webnovel

Rage

Pinulot ko ang remote control sa ibabaw ng marmol na mesa. Pinindot ko ang pulang button at bumukas ang telebisyon.

Umalingawngaw ang saliw ng musika na siyang sumisimbolo ng pagsisimula ng palabas. Pagkatapos nito'y ipinakita ang isang babae na naka-suit.

Malalim ang mga mata nitong nakatingin sa camera. Hawak-hawak ang mikropono, siya'y nagsalita ng nakataas ang noo.

"Kamakailan lang ay napabalita ang paglaganap ng misteryosong crimen. Mula sa datos na aming nakalap ay mahigit kumulang isang-daang kababaihan ang nawawala. Ang nakapagtataka ay lahat ng mga ito ay menor-de-edad at hindi pa halos lumalampas sa labing-dalawang taon. Natatakot na ang mga taga-baryo dahil wala pang nahuhuling suspek sa crimen at ang nasasabi lang nang may awtoridad ay ang kumalma." Huminga siya ng malalim bago tumingin sa babaeng nasa kanyang likod. Nakatakip ang mga kamay nito sa kanyang mukha habang nakayakap sa kanyang asawa.

Tumingin muli ang reporter sa camera. "Narito ang ilan sa mga pamilya ng mga biktima. Humihingi sila ng tulong sa gobyerno para mahanap ang kanilang mga anak, kaya't sana'y nakikinig ang ating presidente ngayon." Linapitan niya ang mag-asawa.

"Ano pong nararamdaman niyo? Sa tingin niyo po ba may ginagawa ang gobyerno para tulungan kayo? O nagbibingi-bingihan sila sa inyong hinaing?" marahan nitong sabi.

Tinanggal ng babae ang kanyang kamay at tumambad ang kanyang namumugtong mata, marahil ay hindi na ito tumigil pa sa pag-iyak.

"Wala silang ginagawa," singhal nito. Nanlilisik ang kanyang maluha-luhang mata habang nakatingin sa reporter. 

"Wala silang awa. Isang buwan na ang nakalipas nang mawala ang anak namin, ngunit ni isang balita wala kaming narinig sa kanila. Pareho-pareho sila ng mga pulis na 'yan. Palaging sinasabing mayroon silang ginagawa, pero wala naman silang napapatunayan. Doon pa ata sila kikilos kapag mismong anak ng presidente ang mawala. Tangina niyo!" Tinuro niya ang camera. "Wag ko lang mabalitaan na patay na ang anak ko, dahil ako mismo ang pupugot sa ulo ng presidente." sigaw niya. Marahang hinaplos ng asawa nito ang kanyang likod.

Binaling muli ang camera sa reporter. "Yun nga ang mga hinaing ng mga taga-rito. Ninanais nilang mahanap ang kanilang mga anak. Iniisip nilang pinabayaan na sila ng gobyerno kung kaya't marami sa kanila'y nagagalit na-" Tumigil ang reporter sa pagsasalita nang may dumating na kotse. Lumabas rito ang lalaking nakasuot ng maroon shirt at ripped jeans. Linapitan niya ang reporter at hinablot ang mikropono. Tiningnan niya ng masama ang camera.

"Walang katuturan ang mga reklamo ng mga tao. 'Wag niyong ipamukha sa publiko na wala kaming ginagawa, sapagkat lahat na nang aksiyon ay ginawa na namin para lang makakalap ng impormasiyon patungkol sa misteryosong pagkawala ng mga kabataan. Ayon sa mapapagkatiwalaan naming impormasyion ay ibinibihag ang mga babaeng ito para ipagkalulo sa mga businessman, inaalay nila ang mga babae rito para lumago ang kanilang negosyo," sabi niya. Malalim ang kanyang boses na bumagay naman sa laki ng kanyang katawan.

Sa kanyang sinabi ay dumagundong ang boses ng mga mamamayan. Nagtatanong kung nasaan ang kanilang anak. Iba-iba man ang kanilang isinisigaw ay pare-pareho naman ang kanilang mga ekspresiyon. Takot na baka wala na silang anak na makuha, at galit dahil sa ginagawa sa mga anak nila.

"Kumalma po tayo mga kababayan," sigaw nito sa mikropono. "Sa ngayon hindi pa namin masasagot ang ibang katanungan ninyo dahil masyado itong confidential. Ang samin lang ay wag niyong pagdudahan ang aming serbisyo. Ako na ang nagsasabi, babalik na sa inyo ang mga anak niyo bago pa man sumapit ang isang linggo," pagmamalaki niya. Binigay niya ang mikropono bago umalis sa kumpulan ng mga tao. Sinundan pa siya ng mga ito ngunit hindi siya nagpatinag sa pag-alis.

