webnovel

Chapter 21

CHAPTER 21

--AIRA:

"Hello Ants! Namiss kita!" Masayang bati ko kay Anthony na nagluluto sa kusina ng bahay ni Alex.

Hmmm, mukhang masarap yung niluluto niya hehe.

Sakto lang pala ang dating ko huehue.

"Oh ano nanamang ginagawa mo dito?" Masungit na sabi niya sa'kin habang nakatingin lang sa niluluto niya.

"Grabe siya oh, suplado!" Sabi ko sa kanya sabay irap at umupo sa isang upuan sa tabi ko.

"Eh ano'ng gusto mong gawin ko? Halik-halikan ka? Magpasalamat sayo? Kasi magpapaluto ka nanaman sa'kin tapos ako din lang ang gagastos?!" Galit na sabi niya sa'kin.

"Ouch! Ants, why are you like that? Why you are so hard to me? I thought you love me." Sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko na parang naiiyak.

Kung hindi niyo naitatanong, kasali ako sa Glee club sa school kaya magaling ako magdrama. Hohoho.

"Asa ka naman!" Asik niya.

"It freakin really hurts you know?"

"Oh really." Matabang na usal niya.

"Pagkain na nga lang ang hinihingi ko, pinagkakait mo pa sa isang ubod ng gandang katulad ko, alam mo bang napaka-rare na ng mga uri ko? Iilan na lang kaming natitirang magaganda sa mundong ibabaw."

"Ok, paki-Google ang paki ko."

"Grabe ka talaga, aalis na nga ako." Sabay tayo ko at naglakad na papalayo sa kanya.

Nakailang hakbang na ako pero busy pa rin siya sa niluluto niya, na if I'm not mistaken ay Italian Carbonara.

"Ano ka ba Anthony, pigilan mo ako, parang awa mo na!" Sigaw ko sa isip ko habang dahan dahan na naglalakad palayo ng kusina.

"Hoy Ants, 'di mo man lang ba ako pipigilan huh?!" Sigaw ko sa kanya nang hindi na ako makatiis.

"Hindi." Matabang ulit na sabi niya.

Alam niyo yung feeling na gusto mong magpasuyo pero sa huli ikaw din lang ang susuyo sa sarili mo. Nakakainis lang.

Aba't! grabe siya talaga, napaka-hard niya sa'kin kahit kailan. Pero pagdating kay Alex, ang sweet niya hmpft!

Eh ano naman kung sweet siya kay Alex? Paki ko ba?

Wala akong paki!

Oo, wala talaga!

"Alam mo ba Anthony, sure ako na masarap iyang luto mo." Sabi ko, baka sakaling pakainin niya ako huhu. Gutom na kasi ako.

"Alam ko." Sabay lagay ng hinanda niyang carbonara sa lamesa at handa na siyang lantakan ito nang pigilan ko ang pagsubo niya ng tinidor na may lamang carbonara.

"Pakain ako ha, pretty please!" Nagmamakaawang sabi ko sa kanya habang magkadikit ang dalawang palad ko with matching puppy eyes.

"Gusto mo ba talagang kumain?" Mahinahon na tanong niya.

"Oo."

"Umuwi ka, then magluto ka rin ng sariling pagkain mo at iyon ang kainin mo."

Sa sobrang inis ko, naglakad na talaga ako papalabas ng kusina.

Ang damot kasi niya, kanina pa ako nagmamakaawa sa kanya tapos siya, hindi man lang siya naawa sa akin.

Naiiyak na tuloy ako.

Yung feeling na hindi na ako kumain sa bahay kasi ang alam ko, papakainin ako ni Ants ng pagkain kaso hindi naman pala. Umasa nanaman ako.

Palabas na ako ng bahay ni Alex nang may humigit sa braso ko.

" 'Wag kang magdrama diyan tsk, 'di mo bagay. Kahit kailan talaga patay gutom ka." Sabi ni Ants habang nakangisi.

"Ewan ko sayo!" Saka ko hinigit ang braso ko.

" 'Wag ka ngang pabebe, ikaw na nga papakainin, ikaw pa may ganang mag-inarte."

" Wala akong paki kung papakai--- ANO?! PAKIULIT NGA YUNG SINABI MO?!" Naninigurado lang, baka mamaya, umasa nanaman ako, mahirap na.

"Tsk, pabebe na nga, patay gutom na, bingi pa! tsss. Bahala ka nga diyan, babalik na ako sa kusina." At naglakad na siya palayo sa'kin.

Ayy, bastos na batuta, hindi man lang ako hinintay na sabihin ko ang hinanakit ko?!

Bahala na nga.

"Hoy Ants! Hinatayin mo ako, 'wag mong uubusin ang pagkain!" Sabay takbo ko papuntang kusina.

--

"Grabe Ants, ang sarap talaga ng luto mo kahit kailan. Sayang talaga kasi nag architect ka. Siguro kung nagculinary arts ka, sure akong sisikat ka ng bongga!" Puri ko sa luto ni Ants.

Andito kami ngayon sa sala, nanunuod ng t.v. Kakatapos lang namin kumain kaya we decided to watch t.v habang nasa tabi namin si Sky na kumakain ng dog food.

"Kapag sumikat ako, hindi ko na makakasama ang taong mahal ko."

"Kunsabagay, hindi mo na mabibigyan ng maraming oras ang family mo."

"Pati na rin ang taong gusto ko."

"Sino ba ang taong gusto mo?" Aba akalain mo nga naman, may natitipuhan din pala itong kumag na 'to.

"I don't expect you to care." Mahinang sabi niya.

"Sus." Maikling sambit ko. Wala kasi akong masabi.

Nabigla kasi ako na may nagugustuhan siya.

Pero ba't parang masakit? Parang naninikip ang dibdib ko na may iba siyang gusto?

Heh! Dala lang siguro to ng pagkabusog ko sa niluto ni Ants na pagkain, tsaka madami din akong nakaing matamis kanina kaya siguro naninikip ang dibdib ko.

"Hoy Ants, bantayan mo sandali si Sky ha, iinom lang ako ng tubig sa kusina." Sabay, tapik ko sa balikat niya.

Pagdating ko sa kusina, nakalimutan ko na ang totoong pakay ko doon na uminom ng tubig, kasi naman kung ikaw ba naman makakita ng nagniningning na fruit salad sa ref malamang maglalaway ka ng wala sa oras.

At dahil maganda ako, hindi ako naglaway, kundi natakam lang. (Okay, wala pong konek ang laway sa ganda.)

Agad ko namang nilantakan ang fruit salad. Hindi naman siguro ako aawayin ni Ants kapag kinain ko ito.

I hope so.

Matapos kong kumain ng salad, bumalik ako sa sala at nadatnan kong natutulog si Sky sa ibabaw ni Ants na natutulog rin sa sofa.

Ang cute nila tignan hihi.

Nilapitan ko ang dalawang nilalang na nasa sala at pinagmasadan ko silang dalawa at umupo ako sa carpet na nakalatag sa gilid ng sofa.

"Alam mo Ants, pogi ka eh, kaso nga lang nauuna kahanginan mo, tapos madamot ka, bawas pogi points yun hmpft." Saka ko pinitik ang noo niya, buti na lang ay 'di siya nagising haha.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
Próximo capítulo