webnovel

Chapter 7

Humingingal sina Anne at Regeena pagkapasok sa loob ng bahay, sabay sara ng pinto. Ginagawa para makapalayo kay Greg. Napaupo si Regeena sa sofa at huminga ng malalim habang si Anne ay napatayo at pinanuod ang paligid ng bahay. Maayos lang din naman ang loob ng bahay mula salas, ang kusina hanggang sa banyo. Meron pa ngang chimney box sa salas. Ngunit, nang tumingin si Anne sa labas, mula sa bintana, nakita nito ang isang Bangka na lumulutang sa may baybayin. Pumasok agad sa isip ng dilag ang Bangka na humahabol sa kanila nang sila ay nasa yate pa. Napatingin din si Anne sa camera na nakapatong sa ibabaw ng maliit na cabinet. Parang may mali yata. Parang nagkamali yata sila ng bestfriend ng pinasukang bahay. Kinabahan ang kusinera, nang tumingin na siya sa dingding, ginulat siya ng sariling mukha sa isang picture na nakadikit sa brownish red wall. Nakasuot siya ng white chef suit sa nasabing picture at nagluluto sa kusina ng restaurant niya. Pumasok sa utak nito ang taong nagte-take ng picture sa kanya at kay Regeena sa kanilang eatery. Nang ipinalawak pa lalo ni Anne ang pagtingin sa nasabing wall, napakarami pa palang mga picture niya ang nakadikit sa dingding, at hindi lang sa dingding, pati rin mismo sa kisame at ilang parte ng sahig. Ang mga picture ay puro mga mukha ni Drew na nagluluto sa kusina ng restaurant nito. Napaatras si Anne Drew dahil sa takot. Ang bahay na napasukan nito ay bahay ng taong nagte-take ng photos sa kanya sa kanyang restaurant. Atras pa ng atras si Anne sa takot para maabot ang pintuan ng bahay para mabuksan niya ito at siya ay makalabas. Ngunit sa kaka-atras ng dilag ay may nabangga itong tao at napasigaw ito. Pati mismo ang nabangga nitong tao ay napasaigaw din sa gulat. Si Regeena lamang pala ang nabangga nito at may hawak na ang assistant chef nito ng mga pictures. "Bes!" sabi ni Regeena sa kasama niya, "tingnan mo 'to!" sabi pa niya sabay pakita ng mga hawak na mga litrato sa bestfriend na may lamang mga hitsura nito na nasa kusina at dining room ng restaurant ng kaibigan nito. "Paano napunta mga pictures ko here?" gulat na tanong ni Regeena sa kaibigan sabay turo pa ng mga sariling pictures pa nito na nakadikit sa kabilang dingding ng bahay. Nagulat man ay ipinakita rin ni Anne Drew sa kasama ang mga pictures nito na hawak niya rin ngayon. "Same here bes, pa'no napunta mga 'yan dito?" takot na sagot ni Anne sabay na itinuro ang mga nakadikit na mga self-pics din niya na nakadikit sa other wall, sa mga parte ng sahig at kisame. "Tingnan mo 'yon." Sabi Anne sa bestfriend sabay na itinuro ang bangka na lumulutang sa dagat mula sa bintana ng kuwarto. "Ang bangkang 'yon ang humahabol sa 'ting yate kanina, that's for sure!" sabi pa ni Drew, "at ang kamerang 'yon an gang nagte-take ng pictures." Dugtong pa ng kusinera sabay turo ng camera na nakapatong sa maliit na cabinet. May nakita pa sina Anne Drew at Regeena ng mga pictures na nakasakay silang magkakasintahan sa yate ni Greg at nakadikit ang mga potos na ito sa itaas ng center table. Hindi makapaniwala ang mag-bestfriend. "At ang lalaking 'yon ang paparazzi nating dalawa doon sa restaurant natin?" tanong ni Regeena na ang tinutukoy ay ang lalaking nagmamay-ari ng bahay na kanilang pinasukan. Sasagot sana si Drew sa tanong ng bestfriend nang may nakita itong kusinera ng lumang diyaryo mula sa ilalim ng maliit na cabinet. Pumasok agad sa utak ni Anne ang newspaper na ayaw ipabasa sa kanya ni Greg at itinago agad iyon ng nobyo sa kanyang bulsa. Kahawig ng diyaryo na nakikita nito ngayon ang tabloid na itinago ni Greg noon sa bulsa ng pantalon nito. Nilaptan ni Anne ang nasabing broadsheet na nakatago sa ilalim ng nasabing small closet, pinulot niya ito, kinuha at ibinasa kung ano ang laman ng newspaper. Sumali si Regeena sa pagbasa ng diyaryo.

