webnovel

Chapter 1

Chapter 1: First Meet

Jamilla

Kasalukuyan kaming naglalakad na sa loob ng MOA, naghahanap kami kung saan puwede munang kumain but I can't help my eyes for being inescapable to look with a dress and shirts that we pass through. Nagmumukha akong tagabundok na para bang ngayon lang nakapasok sa loob ng Mall. Actually, this is my first time here in MOA, even almost 4 years na kami rito sa Manila ngunit ngayon ko pa lang naranasang makapasok dito.

Like what I was saying, nandito na kami sa MOA for book signing event ni Shadowboythatyoulove a.k.a. Oliver. When I visited his social media accounts yesterday I didn't expecting that he is a famous mysterious author in Wattpad or should I say, in the Philippines. Nice. Mas nakaka-excite tuloy na makita siya, 'yong tipong iniidolo ng lahat, makikita't mahahawakan ko na.

Basically, I called him as a mysterious person because there's no a bunch of pictures of him uploaded on his accounts. Only name and gender lang 'yong alam namin about him and the others, wala na. Then, ang mga accounts niya ay for updates lang ng story niya, Kung may litrato may, animé pictures lang. Wala naman akong magiging issue kung guwapo o wala siyang hitsura kasi hindi ko naman siya iniidolo dahil do'n, iniidolo ko siya dahil sa ganda ng akda niya.

First time lang 'tong booksigning ni Oliver and we're so very lucky kasi malapit lang 'yong MOA mula sa bahay ko at sa mga kaibigan ko rin. So that, hindi na namin pinaglapas ang pagkakataon na ito.

"Jamilla, ano na? I'm already starving. Magpapalinga-linga ka na lamang? Kakain pa ba tayo?" Jess tapped my shoulder. Signaling that we should now eat our lunch.

"Oo naman," I aswered without even looking at her, naka-focus pa rin ang mga mata ko sa mga damit.

"Sa'n ba tayo kakain, Jamilla?" tanong naman ni Claire kaya humarap ako sa kanya. I derange smiled at her.

"Bakit? Aren't you going to treat me?" I pissed.

"Hindi, malamang."

"Psh. Sa McDo na lang tayo."

"Sa Italian Resto na lang kaya? What do you think, mga bes?" Sabay naming sagot ni Jess kaya agad akong napalingon sa kanya.

"Agree ako d'yan, Jess. Minsan lang tayo pumunta rito sa MOA. Why would we try in expensive resto? Ikaw, Jamilla? Is it okay to you?"

Kung siya ay sumang-ayon pwes ako, absolutely, I won't. Hindi ko afford ang mamahalin resto ngayon, kasi 5k lang ang baon ko and it is only enough for me because there's an important stuff that I have to buy, such as, school supplies, books, damit na nakita ko kanina at idagdag na rin 'yong ice cream na para sa kumag kong kuya. Tipid challenge ako sa araw na ito.

"Sasama na iyan! Tara na, my belly growling na, eh. Gusto nang kumain!"

Nagsimula na sila maglakad. Mga ilang hakbang pa lamang nila, lumingon ulit sila sa akin, napansin yata nila na hindi pa rin ako nakasunod sa kanila.

"Ano?! Ikaw na nga 'yong na-late kanina, balak mo pa yatang magpa-late ulit, 'wag mo naman kaming idamay," reklamo ni Claire.

Tama siya, ako 'yong hindi sumunod sa oras kanina. Hindi ko kasalanan na tulog mantika ako kaya hindi ko narinig 'yong alarm clock ko. Kung hindi pa ako pinuntahan ni Claire sa bahay namin, siguro mahimbing pa rin tulog ko ngayon. Gosh. Imagine, 8 AM ang usapan namin pero nagising ako ng 9:45. Is this consider as normal?

"Tatayo ka na lamang talaga d'yan?"

"Sa McDo ako kakain, hindi sapat ang pera ko para mag-Italian Resto."

"Ow? 'Yon lang reason mo? Sige na nga, ililibre ka na namin," they offered. Tila nagbago ang ihip ng hangin, kanina binibiro ko si Claire na ilibre ako pero ngayon nakaisip ako ng palusot.

"Hindi na, hayaan niyo na lang akong mag-isang kumain sa McDo."

"E di, do'n na lang tayo kumain."

"'Wag na, mag-enjoy na lang kayo do'n," I insisted. Sa katanuyan, ayaw ko muna silang makasamang kumain kasi gusto ko ng katahimikan ngayong umaga. Ang ingay kasi nilang kasama, lalo na si Claire.

"Sure?"

"Yep."

-

Finally, hinayaan na rin nila akong mag-isang kumain dito sa McDo.

Pagkatapos kong um-order, naghanap na agad ako ng mauupuan. Hindi naman ako gano'n nahirapan dahil nakakita rin naman agad ako, one table and two chairs lang siya, pang couple pero that's okay, at least mayroon akong mauupuan.

Bago kumain, hindi mawawala sa akin ang pagpe-pray. Madasalin kasi akong tao. Sa simpleng pagdarasal, nakakaluwag sa pakiramdam. Wala naman mawawala kapag ginagawa ito.

