"Buksan niyo ang portkulis!!...Kailangan kong maka-usap ang hari!" Pagpipilit ng isang mensahero. "Hindi ka maaaring pumasok!!" Singangga siya ng dalawang gwardya at sinubukas paalisin subali't di siya tumitigil.
Nagkakaroon ng pagdiriwang ngayon sa Kaharian ng Laziel dakong silangan. Ang ikatlo sa malalaking kaharian sa lupain ng Enderia. "Magkano po 'to?", "Magandang umaga!", "Huy! Saan ka pupunta!", "Ali! Pabili po!" Kasalukuyang nagsisiksikan ang ilang parte ng kaharian kung saan nakatayo ang mga bilihan. "Panalo ang pula sa kanang banda!!" Sigaw ng anunsyador habang patuloy na naghihiyawan ang mga tao. "Aba, may ganap dito ah!" Wika ni Kane habang tumutungo sa paligsahan. "Mamang' tanda, tatlong pilak na lang to ha? Salamat po!" Inabot ni Trisha ang pera sa nagtitinda, "Kane! Teka!!". "Salamat po!" Pagpapaalam nito sa matanda habang nakasangsang ang pagkain sa bunganga niya. "May balak kang sumali?" Biglang bungad nito kay Kane habang dala dala ang mga pagkaing binili. "Ang ingay mo, tumahimik ka nga kahit sandali!" Bungad ni Kane.
Tanaw ng hari ng Lazeil ang kaharian mula sa itaas na tore ng palasyo habang pinagmamasdan ang nagsisiyahang mga tao. "Mahal na hari! Ipagpaumanhin po ninyo. (Lumuhod) May nagpipilit pong makita ka at ayaw umalis sa harapan ng palasyo. Sinasabing may kailangan daw siyang ibigay sainyo." "Bababa na ako." Sambit ng hari.
"Sa pangalawang laban!! Sa aking kanang banda, mula sa Diran, timog Laziel! Ang magiting na Butcher!" Naghiyawan ang mga tao. "Sa bandang kaliwa, mula hilagang Laziel! Ang magiting na mandirigma ng Liz!!"
"Umpisahan na ang laban!" Tuloy sa hiyawan ang mga tao at inumpisahan ang labanan.
"Papasokin siya" inutos ng hari sa tagapagbantay. Biglaang pumasok ang mensahero at hinarap ang hari ng pinigilan siya ng dalawang sundalo.
"Mahal na hari, may mensahe po akong dala!" Sambit nito. "Hayaan niyo siya." Tugon ng hari. "May mga dilim na mala-usok ang umaatake sa bandang hilagang kanluran ng kaharian!" Pag-aalalang sambit nito. "Mala-usok na dilim?" Nagtatakang tanong ng hari. "Ang propeseya, mahal na hari." Bumungad mula sa aklatan ang isang matandang tagapangalaga ng mga libro sa palasyo at isang malapit na kaibigan tagapayo ng hari. "Ihanda ang kabayo ko! At tawagin niyo ang grupo ni Kane!" Utos ng hari.
"Masusunod po! Mahal na hari!"
---
---- Sa Isla ng Iganda ----
"Aaaaahhhhh!!!" Huling sigaw ng salamangkero bago siya tuluyang napudpud sa malakas pagsabog ng sariling mahika sa himpapawid kasabay ng paghati ng hanging dala ng dibinong espada. Nilikop ng liwanag ang buong isla sa pagsabog. Nawala ang sumpa sa gubat at bumalik sa normal ang buong isla. "Inasahan ko ng darating ang araw na 'to." Sambit ng asul na salamangkero, "Ako si Zyl, kinagagalak ko kayong makilala." Pagbati ng asul na salamangkero kina Dantr. *Siya ba ang salamangkerong tinutukoy ng ama ni Dantr?* Pagtataka ng Prinsesa ng bigla niyang naalala ang pinuno sa nayon ng avi bago sila pumasok sa madilim na gubat. "Teka nga lang..." Sambit ni Andalia habang napapaisip *kapareho ang singsing niya sa singsing ng pinunong matanda* "Ikaw ba ang..??" Pagtatakang tanong ng prinsesa. "Tama ka, ako nga ang matadang pinunong nakita niyo sa nayon ng Avi." Tugon ni Zyl, "...at alam kong naramdam na ni Dantr nung nadoon pa kayo." Pahabol nito. "Ba't alam mo ang pangalan ko?" Kalmadong tanong ni Dantr. "Sandali!, Paano nakarating ang barko sa gitna ng gubat na 'to?" Pagtatakang tanong ni Anna sa mga tauhan ni Aldrin. "Dinala kami ng alagang dragon ni Prinsesa Andalia. Nagsilbing tubig siya sa himpapawid at inilipad ang barko papunta dito." Wika ni tomas, isa sa pistolerong tauhan ni Aldrin. "Sa tingin ko, mas mapapadali ang paglalakbay natin." Ngumiti ang prinsesa habang tinatapik ng maamo ang ulo ng dragon.