Nakita ng dalawang dilag na ang news sheet ay luma na at ang year kung kailan ito nai-publish ay 1985 pa. Frontpage palang, ang balita ay tungkol na sa pamilya ng mga Alfonzo, ang pamilyang nagmamay-ari ng mansion at ng vegetable plantation, na sila ay minasaker, ipinatay ng walang awa. Ngunit nakasulat sa papel na sila ay hindi ipinaslang ng personal janitor o harvester kundi ng 15 year-old na lalaking anak ng mag-asawang Alfonzo. Nagulat sina Anne at Regeena sa kanilang nabasa. Ibig sabihin, hindi si Greg o si Goryo ang mamamatay-tao kundi... ang pangnay na anak ng mga Alfonzo, at nakasulat sa newspaper na ang pangalan ng killer na anak ay... Grande. Natakot lalo ang mga dilag nang mabasa nila ang motibo ng young male Alfonzo murderer sa pamamaslang. Nasabi sa diyaryo na pinatay nito ang sariling ama at ina spagkat, hindi ipinamana sa kanya ang kayamanan ang mansion at lupain ng gulay, sa halip, ipinamana nila lahay ng mana sa hamak na harvester na si Goryo. Ipinatay na rin ni Grande ang kawawang nakakabatang kapatid na si Grace dahil baka mapunta rin sa kanya ang lahat ng mana. Nasabi din sa balita sa papel na si Grade raw ay may sira sa ulo o psychotic. Naidala pa sa korte ang nasabing karahsan, ngunit sa kabaitan ni Goryo, ipinatigil nito ang kaso at ipinalaya na lang si Grande sa kulungan. Sa sobrang kabaitan pa ng nasabing harvester ay pinatayuan pa ng bahay malapit din mismo sa mansion at sa plantation itong si Grande at iyon na nga ang kinatataguan ng mag-bestfriend na kusinera ngayon.

