webnovel

Chapter 5:Villaine Zixovia Rosevelt

Third Person's POV

Nakaalis na si Villaine at lahat pero nanatiling nakatingin si Levi sa daang tinungo nito.

"Bro!" tawag ng isang kaibigan niyang si Claude habang kasama nitong naglalakad si Weston.

"Huyy!!" harang ni Weston sa harapan ni Levi habang winawagayway pa ang dalawang kamay.

"Oh?" normal na sagot ni Levi.

"Nu tinitignan mo? Nakakita ka ng multo?" tanong ni Claude.

"Oo. Ang gandang multo." nakangiting sambit ni Levi.

"Woah woah. Chiks bro?"

"Oo. Matindi."

"And who's the lucky girl?" usisa ni Claude dahil kilalang kilala nila si Levi at kung paano ito makitungo sa mga babae. Para bang kaibigan lang turing niya sa lahat kahit yung iba, hindi na nahihiyang ipinagsiksikan ang sarili nila sa kanila.

Of course, he's an angel for pete's sake. He's bound to be that attractive. Hindi matutumbasan ng mortal na anyo.

"Hindi ko kilala eh pero sobrang ganda, parang hindi normal at ang tapang. Ang angas din ng bunganga palaging nakamura. Naka ducati. Blonde na may brown yung kulay ng buhok tas yung mga mata ang lamig----"

"Whipped." side-comment ni Weston habang tumango-tango.

Claude's POV

Natigilan ako dahil hindi ako maaaring magkamali. Isa lang ang tumatagingting na pangalan na ganon ang katangian.

"That's definitely Villaine Zixovia Rosevelt."

"Ohhh.. siya yun bro? Sigurado ka?? Sa pictures at chismis ng mga chiks ko lang kasi siya kilala." tugon ni Weston.

"Oo sigurado ako. Walang labis, walang kulang. Nako, hanap ka nalang ng ibang chiks bro. Delikado raw 'yun." sabay tapik ko sa balikat ni Levi.

"Ang ganda ng pangalan niya." nakangiting sambit ni Levi. Nagkatinginan kami ni Weston at sabay na napatawa. Wala eh. Napana ata ni Kupido. Yaan na. Hahahaha

Levi's POV

Bago pa lang ang pasukan kaya wala pang klase masyado kaya andito kami ngayon sa classroom ng Math I nakatambay muna dahil wala raw ang professor. Napatingin ako sa gilid ng bintana at tumingala sa langit.

'Eros, bakit pumipitik din ang puso ko at natutuwa ng nakausap ko 'yung si Villaine? Side effect lang ba 'to ng aksidenteng nagawa ko?' O dahil tao ako ngayon kaya may effect sakin?'

Isip-isip ko pero alam kong hindi ako masasagot ni Kupido kasi wala akong kapangyarihan sa ngayon. Nawala ako sa pagmumuni-muni ng bumukas ang pintuan at iniluwal doon ang walang iba kundi si Villaine. Natahimik naman bigla ang buong classroom. Deretso ang lakad niya patungo sa likuran na parang yamot na yamot at halatang hindi ako napansin. Umubo siya sa arm chair niya.

I stood up and started walking towards her ng may humawak sa braso ko kaya ako napatigil.

"U-uh.. concerned citizen lang kami Levi pero kasi.. wag mo na siyang lapitan. Delikado 'yan." sabi ng isa kong kaklase habang 'yung iba tumango-tango din. Nginitian ko lang sila.

"It's okay. I can handle it." tsaka ako nagpatuloy sa papunta kay Villaine. I poked her arm.

No response.

I poked her once more.

No response.

Again. Poke.

No res----

"ANO BA???!!!" nanlilisik ang mga mata niyang napatingala sakin na kulang na lang ay liliyab ito. Ang ganda ng mga mata niya. It's a darker shade of blue like those of the ocean surrounded by a black shade that seems to shine, ang kaso lang ang rason kung bakit ito parang kumikislap is because of her anger of course. Directed to me. And those furrowed eyebrows. Ang tindi.

