webnovel

Chapter Forty Five

Beatrix was caught off guard sa biglang ginawa ni Xander. One moment, he was furious at her and then the next, he was kissing her. Dahil sa biglang ginawa nito ay halos mapahiga siya sa kamang kinauupuan, naitukod niya ang magkabilang kamay sa tagiliran upang suportahan ang timbang. Xander was striding on top of her, his kiss was not as gentle, yet it was not as intense as well, na para bang mayroon itong kinukumpirma sa ginagawa.

Dala marahil ng pagkabigla ay ni hindi niya nagawang tumugon. Her heart was screaming with joy and excitement yet her stupid lips seemed to have been numb. Nang makahuma siya sa pagkabigla at sa wakas ay tila natauhan, ay siya namang itinigil ni Xander ang paghalik. Bahagya nitong inilayo ng ilang pulgada ang mukha mula sa kanya, his eyes were piercing hers.

"Something like this happened in the past, tama ba?" his voice husky.

Ilang ulit kumurap si Beatrix. Para siyang batang hindi nakasagot at nanatili lamang nakatitig sa mga mata ng binata.

"Y-you remember?"

"Not completely. But there was a flash of memory. Parang nasugatan ka? I was trying to stop the bleeding and then I just kissed you... just like now?"

Bahagyang pinamulahan ng pisngi ang dalaga. Remembering that night when Xander first made love to her without any hesitation, that night when they became a real couple.

"You're blushing, sweetheart"

Natutop niya ng kamay ang mga pisngi  "Am I?"

He gently nodded and sat beside her.

"Tama ba ang ala-alang nakita ko?"

"Y-yes...It was the night when you..."

"When I...?" bahagya nitong ikiniling ang ulo sa gilid bilang paghihintay sa itutugon niya.

She cleared her throat. Hindi yata niya ito masasabi na hindi lalong nangangamatis ang mga pisngi niya.

"That night...you...made love to me for the second time"

"Oh..."

"It was the second time but it was so special, Xander....iyon ang gabing naging ganap ang pagiging mag-asawa natin..."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"I... I mean you were so passionate that night and -"

"Hindi ba ako laging passionate? Do you mean I disappoint you in bed?" tumaas ang mga kilay nito na parang hindi rin makapaniwala sa sariling sinabi.

Lalong nag-init ang pisngi ni Beatrix. Gosh! How can he say that? How can he even think that he'll disappoint? The man was a god in bed! She might not have anything to compare his lovemaking with, ngunit natitiyak niyang walang babae ang magrereklamo kay Xander!

"H-hindi 'yon ang ibig kong sabihin!" sagot niyang napatayo sa kinauupuan. Huli na para pagsisihan iyon dahil parang pinipilipit sa sakit ang kaliwang paa niya! Talaga yatang nabalian siya.

Mabilis siyang muling naalalayan ni Xander at iniupo.

"tsk! How clumsy can you be Beatrix?" asik nito at hinagod siya ng tingin "maghintay ka rito, magpapaalam lang ako kay Arthur at pupunta tayo sa ospital!" tumayo na ito upang lumabas ng silid.

"You don't need to cut your meeting short. Okay lang ako!" pahabol na sigaw niya ngunit naisara na ni Xander ang pinto.

Ibinagsak niya ang likod sa higaan. Nais niyang sipain ang sarili! Kundangan ba naman kasi itong katigasan ng ulo niya kung minsan! Ipinikit niya ang mga mata at mula roon ay tila muli niyang naramdaman ang init ng mga labi ng binata sa kanya. She silently smiled. Sabagay, di bale ng nasaktan siya kung makakatulong naman ito sa pagbabalik ng ala-ala ng asawa.

Hindi niya namalayang nakaidlip siya sa maikling sandaling iyon at nagising na lamang sa tatlong katok mula sa pintuan. Marahil ay isa sa mga room attendant doon, inutusan siguro ni Xander na silipin siya.

"Come in" she said, signalling whoever's there to enter the room.

"A-Arthur!" bulalas niya ng makita ang lalaking iniluwa ng pintuan.

"Hi Beatrix! Kumusta ka na?" Arthur said in a friendly tone.

She chuckled at parang batang nahiya sa kanyang kalagayan. For sure ay nalaman na ni Arthur ang mishap niya with the motorcycle.

"Eto...nabalian yata" aniya na sinabayan ng ngiti.

"Aww...sana ay hindi naman nabali, baka sprain lang"

"Sana...ayoko pa namang ma-wheel chair" birong totoo niya na ikinatawa ni Arthur.

"Anyway, it's been such a long time since we last saw each other so I thought of saying hi before I go"

She nodded "Yep. It's been a long time. Ikaw ba? kumusta na?"

Nagkibit ng balikat ang lalaki "heto, maayos naman. My wife and I are expecting"

"Oh! Congratulations!"