Hindi makapaniwala ang magkaibigan sa kanilang nabasa. Hindi alam ng mag-bestfriend na pumasok na pala ng bahay nito ang lalaking nagmamay-ari ng bahay sa loob ng salas na kanilang pinagtaguan. Sa takot, napa-atras din si Regeena, "Bes, we have to get out of here." Sabi ni Regeena sabay lakad paatras. Nabitawan rin ni Anne ang hawak na diyaryo at tumalikod. Nagulat agad si Drew nag siya ay napatalikod, dahil nakita nito ang totong mamamatay-tao sa likuran ng umaatras na bestfriend nito. Nasa likod nap ala ni Regeena ang lalaki ng di niya nalalaman. "Bes!!" sigaw ni Anne sa kaibigan. Napatalikod din ang assistant cook at isang malakas na hampas sa mukha ng dalaga mula sa binatang Alfonzo gamit ang baril ang nagpatumba kay Regeena at napauntog pa ito sa center table. Nanginig si Anne sa takot dahil sa kanyang nakita. "Sinon'ng nag-sabi sa'yong puwede kang magbasa ng diyaryo sa loob ng bahay ko?" tanong ng lalaki. Takot man ay napasabi si Anne ng, "Grande... ikaw si Grande..." takot na pag-sabi ni Drew. Napatas-noo lang ang binata at sumagot ng, "Oh bakit?" sabi nito, "is ther something wrong with my name?... Anne... Drew?..." dugtong pa ng binatang Alfonzo. Nanginig si Anne nang lumabas ang pangalan nito sa bunganga ng lalaki. Kinilabutan ang dilag at nagtitigan ang dalawa. Pinapakita ni Grande sa kusinera ang hawak nitong armas sa kanyang kanang kamay. Bitbit na ng binatang Alfonzo ang hawak kanina ni Greg na itak. Lumalakad na itong lalaking tunay na mamamatay-tao papunta kay Anne. Napapaatras lang ang takot na dalaga. Sa kakaatras ng babae, wala na itong maatrasan pa dahil dingding na ang nasa likuran nito. Nasa harap na ng dilag si Grande at idinikit nito ang hawak na itak sa leeg ng kusinera. Natatakot na si Anne dahil baka malaslas na ang leeg nito sa hawak na itak ng binata. Ngunit, nahimasmasan ang kusinera at bumaba ang intensity ng takot ng chef nang nang may nakita itong tao sa likuran ni Grande na lumalakad papalapit sa binata. "Bes?" sambit ni Anne. Napangiti itong killer. Para sa kanya, walang tao sa likuran nito at hindi siya mauuto ng kusinera. "Ano? Bes--friend mo?" ngiting tanong ng lalaki. Kumidlat bigla at nakita ni Drew ang buong mukha ng taong lumalakad papalapit sa likuran ni Grande at si Regeena nga ito, namumula ang noo mula hampas ng baril ni Grande at sa pagka-untog sa center table kanina at galit na galit na ito sa lalaking Alfonzo, hawak-hawak pa ang nasabing mesa. "Oo." Sagot ni Regeena sa likod ng lalaki. Napatalikod itong binata at sinalubong siya agad ni assistant chef ng malakas ng center table sa ulo, napatumba ito at humagalpak sa sahig. Nang matumba at napatihaya na ang binata sa sahig, dahil sa galit? hinampasan pa ulit ni Regeena si Grande ng nasabing mesa sa mukha ng tatlong beses nangpagkalaslas hanggang sa mawasak ang center table. Hindi na gumagalaw ang katawan ng binata at basag at puro dugo na ang mukha ni Grande. "Gago." Banat pa ni Regeena. Tinititigan pa ng dalawang dalaga ang lalaking Alfonzo baka gumising pa ito at atakihin silang dalawa. Takot pa ring tumakbo papalayo ang mga babae dahil kahit wala ng malay ang binata, at nabitawan na niya ang itak pati ang baril, napakalapit pa rin ng mga nasabing armas sa mamamatay-tao. Umaatras ang mga dilag habang tumititig kay Grande. Sa kakaatras ng mga dalaga, narrating na nila ang pintuan ng bahay. "Buksan mo bes, dali!" nagpa-panic na sabi ni Regeena sa kaibigan. Habang si Anne naman ay panay ang pag-bukas ng main door. Ngunit di ito mabuksan ng kusinera kahit anong tulak o hila nito ng door knob. "Shit! It won't open!" sabi ng chef sa takot at panic sabay giba ng knob gamit ang sariling mga kamay. Nagsisisi ang mga babae dahil di nalang sana nila ginawa ang pag-giba ng pintuan ng mansion ni Greg dahil parang nangyari lang ang ginawa nila ngayon ulit. "Bwiset! Dejavu ba ito!?!" sabi ni Regeena sa sarili sabay giba din ng pintuan. Nang tumalikod silang dalawang dilag para malaman kung nasaan na si Grande, nagulat ang mga kusinera nang makita ang lalaking Alfonzo na lumalakad na pala siya, dala ang mga armas niya, papunta sa kanila, ng mabilisan! Napasigaw ang mga babae sa gulat at takot. Napatakbo si Regeena sa kaliwa t napatakbo si Anne Drew sa kanluran. Ngunit nadakip ni Grande ang mahabang buhok ni Anne. Napasigaw ang dilag. Hinila ng mamamatay-tao ang buhok ng kusinera at inuntog pa ang mukha ng dilag sa pintuan ng tatlong beses, sabay sigaw sa galit. Pagkatapos niyang untugin ang dalaga, ay sinakal niya ito sa sobrang higpit gamit ang kanang kamay. Tumagal ng apat na segundo ang pananakal. Pagkatapos niyang sakalin ang kawawang dilag ay hinagis niya si Anne sa cabinet na yari sa glassat nabasag ang nasabing glass dresser dahil sa napatapong kusinera. Bumagsak si Anne sa sahig at di halos makagalaw. Agad na tumingin ang galit na si Grande kay Regeena. Nagulat at natakot ang assistant chef sa titig ng binata. Akala niya mas matapang siya sa lalaking Alfonso, hindi pala. "Your time." Sambit ng lalaki kay Regeena. Nagtitigan ang dalawa ng tatlong segundo at agad na napatakbo ang assistant chef paakyat ng hagdanan. Hinabol din siya bigla ng binata. Sa bilis ni Grande sa paghabol, nadakip nito ang kanang binti ni Regeena at hinila papunta sa kanya! Napatumba ang assistant chef at humagalpak sa hagdanan sabay sigaw sa sakit. Nagalit din si Regeena at sinipa ang mukha ni Grande gamit ang kaliwang paa. Tumagos pa ang heel ng sapatos ng assistant chef sa ilong ni Grande. Napasigaw din sa sakit ang lalaki at nabitawan nito ang babae. Sinipa agad ni Regeena si Grande at napatapon pa ito papalayo at tumama ang katawan sa isang classic piano sa gilid. Gumapang si Regeena, napatayo at napatakbo agad paakyat ng hagdanan. Dumudugo ang ilong nd binatang Alfonzo sa tama ng heel ni Regeena sa ilong nito. Dahil sa galit, may naisip na paraan ang lalaki para madakip ang assistant chef. Iniwanan niya ang dalang itak sa sahig at lumakad pabalik kay chef Anne. Nagkamalay si Drew sa lugar kung saan siya itinapon ng binata subalit nang makita niyang lumalakad papalapit sa kanya si Grande, kahit masakit ang katawan ay kinaya nitong gumapang papalayo sa binata. Nakita ni Regeena mula sa second floor si Grande na lumalakad na pala ito papunta sa bestfriend niyang si Drew. Bumaba ulit ang assistant chef ng hagdanan para balikan at tulungan ang kaibigan. Nakatayo na si Grande sa harapan ng kusinerang si Anne. "I know we will come to this." Sabi ni Grande kay Drew sabay ngiti. Wala ng maatrasan ang chef dahil basag na cabinet na ang nasa likuran nito. Hinay-hinay na lumakad papunta si Regeena sa likuran ni Grande, pinulot ang itak na nasa sahig at sasaksakin niya ang nakatalikod na binata. Huminga ng malalim si Anne dahil nasa likuran na naman ng lalaki ang bestfriend nito at kunting lakad nalang ay masasaksak na niya ito. Mahinahong tumakbo si Regeena papunta sa likuran ng lalaking Alfonzo at sasaksakin na niya si Grande ng walang kaalam-alam ang binata. Ngunit sa ksamaang palad, biglang hinarap ni Grande ang nasa likuran niyang si Regeena at binaril ang dilag sa dibdib. "No!!" napaiyak at gulat na sigaw ni Anne. Tumilapon si Regeena sa malauyan dahil sa lakas ng tama ng baril, humampas pa ang katawan ng dilag sa malaking wall mirror na nakasabit sa dingding, at humagalpak ang dalaga sa sahig. Nahulog pa ang nasabing salamin na nasa dingding sa bumagsak ito sa humagalpak na dilag sa sahig at natakpan ang katawan ng assistant chef. "KABOOM!! Bitch!!" sigaw ni Grande sabay ngiti dahil napatay niya rin si Regeena gamit ang baril. Nanlaki ang mga mata ni Anne sa gulat, napapaluha habang nakatitig sa nakadapa nitong bestfriend sa sahig at natakpan pa ang katawan ng wall mirror. Ni hindi nito alam ang assistant chef nito kung buhay o patay na, dahil binaril ito. "Bes..."sambit ni Drew ng napapaluha. Tumitig si Grande kay Anne sabay ngiti at taas-kilay na parang demonyo. Nadagdagan ang galit ni Anne Drew sa binata. Napatayo itong kusinera at tumakbo kay Grande, pinagsasampal ang duguang mukha ng binata sabay sigaw ng, "Hayop ka!! Walang hiya!! Demonyo ka!!" Ngunit kalmado lang si Grande at agad nitong dinakip ang dalawang braso ng babae. Nagulat at natakot si Anne dahil di nito makuha ang mga braso nito sa mga kamay ng binata. Titnitigan ni Grande si Anne ng masakit at tumagal ng limang segundo at bigla nitong inuntog ang sariling noo sa noo at mukha ng kusinera. Sa sakit, ay halos himatayin si Anne. Napatumba ang kusinera at gumapang papaatras papalayo sa binata. Umiiyak sa lungkot at takot si Drew habang gumagapang papalayo sa lalaking Alfonzo, takot na siya rin mismo ay mapatay ni Grande at lungkot dahil sa boyfriend at mga kaibigan dahil di nito alam kung buhay pa ang mga ito. Lumakad papalapit kay Anne si Grande. Dinakip nito ang dalwang binti ng dilag at hinila. Napapasigaw lang si Drew sa takot. Nagpupumiglas ang kusinera para mkaalis ang mga binti nito sa mga kamay ng lalaki. "Bitawan mo 'ko!!" sigaw ni Anne. Ipinatihaya ng binata ang nakadapa na dilag at ipinagpatuloy ang paghawak sa mga ngapupumiglas na mga binti ng dalaga. Naiirita na si Grande sa kakagalaw at sa kasisigaw ng babae. Sa galit, isang malakas na suntok lang nito sa kaliwang pisngi ng dalaga ay napatigil agad si Anne sa kasisigaw at pagpupumiglas. Sa lakas ng suntok, halos himatayin ang chef at napaubo at napasipon pa si Anne ng laway at dugo. "Bayad 'yan ng sinasabi mong bestfriend na sumipa sa ilong ko kanina." Sabi ni Grande. Nanghihina na si Anne at di makagalaw ng maayos. Ikinarga ng binata ang kusinera, ipinatayo ng maayos, ipinatihaya niya ito sa isa pang center table, at kinuha ang itak na nasa sahig malapit kay Regeena. Hinubad ng binata ang suot na sinturon at itinali niya ito sa kusinera. Nakatali ang baywang ksama ang mga braso ng dilag sa center table. Hindi na si Anne makaalis o makatakas dahil nakatali na ang kanyang mga braso at katawan sa nasabing mesa. Kumuha ng stool si Grande at itinabi ang nasabing upuan sa tabi ng nakataling kusinera. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa ng kanyang panatalon at may tinawagan itong tao. "Hello? Nasaan ka na? Nahuli ko na ang kalaban natin?!" sabi ng binata. Natatakot na si Anne dahil may tinatawagan itong tao sa kabilang linya. Ibig sabihin, may conspirator o kasabwat itong si Grande.

