webnovel

Chapter Two

Chapter Two

Nagpi-pictorial si Juno 'June' Lopez, sa isang studio. Nakadamit ang dalaga ng isang mermaid gown na pula. "Wow! Perfect! Amazing!" sabi ng cameraman na nagte-take ng picture kay June. Nagagalingan ang lahat sa dalagang artista sa kanyang pagpo-posing lalo na ang kanyang personal make-up artist nito na si Kitty. Panay ang pagpalakpak nito sa amo niya. Pumasok sa loob ng studio ang manager at kuya rin ni June na si Ricky. "Oh! Ba't ngayon ka lang?" tanong ni Kitty kay Ricky, "alam mo bang, ikapitong damit na 'yang sinusuot ng kapatid mo?" dugtong pa ni Kitty. Nasiyahan bigla si Ricky nang makita ang kapatid. "Oh my God! Ang ganda ng kapatid ko!" sabi ni Ricky sabay palakpak. "Obvious ba?" tanong ng make-up artist. Nagalit na ang kuya ni June. "Ikaw, tumahimik kang bakla ka ha! Pasalamat ka andito ka ngayon may trabaho ka pa, kung di lang sa amo mo, malamang andon ka sa palengke nagtitinda ng daing!!" sabi ng galit na si Ricky kay Kitty. Ilang segundo lang ay lumapit si June sa kapatid nito at make-up artist niya at nagsalita. "Oh! ano na namang digmaan ang nangyayari dito?" Natapos na ang pictorial at lumalakad ang artistang dalaga papunta sa kanilang dalawa. "Eh, ito kasing pusa mo, ang ingay!" sabi ni Ricky sa kapatid. Biglang niyakap ni Kitty si June at nagpaawa-awa. "Ate oh!, inaaway naman ako ni kuya Ricky!" sabi ng make-up artist. "Bitawan mong kapatid ko!, at baka magka-rabis 'yan!" sabi ni Ricky sabay hila si June mula sa make-up artist nito. "Kuya naman di na kayo mabiro." Sabi ni Kitty kay Ricky. "Ang biro mo scary! Wala akong kapatid na 'Kitty'," sabi ng feminine na binata at napangiti si June sa sinabi ng kapatid, at nainsulto naman si Kitty, "Nagugutom ka na ba sis?" Tanong ni Ricky kay June. "Kain tayo sa 5 star na kainan." Biglang nagsalita si Kitty, "Sige kain tayo, kanina pa 'ko nagugutom." Tumingin bigla sa kanya ng masakit si Ricky. "Hayaan mo na nga 'yan kuya, isama mo mo na lang," sabi ni June sa kapatid, "alam mo naman kahit pusa ay nagugutom din." dugtong ng artista. Huminga ng malalim si Ricky, "Okay, fine." sabi ni Ricky. "Yes!" sambit ng make-up artist. "Kakaloka..." sambit ng walang magawa na si Ricky habang lumalabas ng studio kasama si June at Kitty.

Si Ricky ay nasa edad 40, bakla ngunit ayaw niyang matawag na bakla, dahil para sa kanya isa siyang bading na hulog ng langit. Habang ang multi-talented na si June ay nasa edad 37 palang. May buhok na parang rakista itong si Juno. Tinatawag nga siya ng press at mga fans niya na 'Sparkle', dahil orig itong artista sa pananamit, sa buhok, magandang mukha, at sexy na katawan. Pilipinang pilina ang ganda mula ulo hanggang paa. At si Kitty ay nasa nasa edad 29 pa lamang, cute na dalagita at magaling manamit at mag-make-up sa sarili kaya siya ang naging personal make-up artist ni Juno.