"Lord, maraming-maraming salamat po sa pagkai-"

"Miss, is this chair is vacant? May I sit here?" Napatigil ako nang may biglang nagtanong sa akin. Malaki 'yong boses niya kaya na-recognize ko agad na lalaki ito. Mariin kong iminulat nang kaunti 'yong kanan mata ko para makita siya pero ipinikit ko rin ulit agad iyon para magpatuloy sa pagdarasal.

Just wait boy, I was praying yet. 'Wag mo 'kong istorbohin. Magbigay ka ng kaunting respeto at kaunting tiis para maghintay.

"Nagpapasalamat din po ako sa bagong araw na ibin-"

"Miss, did you hear me?" malamig niyang tanong ngunit halatang naiinis na siya.

"Humihingi rin po ako ng gabay para sa amin magkakaibigan mamaya. Salamat po muli, amen." Iminulat ko na 'yong mga mata ko at sinamaan siya ng tingin. Gosh, hindi tuloy naging maayos ang pagdarasal ko.

"Hey? I'm waiting, nangangalay ako," reklamo niya habang hawak-hawak 'yong tray na may pagkain. Agad din nawala 'yong pagkasama ng mukha ko dahil bigla akong napatitig sa hitsura niya, ngayon ko lang napansin na guwapo pala si Kuya kaso mukhang masungit naman. Gosh, wala rin. Binawi ko ulit ang mukha ko at tinaasan siya ng isang kilay.

"Mayroon kang mata?" mataray kong tanong sa kanya.

"Obviously," simple niyang sagot at dahan-dahang umupo sa upuan na nasa harapan ko. Kapal talaga ng mukha nitong Mokong na 'to, hindi pa ako um-oo pero umupo na agad siya. Bastusan lang?

"'Yon naman pala. So, hindi ka aware na nag-pe-pray ako kanina? You haven't notice it even somehow?"

"Nope," tipid niyang sagot.

Nagsimula na siyang kumain at hindi na ako pinansin pa. Masyadong open-ended 'yong mga sagot niya sa akin. Bwiset.

"Antipatiko," I whispered, then I rolled my eyes at him. "But wait? Did I already allow you to sit there? Get out from that chair and find another one."

"Bakit? May nakaupo ba rito?"

"Oo."

"Boyfriend mo?"

"Oo."

"Then sorry, I'll go ahead." Tumayo na siya at lumipat ng ibang mauupuan. I sarcastic smiled at him and waved my hand. Gosh. Good.

-

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain, when he came back. Kumunot ang noo ko at deretso lang ang tingin ko sa kanya habang umuupo na ito sa upuan. Gosh. Nang-aasar ba siya?

"Ano? Ba't ka bumalik?" mataray kong tanong.

"Nasaan na ba 'yong boyfriend mo?" usisa niya.

"Traffic daw."

"Ah, traffic pa 'yong imaginary boyfriend mo? Naks."

"Mayroon talaga ako, ha!"

"Lokohin mo ako. Wala ka talagang boyfriend."

"Kulit mo! Umalis ka nga! Baka dumating na siya, makita ka pa, magkakagulo pa." Ang kulit nitong nilalang na ito.

"Okay. Seloso pala siya." Tumayo ulit siya at lumipat muli ng mauupuan. I just rolled my eyes at him as I continue to eat. Gosh, feeling close.

-

"You seems like you really alone. Aren't you?" Napapitlag ako nang bigla siyang sumulpot sa tabihan ko, kumunot ang noo ko at kinagat ang labi ko. Nandito na naman siya. Argh! Sakit na niya ba ang pagiging makulit?

Umupo siya sa upuan na nasa harapan ko and winked his left eye twice. "Hindi mo ba talaga ako tatantanan?" I annoyed ask.

"Titigil din ako, basta hayaan mo lang akong kumain dito."

"Fine!"

"Asaan na boyfriend mo?"

"Wala, niloloko kita para umalis ka lang. At puwede ba? Can you please shut your mouth? Ang daldal mo."

"Tsk. Ako pa madaldal? Ang taray mo naman. 'Di ka naman maganda," Binitiwan ko 'yong hawak kong kustara at tinidor dahil baka biglang magdilim ang paningin ko at itusok ko iyon sa esophagus niya. Namumuro na 'to ah, sinasagad niya talaga ako.

Mga kaibigan ko nga at magulang ko, never akong sinabihan ng hindi maganda tapos siya na kakakita pa lang sa akin ay pangit na agad. Argh, iba na talaga ang mga pananaw ng mga tao ngayon. Masyadong judgemental.

"Ang yabang mo!" sigaw ko sa kanya. "Alam mo, when I was a kid my parents told me that don't talk to strangers. You're a strager so please, don't talk to me."

Punyeta. Hindi ako sumama sa mga kaibigan ko para wala munang maingay, pero 'tong lalaking na 'to, ginugulo ako. Jusko. How could I stay in silent atmosphere even for just a moment?