On the other line, ang kausap ni Grande ay isang indibiduwal, mahaba ang buhok, naninigarilyo, bubabiyahe ito sa dagat papunta sa lupain at mansiyon, habang hawak ang cellphone nito.

Sagot ng tao kay Grande ay, medyo matatagalan siya dahil, naubusan ng gasolina ang bangka nito. "What!?! So ako lang ang papatay sa babaeng 'to?!! Bahala ka na nga, basta, bilisan mong pag-biyahe mo! I also need some help here! Hurry! Bye." Tinern-off ni Grande ang cellphone nito at inilagay niya ito ulit sa kanyang panatalon.

Umupo itong lalaki sa upuan at nagsimula ng makipag-usap sa kusinera. Kinakabahan na si Anne Drew dahil di nito alam kuna ano ang gagawin binata sa kanya, kung papatayin ba siya nito o sasaktan muna at pahirapan bago paslangin. Napaiyak lalo si Drew nang ipinakita ni Grande ang baril sa kanya. "Please, 'wag mo naman akong saktan, wala naman akong kasalanan sa'yo!" nagmamakaawang pagsabi ni Anne sa lalaki. Habang ang binatang killer ay kinuha ang kandila sa bulsa nga pantalon niya, sinindihan gamit ang posporo, at ipinatong ito sa tabi mismi sa center table na kinhihigaan ni Anne. Natakot at napaiyak pa lalo si Drew. Napasigaw itong kusinera sa pagmamakaawa at galit. "parang awa mo na!! Demonyo ka!! Ni hindi nga kita kano-ano?! Ano bang kasalanan ko sa'yo?!! Para patayin mo 'ko!?!" sigaw ng dalaga. Biglang sinagot ni Grande ang chef ng pasigaw din. "Marami!!!" sigaw ng galit na binata. Napatahimik si Anne sa sigaw ng lalaki. Natakot pa ang kusinera sa titig ng binata. "Gusto mo isa-isahin ko pa?!" dugtong pa ng galit na lalaki. Gusto mang sumagot ni Anne Drew ng 'Oo' ngunit di niya kayang sumagot dahil sa takot. "Di ka makasagot? I'll take that as a 'yes'." Sabi pa ng binata.

Nagsimula na itong mamamatay-tao sa pagsabi kay Anne ng motibo nito kung bakit gusto siya nitong patayin. "Actually, nobyo mo lang din naman talaga ang gusto kung patayin, kaso, dumating ka sa buhay niya." sagot ng lalaki at nagulat si babae. "Inagaw niya kayamanan ko, lupain ko, mansion ko, lahat ng luho ko! Inagaw ng gago mong nobyo!!" sigaw pa ng galit na galit na si Grande. Lumuluha lang si Anne sa pakikinig. "Isa lang naman siyang hamak na farmer, slash, harvester slash! Fucker! Na, nagpapapansin sa mga magulang ko!" sabi pa ng binata. Napaiyak itong binata nang maalala agad ang nasabing mga magulang. "Sa katunayan, aksidente lang naman lahat, ang pamamaslang ko kay mommy at dday? Lahat ng 'yon aksidente lang. They told me when I was a kid the famous quotation na, 'never hurt someone' Pero di ko lang sila na hurt, na-murder ko pa sila!..." humahagulgol sa pag-iyak si Grande habang sinasabi ang mga linya nito.