Lumalakad ang tatlo papunta sa sasakyan ni June habang nag-uusap. "Nuod muna tayo ng 'Tom and Jerry'! habang nagbabiyahe pauwi." sabi ni June sa kapatid at make-up artist nito. "Nuod na naman? Mangangamoy daga at pusa na 'yang TV diyan sa loob ng sasakyan mo dahil sa cartoon series na 'yan! Memorisado mo na nga 'yang franchise na 'yan. Mula sa dialogue hanggang sa galaw ng characters!" sabi ni Ricky. "Kasi kuya nakikita ko ang sarili ko sa kanilang dalawa." Sagot ni June. "Dahil kamukha mo si Jerry? At kamukha ko si Tom?" sabi ni Kitty sabay tawa. Binigyan ni Ricky si Kitty ng galit na titig. Napayuko na lamang ang make-up artist. Papasok na sana ang si June sa sasakyan nang biglang may humawak ng braso ng dalaga. Napasigaw si Sparkle sa gulat. Ngunit kaibigan lamang pala nila na pulis at dating nobyo ni Sparkle ang umulhot bigla sa kanilang likuran at humawak kay June. "Warren! Ikaw pala..." sabi ni June sa pulis. "Hi Warren!" sabi nina Kitty at Ricky ng sabay, at nagtitigan ang dalawa ng hinay-hinay. "We have a problem." Sabi ng binatang pulis sa dalagang artista.

Bumukas ang pintuan ng morge. Pumasok sina Ricky, Kitty at June habang si Sheriff Warren ay napaiwan sa pintuan at tumitig nalang sa mga taong wala ng buhay na nakahiga sa mga kama. Nakita nina Kitty, Ricky at June sina Daisy at ang ama nito ang nakahiga. Tinatakpan na lamang ang katawan nila ng puting kumot. Napaiyak sina June at Ricky. Si Daisy ay isa sa mga matatalik na mga kaibigan ng magkapatid na Lopez. Nag yakapan ang manager at ang alaga nito. "What happened?" Tanong ni June kay Warren. Sasagot na sana ang pulis sa tanong ng dating nobya ngunit may nagsalita mula sa madilim na corner ng kuwarto. "Pinatay." sagot ng isang dalaga sa isang madilim na sulok ng morge. Lumakad itong dalaga papunta sa kinahihigagan ni Daisy at ipinakita ang sarili. Si Paige lamang pala, ang kalaban ni June sa showbizzness.

Mahigpit na magkalaban ang dalawa sa entertainment world, dahil kung multi-talented si June ganoon din si Paige. May bouncy noodle-like hair itong si Paige, 38 anyos, mistisa-negra at may orig na brown eyes. May morena itong balat at masasabi mo na halos kamukha na niya si Halle Berry. "Pumunta ka dito, sa morge, dapat naka mermaid gown talaga?" tanong ni Paige kay June. Biglang inayos ni Kitty ang sinusuot ni June na gown at kinukuha ang dumi. "Bakit obvious ba? Baka malabo diyan sa kinatatyuan mo, oo mermaid gown 'to." Sabi ni Kitty sabay bigay kay Paige ng insultong ngiti habang inaayos ang palda na amo niya. Ngumiti din si Paige at taas-noo kung umasta. "Mermaid gown, bakit? May nakita na ba 'yang bagong shokoy?" sabi ni Paige, na ang tinutukoy na shokoy ay bagong pag-ibig ni June. Nagalit si Ricky sa sinabi ni Paige. Napalakad ito papalapit kay Paige, "Yabang nitong shokoy na 'to, anong tinatago mo sa madilim na korner? Hindi kana makita nagtatago ka pa sa dilim!--" sabi ni Ricky habang lumalakad papunta kay Paige ngunit pinipigilan lang siya nina June at Kitty na makalapit sa morenang dalaga. "Paige we're not here for war. Gusto lang naming makita si Daisy sa huling pagkakataon manlang." sabi ni Sparkle. Ngunit nagalit sa Paige sa sinabi ni June. "Huling pagkakataon?," sabi ni Paige, "patay na'ng kapatid ko, anong huling pagkakataon ang pinagsasabi mo? Siguro ikaw nga talaga ang pumatay sa ate ko dahil gusto mo naman maagaw ang tropeyo sa mga nominado sa Ricci Lux Awards, 'no?!!" dugtong pa niya. Nagagalit na ng todo si Ricky. "Nananadya ka na friend!