webnovel

THE FURIOUS MAIDS

Halos isang oras ang nilakad ni Marble sa paghahanap lang sa pinakamalapit na ospital sa lugar na 'yon, hindi alintana ang pagod sa ginagawa habang panay ang tanong sa mga taong nakakasalubong kung saan ang hinahanap.

Nang marating niya ang pinakamalapit na ospital na itinuro ng nakasalubong na lalaki ay agad siyang pumasok sa loob at nagtungo sa counter.

"Nurse, pwede po bang magtanong? Dito po ba ipinasok yung matandang duguan sa ulo at karga ng isang medyo may edad nang lalaki?" usisa niya.

Napaatras ang kanyang tinanong sa counter. Nagulat seguro ito nang makita ang kanyang mga pangil. Pero nang mapansing baka hindi yun totoo ay saka lang ito bumalik sa kinaruruunan saka umiling.

"Wala pong naadmit ditong matanda ngayong umaga Sir," sagot nito. "Ano po ba'ng pangalan ng hinahanap niyo?" usisa ng nurse.

Nanlumo siya nang walang maisagot sa tanong na 'yon. Bakit ba kasi 'di man lang niya naitanong sa mga katulong kung anong pangalan man lang ng matanda ngunit nang maalala ang pangalan ng anak nito at manugang ay nagliwanag ang kanyang mukha.

"'Yong naghatid lang po dito ang alam ko ang pangalan. Keven po 'yong lalaki at Cielo ang babae. Mag-asawa po sila," sagot niya.

Muling umiling ang nurse.

"Sensya na po Sir, pero wala po dito ang hinahanap niyo," anang nurse.

Lupaypay ang mga balikat na lumabas siya ng ospital at tiningnang mabuti sa labas kung naruon ang sasakyang ginamit ng mga amo sa paghatid sa matanda duon pero 'di niya iyon nakita.

Nagtanong na uli siya sa nakasalubong na tao kung saan ang iba pang malapit na ospital at pinuntahan na uli niya iyon. Baka sakali, ando'n nga ang matanda.

**************

Naalimpungatan si Vendrick sa ingay na nagmumula sa labas ng kanyang kwarto. Ang dinig niya, para siyang nasa palengke na andaming tao sa kanilang bahay.

Inis na ikinuskos niya ang kamay sa buhok at napilitang bumangon mula sa pagkakahiga. Ilang oras lang ang itinulog niya kagabi dahil sa kakaisip sa payatot sa kanilang bahay at sa kaibigang si Gab. Hanggang ngayon nga'y 'di pa rin mawala ang kanyang inis.

Pagkalabas lang niya sa kwarto ay dinig niya agad ang sigaw ni Lorie, isa sa mga katulong na pinagkatiwalaan niyang maglinis ng kanyang kwarto.

"Hoy, hindi porke gano'n ang mukha eh masamang tao na! Ikaw nga, mahaba ang baba mo, pero narinig mo bang nilait ka rito? Kaya lang naman kuminis yang mukha mo kasi ginagamit mo ang mga cosmetics ni Madam pag ikaw ang naglilinis ng kwarto niya!" hiyaw nito sa kaaway sa hallway sa ikatlong palapag ng bahay.

Salubong ang kilay na inakyat niya ang hagdanan patungo sa kinaroroonan ng mga ito.

Tila may sabong doon na nakapalibot ang mga katulong sa kwarto ng kanyang lolo habang nanonood sa eksenang kinasasangkutan ni Lorie.

"Ang sabihin ko, kayo'ng mga bisaya, mga magnanakaw kayo. At 'yong kababayan mong tomboy, magnanakaw na nga, para pang kung sinong naghahari-harian sa pamamahay na to!" ganting sigaw ni Shena na nakaharang sa pinto ng kwarto ng matanda.

Kunut-noong lumapit siy sa naghihiyawan.

"Naku, andito si Senyorito. Tumigil na kayo," saway ni Eva sa dalawa.

"What's happening here?" curious na usisa niya.

"Senyorito, ayan pong si Shena, hinaharangan kaming makipag-usap sa mga nurse at pinagbibintangan niyang magnanakaw si Marble kasi pumasok daw ito sa kabilang kwarto kahapon," matapang na sagot ni Lorie.

"What?" tangi niya lang nasambit.

