webnovel

chapter 6 smiling face

this is it,araw na ng pagkikita namin ng magiging employer ko. natural lang na kinakabahan ako kasi iniisip ko anong ugali meron sila,sabi kasi nila kapag mga arab person matatapang daw,syempre dahil first Time ko ito sa bansang ito wala talaga akong idea sa mga ugali nila,ang alam ko lang ngingiti lang ako palagi. gusto ko ng hilahin ang oras para akoy makaalis na sa opisina ng agency namin,dahil iyong mga pilipina na in charge sa amin doon kung makaasta kasi akala mo sinong mga reyna makapag utos sa amin,minsan talaga ang ibang kababayan na nakaangat lang ng konti kung makapag asta parang mga hari at reyna na,diko naman nilalahat ang iba lang talaga. dahil hapon pa ako susunduin ng employer ko,habang naghihintay ako kinakabisado ko ang mga salitang Arabic ,madali lang naman syang matutunan as long as alam mo mag english at sign language.

hanggang sa dumating na ang oras na kukunin na ako,inaabangan ko kung sino ang mga pumapasok sa pintuan,mga nakaabaya lahat kasi muslim nga sila nakatakip halos lahat ng katawan nila,minsan pati mga mukha nila,nang biglang may nagbukas ng pintuan at pumasok ang napakagandang babae sa loob,hindi siya nakasuot ng abaya o nakabalot buong katawan ng itim na tela,naka jeans sya na mahaba ang pangtaas nya,sabi ko sa sarili ko ang ganda nya, may hinahanap siya pagpasok niya at nang nakatingin na siya sa may direksyon ko nakangiti siya sa akin,at sabay sabing hi,ang ganda talaga ng ngiti nya kung lalaki lang ako maiinlove talaga ako saknya ☺️. sabay tayo ng pilipina na assistant sa agency,hello madam sabi nya,tapos sabay tawag sa akin,at pinakilala nya kami sa isat isa,sya ang magiging employer mo,sabi nya sa akin na abot tenga ang ngiti.napangiti din ako ng abot tenga dahil nahawa yata ako sa mga ngiti nilang dalawa sabay sabing hi Ma'am ,sabay sagot nyang hi din at how are u?sinagot ko naman siyang I'm fine, Ma'am thank you. tapos non nagtanong sya sa assistant if pwede na ba kaming umalis,sabay sagot ng assistant please sign all this documents Madam,binasa ng employer ang mga papers tapos pinirmahan nya na,lahat ng papeles ko ibinigay saknya. nagpapaalam na ako sa mga nakasama ko sa agency na iyon,sabi ko mauuna na muna akong umalis,small world lang naman kaya magkikita pa ulit tayo,.dala ko ang maliiit na malita ko patungo sa nakaparadang sasakyan ng employer ko,wala kaming imikan hanggang sa nakasakay na ako sa loob ng sasakyan nya,tapos nagsimula na syang magsalita,nagtanong sya kamusta ang byahe ko,kamusta ang family ko at kelan pa ako dumating ng Kuwait, sinagot ko naman mga katanungan nya ng nakangiti,sabi nya don't worry I have 1 kadama (helper)( yan tawag nila sa Kuwait ) semsem (same) Philipini (Filipina), she's at home now taking care of my baby, 2months old iyong baby nya,tatlo daw anak nya 1 boy 2 girls,ung boy 2 yes old,ung girl 1 yes old tapos un ang bunso 2months old, nakikinig lang ako sa mga sinasabi nya,medyo malayo ang bahay nila sa city kaya medyo natagalan kami bago nakarating sa bahay nila,dahil sa Kuwait uso ang once a week na gathering ng pamilya sa bahay ng mga parent's nila iyong araw na iyon ang dating ko kaya doon muna kami dumeretso para sunduin ang mga bata pati ang kasama ko,dahil mga bata pa nga ang lilikot nila sa kotse,nameet ko sila at ang cute nilang tatlo,nag hi ako sa makakasama ko,dahil siguro pagod sya ngumiti lang siya ng konti sabay sagot ng hi din sa akin,medyo may edad narin sya,dahil malapit lang ang bahay nila sa parent's nila ilang minuto lang nakarating na kami sa bahay mismo nila,at dahil gabi na iyon at alam ko din na pagod ang kasama ko ,nagtanong ako sakanya anu dapat kung gawin,sinabi naman nya na patulugin ko nalang iyong bunsong anak at dalhin sa crib at doon matutulog kasama ng parent's nya,lahat ng mga bata don matutulog sa room nila dahil mga bata pa nga,tapos eprepare nalang namin mga gatas na need nila kapag sa gabing gugutumin sila,hanggang sa napatulog na nga namin ang tatlong bata ,sabi ng kasama ko tara akyat na tayo sa kwarto natin,nagdala kami ng pagkain sa kwarto para doon na kumain,nasa taas ang kwarto namin.

dalawa ang kama so tag iisa kami ng kama,pero ang problema walang toilet sa room na iyon ,kailangan pa naming bumaba kapag kailangan naming gamitin iyon,dahil sa baba pala may tatlong kadama din pero Indiana at Nepali ang mga ito.bago ako natulog nagdasal muna ako ,nagpasalamat sa Panginoon na sa bahay na ito ako napadpad,hindi ako mag isa may kasama pa ako.hanggang sa nakatulog na ako dahil sa sobrang pagod na din, yan po ang kwento ng unang araw ng pagmeet namin ng family ng employer ko,hindi ko nabanggit asawa nya,dahil hindi pa kami nagkikita at wala siya sa mga oras na ito nasa overseas at nag aaral pa,.abangan nyo po ang next chapter ng magiging buhay ko sa pamilyang ito.🙆☺️

Próximo capítulo