webnovel

CHAPTER 5:

CHAPTER 5:

Tulad nang sinabi ni Cooper ay nandito kami sa mall para bumili ng damit para sa akin at para narin makapag-bonding kaming dalawa. This is not a date for me. Nasa likod lang niya ako habang pinagmamasdan siyang pagtinginan ng mga babaeng madadaanan namin. Simple lang ang kanyang suot at ayos ngunit kung pagtinginan siya ng mga babae ay parang nakakita ito ng artista. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil hindi maitatangging magandang lalaki si Cooper at ang lalaki namang ito kung makangiti abot langit. Halatang nagpapa-cute sa mga babaeng mahaharot. Naiinis akong makita na nage-enjoy siya sa mga babaeng nakatingin at kumakaway sa kanya, parang walang ako na nakasunod sa kanya. That monkey! Malandi talaga.

Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa Benj' wear. Pag-aari ni Benjamin ang shop na iyon, isang sikat na fashion designer at kaibigan ko kunno. Hindi ko pinansin si Cooper habang namimili kami pareho ng mga damit namin. Kapag tatanungin niya ako kung anong bagay sa kanya ay tanging pagtango lang ang aking ginagawa. Lahat naman ng piliin niya ay bumabagay sa kanya. Hindi na kailangan pang itanong.

Abala ako sa pamimili ng damit ko nang masulyapan ko siyang nakikipag-usap sa sales lady, may pahampas pa ang babae sa kanyang braso at ang lalaking ito tuwang-tuwa naman. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng inis habang pinapanuod sila, hindi naman ako ganito. Hindi ako ito.

"Babe!" Bumalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Cooper. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas ng kilay ng saleslady nang tawagin ako ng lalaking kausap niya. Inerapan ko lang siya.

"Girlfriend mo?" takhang tanong ng saleslady habang sinusuyod ako nang tingin. Nakangiting lumapit sa akin si Cooper at hinawakan ang kamay ko. Ayun na naman ang mabilis na pagtibok ng aking puso, parang nakikipag-unahan sa tumatakbong kabayo. Sucks.

"Yes, she's my girl." Chin up, he answered.

"I thought you are..." humina ang boses nito, "... just friend." Puno nang pagkadismaya ang boses niya.

Nagkibit balikat na lang si Cooper bago ako hilain patungong cashier. May mga babae paring nakatingin sa kanya ng may paghanga ngunit kapag nakikita na nila ang kamay ko na hawak ni Cooper ay nagbabago ang ekspresyon ng mukha nila. They even rolled their eyes on me. Bitches.

"Babe, gusto mong manuod ng sine?" tanong nito nang nakangiti, hindi parin inaalis ang kamay niya sa akin.

Tinignan ko lang siya nang masama. "Don't call me, babe and get off your hands on me," inis kong singhal sa kanya. Naiinis ako.

"Kapag ginawa ko iyon, baka pagkaguluhan nila ako," nakanguso niyang litanya.

Pinagmasdan ko ang paligid at marami ngang mata na nakamasid sa kanya. Para tuloy siyang artista na pinagkakaguluhan dito sa mall. Inerapan ko na lang siya at hindi pinansin ang mga nakapaligid sa amin.

"E, ano? Huwag mo nga akong idamay. Kung nakamamatay lang ang tingin ng mga iyan, siguradong pinaglalamayan na ako ngayon." Nag-crossed arm ako nang bitawan niya ang kamay ko. Magsasalita pa sana siya ngunit naunahan ng cashier.

"Thirty thousand po lahat," magalang ngunit kinikilig na wika ng babae nang matapos itong mag-punch. Napakunot ang noo ko ngunit agad din iyong nawala nang tignan ako ni Cooper. Ayaw kong ipakita sa kanya ang reaction ko. Halos himatayin ang babae nang iabot ni Cooper sa kanya ang pera at sumaggi ang dulo ng daliri nito sa palad niya. Napakagat-labi pa at parang nang-aakit.

