webnovel

Chapter 33

Today, is her wedding day.

Ang aga pa niyang nagising. Not because of excitement but instead she is forcing herself to feel happy on this day.

"Be happy, Kyra Mae. You're getting married today to your ultimate idol and crush. Naaalala mo pa ba 'yong mga araw na parati kang nagdidaydream sa kanya na ikakasal kayo? Na magiging asawa mo siya? Magkakatotoo na 'yon sa araw na 'to, Kyra Mae! So please, be happy!" Sabi niya habang kausap ang sarili sa harap ng salamin ng dresser niya.

"If you're happy and you know it, clap your hands!" Napakanta pa siya at sinabayan pa ng aksyon at pagpapalakpak.

Paulit-ulit niyang ginawa 'yon hanggang sa tumawa na siya at naging muntanga na sa harap ng salamin.

"Good job! Good job!" Binigyan niya pa ng thumbs up ang sarili niya sabay tapik sa balikat niya.

Baliw na talaga siya, jusko!

But its all worth it! She's feeling happy now! Maganda talaga ang magpractice ng self-contemplation at mirror technique kasi sobrang epektibo talaga ng mga 'yon! Promise!

Nakaupo pa rin siya sa upuan ng dresser niya ng biglang may kumatok sa pintuan niya.

"Baby anak?" Dinig niyang boses ng daddy niya sa kabilang pinto.

"Pasok, daddy!" Maligayang sabi niya at agad namang binuksan ng daddy niya ang pintuan ng kwarto niya.

Pumasok ito sa loob at agad niyang nakita ang paglatay ng lungkot sa mukha ng ama niya noong dumapo ang paningin nito sa wedding gown niya na nakalagay sa isang gown model stand. Hinatid 'yon sa bahay nila kagabi ng mga tauhan ni Cindy. May kasama din 'yon na isang pares ng sapatos, white na embroidered tights, at tiara na i-a-attach sa veil na isusuot niya.

"Daddy naman.." Napalabing sabi niya dito.

Tumayo siya sa inuupuan niya at lumapit dito.

"I'm sorry, baby anak. I can't help but to feel sad. Iiwan mo na kami ng mommy mo." Madramang sabi ng daddy niya.

Agad siyang yumakap dito lalo na noong napansin niya ang pamamasa ng mga mata nito, napahikbi na rin siya dahil doon.

"Si daddy naman eh! Hindi naman ako mawawala eh. Kung gusto mo daddy, dito pa din ako uuwi pagkatapos ng kasal. Sasabihan ko na lang si Bryan, total ay tatlong araw lang naman ang bakasyon niya."

Tatlong araw lang kasi ang binigay na bakasyon dito ng company nito, 'yon ang sabi ni Mr. Sevilla sa kanya.

Hindi na ulit nakabisita si Bryan sa bahay nila pagkatapos ng araw na 'yon. Ang sabi ni Mr. Sevilla ay naging busy daw si Bryan dahil kailangan nitong tapusin ang lahat ng pinapagawa ng company nito bago ang araw ng kasal nila.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng daddy niya. "Okay lang, anak. Kailangan na rin naming sanayin ang sarili namin. You're going to start a family of your own. Basta bisitahin mo lang kami parati ng mommy, ha? And always remember that we love you very much and you'll always be our baby anak."

"Thank you so much, daddy. At mahal na mahal ko din po kayo ni mommy."

Niyaya na siya ng daddy niyang bumaba at kumain na muna ng agahan bago siya maligo. Agad naman siyang pumayag lalo pa't gusto niya ring makasabay ang mga magulang sa agahan. Bago sila nakababa ay nakatanggap na siya ng text galing sa mga taong mag-aayos sa kanya. Papunta na daw ang mga ito sa bahay nila.

Napatingin siya sa orasan ng phone niya.

Tatlong oras na lang pala.. magiging Mrs. Sevilla na siya.

Kanina pa siya hindi mapakali sa loob ng vintage car na pagmamay-ari ni Mr. Sevilla na siyang ginawang bridal car nila. She's feeling very jittery at kahit gusto niyang kagatin ang pang ibabang labi niya ay hindi niya magawa. Baka kasi masira ang lipstick niya. Her parents are already inside and she's just waiting for the queue from Cindy kung lalabas na siya sa sasakyan.

Kitang-kita niya sa pwesto niya ang simple pero halatang magarbong decorations ng venue kung saan idadaos ang kasal nila ni Bryan. Sinurprise talaga siya ni Cindy. Noong isang araw niya lang kasi nalaman lahat ng detalye tungkol sa magiging kasal nila ni Bryan.