"Aba, totoo naman ang sinasabi ko ah. Vinideohan ko pa nga siya eh para maniwala kayong pumasok siya sa kabilang kwarto," ani Shena, namumula ang pisngi sa galit.

"Hoy! Ikaw nga no'ng bago ka pa lang rito, 'di ba't ninakaw mo 'yong kwintas ni Madam? Pero pinagbintangan ka ba namin? 'Di ba"t si madam pa nakakita sayo kasi akala mo'y walang cctv itong bahay. Kung makapagsalita ka parang ang linis linis mo!" di nakatiis si Marie at sumagot na.

"Papasukin mo kami at kakausapin namin 'yong dalawang nurse na 'yan!" matapang na utos ni Bing na nakatayo sa tabi ni Lorie.

"Hey! Hey! Will you all shut up and tell me what happened?" saway niya sa lahat, pumagitna na kina Shena at Lorie.

Do'n lang natahimik ang mga katulong at nagsipagyuko. Si Lorie pa rin ang matapang na sumagot sa kanya.

"Pa'no sir, pinagbintangan ng mga nurse na yun na itinulak daw ni Marble si Senyor sa galit kaya raw nauntog ang matanda sa mesa," matigas na sagot nito halata pa rin sa boses ang galit na nararamdaman.

"Ano?" do'n na siya kinabahan, hindi nga lang niya alam kung para kanino ang kabang 'yon, para sa lolo ba niya o para sa bampirang Marble pala ang pangalan.

Salubong ang kilay na bumaing siya kay Shena.

"Tell them to come outside," maawtoridad niyang utos sa katulong na di agad nakapagsalita, umirap lang ito.

"Kilala mo ba kung sinong nag-uutos sa'yo?" malamig ang boses na tanong niya nang 'di pa rin ito kumikilos.

"O--opo, Senyorito," anito't agad na tumalima saka kinausap ang dalawa sa loob.

Pero 'di siya nakatiis at pumasok sa loob ng kwarto. Malinis na iyon, walang palatandaan ng kahit na anumang nangyari sa loob kaya di niya tuloy maimagine kung ano ba talaga ang nangyari.

Nagsisunuran sa kanya ang iba pang mga katulong.

"Ano'ng nangyari dito?" usisa niya sa dalawang nurse, si Mica ay pansin niyang nanginginig sa takot at putlang putla ngunit kampante lang si Fel.

"Senyorito, dinala po si Senyor sa ospital kasi po nauntog po sa mesa nung pagalit na itinulak ni Marble kasi tinabihan po siya ni Senyor sa paghiga at biglang niyakap," parang maamong tutang kwento ni Fel habang nakatungo ang ulo.

Nalito na siya agad sa kwento nito.

"Saan ba natutulog si Marble?" usisa niya.

Itinuro ng nurse ang baba ng kama sa harap ng bedside table kung saan nauntog ang ulo ng kanyang lolo.

Pinagmasdan niyang mabuti ang buong kwarto. May isang parte duon ang 'di naibalik sa ayos.

Bago pa siya nakalapit sa may sofa ay nauna nang nagsipuntahan duon ang ibang mga katulong.

"Senyorito, tignan niyo po, may tubig po dito sa ilalim ng sofa. Basa nga po 'yong gilid ng sofa oh," pagbibigay-alam ni Lorie sa kanya.

Nang puntahan niya ang sinasabi ng babae ay nakita niyang basa nga ang ilalim at gilig ng sofa.

"What happened here?" salubong ang kilay na baling niya sa dalawang nurse.

Nagkatinginan ang mga ito saka napatingin kay Shena.

"Sir, katatapos lang po nilang mag-mop---" sagot ni Shena.

"Am I talking to you?" pambabara niya sa katulong, napataas bigla ang kanyang boses.

Napayuko ito sa takot.

Nagtatagis ang bagang na lumapit siya sa dalawang katulong na magkakapit kamay na nakaupo sa gilid ng kama.

"Answer me! Ano'ng nangyari bakit basa ang ilalim ng sofa?" sigaw niya.

Napaiyak sa takot si Mica.

"Katatapos lang po namin mag-mop Senyorito at naitapon po ni Mica 'yong timbang may tubig kaya po nabasa 'yong ilalim at gilid ng sofa," pautal na sagot ni Fel.

Eksakto namang pagpasok ng kanyang ina.

