webnovel

Chapter 7

((Vanellope ))

Ngayon ang day off namin ni Kring kaya tinulungan nya akong lumipat sa bago kong condo.Konti pa lang naman kasi ang mga gamit ko kaya hindi kami nahirapan.Tinulungan din ako ni Kring na mag display ng mga pinamili ko sa dept. store nung isang araw.Nag lagay din ako ng writing space ko.May isang table lang sya at silya at sa bandang taas may book shelf.Lahat ng mga fictions at novels na binabasa ko dun ko nilagay.

"Sigurado kang okay ka lang dito bes?"tanong ni Kring habang inaayos ang frame na plano namin ilagay sa headboard ng kama ko.

Bumaling ako sa kanya.

"Oo naman,okay lang ako dito.Tatawagan naman kita kung may problema dito"

Tinulungan ko na syang ayusin ang frame at pagkatapos namin maayos ito nagluto kami ng pananghalian.

Kumakain kami ng maalala ko si Sean.

"Alam mo bes,may nakilala ako sa store.Si Sean...yung kasama ko kahapon,naalala mo?"tanong ko dito.Uminom muna ito ng tubig bago nagsalita.

"Oo naalala ko,bakit ano daw sabi?"

"Wala naman,may naalala lang ako sa kanya..Si Sheena naalala mo? Yung bestfriend ko na kinukwento ko sayo dati?"tanong ko ulit dito.

Nag isip naman ito.Sumubo ako ng kanin habang hinihintay ang sagot nya.

"Oo si Sheena naalala ko,eh ano ang meron sa dalawa?"

"Parang may hawig sila..Pero impossible eh kasi lalaki naman si Sean.Pero tuwing titingin ako sa mga mata nya,nakikita ko si Sheena sa kanya"pagpapaliwanag ko.

Kumunot naman ang noo nito.

"Baka namiss mo lang si Sheena bes"

Napaisip naman ako.Pero bakit ganon?Yung feeling na kasama ko dati si Sheena naramdaman ko ulit yun nung nakasama ko si Sean.So weird.

Tinapos na namin ang pagkain at nagplano kami na mamili ng mga christmas decoration.Nagchat naman si Cristoff na ngayon din magsisimula ang byahe nila kasi naayos na daw ang pyesa nito.

Ang gaan ni Cristoff kasama.Yung goodvibes lang sya tas samahan pa ng mga hirit nyang pinaglumaan na.Pero kahit luma na ang mga yon may part sa 'kin na kinikilig pa rin pero hindi ko yun pinapahalata sa kanya.

Matapos namin bumili ni Kring ng decorations.Pinauwi ko na muna sya kasi plano kong surpresahin si Cristoff.Eight pm daw kasi ang dating nila dito sa port namin.Sakto at malapit na mag eight.

Hinintay ko sya sa 7/11 na malapit sa port.Nagchat ako sa kanya na pumunta sya ng 7/11.Ilang minuto pa,narinig kong bumukas ang glass door at nakita ko sya agad.

Ngumiti ito habang papalapit sa 'kin.Umupo ito sa harap ko.

"Namiss mo agad ako no?"pang aasar nito.

"Hahaha Loko ka! Hindi no!"

"Maaga pa naman kasi at gusto kong makinig dyan sa mga pambobola mo"pagbibiro ko sa kanya.

"Hahaha talaga ba? Pero ako kasi namiss kita"

Inirapan ko ito.

"Alam mo Van,lahat sayo maganda"sabi nito.Seyoso na naman itong nakatingin sa mga mata ko.

Ayoko pag ganyan sya kung makatingin sa 'kin.Sa iba kaya ko makipagtitigan pero sa kanya parang naduduwag ako.

"Alam mo Cris,bolero ka"sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa ibang direksyon.

"Seryoso kasi ako Van,lowbat na pala ako"sabi nya ng tiningnan nya ang phone nya.

"May power bank ako dito,wait lng"kukunin ko na sana sa bag kaso pinigilan nya ako.

"Nalowbat first sight sayo"

Tumawa naman ito ng paghahampasin ko sya ng cord ng power bank.

"Hahaha bwisit ka talaga Cris,nakakahiya kang kasama"

Nagtawanan kami.Pinagtitinginan tuloy kami ng cashier at staff ng 7/11.Pero hindi namin yun pinansin.

Nagpaalam na rin ito baka daw maiwan sya ng barko nila.Kasi 10pm ang alis nito.

Umuwi na rin ako.Siguradong naghihintay na si Kring sa condo kasi doon ko muna sya pinatulog para may makakasama ako sa unang gabi ko dun..

Sorry sa errors sa chapter na 'to'30mins lang ang pag draft ko dito kaya pagpasensyahan nyo na kasi gigil na gigil ako na maka abot ulit tayo ng 15kwords'hehehe

Please vote,comment and rate'

Thank you so much!

-JMP

JMP_beautycreators' thoughts
Próximo capítulo