webnovel

Darkside. No more?

"Hi Mom"bati ko kay Mama sabay halik ko sa kanyang pisngi. Nadatnan kong abala ito sa pagluluto ng hapunan.

"Hi Anna baby. How's work?"tanong ni Mama sabay ganti ng halik sa akin. Inilagay ko muna sa refrigerator ang cake na binili ko kanina.

"Good pero nasiraan po ako ng kotse pauwi, buti na lang at may nag magandang loob para tulungan ako"naupo ako sa kaharap na silya at nakapangalumbabang tumingin kay Mama. Lumingon ito sa aking gawi at nagpakawala ng pilyang ngiti. Napailing na lang ako dahil alam ko ang ibig sabihin ng mga ganyang ngiti ni Mama. Umayos ako ng upo at nagsalin ng tubig sa baso. Tumigil ito sa ginagawa at parang batang nagmamadaling lumapit sa akin.

"Lalaki ba anak?"excited nitong tanong.

"Ma naman..."pabirong saway ko sa kanya. Uminom ako ng konti at agad na ibinalik ang tingin kay Mama.

" So lalaki nga...Ayieeee!!!ano ba anak, baka naman forever mo na yan"parang kinikilig na teenager na akto nito. Napailing na lang ako coz that's not how it seems.

"Tinulungan lang naman po ako nung tao"I paused as I was trying to remember Gabriel's appearance. Hindi ko namalayang nakaupo na pala sa tabi ko si Mama at nakatitig ito sa akin with "tell me more" look niya. Tumikhim ako at nagkibit balikat.

"He's just good looking...aside from that, wala namang interesante sa kanya"umiwas ako ng tingin kay Mama dahil ramdam kong nag-iinit ang aking mukha. Ayokong ma hot seat dahil di ako sanay na pag-usapan ang buhay pag-ibig ko.

"Suplado nga eh"pabulong kong dugtong.

"Ano sabi mo anak?"

"Wala po Ma. I'll go upstairs muna, bababa rin po ako after kong matapos ang trabaho ko," sabay angat sa laptop na dala ko.

"Go ahead Anna baby, tatawagin na lang kita"sagot ni Mama na halatang nadismaya at parang nagmamaktol na binalikan ang kanyang niluluto.

'Ang cute ng Mama ko' sa isip-isip ko.

"Ah before I forget Mom, I bought your favorite blueberry cheesecake, let's eat that together later,

luv you Mom" sabi ko bago tuluyang umakyat sa aking kwarto. Pagkapasok ay agad kong inalis ang coat ko at tinungo ang mini office ko. I opened my laptop at lihim akong napaisip.

Matanda na ba ako at mukhang kailangan ko na maghanap ng ipapakilala kay Mama? I'm only 25 and I believe love can wait and will arrive at the right and unexpected time. I don't need to rush. Love will find me...

Kinabukasan ay nagising ako ng mga alas singko ng umaga. Nagpalit agad ako ng pang jogging. Health is wealth ika nga.

"Stretching is a must" sabi ko sa sarili. Hawak-hawak ko ang aking bewang at nagsimulang magstreching. Mayamaya pa ay nagsimula na rin akong mag jogging.

(Playing: Ava Max's playlist...)

Sa layo ng jinogging ko ay di ko namalayang nasa harapan na ako ng coffee shop kung saan kami unang nagkita ni Devans.

Nakatitig lang ako sa spot kung saan kami naupo nung nakaraan.

"Why on Earth did I get here?" parang tangang tanong ko sa sarili.

(Third person's POV)

"Excuse me, tabi!!! tabi!!!Naku po!!!Tabi!!!!"sigaw ng lalaking nagbibisekleta. Papunta ito sa kinaroroonan ni Anna. Napalingon ang dalaga sa lalaking sumisigaw kaya paatras itong umiwas at di sinasadyang may naapakan ito mula sa likod. Mabilis itong napalingon sa kanyang likuran. Nanlaki ang mata ni Anna sa taong nasa kanyang harapan.

"Gabriel?!!"di makapaniwalang tanong ni Cassandra sa lalaking kaharap.

"Huh???Ms. Montague, are you okay? Did you get yourself hurt?"kunot-noong tanong nito kay Anna.

"Mr. Devans?Ahh, Hi! I'm okay and I'm sorry for that"tukoy nito sa sapatos nito.

"You called me by another name. Gabriel wasn't it?" kunot-noo nitong tanong kay Anna.