"I need to talk to you both," seryoso ang mukha nitong humarap agad sa dalawang nurse.

"The rest of you, get out of here!" utos niya sa ibang mga katulong.

Agad na tumayo si Fel at lumapit sa ina niya at humawak sa braso nito saka umiyak.

"Madam, kumusta na po si Senyor? Patawarin niyo po kami Madam. Hindi po namin naprotektahan si Senyor kay Marble nung itulak niya si Senyor kaya po ito nauntog sa bedside table. Pero sinaway po namin siya kaso binugbog niya po kami. Tignan niyo po ang mga mukha namin, namamaga po ang mukha ko sa suntok niya," kwento nito halatang nanghihingi ng simpatya.

Nakita naman niyang may pasa nga ang gawing baba nito.

Hindi kumibo ang ina niya ngunit hinintay nito ang iba pang sasabihin ng nurse.

"Tingnan niyo po si Mica, Madam. Natulala po siya kasi hinampas po siya ni Marble ng handle sa floor brush na kinuha nito sa loob ng banyo nang balakin naming ipagtanggol si Senyor," sumbong na uli nito.

"Sinungaling!" hiyaw agad ni Lorie sa likuran nila.

Hindi pa pala ito lumalabas ng kwarto at nakikinig lang sa sumbong ni Fel ngunit nang di nakatiis ay sumabad din.

"Ang sabihin mo, naiinggit kayo sa tomboy na yun kasi kabago bago lang niya rito, pinagkatiwalaan agad siya nina Madam sa pagluluto ng pagkain ni Senyor at siya ang dahilan kung bakit napaalis dito si Cassy kaya niyo siya idinidiin ngayon!" lantarang pang-aakusa ng dalaga.

"Hindi totoo 'yan!" sagot agad ni Fel at ang sama ng tinging ipinukol sa katulong.

"Hey, what's up?" Anyare po tita bakit nagkakagulo kayo? Where's Mar?"

Napatingin silang lahat sa nagsalitang 'yon.

"Pinagbintangan nila siyang nag-untog kay Senyor kaya napalayas si Marble dito." pumipiyok nang sagot ni Lorie, gusto nang umiyak sa awa marahil sa kababayan.

"What?" bulalas nito.

"I need to know the truth Fel, Mica. Ano ba talaga ang nangyari?" malamig pa rin ang boses ng kanyang ina.

Ngunit siya'y 'di na hinintay na magsalita ang dalawang nurse, lumabas na siya ng kwarto at halos takbuhin ang hagdanan makababa lang.

Pupuntahan niya ang kanyang lolo. Seguradong ando'n ito sa ospital na pinagtatrabahuan ng kanyang mama.

"Kawawa naman si Marble. Iniwan na nga ng tyahin nito sa Luneta, ngayon napalayas pa rito dahil sa dalawang nurse na 'yon. Saan na kaya ang batang 'yon?" humihikbing wika ni Bing sa tapat ng kusina habang nakikipag-usap sa ibang mga katulong.

Napahinto siya sa narinig. Yung payatot na 'yon, iniwan pala ng tyahin nito sa Luneta kaya ito natagpuan ng kanyang lolo doon?

Hindi niya alam kung ano'ng nararamdaman ng mga sandaling 'yon. Pero segurado siya sa sarili niya kung saan siya pupunta ngayon at kung sino ang kanyang hahanapin.

*************

Nang paulit-ulit na lang ang kinukwento ni Fel sa kanila ay humarap na si Gab sa kanyang tita Cielo.

"Tita, I forgot to tell you na may inilagay akong camera sa loob kwarto at sa banyo dahil nacurious po ako sa isinumbong sakin ni Mar dahil nagtataka po siya kung bakit tulog po lagi si Lolo at saka lang daw nagigising pag oras na ng pagkain."

Namutla agad si Fel at humahagulhol na napaatras at lumapit kay Mica na 'di na makapagsalita sa takot.

Kinuha niya ang sinasabing cam sa banyo at sa divider saka ibinigay ang mga 'yon sa ginang.

"Sorry po Tita, kayo na lang po ang magreview niyan. May pupuntahan lang po ako," aniya saka nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Ang ginang naman ay seryoso pa rin ang mukhang lumabas ng kwarto at tumuloy sa mini-library kung saan naruruon ang computer nito.

Próximo capítulo