"Tsk, But you're teenager now. Definitely, kailangan mo nang mag-encounter ng mga ibang tao," Sabat niya, sabagay may point siya but still kailangan ko pa rin ipaglaban 'yong sinabi ko para hindi magmukhang talo. Hindi ko alam na mapapasabak pala ako sa debate ngayon.

"But still a young. I am just a 16 years old and it still consider as a young. I'm not 18 yet."

Tumigil muna siya sa pagkain niya then, deresto siyang tumingin sa akin. Nanghina ang mga binti ko dahil sa titig niya. Ang guwapo.

"Pero may isip ka na. Look, naggagala ka na nga mag-isa, eh," sabat niya. Sandali akong napatulala sa mukha niya, lalo na sa nga mata niyang mapang-akit. "Mahina ka pala sa g'wapo, huh?" dagdag niya pa kaya natauhan ako. Bahagya siyang umiling-iling at bumalik sa pagkain.

"Ew, hell, no!" I get my softdrink and take a snniped on it.

"Kaya pala pinagnanasahan mo 'ko," pa-cool niyang saad at sumandal sa upuan niya.

Gulat akong tumingin sa kanya at sumabat. "Ako? Sigurado ka? Yuck!"

"Oo."

"How do you said so na pinagnanasahan kita?"

"Dahik d'yan sa napakamanyak mong mga matang hindi maalis ang tingin sa akin." Eh? Woah, emulous thoughts. Assuming.

"You're not my typical guy, okay? So please, don't assume anything. Hindi kita pinagnanasahan, Kuya. Wala kang karaparan para sabihan akong manyak!"

"Mas paniniwalaan ko 'yang mga mata mo kaysa sa bibig mo," Ang hangin niya. Lumalaki agad ang ulo.

"Alam mo, kuyang mayabang na pa-cool, let say that you having a perfect face pero kung ganyan ang ugali mo, hindi pa rin ma-de-define na gwapo ka."

"Defensive," sambit niya. "Perfect face pala, huh?"

"Arogante," Inirapan ko siya at hindi na pinansin pa, ngunit siya'y ayaw talagang magpaawat.

"You know what? Ang cute mo 'pag nagagalit," he chuckled. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili dahil alam kong may kasunod pa iyan. "Cute na nakakasuklam-suklam," Gosh.

I'm seems like a bomb that anytime can exploded. Gusto kong makasapak ng tao ngayon din at siya ang uunahin ko kapag hindi pa siya titigil.

Tumingin ako sa relo ko. "It's been 11 minutes and 36 seconds pa lang tayo na nagkikiita pero 'yong pagiging feeling close mo ay sobra-sobra na. Tumigil ka na! Please?" I pleaded.

"Chill. Sige, titigil na ako, sabi mo, eh," sabi niya at nagsuot ng ear phone.

"'Yan. Mabuti."

Nagsimula na ulit akong kumain. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, dapat pala sumama na lang ako sa mga kaibigan ko kaysa aksayin ko ang oras ko para makipagbangayan sa lalaking kasama ko ngayon.

-

Tiningnan ko sa wristwatch ko kung anong oras na, 10:35 AM pa lang naman kaya napagdesisyonan ko na lang na kunin 'yong book ni shadowboythatyoulove para magbasa muna. Ang tagal naman umandar ng oras, kating-kati na ako para makita siya.

Habang nagbabasa ako ay hindi ko maiwasang ma-distract sa kaharap kong lalaki ngayon, para kasing nakatitig siya sa akin. Swear.

"Stop staring at me!" suway ko sa kanya.

"'Di naman kita tinititigan. 'Yan librong binabasa mo ang tinititigan ko," Wrong move, Jamilla. "Alam mo, it was a nice story, very a nice story," Agad akong tumingin sa kanya nang sabihin niya iyon. Ngumiti pa ito na parang may naalala kaso sandali pa'y nawala rin agad 'yong ngiti niya.

"Yet, nakakaiyak. Kasi 'yong bidang babae na si Angel ay-" This time, I cut him off. Spoiler alert and that will ruin my imagination.

"'Wag! Don't you dare even tell me any scenes that you have already read from this book. Huwag kang spoiler," 'Pag kinuwento niya iyon, e di wala ng ka-excitement pa 'yon para sa akin. Nakakabwiset talaga siya.

Napatingin ako sa plato niya na wala nang laman. Ibig sabihin, tapos na siyang kumain. Bakit ayaw niya pang umalis at iwan ako rito? "Hindi ka pa ba aalis? Tapos ka na kumain, ah."

"Sorry, maya-maya ako aalis dahil maaga pa lang naman. Mamaya pa namang 12 noon 'yong booksigning ko." He emphasize the word 'booksigning'. Gulat akong napatingin sa kanya. Dalawang beses niya pang itinaas 'yong magkabila niyang kilay at ningitian ako nang malapad.

I know that I heard it right. He had said that he has a booksigning today daw? And it will start at 12 noon. Isa lang ang ibig sabihin no'n.

"Oh My Gosh."

Próximo capítulo