Habang nakatihaya at nakatali ang kusinera sa center table, nakita nito ang putol na sinturon na nakatali sa ceiling fan. Naalala agad ng dilag diyaryo na nabasa nito kanina. Si Mrs. Graciola Alfonzo na ina ni Grande ay binigti ni Grande sa kisame, itinali ang leeg ng kawawang ginang gamit ang sinturon sa ceiling fan. At ito nga ang cutted belt na nakikita ngayon ni Anne sa kisame. Habang nakatali pa rin sa nsabing mesa, nakita rin ng kusinera ang lababao sa kusina. Naalala din agad ng dalaga si Mr. Grego Alfonzo na ama ni Grande. Nasabi din sa newspaper na nabasa rin ni ni Anne kanina ay, si Grande ay kawawang pinatay ang sariling ama nito sa lababo. Inilublob ng binata ang kawawang ginoo sa loob ng lababo na may kumukulong tubig, inilublob niya ito hanggang sa mawalan ito ng hininga. Nang mamatay na ang mga magulang ni Grande ay ipinasok nito ang mga wala ng buhay na katawan ng ama at ina niya sa loob ng fire box ng chimney, sinindihan, at sinunog ang mga magulang sa loob ng nasabing ash dump. Si Grace na kapatid ni Grande ay ipinatay din ngunit di nailagay sa balita dahil sa sobrang kabataan nito at hindi pupuwedeng ilagay sa newspaper para basahin ng public.

