webnovel

The Letters

AFTER A YEAR::::

"Maine apo" tawag ni queen Nidora sa kanyang apo na si Maine.

"Yes Lola? Bakit po? " wikang tanong ni Maine habang abala sa kanyang pag-bake ng cake ibibigay niya ito sa kanyang lola tinidora.

"Apo sure ka na ba na gusto mo sa pilipinas manirahan? "Wika ng queen.

"Yes po lola " ngiting wika ni Maine.

" Alam mo ba apo nag-aalala ako eh!! Kasi minsan ka nang napahamak sa pilipinas kita mo nga pilipinas ang dahilan kung bakit nawalan ka ng memorya." Wika ni queen ni Nidora

"Grabe O.A lola? Pilipinas agad ang sisishin??? " ngiting wika ni Maine

"Eh---kasi naman apo eh nawalan na ko ng anak... ayaw ko naman pati ikaw na kaisa-isa kung apo mawala sakin " malungkot na wika ng queen..

Ngumiting pinasok ni Maine ang cake na baked niya sa oven. At lumapit pagkatapos sa kanyang lola at niyakap siya rito.

"Lola! Hindi po ako mawawala okay? Nasa pilipinas lang naman ako eh pati gusto ko magkasama po tayo roon manirahan lola pati sila lola Tinidora at lola tidora dahil gusto ko po buo po tayo " lambing na wika ni Maine sa lola niya.

"Maine apo napakabait mong bata pero alam mo naman na queen ang lola at darating ang panahon na ikaw na ang papalit sa pwesto ko rito kaya gusto ko sanayanin ka sa mga bagay bagay. Pero ikaw apo iba ka eh tignan mo napakasipag mo ultimo gawain ng alipin ikaw gumagawa tulad niyan pwede naman ipagawa mo nalang yan para hindi na dudumihan ang mga kamay mo!!! " wika sa kanya ng lola Nidora niya

" Lola,, alam niyo po ba hindi dahil sa angat tayo eh excuse na tayo sa mga simpleng gawain? Binigyan po tayo ng diyos ng kamay, paa, mata, dila at ng iba pa para po gamitin natin. Hindi po tayo pinanganak na may kapansanan look in the philippines marami ang taong hindi lumaking kumpleto pero nanatili silang gumagalaw pinipilit nilang maging normal. At ang normal naman nagpapaka abnormal. Iyan po di ba dapat ang unang isagawa ng isang mataas na tao??? Kung sino ang namumuno siya dapat ang maging leader ng mga nasasakupan niya para maging maayos ang lahat? Kaylan po lola bago mo po isipin ang sarili mo yung nasasakupan niyo po muna ang bigyan atensyon ninyo alamin niyo po ang buhay nila kung kinakaylangan iparanas sa sa sarili ang pagiging mahirap so be it!! Para mas maunawaan ang mga mahihirap na mamamayan dahil kung parati nalang po tayo mapagmataas wala po tayong pinagkaiba sa isang halimaw. Kaya lola hindi alipin ang sagot sa mga gawain kaya naman natin gawin. Tao din sila lola napapagod rin po sila " Mahabang wika ni Maine sa kanyang Lola.

Nagtaka si Maine kung bakit biglang lumuha ang kanyang Lola.

"Lola? Bakit po kayo umiiyak may nasabi po ba ko na mali? Pag-aalalang wika ni Maine.

"NO! Apo naalala ko lang bigla ang yumao mong ina. Ganyan siya nung edad mo palang may puso sa mga alipin ni hindi ko siya nakakitaan ng pagtataray sa mga katulong dito sa palasyo. Yang mga sinabi mo ay sakto sa sinabi ng iyong ina sa akin. "

"Eto basahin mo yan apo yan yung sulat o huling sulat ng iyong ina bago siya umalis dito sa palasyo at sumama sa hardinero ng palasyo.pa-ulit-ulit ko yan binasa at pa-ulit-ulit din akong umiiyak at nagsisi."

May kinuha ang queen sa kanyang bulsa

Dear Mama Nidora.

Ma'ma sana mapatawad niyo po ako sa aking pag-alis mahal ko talaga William okay lang po sakin ang mamuhay na mahirap dahil mula sapul naman ay hindi ko hinangad ang yaman na meron tayo dahil ang yaman pwedeng mawala pag-patay kana hindi mo maaring mabibitbit ito .

Mama sa pag-alis ko sana maging patas kana sa pagtingin sa mga alipin at ang pagmalupitan sila ay hindi makatarungan. tao kalang ma'ma hindi ka diyos.