--" lalapit na sana itong kuya ni June ngunit marami pa ring mga kamay ang pumipigil sa kanya. Pumasok na si Warren para pumagitna sa dalawang grupo. "Please ho! Nasa morge ho tayo, please lang!," sabi ng pulis at kinausap niya si Paige, "Naka-gown si June dahil may pictorial siya para sa bago niyang clothing line na ine-endorse." Dugtong ng sheriff. "Pictorial?" sambit ni Paige, "Mag aalas-onse imedya na ng gabi, pictorial pa?" dugtong ng dalaga. Biglang sumiklab si June sa galit, "Kasi po, may pictorial pa 'ko bukas ng umaga para sa isa ko pang clothing line! 'Yan!, wala ka kasing endorsement kaya wala kang pictorial..." sagot ni June sabay talikod. "Anong sinabi mo! Humarap ka dito!--" sabi ni Paige sabay takbo papalapit kay June. Hinarangan ni Warren si Paige ngunit inapakan ng dalaga ang kanang paa ng pulis, napasigaw si Warren sa sakit at tinulak siya ni Paige sa dingding at nauntog pa ang ulo ng officer. At biglang dinakip ni Paige ang napatalikod na si June at inaway. At nagkaroon ng digmaan sa loob ng morge. Kahit sina Ricky, Kitty at ang nauntog na pulis ay nahihirapan sa pag patigil sa rambulan ng dalawang dalagang artista. Patuloy sa pagsabunutan, sampalan at suntukan sina Paige at June. Naitulak ni June si Paige at nauntog ang ulo nito sa noo ng pulis at napatigil ang giyera. Napa-aray itong officer. Pinipigilan ni Warren si Paige na makalapit kay June. "Hindi pa 'ko nakakagawa ng horror movie, at malamang ikaw ang inspirasiyon ng mga mamamatay-tao!!!" sigaw ni Paige kay June. "'Wag mo 'kong pagbintangan sa pagkamatay ng kapatid at ama mo! dahil kung meron mang dapat sisihin, ikaw 'yon!!" sigaw din ni June sa kanya. Nagulat ang lahat si sinigaw ni Sparkle. "Dahil sarili mong pamamahay, wala kang alam kung ano'ng nangyari sa ama mo't kapatid? Ano ka tanga? Wala ka namang pictorial di ba? Kaya maghinay-hinay ka sa pananalita mo at baka ikaw ang sumunod sa ate mo!" galit na banat ni June at nagwalk-out ng morge kasama si Ricky ay Kitty. Nasaktan si Paige sa sinabi ng dating bestfriend dahil may punto ang dating kaibigan. "Nasaan ka nga ba? May pictorial ka rin ba?" tanong ni Warren kay Paige. Tumunog bigla ang cellphone ni Paige. May tumatawag sa dalaga. Manager pala ni Paige at pinababalik na siya sa studio para sa shooting ng ginagawa nilang commercial. "Sige, babalik na 'ko diyan, bye." sabi ng dalaga sa cellphone nito.

"Loka-lokang 'yon! Mangbintang ba naman." Sabi ni Kitty. Lumalakad sina Kitty, June at Ricky pabalik ng kanilang sasakyan. "Pamatay ang kagat mo sa kukoti ng negrang 'yon 'te!" sabi ni Ricky kay June. Huminga ng malalim si Sparkle, "Wala na 'yon, erase! Erase!" sabi ni June sa sarili. Nakita nila sa malayuan si Paige na sumakay ng sasakyan nito at nag-drive paalis ng morge. "Kapal! 'Kala mo kung sino, eh writer lang naman ng mga pelikula 'yan dati." sambit ni Kitty. Nakatitig ang tatlo kay Paige na bumabyahe ng sasakyan nito papalayo. "Mabangga ka sana." sabi ni Ricky. Ngunit ang iniisip ni June ay ang sentence na "'Wag naman kuya... ... Sorry 'bes'..." Biglang ginulat sila ni Warren sa kanilang likuran. Napasigaw ang tatlo. "Hihimatayin ako sa'yo!" sabi ni Sparkle. Sumabay naman ulit sina Ricky at Kitty sa pagsabi ng "Hi Warren!" sa pulis at nagtitigan ulit ang kuya ni June at ang make-up artist. Biglang bumalik ng paatras ang sasakyan ni Paige dahil sa dami ng sasakyan mula sa media ang nagda-drive papunta sa morge. Nag-panic sina June, Kitty, Ricky at Warren nang makita ang paparating na mga sasakyan ng press. Nagsitakbuhan sila papasok ng sasakyan nila at nag-drive papalayo sa media. Habang si Paige naman ay nakasimangot sa loob ng sasakyan niya, nakasara ang mga pintuan ng BMW nito. Naiingayan si Paige sa mga tanong ng media mula sa labas ng sasakyan nito at mga flash ng ilaw mula sa mga camera ng media. Nawasak pa ang front door glass ng driver's seat ng sasakyan ni Paige dahil sa dami ng nagtutulakang newscasters. Naiinis na ang artista. Napasigaw ang dalaga