webnovel

Chapter 3

TAMA SIYA...

He hated to admit it pero may punto talaga ang mga sinabing iyon sa kanya ni Alexandre. Bata pa lamang silang dalawa ay lagi niyang ipinagtatanggol si Eris. Tama ang papa niya na ni minsan ay hindi niya binigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ng kapatid ang sarili nito.

Hindi ko siya kayang makitang inaagrabyado ng mga tao!

He bit his lower lips. Gusto niyang suntukin ang sarili pero maraming mga empleyadong nakakasalubong niya sa hallway palabas ng opisina.

But he was right...

His thoughts were altered by a sudden call from his mate, Police Lieutenant Liam Al Nazeer Abrenica. Kababata niya ito at matalik na kaibigan ng mga Del Vista ang mga magulang nito.

Inilabas niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng suot na navy blue slacks at sinagot ang tawag. "Bakit, Lee?" Nagsalubong ang mga kilay niya. "Copy. Papunta na ako riyan."

Rafael left the building briskly. Tinatawag na siya sa trabaho at bilang team leader, kinakailangan na siya roon as soon as possible.

"KUMUSTA ang lahat dito?" Nakapamaywang na naglakad si Rafael papunta kay Police Lieutenant Abrenica na nakapuwesto ilang metro mula sa entrance ng Reyvinson Mall, isa sa mga tinatangkilik na mall sa Makati City.

Tumingala siya sa upper floor ng gusali. Tulad ng maaliwalas na kalangitan ay mukhang wala namang karahasang nangyayari sa loob, hindi tulad ng balitang natanggap niya kaninang nasa Vista Realties siya na mayroon daw hostage taking na nangyayari sa lugar.

Iginala ni Rafael ang paningin sa buong paligid. May nakikita siyang mga police mobiles, mga ambulansiya, mga sasakyan, at mga sibilyang hindi mapigil sa paggawa ng ingay. MAbuti at may mga umaasikasong pulis sa mga ito. MAyroon ding mga media reporters na kasalukuyang kumukuha ng coverage sa nangyayari. Nakordonan na rin ng police tape ang bungad ng mall.

"Still, ayaw makipag-cooperate ng mga suspek, " imporma ni Liam habang iniaabot kay Rafael ang megaphone. "Ikaw na ang bahalang makipag-usap sa kanila."

Rafael went to the open area, near the entrance. He cleared his throat bago magsalita. Nasa dugo na yata nila ang pagiging isang negosyante. Magaling sa pakikipag-negotiate. Kahit na BS Criminology ang kinuha niya, maia-apply pala niya ang skills na iyon. "Mga boss! Kung ano man ang problema natin, baka naman puwedeng pag-usapan na lang natin ito?"

Humugot siya ng malalim na hininga at muling nagsalita. "Kahit kailan ay hindi solusyon ang karahasan. Pangako, walang masamang mangyayari sa inyo kapag wala kayong sasaktan ni isa sa mga nasa loob. Makipagtulungan kayo sa amin."

Isang malutong na mura ang kumawala sa kanyang bibig nang may magpaputok ng baril sa may third floor ng mall. Nagsitilihan sa takot ang mga tao sa paligid. Even Rafael did not expect the gun shots.

Rafael's jaw tensed. Wala na siyang ibang pagpipilian pa. "Men, move!" sigaw niya at ikinasa ang kanyang baril.

They all sprinted toward the entrance. Some secured the ground floor while Rafael moved to the next floor.

Ganoon na lamang ang pagkalito at pagkagulat niya sa kanyang mga nakita. Ang imahe ng mga hostage taker na naglalaro sa kanyang isipan ay malayung-malayo sa nakahantad sa kanya.

Anak ng!

Kahit na balot ang buong katawan ng mga kalaban, isangdaang porsyentong sigurado si Rafael na pawang mga kabataan ang mga ito dahil sa struktura ng pangangatawan at paraan ng pagkilos ng mga ito. Nakahawak ang mga ito ng mga de-kalibreng baril.

His attention was caught by a small, circular, golden pin na nasa bandang kaliwa ng jacket ng mga suspek. Sa gitna niyon ay may alakdan na ang buntot ay patulis na parang isang sibat. Parang pamilyar sa kanya ang bagay na iyon. Hindi niya alam kung paano pero pakiramdam niya ay nakita na niya iyon.

"Ibaba n'yo ang baril ninyo!" utos niya. Pero wala ni isa ang nakinig. Imbis, ipinagpatuloy ng mga ito ang pagpapaputok ng mga hawak na baril.

Muntikan nang matamaan ng bala si Rafael mabuti at nakapagtago siya sa pinakamalapit na stall ng mga pantalon.

Gusto niyang bigyan pa ng isang pagkakataon na sumuko ang mga kabataan, ngunit panay pa rin sa pagpapaputok ng baril ang mga ito.

Wala na siyang ibang magagawa. Huminga siya nang malalim at mabilis na tumakbo papunta sa kabilang stall habang ipinamamalas ang kagalingan niya sa pagputok ng baril. Napatingin siya sa mga kalaban at halos ang lahat ay nakahandusay sa sahig habang naliligo sa sariling dugo.

Nahagip ng kanyang paningin ang ilang mga kalabang nagkukumahog na tumakbo papunta sa third floor.

"Move!" he shouted as the floor had been cleared. "Officer Abrenica, secure the area!"

"Clear, Sir," sabi ni Liam at mas lalo pang binilisan ang pagtakbo.

Everything's in chaos. The glass wall of every store had been shattered and scattered on to the floor. Maging ang mga paninda at mga mannequins ay tadtad ng bala. Wala nang mapapakinabagan sa mga iyon.

Halos makarating na si Rafael sa third floor nang masagi ng kanyang paa ang isa sa mga nabaril niyang kalaban. Muli sana niyang ipagpapatuloy ang pagtakbo, ngunit umagaw sa atensyon niya ang suot na bracelet sa kaliwang pulsuhan nito.

Nangunot ang kanyang noo at lumuhod. Hinawakan niya ang kamay nito at inilapit sa kanyang mukha ang suot nitong bracelet. Pamilyar sa kanya ang accessories na iyon. Aywan ba niya kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba at pagkagulo ng isipan.

You shouldn't be him...

Hinay-hinay niyang inialis ang bonet sa mukha nito at laking gulat niya nang makita kung sino iyon. Paano ito nasangkot sa gulo? Hindi kaya...

"Ack..."

Parang bumagsak ang buong kalangitan kay Rafael. Mas lalong nag-init ang kanyang pakiramdam nang isang bala pa ang bumaon sa kanyang braso. Pakiramdam niya ay sasabog na ang kanyang katawan at hindi siya makahinga nang maayos.

Para ring huminto ang pag-ikot ng mundo at hindi niya namalayang tumulo na ang luha mula sa mga mata niya. Unti-unting bumagsak ang katawan niya sa sahig at naramdaman niyang bumigat ang talukap ng kanyang mga mata.

Wala na siyang ibang maramdaman kundi ang sakit at hapdi ng mga sugat at balang bumaon sa katawan niya. Iyon na yata ang katapusan ng kanyang buhay. At bago siya mawalan ng malay, isang bagay lamang ang lumabas mula sa kanyang bibig.

"E-Eris..."

Próximo capítulo