Hinawakan ko ng mahigpit ang remote control. Kinagat ko ang aking labi upang kontrolin ang galit na namumuo sa aking dibdib.

Isang linggo. Isang linggo ang palugit na binigay niya ngunit hindi niya ito tinupad. Masyado siyang mayabang. Ni hindi na nga nakita ang mismong anino niya makalipas ng isang linggo. Nawala siya ng parang bula. Dala-dala ang pangakong hindi niya natupad.

Lumipas na ang limang taon pero ni isang balita ay wala na akong narinig mula sa kanya. Kahit sa presento walang nakakaalam kung saan siya nagpunta.

Ipinikit ko ang aking mata nang maramdaman ko ang pagbilis ng pintig ng aking puso. Kinuyom ko ang aking kamao para ilagay dito ang pwersa ng aking emosyon, pero lahat ng 'yon ay walang epekto. Hindi pa rin humuhupa ang aking galit.

Binuksan ko ang aking mata at tumambad sakin ang reporter na dada nang dada. Hinigpitan ko ang hawak sa mikropono bago ko ito itanapon sa telebisyon.

"Argh, bakit ba hindi kita mahanap! Nasaan ka na ba, Violet!" sigaw ko. Tumayo ako. Hinablot ko ang aking itim na necktie bago naglakad ng pabalik-balik sa espasyo ng opisina.  Hinawakan ko ang balbas sa ilalim ng aking labi.

Kung totoo ang sinasabi ng pulis, kailangan kong makuha ang kapatid ko sa lalong madaling panahon. Hindi ko papayagang mamulat siya sa immoralidad ng sangkatauhan, at isa pa masyado siyang mahalaga para lamang gawing parausan.

Napatigil ako sa pag-iisip nang may kumatok. Huminga ako ng malalim bago bumalik sa 'king upuan. Hinablot ko ang ballpen at inikot ko 'to saking kamay.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kasabay ng pagpasok ng isang babae. Nakasuot siya nang puting bestida na hindi lumampas sa kanyang tuhod.

Huminto siya saking harapan pero hindi ko siya tinapunan ng tingin. Inayos niya ang kanyang salamin bago umigham.

"Magsisimula na po ang meeting niyo in... five minutes." Tiningnan niya ang kanyang relos bago tumango-tango.

Inilagay ko ang aking kamay sa mesa, pagkatapos ay hinayaan kong kumandong ang aking ulo sa aking braso.

"Sabihan mo silang papunta na ako." bulong ko. Sa totoo lang pagod na ako. Pagod na akong hanapin siya... Hindi ko siya mahagilap kahit saan. Masyadong magaling ang kumidnap sa kanya. Kung iisipin, dapat nadakip na ang kriminal na 'yon dahil mahigit isang-daan na ang batang kanyang nakuha. Ngunit wala pa rin... Masyadong mabagal ang sistema ng Pilipinas kaya't walang nangyayari.

"Gusto niyo bang magpamasahe, sir? Masyado po ata kayong pagod. Makakatulong po 'yon para maka-relax kayo." sabi niya. Napa-ismid ako. Masyado ata siyang feeling close. Wala pang humahawak sa likod ko kundi ako. Sensitive ang skin ko kaya hindi ko hinahayaang mahawakan lang ng iba.

Umayos ako ng pag-kakaupo at tinitigan ko siya ng seryoso. Nakita kung na-tense siya sa titig ko, dahil binaling niya ang tingin niya sa baba. Lumunok rin siya ng ilang beses.

"Ms. Lwe, hindi sakop ng trabaho mo ang pagmamasahe sa 'kin." Tiningnan ko ang kanyang kamay na kanina pa niya pinaglalaruan. "Isa pa, masyadong magaspang ang kamay mo. Baka masugatan ang sensitibo kong balat!" singhal ko sa kanya.

Pinikit niya ang kanyang mata bago tumango-tango. "Pasensiya na, sir! Akala ko lang kasi kailangan-"

"Kapag hindi hinihingi hindi mo dapat binibigay. Masyado kang malambot para sa realidad ng mundo. Kung hindi ka magppupokos sa trabaho mo, mas mabuti pang mag-resign ka na." Tumayo ako at dala-dala ang necktie.

Huminto ako mula sa pinto. Muli kong tiningnan ang telebisyon, at nakita ko ang malaking bitak sa gitna ng malaking screen.