Their wedding is going to be held on a private resort na pagmamay-ari daw ng ninong ni Bryan. Paniguradong mahihirapan siyang maglakad sa buhangin because of the high-heeled shoes that she's wearing kaya nilagyan ng puting carpet ang aapakan niya. Na siyang aapakan rin ng mga bisita, at ng buong entourage nila. May mga pebbles at seashells din na sinadyang nilagay sa gilid ng mga 'yon. May floral wedding arch din na ginawa. Medyo malayo 'yon sa kanya pero kitang-kita niya kung gaano kaganda 'yon. Nandoon na halos lahat ng bisita nila. Most of their guests and entourage actually came from the Sevilla clan.

Pilit niyang tumingala para matanaw man lang sana si Bryan sa pwesto niya. Pero hindi pa rin talaga niya ito nakikita simula pa kaninang pagdating niya. Wala rin doon ang apat na kagrupo ni Bryan. Sina Mr. Sevilla at ang mga magulang lang niya ang natatanaw niya. Umiikot-ikot ang mga ito at kinakausap ang mga bisita.

Naalala niya ulit ang nangyaring pag-iyak ng mga magulang niya paglabas niya ng kanyang kwarto pagkatapos siyang ayusan. Muntik na rin siyang mapaiyak pero pinigilan agad siya ng mommy niya at baka masira daw ang make-up niya.

"K-Kuya. Anong oras na po?" Tanong niya sa driver na hinire ni Mr. Sevilla para ipagdrive siya.

Wala kasi siyang dalang cellphone at wala rin siyang suot na relo.

"10:32 na po, Ma'am." Sagot naman nito.

Their wedding is supposed to start at 10am. 32 minutes na ang nakalipas pero hindi pa rin siya tinatawag ni Cindy na lumabas. Naalala niya kanina na 30minutes before 10am ay bumiyahe na sila papunta dito.

Nanlumo na lang siya nang may pumasok na alalahanin sa isip niya.

Hindi pa ba nakarating si Bryan?

Hindi ba siya nito sisiputin?

Papahiyain ba siya nito sa harap ng mga kamag-anak at kakilala nila?

Naging blurry na ang paningin niya sa mga negatibong iniisip pero pilit niyang pinipigilan ang mga luha niya sa pagtulo.

'Dadating 'yon, Kyra. Don't worry, dadating 'yon..' Pa ulit-ulit niyang pangungumbinsi sa sarili.

Ilang minuto pa ang lumipas at gusto na sana niyang sabihan ang driver na umalis na lang sila at ilayo na siya doon.

Pero paano ang mga magulang niya at si Mr. Sevilla?

Ang mga bisita nila?

Pero gusto na talaga niyang umalis. Hindi na niya kayang pigilan pa ang patuloy na pagkirot ng puso niya at ang pagtulo ng luha niya.

"K-Kuya..."

"Bakit po, Ma'am?"

"A-Ano kuya.. Uhm.. Alis na-"

"Kyra!" Naputol na lang ang sasabihin niya ng biglang tinawag ni Cindy ang pangalan niya at kinatok ang bintana ng kotse. "Labas na! Start na ang wedding ng taon!" Maligayang sabi nito at pumalakpak pa.

Nataranta tuloy siya. Agad niyang pinalis ang luha niya and composed herself before opening the door.

"Hala! Did you cry?" Agad na tanong ni Cindy pagkakita nito sa mukha niya. "Don't cry, cute Kyra! Teka! Retouch please!" Sigaw ni Cindy at agad na lumapit ang make-up artist na nag-ayos sa kanya kanina.

"Don't cry na ha? Sobrang nalate 'yong wedding niyo, my ghad! 'Yong pari kasing magkakasal sa inyo naligaw! Tss."

"Huh?"

Gusto niyang kutusan ang sarili tuloy! Iba-iba na kasi ang naisip niya kanina tapos mali naman pala. Naiyak pa tuloy siya.

Pero bakit hindi man lang niya napansin ang pagdating ng pari?

"Galit na galit nga si Bryan kanina pa. Halatang inip na inip ang loko! Sobrang excited yatang makita ka. Sus!" Dagdag pa ni Cindy at may nanunuksong ngiti na nakapaskil sa mukha nito.

Hindi siya naniwala sa sinabi nito pero nginitian na lang niya ito bilang sagot.

Yumuko pa ito at inayos ang palda ng gown niyang medyo nagusot na.

"Pasensya na ulit, iha." Biglang sabi ng boses sa gilid nila.

'Yong pari pala 'yon na inaayos pa ang pagsuot sa stole nito.

"Okay lang, father." Sagot naman ni Cindy at binalingan ang isang assistant nito para igaya ang pari papasok sa loob.

Napabuga tuloy siya ng hangin. Sinaktan niya lang talaga ang sarili niya kanina. 'Di ba sabi niya magiging happy siya sa araw na 'to? Kumanta na lang siya ulit sa isip niya para mas lalong umayos ang pakiramdam niya.