"Ahhh no-no..., I was trying to remember one of my student's name" pagtatanggi nito.

"Since you're already here, why not join me? Let's grab a coffee" nakangiting alok ng binata.

Lihim na inamoy ni Anna ang sarili.

'Amoy pawis...'sa isip niya.

"I would love to but as you can see... Maybe next time, my treat" nakangiting sagot ni Anna sa lalaki.

Nakuha naman ni Devans ang ibig pakahulugan niya kaya di na ito nag-insist.

"Sure" ngumiti ito na ginantihan din ni Anna.

"I'll gotta go. Have a nice day Mr. Devans" paalam ni Anna bago tinahak ang daan pabalik sa kanila.

(Devans's POV)

The girl in front of me looks like Ms. Montague. I stepped forward when I saw a cyclist losing his brake. I tried to grab the girl by her wrist but too late, she already step on my shoes.

"Gabriel???" she looked surprise.

"Huhh???Are you okay? Did you get yourself hurt?" I asked while examining her.

She look okay.

Thank God.

"Mr. Devans?Ahh, Hi! I'm okay and I'm sorry for that"she answered while pouting.

Cute. I think.

She's sweating but damn...she's hot.

"You called me by another name. Gabriel wasn't it?" I asked her just to make sure I'm not hearing things. I looked at her with worried face.

"Ahhh no-no, I was just remembering one of my student's name" she answered. I sighed out of relief.

"Since you're already here, why not join me? Let's grab a coffee" I smiled.

She sniffed her jacket and smiled sheepishly.

So cute. wait what?!!how many times did I think of her as cute?Stop it Devans!!!

Inhale. Exhale. Inhale...

"I would love to but as you can see... Maybe next time, my treat" Anna

Exhale...I feel disappointed but...

I nod to her as a response.

"Sure"

"I'll gotta go. Have a nice day Mr. Devans" she walked away fastly.

"Only her can help me" I said while looking at where she was minutes ago.

(Anna's POV)

Nakakahiya!!! Baka kung ano na isipin niya.

Teka, bakit di ko na lang siya tinanong kung may kakambal ba siya? Baka nga related sila ni Gabriel. Bakit ko nga ba tinanggi kanina na tinawag ko siyang Gabriel? Baka naman kilala niya ito. Ewan ko sayo self!!! Ewan ko ba, at parang puno ng misteryo ang dalawang lalaking yon.

Nasa tapat na ako ng bahay, pag pasok ay diretso agad ako sa kusina para uminom. Natigil ako sa pag-inom nang makita ang sticky note na nakadikit sa refrigerator.

"Anna baby, bigla akong kinontak ni Mrs. Verdon yung sinasabi ko sayong gustong mag sponsor para sa next Art Exhibit ko. Gusto niya rin kasi akong ipakilala sa kaibigan nitong may hilig din sa art. I'll be back after a week. Nasa ibaba ang address. If may time ka pwede ka ring sumunod"

~Love Mama

"Nasa Bulacan ang address" kinapa ko ang aking bulsa. I checked my call history.

3 missed calls...

I decided to call her.

"Hello Anna baby" bungad ng nasa kabilang linya.

"Hello Mom, pasensiya na po at di ko nasagot ang tawag niyo"

"Hindi na kita nahintay Anna baby. Urgent kasi"pagpapaliwanag niya.

"Basta ingat po kayo jan, tatawag na lang po ako ulit"

"Salamat baby, ikaw din ha wag magpapagutom, ohh sige anak tawagan na lang kita ulit. Muahhh"

Napangiti na lang ako.

"Bye Mom, luv you"

"Luv you too"inend call na niya ang tawag.

So one week akong walang kasama...Hayst...

Umakyat ako sa kwarto para makapag shower. I played my favorite playlist.

(Alan Walker-Faded...now playing)

Masarap sa pakiramdam ang malamig na tubig. Sinasabayan ko ang kanta habang kumekembot. Feeling ko nasa concert ako ngayon.

"Atlantis...Under the sea, under the sea...where are you now.

Another dream... the monsters running wild inside of me... I'm faded..."

Kuskos dito, kuskos doon.

(Alan Walker-Darkside...now playing)

Nanlaki yung mata ko ng bigla kong maalala yung gabi kung saan...

God. Because of that night, I now hate one of my favorite songs.

Minadali kong pinatay ang kanta at dali-daling tinapos ang aking paliligo.

Próximo capítulo