Chapter 45: Repercussion
Lara's Point of View
Nakarating na ako sa Atrium gaya ng lokasyon na nabasa ko sa message. Walang katao-tao rito at napakatahimik ng paligid. Ang mga school guard na dapat ay gising na nagbabantay sa entrance gate ay pare-parehong mga tulog.
Nakapasok lang ako rito sa skwelahan sa pamamagitan ng pag-akyat bakod.
Rinig na rinig ang mga yabag ng aking mga paa na umaalingawngaw sa buong paligid. Pati ang pagbangga ng mga dahon sa puno na nasa labas ay aking naririnig.
Huminto ako sa gitna ng bilog na modern pottery floor habang hindi inaalis ang tingin sa paligid. Pasimple akong naglabas ng hangin sa ilong bago walang emosyon na pumaharap ng tingin nang makita ko sa kanang bahagi ang paparating na tao, tingin ko ito 'yung nag message sa cellphone ni Haley.
"Napaaga ang dating mo, Miss Rouge." Panimula ng babaeng may katandaan at katangkara habang naglalakad papalapit sa akin na mayro'ng ngiti sa kanyang labi. "Nadala mo ba 'yung mga school files mo na kakailanganin ng office?" Tanong niya nang makahinto siya sa aking gilid.
Humarap ako sa taong ito at tumango. "Yes, I did," Pinaharap ko ang bag ko para kunin ang laman.
Binuksan ang zipper ng bag at ipinasok ang kamay roon. Ramdam na ng aking kamay ang lamig ng bakal at ang bigat nito-- ang baril na malapit ko nang mailabas. Handa ng itutok nang manlaki ang mata niya't umiwas sa mabilis kong pagputok ng baril.
Lumabas ang sampung katao at pumabilog sa akin. Inalis na nung taong kumausap sa akin ang kanyang fake literal face mask niya gayun din ang kanyang wig na hindi aabot sa beywang. "Tch! How did you know?!"
"Guts?" Pagmamaang-maangan kong sagot at umismid. "No, walang professor under Psychology Management sa E.U ang magpapapunta sa estudyante ng weekend lalong lalo na ang mag submit ng school documents niya dahil may original copy na ang skwelahan na 'to." Wika ko kasabay ang aking pagkalas sa baril.
"Stupid." Pagkasabi ko no'n ay itinapon ko sa kanang bahagi ang bag na dala-dala ko na malakas ding tinabig nung taong pinagtapunan ko no'n saka nila ako sinugod nang sabay-sabay.
Inilagan ko ang kamaong papunta sa akin at mabilis na ipinukpok sa kanyang noo ang dulo ng aking baril, kasunod naman no'n ang pag-atake sa akin ng kutsilyo na iniwasan ko rin. Umikot ako't malakas na kinarate ang kanyang batok dahilan para mawalan kaagad ito nang malay.
"Son of a b*tch!" Nanggagalaiti na sigaw nung naka-maskarang lalaki at ipupukpok sana ang dalang baseball bat sa aking ulo noong gumawa ako ng buwelo upang sipain ang hawak niya dahilan para tumalsik ang dala-dala niyang bat.
Pagkatapos nag bend ako nang kaunti para masipa ang kanyang binti na nagpabagsak kaagad sa kanya. Tumama ang ulo niya sa simento kaya hindi siya nakagalaw 'agad.
Ginamitan ko naman ang Axe kick 'yong isa matapos niyang hindi makatama ng iilang suntok sa akin. Sa sobrang lakas ng pagkakatama ng dulo ng aking paanan sa tuktok ng kanyang ulo ay hindi na rin nito nagawang makagalaw at nakadapa na lamang sa malamig na simento.
Hinipan ko ang buhok na humarang sa aking mukha. Ang iilan na natitira, sa halip na sumugod ay makikita mo na rito na nag-aalanganin na silang lumapit sa akin at napapaatras na lamang.
Muli kong inangat ang baril na kanina ko pa hawak para itutok sa lalaki na mukhang lider sa grupong ito. Siya 'yong taong nag message sa phone ni Haley. May ideya ako kung saan niya pwedeng kunin 'yung mobile number, hindi lang naman ang organisasyon namin ang kumukuha ng mga impormasyon, pati rin sila.