Binalingan ko ng tingin ang aking sekretarya. "Kung tapos ka ng magmukmok diyan. Tumawag ka sa shop, at palitan mo ang TV. Ayoko ng makita 'yan pagbalik ko." Tumango siya kaya't binuksan ko na ang pinto. 

Tumambad sakin ang napaka-kitid na hallway. Bumaba ang tingin ko sa pulang carpet na kumikinang pa, marahil ay bagong palit pa lang.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad, hindi ko pinansin ang napakalaking painting na nakasabit sa dingding. Matagal ko na itong pina-patanggal pero walang may gumagawa, dahil na rin sa pagbabanta nang aking ama.

Hindi ko alam kung anong pinagmulan ng galit niya sa kapatid ko, pero halata naman may pinanghuhugutan siya dahil ni isa naman painting wala si Violet sa mga 'yon. Napasimangot ako. Kaya ayokong dumadaan dito eh. Naaalala ko lang ang masaklap na kapalaran ng kapatid ko.

Sa pinakadulo ng hallway ay may metal na pinto--ang elevator. Pinindot ko ang maliit na button sa gilid at naghintay ng ilang sandali bago ito bumukas.

Ngunit nanlaki ang mata ko sa eksenang tumambad sakin. Hawak nong lalaki yung puwet nung babae habang nilalap-lap niya ang bibig nito. Nagulat ako nung hinablot ng babae ang kuwelyo ng lalaki, saka itinapon niya ito sa sahig.

Napataas ang kilay ko. 'Di ba alam ng babaeng 'to kung gaano kamahal ang fabric ng kuwelyong itinapon niya? Masyado ata silang di nakapagtiis at sa opisina KO pa mismo gumagawa nang ganito? Napa-ismid ako. Pity. Hanggang ngayon nalang sila may trabaho.

Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa aking dibdib. 'Di pa ata ako nila napansin. Masyadong ata silang na-busy sa pag-kain sa isa't-isa.

Sinadya kong umubo nang mapagtanto kong hindi pa sila matatapos. Nakita ko kung pano tinulak nung babae yung lalaki. Hinabol niya ang kanyang hininga habang nanlalaki ang matang nakatingin sa 'kin.

Magsasalita na sana siya pero itinaas ko ang kamay ko kaya't tumahimik siya. Sinenyasan ko silang mag-stay sa gilid, dahil hindi ko gustong madikit sa makakati nilang balat, baka mahawaan pa ako.

Pinindot ko yung malaking three. Kailangan kong pumunta dun para sa screening ng mga empleyado. Kailangan namin ng magaling na marketing strategist para sa kompanya.

Na-distract ako nang makita ko ang repleksiyon nung babae. Magulo yung buhok niya habang nakakunot ang noo, halatadong problemado siya. Hindi niya ata inaasahang makikita ng boss niya ang kabalastugan niya. Hinilig ko ang ulo ko sa katabi niya. Tahimik lang ito, pero walang bahid ng hiya ang makikita sa ekspresiyon niya. Masyadong makapal ang mukha nung gago.

"Mind buttoning your suit? Masyadong na-eexpose ang karumihan mo." malamig kong sambit. Dali-dali niyang binutoness ang kanyang sout para matakpan ang kanyang b**bs na lumalabas na sa lungga nito. Napataas ako ng kilay nang tumulo ang luha nung babae. Nanatili siyang nakayuko pero humihikbi na siya dahil sa galaw ng balikat niya.

Nakita kong niyakap nung lalaki si babae, habang marahan na hinahaplos ang braso nito. Yung isang kamay niya naman ay nakakuyom habang ang kanyang mata ay masamang nakatingin sa kawalan.

Hmm. Pagkatapos niyang gumawa ng kahihiyan, iiyakan niya? Mas nagmukha lang siyang mababa sa paningin ko.

Tumunog yung elevator kasabay sa pagbukas nito. Tumambad sa 'kin ang napakalaking gusali. Bago ako lumabas tiningnan ko muna sila ng maigi.

"Ngayon pa lang, maghanap na kayo ng trabaho! Hindi ako tumatanggap ng empleyadong walang dignidad." Narinig ko ang paglakas ng hikbi nung babae. Tiningnan ako ng masama nung lalaki pero nginisian ko lang siya. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Kumaway ako habang 'di tumitingin sa kanila.

Hindi ako papayag na ang isang bastos na empleyado lang ang sisira sa kompanyang limang taon kong pinalago. Puputi muna ang uwak bago mangyari iyon.

Huminga ako ng malalim bago itinuon ang atensiyon sa paglalakad. Sa twing dadaan ako ay nahahawi ang kumpulan ng mga empleyado. Mabilis silang umiiwas kaya't wala akong nagiging problema.