at tumagal ng siyam na segundo. Sa sobrang lakas ng sigaw napatakip ng tenga ang ibang mediamen at napayuko. Inilabas ni Paige ang ulo nito sa nabasag na front door glass at nagsabi sa media ng "No Comment" na may galit na mukha. Pumasok ulit itong dalaga sa loob ng sasakyan niya at pinaandar ang BMW nito. Alam ng media na umaandar na ang sasakyan ngunit di pa rin sila umaalis sa harapan ng dinadaanan ng artista. Biglang sumigaw ulit si Paige at nagsialisan na ang mga newscasters sa harapan ng Bayerische Motoren Werke ng dalaga at binilisan agad ni Paige ang pagdrive papalayo sa mga mamahayag.

Nakauwi na sina Ricky, Kitty at June sa kanilang bahay. Sumama si Warren sa kanila sakay ang sheriff car nito. Nagpapasalamat si Sparkle at ligtas na siya sa media. Lumabas ang tatlo sa sasakyan nila. Napatingin si June kay Warren na lumalabas sa sasakyan nito. Nakita ni Ricky na nakatitig si June sa dating nobyo nito. "Puntahan mo na." sabi ni Ricky sa kapatid. Kahit nahihiya si Sparkle ay nilapitan niya ang ex nito. "Warren," sabi ni June habang lumalakad papunta sa dating nobyo, at nakita ng sheriff ang dating nobya at para sa kanya lahat ay nasa slow motion habang lumalakad si Sparkle papalapit sa kanya. Biglang may lumipad na langaw sa mga mata ng pulis at napapikit si Warren at nang ibukas na niya ulit ang mga mata nito, nasa harap na niya si June, nakangiti at napakaganda. Kulang nalang sa sheriff ay lumaway ito habang nakatitig sa dating nobya. Natulala si Warren kay June. "Hoy!" sambit ni Sparkle sa pulis at nagkamalay na si Warren mula sa pagkatulala sa pagtitig sa dating kasintahan. Napangiti naman ang dalawa lalo na si June dahil natulala naman si Warren sa kanya. "Sorry..." sambit ni Warren. "That's okay, by the way," sabi ni June, "Anong ibig sabihin ni Paige na dahil nakagawa na ko ng horror movie kaya nagiging bayolente at brutal ang mga tao? Kaya napatay ko si Daisy at si sir Tolentino? Anong ibig sabihin niya?" dugtong ni Sparkle. Nawala bigla ang ngiti ni Warren at agad na may ibinigay ang binatang sheriff sa former girlfriend mula sa bulsa nito, mga photocopied na mga invitation letters at mga sulat na panakot mula sa sinasabi ngayon ng media na "Starkiller". "Hindi ko nadala ang real duplicate ng sulat at mga panakot na letters dahil, iniimbestigahan pa ng pulisya at ng O.A. na S.O.C.O. ang original copies." sabi ni Warren. Binabasa ng dalaga ang mga quote on quote na mga sentence. Ang scripted line na "Tulong" at "Kahit, ilublob mo pa ako sa kumukulong tubig, o ihagis sa ikatatlong palapag, at masagasaan ng bus, lahat ng 'yon kakayanin ko, maipadama ko lang sa'yo kung gaano kita kamahal, Diyego.", ang dalawang scripted lines ay galing sa script ng bagong pelikula ni Daisy. "Binigyan ng killer ng scripted lines mula isang letter at CD tapes si Daisy bago ito pinatay para mabigyan ito ng hint kung papaano siya papatayin at ganoon nga ang nangyari, inilublob ng killer si Daisy sa mainit na tubig, inihagis sa ikatlong palapag ng bahay nito at sinagasaan ng sasakyan ng ito'y bumagsak sa kalsada." Kinikilabutan si June. Parang may alam na ang dalagang artista na may ibibigay pa si Warren sa kanya. "Warren," sabi ni Sparkle sabay nginig "may ibinigay ba na invitation letters ang killer kay Daisy?" tanong pa ng dalaga. Nagulat ang pulis. "Ibibigay ko pa lang, alam mo na agad... sa bagay, malalaman mo din naman..." sabi ng sheriff sabay bigay kay June ng photocopied na invitation letters mula sa killer. Nanginig ang dalagang artista habang ibinibigay ng dating nobyo ang letters. Binabasa ng artista ang invitation letters na "You are invited to red carpet--" at ang nakakapangilabot na dugtong nito na, "You are invited to the red carpet of your death..."

