Noah's POV
Sobrang saya ko ngayon dahil um oo na si Francine sa alok ko sa kaniyang magpakasal kami. Hindi mapantayan na kahit anong pera ang saya ko ngayon. Napaka iba ng araw na 'to sa'kin. Sa mismong araw pa talaga ng anniversary namin. Excited na tuloy akong magpakasal kung siya lang man ang aking maaasawa. Wala na akong masabi sa kaniya. Kung sa pisikal na anyo wala na talaga akong masabi sa kagandahan niya. Sa panloob naman mas lalong wala kasi parang nasa kaniya na ang lahat.
"Magiging Mrs. Rozon ka na love." Malambing sa sabi ko.
"Magiging Mr. Rozon na rin kita." Malambing niyang sagot.
Ngumiti ako sa kaniya. "Magiging ina ka na ng mga anak natin." Sexy kong sabi.
Ngumiti lang siya bilang sagot. Mapilyo naman akong ngumisi. Kahit kailan napaka ganda niya talaga. She's the girl you wanted for.
"Ilan ba ang gusto mong anak?" Tanong niya. Gusto ko 'tong usapan na 'to.
Mapilyo naman akong ngumiti. "Ilan ba gusto mo?" Tanong ko pabalik sa kaniya .
Nag-isip siya kung ilan ang gusto niyang anak. Pero kung ako ang papipiliin gusto ko sampo. The more the merrier.
"Apat." Sagot niya. Apat? Ang konti naman.
Mapilyo na naman akong ngumiti. "Ako gusto ko sampo." Sabay halik ko sa labi niya.
Gumanti naman siya sa mga halik ko. Damn! Nababaliw na ata ako sa labi niya.
Bumitaw ako sabay titig sa mga mata niya. "Love." Tawag ko sa kaniya.
"Mm." Sagot niya. Damn! I love this girl so much.
"What if 'di ka bumalik. Magkakabalikan pa kaya tayo?" Seryoso kong tanong.
Napa-isip naman siya. Pero para sa'kin kung 'di siya bumalik baka 'di na ulit kami magkakabalikan.
"Kahit hindi ako bumalik. Nandiyan naman si tadhana para pagtagpuin tayo ulit eh. Tignan mo nga 'tong araw na 'to oh. 'Di ba pinagtagpo niya tayo ulit. Ganiyan si tadhana. Mapaglaro, mapanakit, nakakainis pero may rason ang lahat dahil kung para talaga kayo sa isa't isa kahit gaano man 'yan katagal kung kayo talaga, kayo talaga hanggang dulo." Sagot niya. Ang swerte ko talaga sa babaeng 'to.
Sa bagay tama naman siya. Kung talagang kayo, kayo talaga hanggang dulo. Iwan ko ba kay tadhana ang lakas manlaro ng damdamin namin pero worth it naman ang mga sakit na naranasan ko noon kasi ito na oh. Nasa harapan ko na ang taong pinakamamahal ko at ilang linggo lang magiging misis ko na siya.
"Hanggang dulo." Malambing kong sabi.
Ngumiti siya sa'kin. "Hanggang dulo." Sagot niya.
Hinalikan ko siya sa labi. Gusto ko lang sulitin 'tong araw na 'to.
Bumitaw ako sa kaniya. "I love you." Malambing kong sabi.
"I love you too." Sagot niya.
Hinalikan ko siya ulit. Wala akong pakialam kong maraming makakita sa'min. Mahal ko 'tong taong 'to eh. Wala akong pakialam sa mga tao. Basta alam namin sa sarili namin na wala kaming kasalanan. Nagmahalan lang kami at saksi ang diyos do'n. All of our pains, burdens and frustrations were totally wiped out. Alam kong sa araw na magkakaroon na kami ng mga anak namin. Hinding hindi ko sasayangin ang mga oras na 'yon.
Alexander's POV
"Dahan-dahan lang— Tang*na naman oh. Alam niyo ba na mas mahal pa 'yan sa mga buhay niyo?" Singhal ko sa mga polpol kong tauhan.
"Oh, easy lang Alexander." Sabi ni Mr. Go. Paano ako kakalma aber? Eh ang mahal ng mga gamit na 'yan kaysa mga buhay nila. Tsk!
Napa-upo ako sa couch due to frustration. Kainis kasi 'tong mga kinuhang tauhan ni Mr. Go eh. Saan ba niya kinuha ang mga 'to? Bakit parang ang mga tatanga minsan— 'di pala minsan. Sadiyang tanga talaga ang mga taong 'to.
"Ano na? Hindi ka ba gagawa ng aksiyon?" Tanong na naman niya. Paulit-ulit nalang ha. Nakakarindi na 'tong matandang 'to ha. Kung 'di ko lang talaga kailangan 'to baka matagal ko na 'tong pinatay.
Napatingin ako sa kawalan. "Siyempre gagawa." Sagot ko.
"Oh! Nasaan na aber? Bakit 'di pa 'to kumikilos ang tauhan mo kung gagawa ka ng aksiyon? Nako Alexander. Sinasabi ko sa'yo. Matatalo ka talaga ni Kevin 'pag 'do mo siya inunahan." Paulit-ulit nalang talaga. Hindi ba siya makapaghintay?
Tumayo ako. "Can you please shut up!" Naririndi kong sabi.
Napa hawak nalang siya sa sentido niya. "Ewan ko sa'yo. Bahala ka na nga diyan." Sabay walk out niya. Eh 'di mag walk out ka! Tsk!
Nakapandikwatro ako. Iniisip ko kung ano ang susunod kong plano kay Kevin. Akala niya siguro panalo na siya sa laban pero nagkakamali siya dahil nabubuhay pa lang ang kinakatakutan niyang demonyo. Kung mas demonyo siya, mas demonyo ako.
"Kunin niyo pa 'yon." Sabay turo ko sa isang kahon sa 'di kalayuan.
Tumango naman ang mga tanga. Buti marunong sumunod sa nakakataas. Siguro naman susunod na sila sa'kin kung gusto nilang humaba pa ang buhay nila. Pero kung ayaw nila. Eh 'di goodbye world. Bang! Natatawa ako sa naiisip ko ngayon. Naisip ko kasi kung ano ang gagawin ko kay Kevin 'pag nahuli na ng mga tauhan ko siya. What if chainsaw? Wait! Para namang brutal masyado. Biglang may pumasok sa isip ko na ipakain ko siya sa pating. Fantástico! Mabuti pa nga. Para mabigyan ko naman ng pagkain 'yung pating. Kawawang Kevin but... still I'm thorn between that two murder concept.
Maya-maya habang nagmumuni-muni ako may biglang pumunta sa gawi ko. Isa sa mga tanga kong tauhan.
"Boss." Pagtatawag niya sa'kin.
Napunta ang tingin ko sa kaniya. "Bakit? Gusto mo na bang mamatay?" Sabay tawa ko.
Umiling siya. "Nandito po ako dahil may nagsabi sa'kin na aalis 'yung lalaking pinapahanap mo sa'min at sabi niya aalis daw ito kasama 'yung asawa niya yata." Sabi niya. Buti naman.
"Ano na plano boss?" Tanong niya.
Pati ba naman 'tong tanga kong tauhan nakiki-alam na rin sa mga plano ko. Hay, siguro kailangan ko ng magbawas ng mga tauhan pero wa'g na muna ngayon. Kailangan ko pa sila sa mga plano ko.
Tumingin ako sa kaniya. "Humanda kayo. Susugod na tayo." Sabay tingin ko sa kawalan.
Maghintay ka lang Kevin. Matatapos na rin 'yang maliligayang araw mo.
—ShineInNightt—