Ma'ma , alam niyo po ba hindi dahil sa angat tayo eh excuse na tayo sa mga simpleng gawain? Binigyan po tayo ng diyos ng kamay, paa, mata, dila at ng iba pa para po gamitin natin. Hindi po tayo pinanganak na may kapansanan look in the philippines marami ang taong hindi lumaking kumpleto pero nanatili silang gumagalaw pinipilit nilang maging normal. At ang normal naman nagpapaka abnormal. Iyan po di ba dapat ang unang isagawa ng isang mataas na tao??? Kung sino ang namumuno siya dapat ang maging leader ng mga nasasakupan niya para maging maayos ang lahat? Kaylan po mama bago mo po isipin ang sarili mo yung nasasakupan niyo po muna ang bigyan atensyon ninyo alamin niyo po ang buhay nila kung kinakaylangan iparanas sa sa sarili ang pagiging mahirap so be it!! Para mas maunawaan ang mga mahihirap na mamamayan dahil kung parati nalang po tayo mapagmataas wala po tayong pinagkaiba sa isang halimaw. Kaya Ma'ma hindi alipin ang sagot sa mga gawain kaya naman natin gawin. Tao din sila Ma'ma tulad natin napapagod rin po sila.

Kaya Ma'ma magising na kayo na hindi lahat ng mahirap manloloko. Alam ko nuong dalaga pa kayo nila .Hamony Tidora at Tinidora

Ay iisang lalake lang ang nagpatibok ng inyong puso . Ang alalay ni Lolo . Pero dahil hindi ikaw ang minahal niya kundi si Hamony Tidora . Kaya feeling mo nuon niloko ka. Kaya gumawa ka ng paraan para paglayuin sila. At ako nga ang naging bunga ng ginawa mong pagtataksil kay hamony tidora Ngunit himbis magalit si Hamony inintindi at pinatawad ka niya pero dahil sobrang taas ng pride mo ma'ma ikaw pa ang nagalit. Kaya lumayo si Hamony dahil sayo. Bumalik lang siya nung mamatay si Lolo at,bilang panganay ikaw ang humalili sa trono. Ngunit ang kasamaan mo ay pinagpatuloy mo parin pinaranas mo yan sakin anak mo ko pero mas anak pa ang turing sakin nila hamony.

Ma'ma kaylan man hindi ako magtatanim ng galit sa inyo pero sana nalang hayaan niyo na kami ni wiliam at ng aming anak. Hanggang dito nalang po ang sulat ko mag-iingat po kayo lagi.

---------P.S-----

Ng matapos ang kanyang pagbabasa ay may luha siyang tiniklop ulit ang sulat ngunit tumayo ang kanyang Lola Nidora.

"Oo tama ang nabasa mo diyan apo napakasama ko at sinisi ko ang sarili ko kung bakit ngayon wala na ang iyong ina .

Siguro nabulag ako nuon ng galit at inggit na hindi dapat .

Nakagawa ako ng mga bagay na masama. Apo. Alam mo ba ang ingit at galit? Kapag sumobra nakakasama apo kaya apo sana wag mong gagayahin ang lola ha minsan na kung kinain ng galit at ingit kaya apo sa bawat hakbang mo sa iyong buhay balikan mo lagi ang tagpung ito para hindi ka magkamali at pagsisihan mo rin balang araw." Luhaang wika ni Lola Nidora.

Naiiyak na niyakap nito ang lola Nidora niya nararamdaman niya kasing hanggang ngayon ay nagsisi ito sa nagawa at ramdam niya ang bigat ng nararamdaman nito. Swerte siya dahil may mga lola siyang katulad ng mga ito.

wala man siya maalala ngayon pero sisiguruhin niya na hindi niya kakalimutan ang araw na ito.

Thankful siya ng dahil nung oras na mawala ang memory niya ay pati ang pagsulat at pagbabasa ay hindi niya magawa kaya .

NG oras na iyon na parang bumalik siya sa pagiging bata ay nasa tabi niya ang mga ito ito at nagtyaga na magturo sa kanya. Balang araw babalik din ang alala niya kaya nga gusto niya sa pilipinas dahil nararamdaman niyang may naiwan siyang isang mahalaga sa buhay niya. At alam niya dito niya makukuha ang nawalang memorya..

ngayon nga ay katatapos niya lang sa kursong HRM sa HArvard. at tuwang tuwa siya ng maging 2nd honor siya . Lahat ng parangal sa kanya ay inalay niya sa tatlong Hamony....

Próximo capítulo