Alam na alam ni June ang tungkol sa sulat ay dahil, galing ang ideya ng panakot ng mga invitation letters sa pinakaunang horror movie nito noong isang taon na "Protégée" na kanyang pinagbibidahan na nanalo siya ng 'best actress award' sa Ricci Lux Award na naging malaking dilubyo sa Philippine cinema. Marami ang nagrally na kontra sa pagkapanalo ng dalaga dahil wala pa raw may nanalo na best actress mula sa isang horror movie sa Philippine motion pictures.

Nararamdaman ng dalaga na parang magkakaroon ng déjà vu. Nararamdaman ni June na parang marami ulit ang magra-rally dahil sa nangyaring pamamaslang kay Daisy at sa ama nito. Binigay ni Warren kay June ang maskarang ginamit ng killer. Kinilabutan ang dalaga nang ipatong ni Warren ang maskara sa mga palad nito. Alam ni Sparkle na ang maskara na nasa mga kamay nito ay ang maskara na ginamit ng killer sa nasabing pelikula. "Parehong pareho ang star-killing style ng killer ngayon, hawig na hawig sa horror movie mo noon, mula sa invitation letters, sa mga scripted lines at sa CD tapes. 'Yan ang ginamit na maskara ng mamamatay na pantago sa sarili para hindi siya makilala. Di ba ang maskarang 'yan ay si--" naputol bigla ang sinasabi ni Warren nang dugtungan ni June ang linya ng, "Starkiller." Sambit ni Sparkle. Nag pause for a moment ang dalawa. "Warren sa tingin mo, nagiging totoo si Starkiller?" tanong ni June sa dating nobyo. "June, di pa tayo sigurado, baka mga sira-ulo lang ang kumitil sa buhay ni Daisy at sa ama nito." Sabi ng pulis. "Eh, anong tingin mo kay Starkiller? Healthy? Hindi sira-ulo? sira-ulo lang din naman ang may kakayahang kumitil ng buhay di ba?" tanong pa ni June. Walang maisagot ang sheriff dahil may punto ang dating nobya. "Basta kahit anong mangyari, andito lang ako, kung kailangan niyo ng tulong just call or text me, okay?" sabi ni Warren. Ngumiti si June at tumango. Gustong gusto ni June na humalik sa dating nobyo bago ito umalis ngunit pumasok na sa sasakyan nito ang pulis at bumyahe pabalik sa pulisya. Naiwan na lang si June sa kinatatayuan niya hawak ang mga copy ng mga invitation letters, scripted lines at ang 'Starkiller' mask. Biglang ginulat si Sparkle ng kuya Ricky nito, "Hoy!" sigaw ng kuya nito sa kanyang likuran. "Kuya naman..." sambit ni Sparkle kay Ricky. "Ano? Anong sinabi niya sa'yo?" tanong ni Ricky kay June. "Kuya," sabi ni Sparkle, "Starkiller is coming to life!" ipinakita ni June ang Starkiller mask sa kapatid. "Ang pumatay daw kay Daisy sumusuot ng Starkiller mask." Sabi ni June kay Ricky sabay bigay sa kuya ng Starkiller mask. "Ano ngayon?" tanong ng kuya nito. "Gumagamit din ang mamamatay ng mga CD tapes para pang-bigay ng bakas o tanda para sa papatayin niya on how they will be killed! parehong