webnovel

Chapter 10

CHAPTER 10

--ALEX:

Uwian na and guess what? Pinagtitinginan pa rin ako ng mga students dito -_-.

Ughh that Jacob este unggoy na 'yan, he will going to regret of what he did to my clothes tsss.

At hanggang ngayon, kinukulit pa rin ako ni Aira tungkol dun sa titig nung unggoy kanina sa'kin sa café.

Paulit-ulit din niyang kinakanta ang "Bahala na" by Jadine if ever na kilala niyo sila, sila yung sikat na loveteam sa panahon ngayon. Kinakanta ni Aira lalo na yung line na "Naniniwala na ako sa forever, magmula nang makilala kita." I think mga more than 100 times na niya nasabi yang line na 'yan grr.

Hindi naman daw siya fan ng Jadine kesyo nakakarelate lang daw siya talaga sa kanta. *_*

Nang nasa gate na kami ng school, nakita namin si bebs ko na si Anthony at si unggoy na magkasama.

Kaasar dapat kami ni Aira kasama ni bebs eh at hindi 'yang unggoy na yan tsk.

"Oy Ants sa'n kayo pupunta?" Tanong ni Aira sa kanila, as usual 'di ako nagsasalita kasi tinatamad ako hehe. Sa point of view ko lang ako madaldal eh.

"Sa heaven, sama ka Aira?" Loko talaga si bebs kahit kailan tss.

"Eww kadiri ka Ants you know?" Sabay hampas ni Aira sa braso ni bebs.

"Ano'ng kadiri do'n sa sinabi ko? If I know Aira may gusto--" 'Di na natuloy ni bebs yung sasabihin niya kasi nakatanggap siya ng malutong na batok mula kay Aira haha.

"Mandiri ka nga sa sinasabi mo Ants tsk." Sabay irap ni Aira kay Ants.

"Sus nasa denial stage ka eh." Pagtukso ni bebs kay Aira.

Hayyyssstt kahit kailan talaga 'di sila magkasundo tsk.

Napansin kong kanina pa tahimik si unggoy na kagaya ko and guess what?

Nakatitig nanaman siya sa'kin *_* Kanina pa siya eh.

Tusukin ko kaya yang mata niya.

Alam kong maganda ako pero 'di nya ako kailangang titigan mabuti na parang minememorize niya bawat parts ng mukha ko at eto pa, kahit gantihan ko siya ng napakacold na eyes ko, nakatitig parin siya sa'kin tss. 'Di matinag si kuyaa.

'Di siya makuha sa tingin oh.

Hindi ba uso sa kaniya ang kumurap? At ang galing lang huh? 'Di pa siya naiiyak sa lagay niya.

Ako nga eh kapag matagal akong hindi kumurap naluluha na ako pero siya 'di man lang namumula ang mata niya grabe.

Talent niya ba ang hindi kumurap in a long period of time?

At hello?! Nakakailang kaya yung mga titig niya at syempre para san pa ang mga beautiful eyes ko kung papatalo ako sa titig niya?

Napansin kong sa mga mata ko lang siya nakatitig at syempre tumitig 'din ako sa mga mata niya and wow!! Ngayon ko lang napansin na may pagka-maroon yung kulay ng mata niya.

So uso na ba ngayon ang may kulay ang mata na gaya ko?

Yung kulay ng mata ko kasi ay nagbabago according sa mood ko, ewan ko ba kung bakit ga'non.

Sabi naman ng parents ko normal lang daw 'yon.

Eh pa'nong magiging normal yun eh wala pa akong nakikitang tao na mayroong case na gaya ko.

May nakain lang daw kasi si mama nung pinagbubutis daw niya ako kaya eto ang naging effect sa'kin.

Tsaka wala naman daw dapat ipagbahala sabi ng doctor kasi hindi naman daw ito sakit and it causes no harm naman daw sa kalusugan ko.

Pero hindi naman halata na nagbabago kulay ng mata ko, makikita mo lang talaga ang pagbabago kapag tititigan mo nang mabuti.

And kapag masaya ako color black ang kulay ng mata ko pero kapag ginagamit ko ang cold eyes ko, nagiging blue and green ang kulay ng mata ko.

I like the way it is naman so okey lang sa'kin.

"Ehem!!"

Napabalikwas ako nang biglang nagfake cough si Aira.

"Ano 'yan? Titigan contest? Grabe lungs kayo huh? Almost 20 minutes kayong nagtititigan oh." Nabibilib na sabi ni Aira sabay tingin sa wrist watch niya

Whatt?! 20 minutes? An'tagal naman nun. Psh.

And take note, isang beses lang ako kumurap niyan kaya magpugay huahua.

"Manghang-mangha kasi si Alexa sa kaHOTan ko." Sabi ni unggoy habang nakangisi sa akin. Like duh, ewwww, psh, mahangin naman 'tong unggoy na 'to, dukutin ko eyeballs niya eh tsk.