Isinakay na ng mga tauhan ni Aldrin ang mga nadukot na mga taong ipapadala sa gitnang dagat ng Halea at inihatid sa mga nayong pinagmulan ng mga ito, "Hihintayin na lang namin kayo sa baybay, Kapitan!" Sigaw ni Tomas. "Tara, sumunod kayo." Inaya ni Zyl sina Dantr papasok, "Masasagot din ang mga tanong niyo." Patuloy sila sa paglalakad patungong gubat. "Woohoa!!" Nabighani si Greg sa malaparaisong gubat na dati'y sinumpa ng pinuno ng itim na mga salamangkero. "Saan mo kami dadalhin?" Tanong ni Anna. "Kung saan naroroon ang sagot sa mga tanong niyo." Tugon ni Zyl At sila'y nagpatuloy sa paglalakbay patungo sa puso ng gubat. "Maligayang pagdating sa mahiwagang paraiso ng Heavenspear." Bumungad ang malaparaisong kapaligiran at katubigang nakapalibot na puno ng mga ada at mahiwagang mga nilalang. "Isang isla, sa loob ng isla??!" Bighaning sambit ni Anna habang sila'y naglalakad sa isang kumikinang na tulay na likha sa mga hiyas patungo sa isla ng Heavenspear. "Pumasok kayo." Binuksan ni Zyl ang malaking pintuan ng isang malapalasyong kanlungan bungad ang ilan pang mga asul na salamangkero.
"Si Ferrir ay isa sa magigiting na salamangkerong nakilala ko. Malapit na kaibigan ng Heavenspear ang ama mo. Ito ang kaniyang naging kanlungan ng mga panahong nilikha niya ang librong dala-dala mo hanggang ngayon." Kuwento ni Zyl habang pinapakita kay Dantr ang ilan pa sa mga librong iniwan ng kaniyang yumaong na ama. "Ilan lamang to sa isinulat ng iyong ama, ngunit naiiba ang librong inilikha niya para sayo." Dagdag nito. "Alam kong may tanong sa'yong mga isipan kung bakit tinungo ka dito ng huling sulat ng iyong ama at hanapin ang nakatakda." Patuloy sa pagkukuwento si Zyl habang ginagawa ang isang salamangka.
---
"Kane! Pinapatawag raw tayo ng hari!" Balita ni Trish kay Kane. Oo, narinid ko nga." Biglang tugon nito. "Kane, anak ni Zurin. Kasalukuyan inaatake ang hilagang parte ng Laziel at pinapatawag kayo ng mahal na hari." Biglang bungad ng isang sundalong maharlika at inihagis ang isang malaking pakite ng pilak. Tinitigan ni Kane si Trish, "Tawagin mo ang apat. Susunod tayo sa hari." Utos nito. "Walang problema." Sumakay si Trish sa kabayo at tinawag ang apat na kasamang mga assasin.
Kasalukuyang naglalakbay patungong hilaga ang hari kasama ang mga sundalong maharlika nang madatnan ang ilan sa sugatang sundalong elves. "Anong nangyayari?!" Sigaw ng hari. "Mahal na hari, gaya po ng isinulat sa propeseya, darating ang pagbabalik ng Itim na Encanta!" Takot na tugon nito sa hari. Tinanaw ng hari ang kagiliran at nakita ang papasugod na mga Zharun. Sinugod ang hari ng isa sa mga ito at nagsanggaan ang kanilang mga espada. "Elvesss.." bulong ng Zharun. "Huwag mong maliitin ang pagiging Hari ko, ligaw na Zharun!" Patuloy na nagsasanggaan ang espada ng hari at ang matatalim na itim na usok ng Zharun. "Sugud!!" Sigaw ng kanang kamay ng hari. "Parang naiiwan tayo sa laban ahh!" Sambit ni Kane habang sakay ang kabayo't tanaw ang labanan.
"Ikinagagalak kitang makilala, Haring Davin." Bungad ng isang mala-aninong itim sa hangin at sinugod ang hari.
"Huwag masyadong mabilis, Zharun." sinangga ni Kane ng isang mahabang tabak ang Zharung sumugud sa hari. "Tamang tama ang dating namin ah!" Sambit ni Trish habang dala ang isang long-bow. "Mahihinang Zharun lamang ang umaatake rito. Marahil ligaw ang mga ito o sadyang nililinlang tayo ng reyna ng Verrier." Wika ng hari habang sabay na nakikipagsanggaan sa mga Zharun. Ang ilan sa mga sundalo'y naging itim na bato subali't natalo nila ang mga ligaw na Zharun. "Haaah!" Tumalon ng mataas si Trish at pinana ang tumatakas na Zharun. "Gitna ng Tudlaan!! Ha Ha!" Pagmamayabang ni Trish.
---
"Kalaban!" Sigaw ng ilang sundalo. "Nasa himpapawid!!"
"Mahal na hari! May paparating na mga Avials!" Sigaw ng isa sa mga sundalo. Inangat ng mga Elves ang mga armas at naghanda. "Sandali, ibaba niyo ang mga armas niyo" utos ng hari, "Avials! Anong kailangan niyo rito?!"
"Pagpaumanhin ninyo, Mahal na Hari ng Kahariang Laziel. Kasalukuyang sinasakop ang kaharian namin ng itim na reyna. Ilan lamang kami sa nakatakas." *Sumuka ng dugo* "..ang ibang avials ay kinuha.. inatake kami ng walang kalaban-laban sa araw ng aming pagdiriwang." Wika ng isang Avial habang naghihingalo. "Waren, itungo mo sila sa palasyo at gamutin ang mga sugatan." Utos ng hari sa kanang kamay. *Nagkakatotoo na nga ang propeseya* Inaalala ng hari ang sinabi ng kaniyang kaibigang tagapayo. "Maghanda kayo! Siguruhin ang kaligtasan ng buong kaharian!!" Tumayo ng diretso ang lahat ng maharlikang sundalo at sabay na nagsaludo ng kamao sa dibdib. "Masusunod po, Mahal Na Hari!!"
---