pareho kay Starkiller ang estilo ng pagpatay! Sa tingin mo, ako kaya ang next target niya?" tanong ni June sa kapatid. "Gaga! Anong pinagsasabi mo!? Chumamba lang ang latest killer at baka nagkapareho lang ng method, technique and manner ng pamamaslang kay Starkiller! Ano ba! Pumasok na nga tayo loob." Sabi ni Ricky sabay hila sa kapatid. "Kuya, si Starkiller galit sa mga sikat na artista, lalo na sa mga babae, si Daisy, babae din..." natatakot na si June. "Eh si sir Tolentino, babae ba? Si Sir Tolentino di rin naman artista! Kaya, puwede ba, pumasok na tayo ng bahay." Sabi ni Ricky. "Kuya, si Starkiller, nagbibigay ng mga invitation letters na may laman na dialogue mula sa script ng TV series o pelikula ng kanyang mga papatayin para panakot at magkaroon ng clue ang papaslangin kung papaano siya papatayin, pati ba 'yon chumamba lang?" tanong ni June. Napatigil si Ricky sa pag-hila sa kapatid at natakot bigla. "You mean ang pumatay kay Daisy at kay sir Tolentino binigyan din ng mamamatay ng ideya kung papaano sila papatayin through scripts? and gamit ang invitation letters? Ganyan din ang ginagawa ni Starkiller di ba?" tanong ni Ricky. "Oo nga kuya, kakapangilabot nga eh!" sabi ni June na nanginginig. Nang biglang kumulog at kumidlat. Nag-panic agad ang magkapatid papasok ng bahay. Isinara nila ang pinto ngunit napansin nilang wala sa loob ng bahay si Kitty. Naiwan sa sasakyan ang make-up artist at napatulog. "Naku! Mananagot sa 'kin ang gagang 'yon!" Sabi ni June na nagalit. Binuksan ni Sparkle ang pintuan at ginulat ang dalagang artista ng flash ng camera. "Miss Sparkle!" sigaw ng dalagang newscaster, nasa edad 38 ang reporter, may makapal, at tuwid na buhok, may kahabaan at may bangs ang dalaga na abot mata. Ang magandang mamahayag ay may singkit na mata at naka ponytail ang buhok. Panay ang pagtake ng picture ng cameraman nito kay Sparkle. "Miss Sparkle, can you tell us anything about the murder of Miss Daisy Tolentino?" tanong ng dalagang reporter kay June. Naakapasok na ng bahay ni June itong mamahayag at ang cameraman nito sa sobrang lakad. Nasisilawan na si June sa flash ng camera pero patuloy pa rin ang cameraman sa pagkuha ng picture kay Sparkle. Napansin ng mamahayag na nasisilawan na si Sparkle mula sa mga flash ng camera ng cameraman nito. "Hoy!!!" sigaw ng dalagang reporter sa cameraman niya. "Sorry..." sambit ng guwapong cameraman sa reporter at napatigil ito sa pagkuha ng picture kay Sparkle. "Nang gugulat pa kayo Van eh, puwede naman kayong kumatok ng pinto at pumasok!" sabi ni June kay Van, ang dalagang mamahayag. "Just in case. Kung hinay-hinay kasi at walang gulat malamang off the record na naman at wala na naman akong makukuhang informations... Off the record nga ba?" tanong