Hindi parin tumitigil sa pag-iyak si Maine. Sobrang nasasaktan kasi siya sa pinakitang kalamigan ni Alden sa kanya.
Nakasubsob siya sa kanyang unan ng may kumatok sa pintuan.
"Tok! Tok! ! Tok!!"
"Sis si Pearly 'to " sagot ni Pearly buhat sa labas ng kanyang kwarto.
Nang marinig niya na kaibigan niya ang kumakatok agad siyang bumangon at pinagbuksan ito.
Nang makita ni Pearly ang luhaang kaibigan ay nakadama siya ng habag rito.
Sa harap ni Pearly ay tuluyang binuhos ni Maine ang sama ng loob sa kanyang asawang si Alden.
"My god!!!! Nagawa niya 'yun? Napaka bastos naman pala niyang Alden na iyan eh !! Aba asawa ka niya!! Maine pero ang tratuhin kang parang hangin ay malaking kabastosan!!! May pinag-aralan siyang tao pero parang mas marunong pang rumespeto ang mga taong nasa lansangan eh!!" Inis na wika ni Pearly sa kanya.
"Aba kung ganyan lang ang gagawin niya mas mabuting mag-empake kana!!!! At iuuwi na kita sa Maynila dahil wala ka naman lugar sa bahay na ito!!! At please sis Maine hindi porket libre ang maging tanga eh mag papaka tanga kana diyan!!!!" Inis parin ni Pearly.
"M-mahal ko siya sis Pearly" mahinang wika ni Maine
"Sis mahal mo siya 0o!!! Pero ikaw? Mahal ka ba niya? Wag mo nang pagpilitan yang nararamdaman mo dahil ikaw lang rin ang masasaktan kaya nga ba ayaw ko dumalo nung kinasal kayo kasi ayaw ko makipag plastikan sa mga ganun tao!!!! At isa pa sis Maine forever does not exist!!!! Kaya wag kang mag assume na baka may-pag-asa pa!!! Para sabihin ko sayo maraming mag-asawa pa diyan ang naghihiwalay. Meron ngang bangkay na pinaghihiwalay pa eh!!!" Inis parin na wika ni Pearly sa kaibigan.
"Pero sis nakilala ko si Alden hindi siya ganito . Ang pagiging mabait niya naranasan ko na maging mabait siya sakin kaya alam ko sis na babalik siya sa Alden na nakilala ko!" Wika ni Maine pero alam niya naman na malabo nang mangyari iyon.
"Ano ba!!!!!! Maine!!!????? Please!!!!! Wake-up!!! Mabait siya Oo pero nung yaya Dub ka pa nun at hindi bilang ikaw dahil baliktarin man ang mundo hindi mapagkakailang isa kang journalist!!!!! At ikaw si Maine na kinasusuklaman niya!!! " madiin ngunit magy galit na bitaw ni Pearly sa kanya
Dahil duon sinubsob ni Maine ang mukha sa kanyang palad. At ipinagpatuloy ang pag-atungal ng iyak niya. Naawa naman sa kanya ang kaibigan at masuyo nitong hinagod ang kanyang likod.
"Sis huwag ka ngang umiiyak diyan hindi mo dapat pag-aksayahan nang luha ang taong iyon wala siyang kwentang tao!!!!" Wika ni Pearly.
Awang-awa si Pearly sa kaibigan niya kaya lang wala siyang magawa para pagaanin ang kalooban ng kaibigan.
Isang babae ang bumaba mula sa puting Mercedez benz. Sa harap ng magarang building na kasalukuyan itinatayo.
Namangha ang lahat ng trabahador na naghahakot ng buhangin ng masilayan ang babaeng kagagaling lang sa magandang sasakyan.
Mapuputi at walang kaguhit-guhit na binti. Animoy isang manikin ang mga binting iyon. Sa kinis at hubog ay walang pinagkaiba mas lalo silang humanga ng pagmasdan ang kabuuan ng babae na siyang nagmamay-ari ng kaakit-akit na binting iyon.
Sa suot nitong pang tennis lutang na lutang ang kagandahan nito at walang lalake ang hindi mapapa wow dito. Ang mukha nito ay napaka ganda hinahangkan ng maliit na curls ng kanyang alun-alon na buhok. Ang maputi nitong leeg. Mala-porselana ang kanyang kutis lalo na ang kanyang mukha. Kay ganda rin ng korte ng kanyang kilay at katamtamang laki ng kanyang mapang-akit na mga mata dinagdagan pa ng kay lalantik na pilik-mata. Matangos ang ilong nito at mamula-mula ang pisngi. Ang mga labi nitong naman nito ay tila strawberry sa pula.
Lalo silang humanga ng makita ang mapuputi nitong ngipin ng ngumiti ito sa kanila..
"Mang sammy hintayin niyo na lang po kami dito ni Pearly saglit lang po kami ibibigay ko lang itong niluto ko sa asawa kung si Alden." Magalang na wika ni Maine.
"Sige po ma'am" at naglakad na si Maine sa site kung saan naroon ang kanyang asawa.
""Sino kaya yan? Ang ganda " wika ng isang trabahador.
"Ewan ko. Ngayon ko lang nakita yan dito baka turista?" Wika naman ng isang trabahador.
