webnovel

CHELSEA IS PREGNANT

"Where do you want to go?" tanong ni Vendrick kay Chelsea nang nasa loob na sila ng sasakyan, mabagal lang ang kanyang pagpapatakbo.

Kumapit sa braso niya ang dalaga.

" Drick, i really miss you cuddling me on my bed." lambing sa kanya, maya-maya'y nag-angat ng mukha saka siya hinalikan sa mga labi.

Pero wala siya sa mood gawin ang gusto nito.

Hanggang ngayon, di pa rin siya makamove-on sa nangyari sa kanila ni Marble, her thin little body on top of his while innocently begging him to caress her, muntik na siyang mawala sa sarili kung di ito nakatulog agad.

That naughty little witch just made his manhood ached last night. Di niya mapigil ang pagsilay ng isang ngiti sa mga labi kahit nabitin sa nangyari.

"Love, let's makelove." yaya ni Chelsea, hinawakan ang kanyang kamay saka iginiya sa dibdib nito.

Subalit ewan kung bakit dibdib ni Marble ang lumitaw sa kanyang balintataw, nahila niya agad ang kamay mula sa dalaga at nagpakawala ng isang buntunghininga.

" I'm sorry, Chelsea. I hate to say this but we're over now." mahina niyang sambit.

Kahit papano'y may pinagsamahan sila ng dalaga. Napalapit din ito sa kanya. It's just that when it comes to Marble, di niya kayang pigilan ang nararamdaman para rito kahit sabihin pang niloko siya nito noon.

Natigilan ang dalaga, namula bigla ang pisngi, sumabay pati ang mga mata, halatang di inaasahan ang kanyang sinabi.

" What did you say?" tanong nito, tila nabingi sa narinig.

Tumingin siya sa mga mata nito, humihingi ng pang-unawa.

"I will just hurt you kung ipagpapatuloy natin to." aniya.

Biglang pumatak ang luha sa mga mata nito.

"Drick, we've been together for five years, pinagdaanan na natin ang matitinding pagsubok sa relasyong to sa loob ng limang taon. I even allowed you to flirt with women sa Canada para lang di ka magalit sakin. And now, just because you saw that slut, sasabihin mo agad saking we're over, that you'll hurt me if we continue this? You aren't even thinking that you're hurting me just now?" puno ng sama ng loob na sambit nito.

Napayuko siya, guilty sa sinabi ng babae.

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa lalo na nang umayos ito ng upo at tahimik na lumuha.

Naaawa siya sa dalaga pero, damn, di niya kayang makipaglokohan rito samantalang alam niya kung ganu katindi ang kanyang nararamdaman para kay Marble na kung di lang niya kasama si Chelsea baka sinundan na niya si Marble kahit saang lupalop pa ito nagpunta maseguro lang na ligtas ang huli.

"I'm sorry Chelsea, but i have to put this an end. Ayuko nang paasahin ka nang matagal."

hindi na mababali ang kanyang desisyon.

" Tito Keven told me, the wedding is just a make believe para pumayag si Marble na ibigay sayo ang ipinamana ni lolo sa kanya. Pag nakuha mo na ang yamang yun, ipapa-annul mo na ang kasal." anitong sa harap ng sasakyan nakatingin ngunit biglang bumaling sa kanya.

" What made you change your mind, ha?"

Tumiim agad ang kanyang bagang. Alam na pala nito ang tungkol sa ipinamana ng kanyang lolo kay Marble.

Umayos siya ng upo.

" I have mo intention of getting it back from her." pag-amin niya. At least dun man lang ay maging honest siya sa dalaga.

Ayaw na niya kasing magsinungaling rito.

Ilang beses itong umiling, halatang di makapaniwala sa mga naririnig sa kanya.

Katahimikan...

"This should be the last time na tatabi ka sakin sa kotse ko. Pinuputol ko na ang ugnayan nating dalawa." pagtatapos niya at sinimulang paandarin ang makina ng sasakyan.

" I'm pregnant!" bulalas nito.

Natigil siya sa ginagawa at salubong ang kilay na bumaling rito.

" What?! That's impossible!" hindi niya mapigilang masambit yun nang malakas.

Pero imposibleng mabubuntis ito. Gumagamit ito ng contraceptives at siya nama'y di nakakalimutang maglagay ng condom bago ang lahat.

Pano itong mabuntis?

Mapakla itong tumawa.

"As if naman imposible akong mabuntis sa tono ng salita mo." anito, nadagdagan ang pagtatampo sa boses saka tumitig sa kanya.

"That was three months ago nung kapwa tayo di nakapagpigil at nakalimutan kong uminom ng pills, tsaka wala ka ring gamit na condom nun kasi nga lasing ka. Di mo natatandaan yun?" pagpapaalala nito sa kanya.

Di siya nakaimik, pilit inuungkat sa alaala ang nangyaring yun pero wala siyang matandaan.

"Fine! Kung di mo natatandaan, okay lang. Nabuntis ako habang pinapaligaya ang sarili ko." nanunuya nitong wika, pabagsak na isinandig ang likod sa headboard ng upuan, pagkuwa'y pinahid ang luha sa mga mata.

"Take me home." utos sa kanya.

Di siya makaimik, pilit tinitimbang ang lahat. Hindi siya pwedeng magpadalos-dalos ng desisyon ngayon. Siya ang nakauna kay Chelsea. Napakasama naman niyang lalaki kung di niya pananagutan kahit ang ipinagbubuntis nito.

" Let's talk about this later." sambit na lang niya at pinatakbo na ang sasakyan, sari-sari mang emosyon ang kanyang nararamdaman ngayon, ayaw pa rin niyang iwaksi sa isip na buntis ang dalaga, kailangan niyang mag-ingat sa pagmamaneho.

Lihim namang napangiti si Chelsea.

'There you go. Tignan natin kung sino samin ni Marble ang hahalakhak sa tuwa sa bandang huli. Hahaha!' tila nagdiriwang na hiyaw ng isip nito.

Biglang tumunog ang kanyang phone sa loob ng bulsa niya. Sinagot niya yun agad nang malaman kung sino ang tumatawag pagkatapos ihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

" Sir, muntik nang masagasaan si Marble."

"What?! Asan siya?"

" Nasa sementeryo."

" Damn--" nasambit niya na lang saka nagmamadaling lumabas ng kotse.

Lumabas din si Chelsea.

"What are you doing?" takang usisa nito pagkakita sa kanyang nagpapapara ng taxi.

Nang sa wakas ay may huminto nang taxi sa tapat nila'y saka siya bumaling dito.

"I'm really sorry Chelsea but i have to do this." aniya rito't hinawakan ang kamay ng dalaga saka ipinasok sa loob ng taxi.

Kinausap niya ang driver at sinabi agad kung saan ibababa ang nakasakay.

"Vendrick! You can't do this to me!" Hiyaw na nito sa loob ng taxi ngunit di na makalabas dahil agad nang humarurot ang sasakyan.

Inilang hakbang lang niya ang kanyang sports car, nang makapasok ay halos paliparin na yun sa sobrang bilis ng kanyang pagpapatakbo.

Próximo capítulo