"Ready?" Nakangiting tanong sa kanya ni Cindy noong natapos na siyang iretouch. Agad nitong nilahad sa kanya ang magiging bouquet niya. Iba't-ibang bulaklak ang nasa bouquet niya at sobrang ganda niyon.

Nakangiting tumango lang siya dito bilang sagot pagkatapos niyang inabot 'yon.

"Start na tayo." Dinig niyang sabi ni Cindy sa isa pang assistant nito at agad naman 'yon tumalima para tawagin at ipapwesto na ang lahat ng kasali sa entourage nila.

Noong tumunog na ang piano ay nagsimula na nga sa paglalakad ang mga entourage nila. Nakita na rin niya sina Justin, Wilbert, Nathaniel, at Russel. Nakita rin niya si Grace at kapartner pa nito si Wilbert!

Ang saya yata ng lahat habang nagmamartsa, tapos eto siya at parang mahihimatay na sa sobrang kaba.

'Woooh! This is it pansit!' Anas niya sa sarili niya nang nakitang malapit na ang turn niyang lumakad sa gitna. Napahigpit rin tuloy ang paghawak niya sa bouquet niya.

"40 minutes ng late ang pari, Cinds! Hindi pa rin ba niya alam ang tamang daan papunta dito? Dapat gumamit na lang siya ng GPS! Hindi mo ba siya sinabihan?" Galit na anas ni Bryan kay Cindy.

"Calm down, Bryan! Malapit na daw siya, okay? Medyo matanda na kasi si father, but he's near na daw! Just calm down!" Galit ding anas ni Cindy sa kanya.

Kita rin naman kasi niya ang pagkataranta ng kaibigan kanina kaso sobrang late na talaga ng paring magkakasal sa kanila ni Kyra. Hindi naman siguro siya masisisi ni Cindy kung magreact siya ng ganito.

'Fuck!'

Pero bakit nga ba siya naiinip?

'Di ba dapat masaya siya kasi parang may pumipigil talaga sa kasal nila ni Kyra?

Kaso ewan niya sa gagong sarili niya. Parang feel na feel niyang ikakasal siya ngayong araw na 'to. Atat na rin siyang makita si Kyra na suot-suot ang wedding gown na sinukat nito sa shop ni Cindy noong nakaraan. Nakakaramdam siya ng sabik ngayon na masilayan ulit ito. He actually controlled himself the previous days from visiting Kyra's subdivision and now he feels like he's dying to see her, even just a glimpse of her is enough to make him calm down. Pero ayaw naman niyang ipahalata 'yon sa ibang tao.

See, how fuck up he is?

"He's here!" Maligayang sabi ni Cindy at agad ng umalis sa tabi niya.

Naramdaman agad niya ang pagtambol ng puso niya sa sinabi nito.

"Congrats, big bro!" Sabi sa kanya ni Justin bago ito tumayo sa inuupuan.

Nagsitayo na rin sina Nathaniel, Russel at Wilbert at nakangiting tinapik lang siya sa balikat. Tinatawag na kasi ang mga ito ng assistant ni Cindy. Pinapwesto na ang mga ito kasama ang buong entourage nila malapit sa arch na puno ng iba't-ibang klaseng bulaklak. Nandoon na rin ang mga magulang ni Kyra.

Tumayo na rin siya at pumunta na sa harap kung saan siya pinapapwesto ni Cindy kanina. Lumapit na rin ang ama niya sa tabi niya at tinapik-tapik ang balikat niya. Hindi na talaga siya mapakali.

'Tangina!

Pinagpapawisan na siya sa pwesto niya. Agad niyang inilabas ang panyo niya galing sa bulsa at mabilis na pinunasan ang pawis sa noo. Noong narinig na niya ang pagtunog ng piano ay alam niyang hudyat na 'yon ng pagsisimula ng seremonya.

'Its starting, its fucking starting!'

Napayuko muna siya ng ulo habang nagmamartsa na ang mga kasali sa entourage nila. Ayaw niyang magmukhang excited sa kasal niya kasi shit, he shouldn't fucking feel this way! Nakarating na rin sa tabi niya ang mga kaibigan niya pero nanatili siyang nakayuko.

Pero nag-angat na lang siya ng ulo ng makarinig na siya ng malalakas na singhapan at pagpupuri galing sa mga bisita nila. Pagtingin niya sa dulo ng bulaklaking arch ay napanganga na lang siya.

He finally saw Kyra, and he's fucking enthralled and mesmerized by her beauty.

She's like the epitome of the song sang by Shane Filan, 'coz she's definitely beautiful in white.

'Shit!'

Próximo capítulo