"Aksidente na binitay mo ang ina mo sa kisame, inilublob mo ang ama mo sa lababo na may kumukulong tubig, at sinunog sa chimney?" lumuluhang tanong ni Anne Drew kay Grande. Nagalit ang lalaki sa pananalita ng dalaga. "Shut the fuck up!!" sigaw ng lalaki sabay suntok sa kusinera sa pisngi nito. Napasuka ulit ng dugo si Anne sa sakit ng suntok. Napaubo ang dilag at napahinga ng mabilisan dahil sag alit sa binata. "Aksidente 'yon dahil sila ang tumulak sa 'kin para gawin ang mga 'yon! Di nila ibinigay sa 'kin ng mana! Lahat ng kayamanan napunta lang sa isang dumi! Sa isang tae na dumidikit sa mga magulang ko para makuha lahat ng luho ng mga Alfonzo!!" galit na sigaw ng binata sa dilag. Mas nagalit si Anne sa mga inagsasabi ni Grande sa nobyo nito. Paninirang puri na ang lumalabas sa bunganga nito! "Sumusobra kana!!" sigaw ni Drew kay Grande na halos maputol na ang sinturon na nakatali sa kanya dahil sa pagpupumiglas. "Oh! Bakit?! Totoo naman ang sinasabi ko ah!" napapangingiting sagot ni Grande. "ang nobyo ko ang pinakalinis na lalaki para sa 'kin dahil naliligo 'yan oras-oras! Parati 'yang nasa nsa banyo! Kung meron mang tae dito, ikaw 'yon!!" galit na banat ni Drew. Nagulat bigla ang mukha ng lalaking Alfonzo dahil sa narinig nito mula sa dilag. Meron pang sekreto si Greg na hindi pa naibahagi sa nobya. Napangiti pa lalo si Grande. "Oh shit... You don't know?" tanong ng binata sabay ngiti, at napatawa. Naiinis na si Anne sa lalaki, sa inaasal nito, sa kung ano raw ang sekretong hindi pa naisabi sa kanya ng nobyong si Greg. "Anong hindi ko alam?! Anong pinagsasabi mo!?! Buwiset ka!! 'Wag ka ng tumawa pa!! Demonyo ka na!!" galit na sigaw ni Anne. Napatigil ang binata sa kakatawa at nagsalita na tungkol sa sekreto ni Goryo. "Okay listen..." sabi ni Grande sabay kuha ng kandila sa center table at inilagay muna ito sa sahig, "your... shitty nobyo... has liver cancer." Dugtong pa ng lalaki. Halos himatayin si Anne sa narinig. Pinapakalma lang ng kusinera ang sarili dahil para sa kanya, nagsisinungaling lang ang lalaki. "Hindi-hindi 'yan totoo." Napapaluha si Anne sa pagsasalita. Para sa kanya, kasinungalingan lamang ang pinagsasabi ng killer. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala," sabi ni Grande, "kaya ka niya pinapatulog sa kuwarto nina momy't daddy, because ayaw niyang makita mo ang mga resulta ng laboratory test niya na nasa loob ng isang plastic envelope na nasa loob din! Ng closet niya na! na nasa kuwarto niya! Na dapat ay kuwarto ko! Di ba?!" galit at mabilisang sagot ni Grande sa dalaga sabay palakas pa ng mga mata. Huminga ito ng malalim dahil halos mawalan ito ng hininga ng singot si Anne ng galit at mabilisan. Napangiti ang binata at dinugtungan pa nito ang sagot ng, "Actually, nandoon din sa loob ng said envelope na 'yon ang mga papaeles kung saan nakasulat ang mga ipinamanang lupain at mansiyon sa gago mong nobyo... haha... Nagkamali ka lang sa sertipikong unang!... na-read mo... Birth certificate ba 'yong first na nabasa mo?" sagot pa ni Grande sabay bigay ng nakaka-inis at nakakainsultong ngiti kay Anne dahil tama ang binata sa sinabi nito. "Haha! Kaya si papa Greg mo naglo-long sleeves and lo-long pants dahil namutmutla na nga at may peklat na 'yan sa tiyan dahil sa sira niyang atay! Matatagal-tagal din kayong di nagtatalik 'no?" Natawang sagot ni Grande sa kusinera. Galit na galit na ang chef at napapaiyak na sa pakikinig sa mga pinagsasabi ng lalaking Alfonzo. "For sure, di mo rin 'to alam?" tanong pa ni Grande kay Drew, "'Yang former harvester namin na ngayon ay nobyo mo ay natuto 'yang mag-English because of Loulou. Loulou is not just a house chef here in our paradise! She's also a professional English teacher coming from Great Britain, bitch!" mayabang na sagot ng lalaki kay Anne. "She chose to be house chef kasi, mas high-class ang sweldo dito sa bahay kesa maging teacher pa sa mga shitty public schools." Dugtong pa nito. 'Sarap sapakin! Grabe!' sabi ng utak ni Anne Drew kay Grande. Kaya pala unti-unting gumagaling si Greg sa pagsasalita ng Inggles ay dahil may guro nga talaga mismo sa loob ng mansion nito at kaya si Loulou palaging may hawak na magazine kapag naglu-luto sa kusina ay dahil guro pala talaga ito. "And! For sure! Di mo rin 'to alam!" sabi na naman ng mayabang lalaki, "Because your boyfriend is purely a farmer, slash, harvester, wala siyang idea how to drive the yacht, so mom and dad hired a seaman, and that is Speed. The poor shit seaman accepted the job of course because of the sweldo na naman." Dugtong pa ng binatang Alfonzo. Hindi makapaniwala ang dilag sa naririnig nito. Napapluha lang ito sa lungkot sa mga kaibigan at nobyo at luha din sag alit sa lalaking pinakikinggan nito. "Dahil master Greg knows how to speak, fluently! In English, and he has now a personal yacht, and delicate personal slaves, umuuwi 'yang nobyo mo dito sa paradise niya because?... bumabiyahe 'yan sakay ng 'boat'! niya, papuntang U.S., para magpa-dialize at magpa-check ng illness niya!... ha! Shocking di ba? Wala ka talagang idea, all about these? Kakahiya... alam mo kung bakit? Kasi wala kang tiwala sa nobyo mo, at 'yang nobyo mo ay hindi sini-share ang mga secrets niya sa'yo? Because, ayaw ka niyang masaktan pa... at ayaw ka niyang mag-abala pa... Sweet niya di ba?..." sabi ng binata. Luha lang ng luha ang dilag sa kanyang mga naririnig. Napangiti lalo si Grande nang humagulgol na sa pag-iyak si Anne Drew. "Gosh parang déjà vu 'ata ito all over again." Sabi ng binata, kinuha ang isang container ng diesel mula mismo sa ilalaim ng center table, binuksan ang nasabing diesel pot, at ibinuhos ang laman nasabing water gas sa loob ng ash pit o fire box. Natakot agad si Anne. Nagpupumiglas agad ang dilag na maka-alis sa tali. Alam na alam niyang susunugin siya tulad ng ginawa nito sa mga mga magulang subalit ng wala ng buhay kundi may hininga pa at buhay na buhay! Naglagay ng mga putol na mga sanga ng kahoy at black purple charcoals itong binata sa loob ng fire box, dinagdagan ng diesel ang ash pit at kinuha ang kandila sa sahig. "Hehehehe. Showtime." Sambit ni Grande sabay ngiti kay Anne na parang demonyo habang hawak ang nakasindi ng kandila. Natakot na ang kusinera at hindi nito mapigilang mapasigaw ng, "Tulong!!!". Ipinagpatuloy pa ng kusinera ang pagsigaw ng nasabing salita habang natatawa lang ang nasabing Alfonzo. "Saklolo!! Tulungan niyo ko!!" siagaw pa ng chef sabay iyak. "Wlang makakarinig sa'yo," sabi ng binata, "Tayong dalawa lamang ang nasa loob ng bahay ngayong kasa