webnovel

CHAPTER SIXTY

(Roswell Mansion)

(Kath Rence's POV)

"SUMABOG ang sinasakyan kong eroplano malapit sa isang isla sa Indonesia. Hindi ko alam kung paano ako makakalabas ng mga sandaling yun. Almost one hour akong na-trap sa loob hanggang sa may nagligtas sa aking mga rescuers. Ilang linggo rin akong namalagi sa isang ospital sa Surabaya hanggang sa tumawag sa akin si Cynthia at sinabing bibigyan niya ako ng plane ticket papuntang Italy. Three days after the call ay natanggap ko ang ticket na yun through mail. Nagpagaling muna ako ng dalawang araw bago ako tumulak patungong Italy. At sa Italy ko na nga naibangon ang sarili ko. Ang dangal ko na walang pakundangang sinira ng ama ninyo at ng kabit niya."

Natahimik kaming lahat pagkasalaysay ni Tita Esprit sa huling bahagi ng kanyang kwento tungkol sa naging buhay niya noon at kung paanong ang buhay niya noon ay naging daan upang mabago nila ang buhay nila ngayon. Kitang-kita ko ang poot sa mga mata ni Sachi habang tahimik lamang si Gianna. Si Ms. Jane naman ay halos hindi na makapagsalita sa mga narinig niya. At si Lola Mart naman, bagama't tahimik sila ay ramdam ko ang galit na nararamdaman nila. Galit na anumang sandali ay maaari nang sumabog at manira ng kahit ano.

"Walanghiya talaga si Daddy. Papano nila nagawa sa atin ito? Paano niya tayo nagawang ipagpalit sa walang kwentang kabit niya. Paano niya nagawang ipamigay si Chelsie ng ganun-ganun na lang? Anong akala niya sa kapatid ko, isang pusa na basta na lang itinatapon sa labas?!!" ang nagtitiim sa galit na sabi ni Sachi.

"Si Vivian ang may pakana ng lahat ng nangyari sa pamilya ninyo. Siya ang may kasalanan ng lahat. Binilog niya ang ulo ni Albert para mapasunod niya ito sa lahat ng gusto niya." sabi ni Ms. Jane.

"At nagpauto naman siya. Ang tanga-tanga niya talaga kahit kailan." ang nakangising sabi ni Lola Mart.

"Wag na natin siyang alalahanin, okay? Kalimutan na lang natin ang lahat. Ang mahalaga ay nandito na ulit kayo sa tabi ko, mga anak." ang sabi ni Tita pero nagsalita si Gianna.

"Mommy, pano kapag nalaman ni Daddy na nandito kami sa poder ninyo? Pano kung balak pala niya kaming bawiin ni Kuya? Ayokong mangyari yun, Mommy. Ayokong malayo kaming dalawa sa inyo."

"Anak," at hinawakan ni Tita ang mukha ni Gianna. "Sa ngayon ay wala munang makakaalam na nagkita-kita na tayo. May binabalak ako para sa tatay ninyo."

"Ano po? Babalikan nyo po siya? Hindi kami papayag. Ayaw naming maging impyerno na naman ang buhay ninyo sa piling niya." mariing pagtutol ni Sachi.

"Hindi ko na babalikan pa ang tatay ninyo. Pero may nakahanda akong malaking pasabog na siyang sisira sa buhay nilang lahat." at nakita ko ang mariing pagkuyom ng mga palad ni Tita. "Lalo na sa kanya. Ipaghihiganti ko ang lahat ng bangungot na nangyari sa ating tatlo. Gagawin ko ang lahat para mapabagsak ko siya. Mark my word." kitang-kita ko sa mukha ni Tita ang matinding galit na kinikimkim nila kay Sir Albert at Aling Vivian.

Marami pa silang napag-usapan hanggang sa nagkayayaan nang kumain sa dining hall. Masayang dumulog ang lahat sa hapag-kainan.

(Rose Garden, Roswell Mansion)

(Esprit's POV)

HABANG IGINAGALA-GALA ko ang paningin ko sa magagandang bulaklak sa garden ay nakita kong palapit na sa akin sina Mama at Jane.

"Gising pa ba sina Sachi?" tanong ko sa kanila.

"Tulog na. Umuwi na rin yung mga bisita nila kani-kanina lang. Si Chelsie naman ay tumutugtog ng piano sa veranda." sabi ni Mama.

"Ganun ba?" at napangiti ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kapiling ko nang muli ang mga anak ko at ang mama ko. Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang napakasayang araw na ito na nangyari sa buhay ko. "Anyways, Jane...salamat sa lahat ng ginawa mo para kay Chelsie. Inalagaan mo siya at pinalaki mo siya ng maayos. Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob sayo at sa bestfriend mong si Trina."

"Walang anuman yun, Ate Esprit. Kaya ko lang naman ginawa yun ay dahil ayaw kong mapahamak si Chelsie sa Vivian na yun. Mas minabuti ko na ilayo siya kaysa maging miserable pa ang buhay niya dahil sa babaing yun." sabi naman ni Jane.

"Salamat talaga, Jane. Maraming-maraming salamat."

"You're welcome." sabi pa ni Jane.

"Anyways, anak, yung tungkol sa inihahanda mong plano, ano yun? Konektado ba dun yung mga naunang hakbang mo?" tanong ni Mama.

"Yung tungkol dun?" and I smiled sliely. "Wag kayong mag-alala, malapit nang mangyari yun. Gaya ng naunang sinabi ko, nakakulong na sila ngayon sa bitag ko kung kaya naman mauumpisahan ko na ang mga plano natin laban sa kanila."

"You mean...pababagsakin mo sila?" tanong ni Jane.

"Yes. Pababagsakin ko sila. Pababagsakin ko ang mga De Vega."

Nakita ko ang pagporma ng kakaibang ngiti sa mga labi ni Jane.

"Bakit, Jane? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" tanong ko sa kanya.

"Wala. Walang nakakatawa, Ate. Sadyang napakaganda lang pakinggan ang mga sinabi ninyo. Siguro...masayang paglaruan sila hanggang sa gumapang na sila ng tuluyan sa hirap." and she smiled evilly.

"I feel you, Jane." at inakbayan ko siya. "Gusto mo bang makipagsabwatan sa gagawin naming paghihiganti sa mga De Vega?"

"Makipagsabwatan?" at muli siyang napangiti. "Bakit hindi? Ang tagal ko nang gustong singilin si Vivian sa mga naging kasalanan niya kay Chelsie. Sadyang naghahanap lang ako ng tiyempo. At ngayong nakahanap na ako ng mga kakampi, mauumpisahan ko nang sirain ang buhay ni Vivian."

Mas lalo akong napangiti sa mga sinabi niya.

"Gusto ko yan, Jane. Napakadali mong kausap. Ganito ang gawin natin. Ikaw ang bahala kay Vivian habang ako naman kay Albert. Si Mama naman ang bahala sa mga De Vega. So, deal?" at iniabot ko ang kamay ko sa kanya.

"Deal." at nagkamay kaming dalawa, tanda ng pagiging magkakampi namin.

Kasabay ng pagdadaop ng kamay namin ni Jane ay nag-iwan ako ng sumpa. Isang sumpa na hindi ko hahayaang mabalewala na lang ng basta-basta.

Sabay-sabay naming pababagsakin ang mga De Vega.

Sabay-sabay....

Próximo capítulo