"Tsk such a jerk." Sabi ko na lang sabay higit sa kamay nila Aira at bebs palayo do'n sa unggoy na 'yon kaya naiwang mag-isa si unggoy sa school gate at nakita ko ring nagtanguan silang dalawa ni bebs ko.

Oo na bebs ko (akin lang) kaya don't dare na angkinin siya tsk.

"Pren nag-gigym ka ba? An'lakas mo eh nahila mo kami ni Ants na dalawa, just wow." Manghang sabi ni Aira nang makalayo na kami sa school at tinititigan niya ako from head to toe and toe to head tsk

"Hindi." Sabay irap ko.

Sus kering keri ko umirap noh, kaso nga lang ang panget ko daw umirap, 'di raw bagay sa'kin, kaya mas bagay ko raw yung cold eyes tsss. >_<

"Ahy oo nga pala, kasi 'di na kailangan ng gym kasi nililinis mo yung buong bahay mo kapag free time mo." Syempre ganyan talaga kapag maganda, marunong maglinis ng bahay .

Tsaka yung gym naman sa bahay minsan ko lang ginagamit kapag nasa mood ako.

"Tsk let's just go home." Sabay lakad papuntang parking lot.

Sa'kin na sasabay si bebs kasi uuwi na din sa bahay niya si Aira.

Pagkasakay ni bebs sa kotse pinaandar ko agad nang mabilis kaya muntikan na siyang masubsob sa dashboard ng kotse, 'di pa naman siya nakaseatbelt haha.

"Oy bebs alam kong mas magaling ka sa akin na magdrive kaya 'di mo kailangang ipangalandakan sa'kin." Nagtatampong sabi niya.

"I know right." Pagmamayabang ko.

"Kaya nga so please pakibagalan naman pagddrive!" Pasigaw niyang sabi.

Haha I love it kapag nakikita kong natatakot talaga siya .

"Okay hmpffttt-haha-hmmft." Binagalan ko na pagddrive ko pero 'di ko talaga mapigilan yung tawa ko, oo tawa as in laugh.

Sabi ko nga 'diba pagdating sa mga sa mga malalapit sa'kin, pinapakita ko ang other side ko na palatawa at kalog hehe kasi naman napakapriceless pagmumukha niya grabe.

"Ano'ng tinatawa-tawa mo diyan?" Naasar na talaga siya.

"Wala... Hmpfftt-- hahahahahahahahaah" 'Di ko na napigilan tawa ko kaya ayan ang ingay ko sa loob ng kotse.

"Ah gano'n?" Sabay kiliti niya sa'kin.

"Hoy langya oh nagddrive ako baka mabangga tayo hahahaha-oy-wag-jan-sabi-eh-hahaha." Pero ang mokong, patuloy sa pagkiliti sa'kin.

"Isa." Ayan seryoso na ako kunwari para tigilan na niya ako

"Sows 'di mo ako madadaan diyan sa pagbibilang mo." Tsk, bestfriend ko nga talaga siya tsk kilalang kilala niya ako.

"I'm freakin dead serious here." Super cold at seryosong sabi ko at ayun napatigil naman siya sa kakasalita niya huehue.

Iyan na kasi ang pinakacold na salitang binabanggit ko na kahit parents ko nagagawa kong mapatahimik kapag nagtatampo ako sa kanila.

Pero 'di porket ganun kacold ang pagkakasabi ko, alam kong hindi natatakot parents ko pero may part pa rin kasi na talagang mapapatahimik ka na talaga kapag sinabi ko ang words na "I.m freakin dead serious here." Na kahit ako 'di ko alam kung bakit haha.

Pero take note, tawang-tawa na talaga ako sa isip ko kasi nakakatawa talaga yung mukha niya nanaman.

"S-sorry." Sabi niya sabay yuko.

"Tsk." Oh ayan talagang kinacareer ko ang pagpapanggap ko huehue.

Sa isang taon naman na pagkawala niya, ang 'di niya alam na mas na enhance ko ang pagkacold ng boses ko hehe.

Buong byahe tahimik lang kami, siguro nag-iisip na 'yan ng paraan kung paano kami magkakabati kasi nga 'diba kunwari galit ako kahit hindi naman. >>_<<

Pagdating namin sa bahay, 'di pa rin nagsasalita si bebs at syempre 'di rin ako nagsasalita kasi alam kong 'di niya ako matitiis.

Pumasok na kami sa kanya-kanyang kwarto, sa guest room siya at ako sa kwarto ko syempre.

At alam kong lalambingin niya ako mamaya.

Ganyan ako kaconfident noh.

Pagkatapos kong magbihis ng pambahay, bumaba na ako at nagtaka ako sa nakita ko.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
Próximo capítulo