ng patay!,mong bestfriend..." dugtong pa ng lalaki, galit at may walang awing mukha. Nagalit din si Drew sa mga inaasal at pinagsasabi ng binatang Alfonzo. "Ano ba'ng problema mo sa 'kin!?!" galit at naiiyak na sagot ni Anne, "napatay mo na nobyo ko,! Nakuha mo na'ng gusto mo! Kahit nga bestfriend ko pinatay mo kahit walang paki-alam sa kabaliwan mo!!" sigaw pa ni Drew. Nagalit bigla at napasagot ng pasigaw si Grande. "Oo!! Ikaw ang problema ko!!" natakot si Anne sa mukha at sigaw ng binata, "alam mo kung bakit?!" sigaw pa ulit ng lalaki ng masinsinan, "Dahil sa'yo lahat mapupunta lahat ng mana!! Lahat ng bagay dito mula sa lupain, TV! Sahig! Dingding! Sofa! Center table!! Bwiset! Pati, bahay! At 'diputang' Boat!! Lahat ng 'yan mapupunta lang sa'yo!! Sa isang hamak na kusinerang nagluluto ng baka't baboy tulad mo!!" sigaw, galit at nababaliw na sigaw ni Grande. "Flattering and overwhelming di ba?! Alam mo pa ba kung bakit!?! Dahil pumunta ka lang dito sa paraiso ng dying mong nobyo!, tapos, mapupunta lang agad sa'yo!! Ang saya 'no?! Kasi, birthday mo!!!" dugtong pa ng baliw na binata. Gulat na gulat si Anne sa motibo ng binatang Alfonzo kung bakit gusto siya nitong paslangin ay dahil ibibigay ni Greg ang buong lupain at mansiyon as a birthday gift dahil mamamatay lang din naman ito dahil sa liver cancer niya, kaya ibibigay na lamang ni Goryo ang lahat ng kayamanan sa nobya. Napaiisip agad si Anne kung gaano siya ka mahal ng boyfriend niy, at napaluha ito. "Pinaghirapan ng mga magulang ko ang pag-tanim ng mga gulay at prutas dito, tapos, ihahalo mo lang sa pagluluto mo ng nilaga't sinigang!?! Ano ka sini-suwerte? Ngek-ngek mo 'te!" sagot pa ng lalaki sabay na nag 'thumbs down sign' sa dilag. Hinding hindi makapaniwala si Anne sa sinasabi ng binata, sa kasakiman at sa kabaliwan nito sa kayamanan. "Baliw ka nga talaga." Sabi ni Anne. "Obvious ba?" ngiting pagsagot ng lalaki. "You will never get away with this. Ikaw pa rin ang sususpektahan ng mga pulis sa karumaldumal na krimen ngayon at wala ng iba pa." sagot ni Anne. Ngumiti lalo ang lalaki at napasabi lang ng, "I know," sambit nito, "That is why, bago manlang ako mailagay sa bilangguan, e-enjoyin ko muna ang pag-stay dito sa paraiso ng! mag-isa... kahit! Sa madaliang... oras... lamang..." Sagot nitong lalaki sabay ngiti at taas-kilay sa babae. Luha lang ang naisagot ni Drew sa mamamatay-tao. "Tama naman ako di ba? At least kahit one week or two, maramdaman ko man lang ang salitang 'mana' at 'kayamanan'." Sabi pa ni Grande. Napaluha ulit ang dalaga. Napatawa na naman ang lalaki at sumagot ng, "Haha! At least, again! Kung madakip nga ako! If! ever... at! ma-put in prison, hindi naman ako mabibitay just like my mom! There's no death penalty here in our country! Philippines!" sagot nitong baliw sabay sa pagtawa. Naiinis, nagalit at tumodo na sa pag-iyak si Anne. Napatitig sa sa kanya si Grande dahil sumeryoso bigla ang mukha ng dalaga. "Nakaka-hurt ka naman kung tumingin, bakit may ibabanat ka bang words sa akin?" Tanong ng lalaki. Sinagot siya ng kusinea ng galit at lumuluha. "Isinusumpa ko, pagsisihan mo ang kademonyohan ngayon." Sabi ng dilag. "Ganun?" ngiting sagot ng lalaki. "Oo." Banat agad ni Anne, at sinipa nito ang isang picture frame na nakapatong sa isang black stool malapit sa center table na kinatatalian nito at tumilapon ito malapit sa lalaki at bumagsak sa sahig. May lamang picture ang frame nina Grego at Graciola Alfonzo. Masaya ang ang mag-asawa sa photo at napatititig ang anak nilang baliw na si Grande sa litrato. Napaluha ang binata habang tinitingnanan ang picture sa frame. "Isinusumpa ko, babalik dito lahat ng pinaslang mo." Galit na sagot ni Drew. Natakot, bumilis ang tibok ng puso ng binata at tinitigan si Anne ng nanginginig. "...Babalik lahat! Sila! Mula sa seaman! Sa guro! Mula sa'yong kawawang ama! At mula sa'yong kawawang ina! Isinusumpa ko! Babalik sila dito, pra patayin ka din!! Tndaan mo!!" dugtong pa ni Drew ng pasigaw sa galit. Dahil sa takot at galit, sinuntok ulit ng binata ang dilag sa pisngi at napaubo na naman sa dugo ang kusinera sakit. "Shut the fuck up!!!" sigaw ni Grande sa galit na parang sira-ulo. "Hindi sila babalik!! Hindi sila babalik!!" galit at takot na sigaw ng lalaki. "...Dahil sasama ka na rin sa kanila!!!"dugtong pa nito at intinutok ang hawak nab aril sa dilag. Napapikit ng mga mata si Anne dahil baka ito na ang huling araw niya dahil baka mapatay na siya ng baliw na binata. Nang biglang may sumipa ng main door ng bahay at bumukas ang pintuan. Nagulat sina Anne at Grande sabay titig sa pinto. Si Greg pala iyon at naisipa nito ng malakas ang pintuan, dumudugo ang kaliwang balikat dahil sa tama ng bala, namumutla pa at galit na tumititig kay Grande. Itinutok agad ni Grande ang hawak nab aril kay Goryo para barilin ito ngunit naunahang hagisan ng buhangin ni Greg si Grande sa mukha. Napuwing ang binatang Alfonzo at nabitawang ang hawak na baril. Tumakbo agad si Greg sa loob ng bahay at sinugod si Grande. Inaway ni Goryo ang lalaking baliw, sinuntok nito ang mukha ng kalaban gamit ang kanang kamao sabay sigaw pa sagalit. Sinipa pa ni Gregorio si Grande sa tiyan ng malakasan at tumilapon sa dingding at bumagsak sa sahig. Pinagsisipa nito agad si Grande ng ito ay humgalpak na sa sahig, sa tiyan, sa mukha, sa ulo, likod, at kahit sa puwet. Humihingal sa pagod at sakit si Goryo at at agad itong lumakad ng mabilisan kahit nanghihina papaunta sa nobya. "Greg..." sambit ni Anne ng napapaluha habang nakikita buhay pa nitong nobyo. "Don't worry love, andito na 'ko." Sabi nito sa girlfriend sabay na hinuhubad ang nakataling sinturon sa katawan ng nobya. Habang hinuhubad na ni Gregorio ang long black belt ni Grande na nakatali kay Drew, ipinasok nitong si Goryo ang isang susi sa bulsa ng panatalon ng kasintahan. Nagtataka si Drew at tinanong ang nobyo, "What's this?" tanong ng nobya. Sumagot lang ang pagod at namumutlang si Greg ng, "Key to your salvation." Nang napatayo si Grande sa likuran ni Gregorio. Itinutok nito ang hawak na baril na nasa kanyang kanang kamay na kay Goryo. Nakita siya agad ni Drew at napasigaw ang dilaw sa nobyo ng, "Look out!!!" At sumabay ang pagputok ng baril at pag-ilag ni Greg. Tumama ang bala sa sinturong nakatali kay Anne. Tumalon si Greg kay Grande at nag-rambulan sa suntukan at sipaan ang dalawang lalaki sa sahig. Pinagsusuntok ni Greg si Grande sa mukha sabay sigaw. Pinalo ni Grande ang tinamaang balikat ni Greg gamit ang kanang palad ng malakasan. Napasigaw sa sakit si Goryo.