"Babe, let's go." Nakita ko ang pagkunot ng noo nang babae nang marinig niyang tawagin akong babe ni Cooper, sinamaan pa niya ako nang tingin. Bitch. Muntik na akong mamatay sa titig ng mga babae rito.

Tumungo muna kami sa parking lot para ilagay sa kotse niya ang mga pinamili namin. Kung bakit naman kasi nauna pa ang pamimili kaysa panunuod ng sine?

Panay lang kami pagtatalo kung ano ang panunuurin naming dalawa ngunit sa huli ay nagkasundo kami ng makita namin ang horror movie na nakapaskil. Since, we're both fans of horror. Ako ang pumila para bumili ng ticket at siya naman ang bumili ng popcorn at soda.

Nang makabili ako ng ticket ay agad na hinanap ng mga mata ko si Cooper. Agad ko naman siyang nakita na nakatayo habang bumibili ng popcorn subalit gano'n na lang ang pagkunot ng noo ko nang makita kong may kausap siyang babae. He even laughed with her, nakalimutan na nga yata niyang kasama niya ako at manunuod kami ng sine. Masyado niyang na-enjoy ang pakikipag-usap sa babaeng iyon. Nakakainis na unggoy ito. Mag-aayang manuod ng sine pero makikipaglandian lang pala.

Wala sa sariling lumapit ako sa kanila at hinila si Cooper papalayo sa babae. Wala akong pakaelam kung nag-uusap silang dalawa at may tumitingin sa amin, naiinis ako. Naiinis ako sa hindi ko malamang dahilan. Damn! Bakit hindi ko mapigilan?

'Para kang teenager, Max. Malamang nagseselos ka, nagseselos ka dahil may gusto ka kay Cooper.' Napailing na lang ako sa sariling naisip. Nagseselos nga ba ako? Bakit naman?

Tahimik kaming naghanap ng mauupuan, walang umimik sa aming dalawa hanggang sa makaupo kami. Akala ko ay hindi na namin pa pag-uusapan ang nangyari kanina ngunit narinig ko ang mahina niyang pagtawa dahilan para lingunin ko siya. He's grinning like an idiot.

"What?" My eyebrows arch in irritation. Do'n ko lang rin na-realize na hindi ko pa binibitawan ang kanyang kamay. Pabato ko iyong binitawan, lalo lang siyang natawa.

"My babe is jealous." He laughed.

"Shut up!" I hissed.

"Are you jealous, aren't you?"

"Shut the fu---"

"I love you."

I stopped. Time stopped. I suddenly stopped from breathing, my heart beat so fast. I heard nothing and saw nothing, just him and his word. Did I heard it right? He said the three word and eight letters that makes everyone hearts pump this fast? That makes my heart pump that fast?

"Tsh. Para kang teenager, Cooper," hirap man ay pinilit kong magsalita ng normal. Pasalamat na lang ako dahil hindi ako nabulol. "So, cheesy."

"Kailan ko ulit maririnig ang tawa mo?" malungkot na aniya, hindi pinagtuunan nang pansin ang sinabi ko. "Hindi naman gano'n kalaki ang naging pagbabago mo, you're still my bestfriend back then. Ikaw parin yung babaeng marunong mag-alala para sa tao, ikaw parin yung Maxcien na nakilala ko. Konti lang naman ang pinagbago mo at isa na do'n yung mga ngiti mo. You maybe call yourself a demon dahil sa akala mo wala kang pakaelam sa tao but I know and I can see that you're not really a demon. Lumalabas lang naman ang bitchy side mo kapag nagtatalo kayo nang tatay mo," litanya pa niya.

Hindi ako nakapagsalita, tila napipi sa kanyang sinabi. Tama nga siguro siya, tama siya sa sinabi niyang lumalabas lang ang bitchy side ko kapag nakakaharap ko ang aking ama.

Pinagmasdan ko lang siya habang nagsasalita, madilim ang paligid ngunit kitang-kita ko ang kislap ng kanyang mga mata habang nagsasalita. Kumukurba ang kanyang mapulang labi sa bawat pagbitiw ng salita. Naramdaman ko ang sinsiredad sa tono nang pananalita niya. Para bang iyon na ang pinakamagandang salita para sa akin.