Pero mukhang hindi sila tulad ng hacker ng W.S.O. na madaling maka-access sa data na gusto nilang nakawin.
"Do you really think you can kill me?" Walang emosyon kong tanong dahilan para magsalubong ang kilay nila.
"Masyado na yatang lumaki 'yong ulo mo?" Sambit ng isa sa kanila at itinungo nang kaunti ang ulo na may ngisi sa labi. "Hindi rin magtatagal, makukuha mo ang dapat mong makuha."
Taas-noo ko silang tiningnan. "Bago mangyari 'yan," Bumaba na ang ulo ko para bigyan sila ng nakamamatay na tingin. "Isa-isa ko kayong papatayin lahat."
Wala ng senyas senyas at umarangkada na ako sa pag-atake.
Mga napanganga sila't namilog ang mata noong biglang bumilis ang galaw ko na pati paglapit ng kamao ko sa kanilang mukha ay hindi na nasusundan ng kanilang mga mata.
"ARGH!" Sunod-sunod na sigaw ng mga ito pagkabagsak nila.
Hindi ko planong dumihan ang skwelahan na ito pero kung kinakailangan kong pumatay rito, gagawin ko,
…at isa lang ang aking ititira.
Isa-isa kong pinutok ang baril sa mga taong nakahilata sa sahig habang iniilagan ko ang tira ng lalaking na sa aking harapan.
"DAVID!!" Malakas na tinis ng sigaw ang aking narinig mula sa umaatake sa akin ngayon matapos kong tapusin ang buhay ng tinatawag niyang David.
Kaya sa kanya ko naman sinunod ang puting bala na saktong tumama sa kanyang noo.
Maririnig ang pag-untog ng ulo niya sa sahig noong bumagsak ang lalaking iyon subalit hindi ko na napansin ang isa pang tauhan na nagsaboy ng kung anong usok sa mukha ko, nakalanghap ako nang kaunti kaya laking hakbang ang pag-atras ko para lang makalayo sa usok na iyon.
Takip-takip ang aking ilong at bibig habang masamang nakatingin sa dalawa pangn natitira. "I'll kill you." Babala ko na nginisihan nila.
Hinulog ko ang magazine ng baril ko't pinalitan ng bagong bala.
Muli kong inangat iyon upang itutok sa kanila. Pipindutin ko na sana ang gatilyo nang mapahinto ako noong makita ko ang pamilyar na babae sa hindi kalayuan.
"Sh*t. Why the f*ck are you here, Haley?! Don't you know how dangerous--" Lalapit pa lang ako kay Haley nang magulat ako sa pagtutok niya ng baril sa akin. Bago pa man tumama ang bala na kanyang ipinutok, patalon akong umilag.
Lumingon ako sa bala na tumama sa sahig na nasa aking likuran bago ko ibinalik kay Haley. "Why?"
Mas itinutok niya ang pistol gun sa akin. "Don't. Move."
Udyok niya na nagpatigil nga sa akin. "Ngh."
Humalakhak ang lalaking tumatayong lider at pumunta sa tabi ni Haley. "At this young age, who would've thought everything will be ruined just because I made a bit mistake?" Wika niya't humagikhik na hindi ko lamang inimikan.
Tiningnan ko lamang si Haley na walang buhay na nakatingin sa akin habang tutok tutok ang hawak na baril sa akin. Just what's going on?
"I thought you were doing this for my sake." Panimula ni Haley. "But you're selfishly doing this for your own good."
Kumunot-noo ako. "What are you talking about?" Takang-taka kong tugon.
"You joined the organization without knowing how risky it would be, you're putting us into danger." Naningkit ang mata ni Haley pagkatapos, samantalang mas nagtaka ako sa mga sinasabi niya.
"Totoo na ganito ang mangyayari kapag pumasok ako sa organisasyon. Pero kaya ko nga 'to ginagawang mag-sa dahil responsibilidad ko--"
"Namatay ka na lang sana kaysa nilagay mo pa ako sa ganitong sitwasyon." Walang buhay na sabi ni Haley na nagpasinghap sa akin.