Panay hubad lang si Anne ng sinturong nakatali sa katawan niya.

Inatake ni Grande ang tiyan ni Gregorio gamit ang kaliwang tuhod nito. Napasigaw ulit sa sakit si Greg. Sinuntok agad ng binatang Alfonzo si Greg sa pisngi at tumilapon ito sa gilid at bumagsak sa sahig. Tumakbo agad si Grande papunta sa baril na napatapon papalayo sa kanya. Ngunit ang tumilapong si Gregorio ay gumapang papunta kay Grande at dinakip ang dalawang binti ng mamamatay-tao at hinila. Napatumba si Grande at humagalpak sa sahig. Napasigaw ito sa sakit.

Halos mabigti na ang itim na sinturon sa katawan ng kusinera dahil sa kakagalaw nito.

"Saan ka pupuntang gago ka?!!" galit na sigaw ni Greg sabay hila sa mga binti ng kaaway nito na panay naman ang gapang para maabot ang baril nito.

Nagigiba at nahuhubad na ang sinturon ni Anne.

Nahuli din ni Grande ang baril sa kakagapang nito at napangiti. Hinarap nito ang humihila ng mga binti nito at napasambit ng, "Hoy." Napatitig si Anne kay Grande dahil akala nito ay siya ang tinawag. Tumitig naman si Greg sa kalaban nito at sinalubong ang kawawang binata ng nakatutok na baril na hawak na ng kanang kamay ni Grande. "No!!!" iyak na sigaw ni Anne nang makita na nakatutok na ang baril sa nobyo. Binitawan ni Greg ang mga binti ni Grande at biinaril ng mamamatay-tao si Goryo sa ulo. At Tumilapon si Greg sa malayuan. Nabasag pa ang bintana sa lakas ng impact ng tama ng baril kay Goryo at tumilapon ito palabas ng bahay. "Greg..." sambit ni Anne sabay tulo ng luha. Nagpatuloy ang pag-luha ni Anne habang nakatitig sa basag na salamin ng bintana ng nakatingin sa nakatihayang nobyo sa lupa. Natakot agad si Anne kung ano ang gagawin nito. Nang tumitig si Anne kay Grande, nabigla ang dalaga dhil nakatingin nap ala ang mamamatay-tao sa kanya! Binali at sinira agad ni Anne Drew ang sinturong nakatali sa kanya at umalis agad itong dilag sa mesa at napatakbo. Habaang ang binatang Alfonzo ay napalakad lang ng mabilisan papunta sa kusinera sabay hagis ng hawak nitong baril sa ulo ng dalaga. Sa lakas ng tama ng hinagis na baril ng lalaki, napatumba si Anne, nauntog pa ang noo sa maliit na cabinet. Tumakbo agad ang binatang Alfonzo papunta sa dilag, pinulot ang baril, at pati buhok ng kusinera, hinila ito pataas hanggang sa tumayo si Anne. Napapa-aray si Drew sa sakit ng paghawak at paghila ng lalaki sa kanyang buhok. Nagpupumiglas si Anne para makaalis ang buhok nito sa kamay ng killer. Sa kasamaan, inihampas ng binata ang kawawang dilag sa dindging! Sinampal ni Grande ang kawak na baril sa mukha ng babae at nasaktan naman ang kusinera at napasigaw ito. Nagalit na ang female chef sa pinanggagawa nito sa kanya at sinipa agad nito ang pantog ng binata! Si Grande naman ang nasaktan at napasigaw, napayuko, nabitawan si Anne at ang hawak na baril. Naptakip ito ng sariling pantog gamit ang mga kamay. Sinugod pa ni Drew ang baba ng lalaki gamit pa rin ang pagsipa. Npatapon papalayo ang binata sa center table, nawasak ang mesa at humagalpag ang lalaki sa sahig. Pinulot ni Drew ang baril at itinutok ito sa mamamatay-tao. Napapikit si Grande ng kanyang mga mata dahi babarilin na siya ng kalaban niyang dalaga. Ngunit sa ksamaang palad, nang ninindot na ni Anne ang baril, hindi ito pumutok. Nanalaki ang mga mata ni Anne sa gulat at takot. Nagtitigan ang dalawa. Nabitawan agad ni Anne Drew ang hawak na baril at napatakbo sa kusina! Hinabol din naman siya agad ng binata.

Próximo capítulo