Napahilig ako ng ulo ng mapansin kong hindi umiilaw yung chandelier. Sumama ang timpla ng mukha ko. Tinawag ko yung babaeng nakatayo sa sulok. Lumunok muna siya bago tumakbo papunta sakin.

Hinabol niya ang kanyang hininga bago sinubukang ngumiti, "Ba-bakit po, sir?" nanginginig niyang sabi.

Itinuro ko ang chandelier, "Bakit walang ilaw iyan?"

Napalunok siya ng ilang beses, "Uhm... kasi sir... yung ano... nung ano... kasi ano..."

"Umayos ka kung ayaw mong mawalan ng trabaho." malamig kong tugon. Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Nasira po kasi-"

"Alam kong nasira, hindi ako bobo. Sa tingin mo ba hindi ko nakikita? Ang gusto kong malaman ay kung bakit wala pang umaayos niyan?" napasigaw ako. Tangina. Ang bobo ng mga empleyadong 'to. Walang common sense. Tsk.

"Wala po kasi yung maintenance natin, may sakit-"

"Then find someone else. Wala ka bang utak? Hindi lang naman isa ang mekaniko sa Pilipinas, o baka pati iyan gusto mong ako pa ang gumawa."

Napayuko siya, "Sorry-"

"Hindi ko kailangan ng sorry mo. Ang kailangan ko mabilis na serbisyo, 'wag ka nang mag-antay na pagsabihan ka kung anong dapat mong gawin. Hindi ka makina, tao ka!" Tumango siya.

"Kapag makita kong sira pagbalik ko, magpaalam ka na sa kompanyang 'to!" Napasinghap siya sa sinabi ko. Tiningnan niya ako ng nanlalaki ang mata.

Tinalikuran ko siya. Mabibigat ang ginawa kong paghakbang. Wala na ba akong matinong empleyado rito? Sira na araw ko. Tangina. Wala lang magtangkang dagdagan ang inis ko, at baka masampulan siya.

Marahas kung binuksan ang pinto. Napatigil silang lahat sa ginagawa nila pero hindi ko sila pinansin. Nakabusangot akong umupo sa pinaka-gitnang upuan.

"Update?" malamig kung tugon.

"May natanggap na ho kaming sampu, pero mayroon pang labing-walo ang nag-aapply." tugon ng katabi ko. Tiningnan ko siya. Ang malamlam niyang mata ay natatabunan ng malaking salamin na sout niya. Ang kanyang noo ay puno ng kulubot na siyang sumisimbolo sa katandaan niya.

"Hand me their resume, and start the screening from the beginning." Hindi ko na hahayaang may tanga at bastos na empleyado ang makapasok pa dito.

"But sir, masasayang ang-"

Tiningnan ko siya ng masama. "Do what I said!" Tumango siya.

Binuksan ko ang mga resume na binigay niya sa 'kin at masasabi kong qualified nga naman sila para sa position. College graduate and many achievement grace their way kaya maaring pasok sila sa taste ko. But we'll see...

Nagsimula na ang screening pero ni isa walang nakakakuha ng atensiyon ko. Masyado silang boring pakinggan. Pati yung sampo na tinanggap nila ay walang-wala sa ine-expect kong empleyado. Ni hindi nga nila masagot ang tinatanong ko, tapos tatanggapin ko sila. That's a big no. Kahit pa graduate sila, hindi nila makakaya ang trabaho. Hindi naman kasi diploma lang ang kailangan ko, ang gusto ko ay yung makakayang sagutin ang mga katanungan ko dahil dun ko lang maipagkakatiwala ang kompanyang 'to.

Napailing yung mga manager sa kanilang upuan nung tatawagin na yung last na i-scre-screening. As expected, walang may nakapasa sa taste ko.

"With due respect, sir! Panu kong di pa rin tong isang to sa taste mo. Ano nang mangyayari?" Nagsalita yung nasa pinakadulo. Siningkit ko yung mata ko dahil sa katanungan niya. Bobo ba siya o tanga?

"May I ask your achievements?" bulong ko.

Ngumiti siya ng malapad, "Hindi naman po sa pagmamayabang pero Summa Cum Laude po ako. Haha!" Napangisi ako nung tumawa rin yung iba. Hindi raw sa pagmamayabang pero nagmamayabang naman. Tsk.