"Hindi ba naikukuwento ni Xander sa iyo?"

Umiling siya "hindi masyadong mapag kwento si Xander simula maaksidente siya..." hindi niya maitago ang lungkot na nakiraan sa mga mata.

"Huwag kang mag alala, nasisiguro kong babalik din sa iyo ang kaibigan ko" puno ng assurance ang tinig nito.

"Salamat" she smiled at him. Hindi naman sila naging close ni Arthur ngunit ilang pagkakataon din niya itong na meet noong nagsasama pa sila ni Xander. Arthur was a polite guy at galing din sa isang mabuting pamilya, and he is Xander's good friend and business partner.

"O sige, mauuna na ako at may limang oras pa ang biyahe ko" tumalikod na ito.

"Arthur, wait..."

Huminto ito sa paglakad at muling humarap sa kanya, waiting for her to speak.

"I really don't know if I should be asking you this and I know it's probably none of my business but..."

Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Months ago...someone gave me a document...a legal document actually...it says there that you are pulling out all your shares from PL, totoo ba?" lakas loob niyang tanong sa lalaki.

Maybe this is rude for her to ask ngunit naririto na rin lamang si Arthur ay mabuti ng malinawan niya ang lahat. It's not that she doesn't trust Xander ngunit magiging ipokrita naman siya kung sasabihin niyang hindi niya naisip ang dokumentong iyon simula ng ibigay sa kanya ni Daniel ang kopya.

Arthur's frown turned into a smile. "I don't know where you got that document but to answer your question...yes"

Napasinghap si Beatrix sa sagot ni Arthur. Tumindi ang kalabog ng kanyang dibdib at hindi niya namalayang pigil niya ang paghinga.

"Technically yes, I am pulling out my shares, but only to transfer them to my wife's name"

Noon pa lamang nakahinga ng maluwag si Beatrix.

"And that bastard husband of yours actually persuaded me to sell him half of those shares to him" naiiling itong tumawa "Xander said Princess Luna is his greatest achievement that he offers to you, kaya ganoon na lamang ang kagustuhan niyang maging major stock holder"

Beatrix doesn't know what to say. Hindi lang sa hindi totoo ang ibinibintang ni Daniel sa binata, kundi siya ang dahilan ng pagnanais ni Xander na maging pinaka malaking stock holder ng PL! Kung hindi pa pagmamahal iyon na matatawag sa parte ni Xander ay hindi na niya alam kung ano ang maitatawag dito. Matapos ang narinig ay tila nawala yata lahat ng sakit sa katawan na iniinda niya. Matagal nang nakaalis si Arthur ay hindi pa rin mapalis ang ngiti sa mga labi niya.

*******

"Why are you smiling by yourself? Nasaktan ka na nga, masaya ka pa" puna ni Xander ng mag-isa siyang napapangiti habang nasa daan sila pauwi. She managed to convince Xander not to take her to the local hospital dahil baka may mga taong makakilala sa kanya. Pumayag ito ngunit paalis pa lamang sila ng Princess Luna ay tinawagan na nito ang family doctor upang papuntahin sa bahay at patignan siya.

"Nothing" nangingiti pa ring sagot niya at pagkatapos ay malambing na humawak sa braso nitong malapit sa kanya "I love you Mr. Xander de Silva. Kahit itaboy mo ako, hinding hindi kita iiwan! So you better be used to me!"

"Psh!" kunwari ay naiinis na sagot ng binata na marahan siyang sinulyapan. Kung nag angat ng tingin si Beatrix ay nakita sana niya ang pag guhit ng isang mahinay na ngiti sa labi ni Xander.

*******

"Breakfast in bed for the patient" tinig ni Xander ang gumising sa kanya. She slowly opened her eyes at ang guwapong mukha nito ang nabungaran. He was carrying a tray with food and a glass of orange juice.

Muntik na siyang matawa ng makita ang ayos ng binata. He was wearing an apron ngunit wala namang t-shirt na panloob. Her laugh turned into a gulp nang mapagmasdan ang mga muscles nito sa braso at dibdib na nakahantad dahil sa walang suot na pang itaas maliban sa apron.

She slowly brought herself up to sit on the bed with her back on the headboard. She groaned inwardly when she accidentally put pressure on her left foot. Salamat sa Diyos at ayon sa doktor na tumingin sa kanya kagabi ay wala naman daw nabali sa paa niya, it was badly sprained and bruised at aabutin daw marahil ng isang linggo o higit bago tuluyang mawala ang sakit at pamamaga.

Inilapag ni Xander ang tray ng pagkain sa night table sa kanyang gilid at inalalayan siyang makaupo.

Beatrix inhaled silently. Xander was holding her and she could smell his scent. Para kay Beatrix ay nakaka intoxicate ang natural na amoy ng binata. He smells a mixture of his mild refreshing men's cologne mixed with his own male scent. Xander's scent assaulted her senses that she closed her eyes briefly to savour it.