"Hi. Hehe." bati ko sa kanya ng nakangiti.

"What the fuc------"

"Shhhh! Bawal sabing magmura. By the way, I'm Levi Bryce Villemur. Everyone calls me Levi, but you can call me Ryce. Kagaya nung pagpakilala ko sa'yo nung bata pa tayo. Naalala mo??" masayang kwento ko sa kanya.

Hinilot niya ang sentido niya.

"Ginulo mo pa ako para lang sabihin iyan?? Ang lakas naman ng loob mo and the fuck I care kung sino ka?! I am not interested! Damn it!" sabay tayo nito na padabog. Agad kong nahawakan ang kaliwang braso niya para pigilan siya at tumayo na rin ako. Mabilis niya namang iwinaksi ang kamay ko na para bang napaso siya.

"Go to Hell!" at tuluyan na nga siyang nakalabas.

Go to Hell. How ironic. I'm actually a fallen angel. Angels are forbidden there and vice versa pwera nalang kung may matinding pagkakasala o kusa ng pumanig sa kanya. Wala akong pass doon.

Villaine's POV

Para akong nakuryente na para ding napapaso nung hinawakan nung lalaking iyon ang braso ko. Ano ba siya? Si Pikachu? May dumadaloy na electric current sa katawan? Tsh.

"Teka naman Villaine! Hey!" mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko hanggang sa nauwi sa pagtakbo. Why am I even running away FROM A GUY?!

Walang tinatakbuhan si Villaine Zixovia! Pero nakakainis ang buong pagkatao niya! Argh!

"Villaine naman eh! Bakit ka tumatakbo?!"

"Bakit mo rin ako hinahabol? Sabi ko go to hell!"

"Pag ba pumunta akong hell magiging kaibigan na kita?!"

Tumigil na ako sa likuran ng school kung saan may maliit na fountain sa gitna katabi ng isang bench na nas-swing. Medyo hiningal na rin ako at ganun din naman siya na nakahawak sa dalawang tuhod niya.

"Ano ba kasing kailangan mo?!" I shouted ng nakabawi na ako. He straightened his stance bago tumingin sakin at ngumiti. Iniwasan ko makipag eye contact sa kanya kasi nga ayoko. I despise him.

"I just want us to be friends. That's all."

"And I don't want to. That's final." sagot ko agad trying my best to control my temper kahit hindi ko naman madalas kinokontrola iyon. Kung galit ako, galit ako. Araw-araw naman ata galit ako.

"Bakit naman?" he asked innocently.

"Because I hate you. Saan ba dun ang di mo maintindihan??"

"Well, I actually like you."

Doon ako natigilan. I felt my blood rush up to my face. Probably because he's pissing me off. Pero siya pa lang ang kauna-unahang nagsabi sakin na gusto ako.

Even my parents whose now in abroad, or my yayas, just anyone, had never ever said that line. Wala naman kasing kagusto-gusto sa akin. Friendship is not even in my vocabulary pero may dalawa akong tinuturing na acquaintances, though I never considered them as friends at all.

"So...? friends??" sabay lahad niya ng kamay niya. Napatingin akos sa itaas kung saan may maliit na balcony sa third floor. I smirked. Tignan ko lang.

"Sure." sagot ko and his face lit up almost immediately. "In one condition." dagdag ko na nagpawi ng ngiti niya.

"Ano 'yon??" he asked.

"Tumalon ka mula doon, papunta dito sa baba without breaking a bone or having any bruises. If you can do that, I am prohibiting you to hang out with me, and we can officially be friends." I explained triumphantly while crossing my arms to my chest. I tapped my right foot on the ground daring him. Alam kong weakling ang isang 'to. Nakatingin na ngayon siya sakin ng seryoso.

He'd definitely give up.

"I recorded that." sabay pakita sa isang maliit na recorder sa bulsa.

"And I am agreeing with your condition. Dito ka lang." sabi niya tsaka nagmadaling tumakbo paalis.

Seriously??? Gagawin niya?? No shit.

To be continued...

Próximo capítulo