya.

"Okay, lang ako okay? Wag kang oa." Sabay alis ng kamay ko sa balikat niya.

"Oa na kung oa, nag-aalala lang naman kasi ako sa'yo. Kanina kasi, nung makita kitang mainit at may dugo, halos mamatay ako sa kaba. Akala ko mawawala ka na. Akala ko napahamak ka na. Pa'no ba naman kasi tayong dalawa lang dito sa bahay kaya hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa'yo. Tsaka noong mali ang nabili ko sa supermarket kasi ang nabili ko diaper imbis na napkin, halos bugbugin ko ang sarili ko kasi antanga-tanga ko. Simpleng instruction mo lang hindi ko pa magawa. Kaya kahit halos matumba ang bike na minamaneho ko kanina papuntang supermarket dahil sa sobrang pagmamadali ko na makarating sa supermarket ay okay lang. Basta ang mahalaga sa akin, maihatid agad ang napkin sa'yo. Sorry." Mahabang paliwanag ko sa kanya.

Nakita ko namang nagulat siya sa sinabi ko sa kanya na agad naman napalitan ng ngiti ang labi niya at niyakap ako.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
Próximo capítulo