"Babe..." hinawakan niya ang aking kamay at nilaro iyon. "I wish I can see your smile again. You have a good heart and nothing can change that."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Binawi ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya at tinuon ko ang aking sarili sa panunuod ng sine.

Kahit nasa movie ang atensyon ko ay hindi ko maiwasang silipin si Cooper na seryoso ring nanunuod ng movie. Tulad ko ay walang bakas nang pagkatakot sa kanyang mukha. Kahit na nagtitilian na ang ibang tao ay wala parin kaming ginagawa. It's just like nothing for us.

Hanggang sa matapos ang movie ay wala na akong kibo, ganito na naman ako simula pa no'n ngunit iba ang pakiramdam nang pagiging tahimik ko ngayon. Gusto kong manapak dahil sa inis. Hindi ko naman mahanap ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

Pinagmasdan ko lang siyang naglalakad habang ako ay nasa likod niya lang. Tila bumalik sa akin ang mga sinabi niya, paulit-ulit kong naririnig iyon sa aking utak at hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya.

Did I really like him for who he is or I just like him because of his kindness? I don't know.

Unti-unti ay naguluhan ako sa aking nararamdaman. Mabait si Cooper sa akin at hindi ako pinababayaan, hindi ko maitatangging madali lang siyang mahalin. Siya lang ang hindi nang-iwan sa akin sa dami nang tao. Ngunit, gusto ko nga ba siya dahil gusto ko siya o dahil lang sa mga nagawa niya para sa akin?

Bakit ako nagseselos?

Dahil nga ba sa gusto ko siya o dahil nasanay ako na nasa akin lang ang atensyon niya? Naguguluhan na ako. Bakit ko ba kasi nararamdaman ito? Marami narin naman siyang nakausap na babae rati at sa harap ko pa pero hindi naman ako nakaramdam nang ganito. Ngayon lang. Hindi ko dapat nararamdaman ang ganito. Pakiramdam ko ay mali. Nalilito na ako.

"Babe, kanina kapa tahimik, what happened?" nag-aalalang tanong ni Cooper ng makasakay kami sa kotse. Siya narin ang nagsuot sa akin ng seatbelt.

"Matagal na akong tahimik, Cooper," walang gana ko lang na sagot. Sumandal ako sa windshield nang masiguro kong nakasara na iyon ng ayos. Pinikit ko ang aking mga mata. Pagod ang buong katawan ko at halos gusto ko nang ipikit ang aking mga mata.

"I know. Pero iba kasi ang pagkatahimik mo ngayon. Panay buntong-hininga ka pa. What happened? Magtatago kapa ba sa akin?"

'Wala nga pala akong maitatago sa kanya, he knew me very well.'

Napamulat ako at napatingin sa kanya. "Cooper..." mahina kong pagtawag sa pangalan niya dahilan para mapatingin siya sa akin.

"Hmmm..."

"Sa Miller Restaurant tayo," walang gana kong saad bago muling pinikit ang aking mga mata.

Gustuhin ko mang magtanong sa kanya ay hindi ko magawa. Natatakot akong malaman ang mga posibleng bagay na isasagot niya sa itatanong ko. Kailan pa ako nakaramdam nang takot? Ngayon lang siguro.

Tama nga si Cooper. Hindi pa ako gano'n kasama dahil nakakaramdam pa ako nang takot. Nakaramdam ako nang takot dahil sa kanya. But, is this enough reason to called myself a good person? I bet no. No. Not ever.

Hindi na nagsalita si Cooper. Pinaandar na lang niya ang kotse at hinayaan akong magpahinga, kailangan ko rin nito. Kailangan ng pahinga ng utak ko. Masyado nang magulo ito at lalo lang siguro itong gugulobsa mga susunod pa.

"Maxcien!"