ni Van kay June. Huminga ng malalim si Sparkle at tumango. "Sabi ko na nga ba eh!" inis na sabi ng reporter. Pumasok bigla si Kitty ng bahay ng inaantok at humihikab, "Florante, dalhin mo na 'ko sa kuwarto ko at matutulog na tayo." Sabi ni Kitty sa cameraman, kahit Garry ang pangalan nito. Nagpasabit ng sarili si Kitty sa cameraman. Kinarga ng binata si Kitty na parang maleta. "Sige, dalhin mo na si Laura sa kuwarto niya." Sabi ni Van kay Garry. Wala namang magawa ang cameraman, "Fine." Sambit nito. Kinarga ng cameraman ang make-up artist paakyat ng second floor. Napangiti si Ricky habang nakatititg sa pagkarga ni Garry kay Kitty. "Sige mauna na rin ako sa inyo." Sabi ni Ricky kina Van at June sabay akyat rin ng hagdan. Naiwan si Sparkle at ang mamahayag sa sala. "So," sambit ni Van, "Any files to share for me? Kahit off the record pa 'yan." dugtong ng reporter. Isinara ni June ang pintuan. "Nag-away na naman kami ni Paige." Sabi ni June. Hindi na nagulat si Van sa narinig. "As usual, ano ngayon?" tanong ni Van. "Iba 'to bes, nag-away talaga kami as in away talaga physically. At sa morge pa ha." Sagot ni Sparkle. Napa-ngiti ang journalist. "Really?" gulat na sambit ng reporter, "Eh, kamusta ngayon ang lola mo?" dugtong pa ng mamahayag. "Ayon parang dinamdam ang sinabi ko sa kanya, eh pa'no kasi, mangbintang ba naman!, na ako raw ang pumatay kay Daisy at kay sir Tolentino dahil sa horror movie ko na Protégée na ginagaya ngayon ng killer, at mang-'point the finger' ba naman na ako talaga ang killer dahil nominado naman ako sa Ricci Lux Awards at gusto ko raw maagaw naman ang tropeyo sa mga nominado, ni ako nga hindi ko alam na nominado ako ulit sa awarding na 'yan!" sabi ni June. "Wow! Tapang ni lola Paige, kasi day, for your enlightenment and for you to earn knowledge, ang former 'bes' mo, nominado ulit sa awarding na 'yan pagkatapos ng 7 years! So, what happened then?" Napatawa si Van. "Kaya hayon nasabi ko 'yong mahiwagang linya ko na 'maghinay-hinay ka sa pananalita mo kung ayaw mong ikaw ang sumunod sa ate mo'." Sabi ni June. "Ah! Wagi ka diyan 'te!" sagot ni Van, "Give me a high 5 for that one!" dugtong pa ng mamahayag at nag high 5 sina June at Van. Ngunit napansin ni Van na malungkot ang mukha ni Sparkle. "Kahit ganoon man ang nangyari, nalulungkot pa rin ako sa ginawa ko. Naging mag-bestfriend din kami ni Paige since bata pa kami." Biglang lumungkot din ang mukha ng dalagang newscaster. "Buti ka pa nga't bestfriends pa rin kayo ni Paige."

Naging mag-bestfriends sina Paige at June noon, mula elementarya hanggang high school, ngunit dahil sa kasikatan at mga salita ng iba't ibang bibig ng media at mga mapanirang mga patagong mga kabigan, nasira ang relasiyon ng matalik na magkaibigan.