When she opened her eyes ay nakita niyang naaaliw na nakamasid sa kanya ang binata, na para bang alam nito ang tinatakbo ng isip niya at nararamdaman.

Disimulado siyang nag iwas ng tingin at kunwari ay tinanaw ang tray ng pagkaing inilapag nito sa mesa.

"Looks delicious" she commented

"The food, or me you mean?" anang binata na nasa boses ang panunukso. His eyes twinkling in laughter as he sat next to her at inabot ang tray ng pagkain. Hiniwa nito ng tinidor ang pancake sa pinggan at tinusok iyon.

"ahh" mouthing her to open her mouth.

Tinakpan niya ang bibig at umiling "I haven't brushed my teeth yet" .

Xander quickly removed her hand from covering her lips, mabilis siyang ginawaran ng halik sa labi "I don't care, you always smelt lovely, princess"

Simpleng dampi lamang ng labi ni Xander ay nagdadala ng tila libo-libong paru-paro sa kanyang sikmura.

"Ahh" pag-uulit nito at inilapit sa bibig niya ang pancake slice na nasa tinidor.

She opened her mouth and bit the food.

"There!" he said contended and smiled. Muli itong humiwa ng pancake at sinubuan siya.

She couldn't take her eyes off him as she slowly chewed her food. He looked happy. Is he finally discovering his feelings for her again? Posible bang bumalik sa kanya ang puso nito kahit pa hindi siya magunita ng ala-ala?

Bigla ang pagragasa ng hindi maipaliwanag na damdamin sa kanya. Hindi niya nais ngunit kusang nag-init at namasa ang kanyang mga mata. She lowered her gaze upang hindi makita ni Xander ang patak ng luhang nagbabadyang mahulog.

"Hey...what's wrong?

"Hmm?" disimulado niyang pinunasan ang mga mata "N-nothing" she smiled at him.

Ibinaba ni Xander ang tray ng pagkain at bigla siyang kinabig sa didbib nito.

"I'm sorry, sweetheart... I'm sorry that I couldn't remember you yet"

Lalong nag-init ang kanyang mga mata sa sinabing iyon ni Xander. She closed her eyes at hinayaang naroon ang kanyang ulo sa dibdib nito. She could hear his hearbeat, and silently wished it was her his heart was beating for.

Bahagya nitong inilayo ang sarili sa kanya. He cupped her face with his hands.

"Please don't cry, sweetheart..." pinahid nito ng mga daliri ang luha niya.

She sniffed and tried to smile "don't mind me...I'm okay"

"Beatrix...I..." naputol ang sinasabi nito ng tumunog ang telepono.

He grabbed his cellphone that was laying on top of the night table.

"Hello?" Iniabot nito sa kanya ang tray ng pagkain at sumenyas na ipagpatuloy niya ang pagkain.

Tumayo ito at bahagyang lumayo sa kanya. Ilang segundo ito sa telepono ngunit bukod sa "okay" at "yes" ay wala siyang ibang narinig na sinabi ni Xander.

Bumalik ito sa tabi niya sa kama at pinahiran ng tissue ang gilid ng kanyang labi.

"who's that?" pabale walang tanong niya.

"Oh it's Frances. She's back from Germany and she wanted to meet me"

Nabitin sa ere ang tinidor na isusubo sana niya.

Frances! Talaga yatang hindi titigil ang babaeng ito sa panggugulo sa buhay niya!

"Oh, bakit parang umasim ang mukha mo diyan" ani Xander. There was teasing in his voice "Nagseselos ka ba?"

"Yes! nagseselos ako! masama ba 'yun?!" she almost snapped at him. Bigla siyang nawalan ng ganang kumain pagkarinig sa pangalan ng bruhilda!

Nag echo ang tawa ni Xander sa silid. Malambing nitong pinisil ang pisngi niya "lalo kang gumaganda pag nagseselos ka"

Inirapan niya ito. Naiinis pa rin siya sa kaisipang makikipagkita nga ang asawa sa babaeng ahas!

"There's no reason to be jealous, princess. I will only meet her to clear things up para hindi na siya umasa pa" sinserong pahayag nito.

"R-really?"

"I may have had a lot of women in my life, but I am a one woman man, Beatrix." his eyes were glued to hers, tila nangungusap ang mga iyon.

Muli siyang kinabig nito payakap at ginawaran ng halik ibabaw ng kanyang ulo.

"Just wait for me, princess...wait for me.."

Isang mahinang tango ang kanyang naging tugon. She knew what he meant by that, at hindi na nito kailangang hilingin pa sa kanya iyon dahil hinding hindi siya masasawang maghintay dito. Hinding hindi siya kailanman bibitaw sa pangakong binitawan nila sa harapan ng Diyos mahigit anim na taon na ang nakararaan. She will fight for him and their love, whatever it takes.

Próximo capítulo