Iminulat ko ang aking mata nang maramdaman ko ang pagyugyog sa aking balikat at marinig ang malambing na boses ni Cooper. Masarap pakinggan ang pangalan ko kapag siya ang bumabanggit. Shit! Ano na naman ba ang iniisip ko? This can't be for me.

"You're that tired?" nag-aalalang tanong ni Cooper. Nakatingin lang siya sa aking mata at hinahaplos ang aking braso.

"Sort of," inaantok kong sagot. Tumingin ako sa labas ng bintana at natanawan ako ang Miller Restaurant. Hindi ko man lang namalayan na naka-idlip ako sa gitna nang biyahe. Gano'n ba talaga ako kapagod?

Bumaba na si Cooper sa kotse at pinagbuksan ako. Hawak niya ang kamay at inalalayan ako sa pagpasok namin sa Restaurant. Sinuyod ko nang paningin ang buong restaurant at hinanap si Yuesha, isa sa mga kaibigan ko kunno. Ngunit hindi ko siya mamataan. Siguro ay kasama niya ang kan'yang fiancee.

Napansin kong may mga kababaihan na tumingin sa gawi namin, karamihan ay teenager. I gritted as I saw a glimpse of desire im their eyes. Psh. Ang sarap tusukin ng mga mata.

Dumiretso na lang kami sa second floor kung saan ko nakita si Yuesha na nag-aayos ng lamesa. She looks stunning in her simple dress, maganda naman talaga si Yuesha kahit hindi mag-ayos. Kasama niya ang kanyang fiancee na katulong niya sa pag-aayos ng lamesa. They look perfect together. Bagay na bagay talaga sila.

May ngiti sa labi ni Yuesha habang kausap si Luke, ang fiancee niya. Next year pa ang kasal nilang dalawa subalit makikitaan nang excitement sa mga mata nila. Ofcourse, papakasalan nila ang dalawa matapos ang ilang taong pagiging magkasintahan. Marami narin silang pinagdaanan at muntik pa silang hindi magkatuluyan. Masarap nga naman sa pakiramdam na yung taong mahal mo at pinaglaban ang ihaharap mo sa altar. They're lucky to have each other.

"Max!" Yuesha yelled as she looked at me. I just rolled my eyes. "Psh. Ang sungit mo talaga kahit kailan," reklamo nito at ngumuso pa.

"I'm hungry." Umupo ako sa upuan kung saan sila nag-aayos kanina lang. Sumunod naman sa akin si Cooper na umupo sa tapat ko.

"Kanina ka pa masungit," pagpuna ni Cooper ngunit hindi ko siya pinansin, kahit tignan man lang ay hindi ko ginawa. Naka-crossed arm lang ako. "Is there something wrong? You can tell me, Max." May pag-aalala sa boses niya pero nanatili akong tahimik.

Hanggang sa dumating ang pagkain na si Yuesha at Luke mismo ang naghanda ay wala akong kibo. Hindi narin nag-usisa pa si Luke at hinila si Yuesha nang magtangka pa itong magsalita.

Naiwan kaming dalawa ni Cooper, tahimik at walang imik habang kumakain. Alam kong marami siyang gustong itanong sa akin subalit hindi niya magawa dahil narin siguro sa sobrang tahimik ko. Kilala narin niya ako kaya naman alam niya kung kailan dapat tumahimik.

"Cooper..." mahinang tawag ko sa kan'yang pangalan.

"Hmmm."

"Are you seeing someone else? I mean, may babae ka na bang balak ligawan?" Curiosity filled in me.

Huminga ito nang malalim at ngumiti nang malapad na para bang iyon na ang pinakamagandang tanong na narinig niya mula sa akin. Samantalang ako ay unti-unting naiinis dahil sa pagngiti niya. Bakit pa ba kasi ako nagtanong?

"You're curious now, huh?"

"I'm just asking, you monkey!" Umayos ako nang upo at nakataas ang kilay na humarap sa kanya. "Nagtataka lang ako, you're turning twenty eight but still don't have a girlfriend." Yes, he's turning twenty eight.

"I'm waiting for someone to like me..." He paused. "... to like me just more than friends."

Próximo capítulo