"Mga baliw!!!!! hindi turista yan yan si ma'am Nicomaine Mendoza Faulkerson!!!! Yan " Wika naman nang-isa.
"Ha? Ibig sabihin siya ang asawa ni engineer? Alden? " gulat na wika ng lahat ng trabahador.
"Tumpak!!!!! Kaya gumalang kayo" wika nito.
Samantalang inisa-isa naman ni Maine puntahan ang bawat sulok ng itinatayong building .
Nakita ni Maine ang matandang
Hirap na hirap buhatin ang isang kahon ng tiles.
"Teka tulungan ko na po kayo bakit po kayo ang gumagawa nito? Di ba dapat iba ang nagbubuhat nito? Yung mas bata dapat sa inyo yung magagaan na lang na gawain " wika ni Maine habang inaalalayan ang hawak ng matanda.
Nahihiya naman ang matandang tumango nalang sa kanya ngunit sa loob-loob nito hindi siya makapaniwala na sa ganun kaayos na damit at kaganda ay marunong unawain ang tulad nilang mahirap.
"Bagay nga sila ni sir Alden " wika ng matandang lalaki. Sa sarili niya.
Maya-maya ay napatiningin si Maine sa taas at kitang kita niya ang hollow blocks na babagsak sa matanda kaya dali-dali niya tong tinulak. Kaya naman sa di sinasadyang pangyayari ka muntik na siya ang mabagsakan buti nalang maliksi siya at sanay sa mga ganun bagay ngunit hindi maiwasan madaplisan nito kaya naman nagka sugat ang kanang siko niya.
"Sis okay ka lang? " wika ni Pearly na kanina papala siya hinahanap.
"Yes" mahinang wika ni Maine.
Maya-maya ay nag tanung na siya kung saan niya makikita si Alden para maibigay na niya ang lunch na ginawa niya
Ngunit natigil ang dalawang magkaibigan nang sa pagbungad nila ng isang pintuan na kahit hindi pa ito tapos ay masasabi narin pintuan.
Napahawak si Maine sa kanyang bibig at mula sa kanya mata'y dumaloy ang mga luha sa kanyang pisngi.
Samantalang si Pearly ay makikitaan ng galit. Nakita niyang nanlambot si Maine kaya naman inalalayan niya ito hanggang labasan nag makita ng mga tauhan ang kanyang kalagayan nag-alala ang mga ito subalit sinabi nalang nilang hindi nila na kita si Alden dahil bigla siyang nahilo kaya naman ang lunch na para kay Alden ay pinamigay nalang niya sa mga tauhan nito .
Labis ang hinagpis ni Maine ng mga sandaling iyon nang makita niyang may ibang babaeng kahalikan si Alden ay hindi niya matanggap at hindi niya nakayanan kaya nanghina siya ng sobra nagpapasalamat siya dahil kasama niya ang kaibigan niyang si Pearly. Samantalang si Pearly ay nag txt sa kuya niya na si Jeorge.
"Stop it claire!!! May-asawa ako and pwede ba stay away from me!!! Hindi tamang andito ka kapatid ka ni Clarisse kaya hanggang ngayon nasa kumpanya ka pa!" Saway ni Alden sa babaeng si claire ng halikan siya nito.
"Yeah Kapatid at kakambal ko si Clarisse kaya nga diba sakin ka niya pinagbilin? " taas kilay na wika nito.
"Pinagbilin? Nabubuang ka na ba? Wala akong natatandaan na pinagbilin ako sayo ng kapatid mo sa pagkaka-alam ko kasi ayaw mo sa kapatid mo at hindi kayo magkasundo??? So paano mo nasabing pinagbilin niya ko sayo? Ha claire?" Wika ni Alden.
"Hmmmmp!!!! Hindi ako susuko Alden lalo na ngayon alam ko na hindi naman talaga totoo ang kasal niyo nung journalist na yun!!!!" At umalis na ito pagkasabi nito.kay Alden.
Ngunit hindi pa ito nakakalayo ng hilahin ni Alden ito sa braso nito.
"Stay away from my wife!!!! Oras na may gawin ka sa kanya o sa pagsasama namen!! Sisiguraduhin ko pagsisihan mong bakit ka pa pinanganak!!" Galit na wika ni Alden
Ngunit hindi mababakasan ng takot ang babaeng si Claire.
"Da' Alden!!! Kahit takutin mo ko hindi mo ko masisindak basta ang masasabi ko lang ang akin ay akin!!!" At umalis na ito.
Inis na napa shit!!! Si Alden. Maya-maya ay pumasok si architect Ryan.
" Boss Eto na nga po pala yung blue prints ng lay-out ng building " at Inabot naman nito ang blue prints.
"Salamat architect Ryan" wika ni Alden.
"Nga pala boss galing dito yung asawa niyo na si ma'am Maine nagkita po ba kayo? "
"W----what!!??? Are you sure?" Gulat na wika ni Alden.
"Yes boss" wika naman nito.
Kaya naman agad-agad tumakbo si Alden papunrantang parking lot at pinasibat ang kanyang kotse.
"H--hindi kaya nakita ako ni Maine? Na kahalikan si Claire? !!!!! Shit!!!!!"
Wika ni Alden habang nagmamaneho.