"Summa Cum Laude ka?" pag-uulit ko. Baka kasi namali lang ako ng rinig, eh. Tumango siya. "Hmm. You graduated bearing the number one rank. Yet, you don't know the answer to your question?" Napatahimik sila. "It's just a matter of common sense. Pero hindi mo masagot. Sabihin mo nga sakin kung pano ka naging Cum Laude?" Inikot ko yung ballpen sa kamay ko habang inaantay yung sagot niya.

Tumikhim siya bago yumuko. "Don't question the way I run this company. This is mine, thus, I am the ruler. If you don't like my regime, then you are free to resign." Nakabibinging katahimikan ang pumaligid sa amin. Edi, tumahimik din kayo. Kanina pa ako nabwebwesit sa katangahan niyo.

"If you have no further question, then get the last applicant," utos ko. Nagmamadaling tumayo yung Summa Cum Laude daw para kunin yung last applicant.

Ibinalik ko sa resume ang aking tingin. Binasa ko ang huling pangalan nang applicant; Lucy Tumara. Maganda naman yung background niya pero wala siyang ni-isang achievement. Ni hindi nga niya inilagay yung family history niya. Napataas ako ng kilay nung makita ko ang edad niya; 28 years old. Nakakapagtaka dahil may kulubot na ang mukha niya sa murang edad. Hmm. Ano kayang napag-daanan nito?

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya't itinuon ko ang attensiyon ko sa babaeng pagpasok. At isa lang ang masasabi ko, masyado siyang confident. Taas-noo siyang naglalakad habang hawak-hawak ang maliit na bag, nakapwesto ito sa mismong tiyan niya. Nakasuot siya ng itim na bestida na bumagay sa maitim niyang buhok. Tumayo siya sa gitna sabay sa pag-upo ni Mr. Cum Laude.

"State your name." Napatingin ako kay Mr. Summa Cum Laude. Seryoso ba siya? Name. Tsk. Wala na siyang pag-asa. Bago pa sumagot si Ms. Tumara ay nagsalita na ako.

"Why do you think you deserve to be our market strategist."

Kinilabutan ako nung ngumisi siya. Marahil ay nabigla lang ako sa pag-stretch ng mukha niya lalo pa't sumama rito ang kanyang mga kulubot.

"I'm experienced enough. I've been to a lot of companies, working as a strategist-" Itinaas ko ang kamay ko. Wala sa resume niya ang experience na sinasabi niya.

Tumawa siya. Kaya't nagduda na ako sa mental capacity niya. Baka baliw 'to.

"Alam ko na kung bakit mo ko pinahinto..." Inilagay niya sa ilalim nang kanyang bibig ang daliri. "Hmm. Tungkol ba iyon sa hindi ko pagsulat sa resume nang experience na sinasabi ko?" Imbes na sagutin ay sinamaan ko siya ng tingin. Wala pang kahit na sino ang bumastos sakin ng ganito.

"Sinadya ko talagang hindi maglagay para may thrill diba. Hahaha! Masyado kasing boring, eh!" Sumimangot siya. Hindi ako natutuwa. Sinabi ko nang hindi ako tatanggap ng bastos kaya't tapos na ang screening na 'to.

"Makakauwi ka na. Hindi ka tanggap!" diretsahan kong sabi. Ipinatong ko ang mga kamay ko sa aking dibdib para mas may authority. Nagulat ako nang hindi man lang nagbago ang ekspresiyon niya bagkus ay mas lumawak pa ang ngisi niya.

"Nakakalungkot naman! Ah sige, total di naman na ako tanggap, aalis na lang ako!" pakanta niya itong sinabi kaya napatakip ako sa tenga ko. Tangina. Ang sagwa pakinggan ng boses niya.

Humagikhik siya bago tumalikod pero napatigil ako sa huli niyang sinabi.

"Hay, sayang naman! Ano kayang masasabi ni Violet kung malaman niyang di ako natanggap. Ah, bahala na nga. Di na 'yon magagalit kasi sanay na 'yon. Ang pagpapabaya nga ng kuya niya'y natiis niya, eto pa kaya." bulong niya. Nagpintig ang tenga ko nung marinig ko ang pangalan ni Violet. Alam kong sinadya niyang marinig ko ang sinasabi niya. May kinalaman ba siya sa pagkawala ng kapatid ko?

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Tiningnan ko ang mga employee na dismayado sa nangyari. Pero hindi mawala sa isipan ko ang babaeng 'yun. Hinawakan ko ng mahigpit ang ballpen. Kapag malaman kong may kinalaman siya dito, maghuhukay siya ng sarili niyang libingan...

Hope you're liking it! I really tried my best procuring such words.

Dark_Shadow_2678creators' thoughts
Próximo capítulo