Biglang napasabi si Van, "June," sabi ng newscaster at napatitig si Sparkle sa mamahayag, "Tungkol sa pamamaslang, total wala pa din namang media person ang nakakaalam kung papaano pinatay sina Daisy at sir Tolentino, totoo ba na, gumamit daw ang killer ng invitation letters? CD tapes? At scripted lines? Para panakot at bigyan ng clue sina Daisy kung papaano sila papatayin?" dugtong pa ng mamahayag. Napahinga ng malalim si June at lumapit kay Van at nagsabi ng "Oo." Nagulat si Van sa sagot ng bestfriend. "Gumamit ang killer ng invitation letters na may linya mula sa script ng pelikula ni Daisy at CD tapes na panakot at clue kung papaano siya papaslangin." Sabi pa ni Sparkle. Namumutla si Van. Habang nagsasalita si June ay may kinukuha ang mamayahag mula sa bulsa nito. Isang invitation letter din ang nasa bulsa nito at may nakasulat na "Protégée". Napansin ni June na parang may kinukuha si Van sa bulsa nito. "Anong kinukuha mo sa bulsa mo?" tanong ni June kay Van. Agad na tinago ni Van ang letter sa bulsa nito. "Wala," sagot ni Van, "resibo ng binili kong... candy kanina." Dugtong pa ng newscaster. "Candy? Kinuha mo pa'ng resibo?" napangiti si June, at agad na natakot ang mukha "anyway, alam mo ba Van, natatakot na ko, obvious na obvious kasi na ang estilo ng pamamaslang ng mamamatay-tao ay katulad kay Starkiller, ang killer sa pelikula ko noon na horror na nanalo ako ng best actress, last year, remember? Gumagamit din ang pumatay kina Daisy ng invitation letters, scripted lines at CD tapes para panakot. Parehong pareho talaga." Sabi ni Sparkle. Natutulala lang ang dalagang journalist habang nagsasalita ang bestfriend nito. Napansin ni June na parang namumutla at natutulala ang kaibigan nito. "Van, is there something wrong?" tanong ni Sparkle kay Van. "Kasi June may--" naputol bigla ang sagot na linya ni Van nang sumigaw mula sa kuwarto itong si Ricky. "June! Gabi na may pictorial ka pa! Van! Dito ka na na lang matulog!" sigaw ng kuya ni June mula sa kuwarto nito. "Okay kuya! Wait lang!" sagot ni June, "Ano 'yong sinabi mo kanina bes?" tanong ni June kay Van. Napangiti na lang ang mamahayag at nagsabi ng, "Wala na 'yon, matulog ka na may pictorial ka pa pala bukas." Sabi ni Van kay June. "Edi, dito ka na rin matulog, duh! May kuwarto ka din dito sa bahay ko 'no, naalala mo?!" sabi ni Sparkle. Si Van at si Garry ay may sariling kuwarto sa bahay ni June at libre ang air-con at computer sa bawat silid. "Teka, baka kailangan ako ngayon ng lola mo, malamang umiiyak ngayon si Dazzle." sagot ni Van. Ang tinutukoy ng journalist na 'Dazzle' ay si Paige. Kung si June at tinatawag na 'Sparkle', si Paige ay tinatawag na 'Dazzle'. "Oh sige," sabi ni Sparkle, "Bilisan mo't baka tulog na 'yon." Dugtong pa ni June. Lumabas ng bahay ni Sparkle si Van lumakad papunta sa sasakyan nito at pumasok sa loob. Pinaandar ni Van ang sasakyan at bumyahe papunta kay Paige habang winawagayway ang kamay kay June at sumusenyas ng "bye-bye". Nakita ni Garry mula sa bintana ng kanyang kuwarto, na umalis na si Van sakay ang kanyang sasakyan. Agad na bumaba itong cameraman mula sa ikatlong palapag ng bahay para makahabol kay Van, ngunit nakaalis na ang newscaster. Nanghihinayang si Garry. Napansin siya ni June. "Okay lang 'yan Garry," sabi ni Sparkle, "Isang gabi lang namang wala sa tabi mo si Van. Ba't di ka kasi manligaw sa kanya? Ang tagal niyo ng magkasama, kailangan din ni Van ng, -- you know, partner in life." dugtong pa ng dalaga. Napahinga ng malalim si Garry dahil sa paghihinayang. "Hindi ako ang tipong gusto ni Van." Sagot ng binata. Nagulat si June sa sagot ni Garry. "What?!" tanong ni Sparkle, "anak ng-- eh, guwapo ka pa kay Derek Ramsay! Ba't di ka nga ba nag-artista? Ha, Garry?" tanong pa ni June. "Matagal ko ng naisip 'yan June, pero pinipigilan ako ng puso ko. Sinasabi niya sa 'kin na, 'kung artista ka na, magkakaroon siya ng bagong cameraman at di mo na makukunan ng video o litrato si Van." Sagot ni Garry. "Grabe!to the highest level ang obsession mo kay Van Garry!" sabi ni June, "Hayaan mo, I will do my best to recommend you to Van." Dugtong pa ni Sparkle. Napangiti si Garry. "Talaga?" tanong ng binata. "Talaga." Sagot ng dalaga.

Próximo capítulo