"WHAT ARE YOU DOING?!" Isang familiar at malakas na tinis ng boses ang aking narinig sa kaliwang bahagi na siyang ikinaligon ko. Subalit ang sunod na nangyari ay may tumulak sa akin upang mailagan 'yong baril na tatama sa aking dibdib. "Ngh! What--" May malakas na sampal akong naramdaman sa aking pisngi. Sa ilang sandali, nanilim ang paningin ko pero nagawa ko ring tingnan 'yung gumawa niyon sa akin.
"STUPID! Why the hell are you spacing out?! You almost died!"
Namilog ang mata ko pagkakita ko pa lang sa galit pero nag-aalala ng taong nakapatong sa akin ngayon. Nakasuot siya ng pulang cap, at naka face mask din pero malalaman mo pa lang sa mata niya kung sino ito. "Haley…" Tawag ko sa pangalan niya.
"Son of a b*tch!" Nanggagalaiti na sabi ng lalaking tumatayong lider at pumitik sa ere na siyang nagsunod-sunod sa pagsulpot ng isa pang sampung katao.
Tinulungan ako ni Haley na makatayo habang hindi inaalis ang tingin sa mga taong sumulpot.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ko.
"Kailangan mo pa bang itanong 'yan sa akin ngayon?" Nainis na tanong ni Haley. Pumaabante ako para ilagay siya sa likod.
"Whatever your reason, you should run." Hinarang ko ang kanan kong kamay upang protektahan si Haley.
"Run?" Ulit ni Haley at umismid. "After you almost got shot? You run, stupid Laraley." At nagulat na lang ako noong sumugod na lang siya bigla gayun din ang dalawang lalaki.
"Hal-- Tsk! F*ck." Sumunod na lamang ako kay Haley para banatan ang mga taong naririto.
Nagsunod-sunod sila ng pag-atake na mabilis ko ring pinatumba
Pasimple kong pinindot ang signal ng aking communication device para masagap at tumunog iyon sa device ni Roxas, senyales na kailangan ko siya rito. Malalaman niya kaagad ang lokasyon kung nasaan ako dahil mayroon ding tracking device ang gadget na 'yon.
Inihagis ko ang isang lalaki sa dalawa pa niyang kasama na papunta sa akin, ngunit inilagan lamang nila ito kasabay ang pagkuha nila sa mahaba nila patalim.
Ini-swing nila ang mga armas nila sa akin, umikot ako't sinipa ang sikmura ng isang lalaki habang gumamit naman ako ng Bare-Handed Blade Block sa isa pang tauhan nang mai-swing ang kanyang pahabang patalim.
"Mamatay ka na, Vivien Villafuerte!--" Malakas kong dinala sa kanang bahagi ang patalim para hindi ako mahati ng matulis nitong espada, pagkatapos ay hinawakan ko ang magkabilaan niyang pisngi. Bumwelo ako't iniuntog ang noo sa kanyang noo.
Maririnig ang malakas na pag crack ng bungo niya saka siya bumagsak sa sahig.
Nilingon ko si Haley na kasalukuyang naitulak sa pader. Sinasakal na siya nito kaya kinuha ko ang patalim na gamit ng isa sa natumba kanina at tumakbo palapit kung nasa'n si Haley.
Panay sugod pa rin 'yung mga tauhan ng B.R.O na pinabagsak ko rin isa-isa. Nararamdaman ko na paunti-unti ang pagod na hindi ko kadalasan maramdaman.
Dahil ba sa may ibang tao pa akong iniisip?
Huminto ako bago ko hinagis ang patalim sa mismong likurang ulo ng taong sumasakal kay Haley kaya nabitawan na niya ang kapatid ko. Nakapikit si Haley kaya hindi niya direktang nakita ang pagpatay na ginawa ko sa taong sumakal sa kanya.
Napaupo si Haley sa sahig at panay ang ubo, at noong maimulat niya ang kanyang mga mata. Nagulantang siya sa bangkay na nasa harapan niya.
Nakalapit na ako sa kanya at hinawakan ang braso niya para itayo siya kahit mukhang naghahabol pa siya ng hininga. "Get OUT of here." Diin kong udyok.
Nararamdaman ko ang kaunti niyang pagnginig habang nakatingin sa paligid. Mukhang ngayon lang niya napansin na marami ng katawan ang walang buhay. "No--"
"Would it kill you to listen to me once in awhile?!" Singhal ko kaya napaurong ang ulo niya. Pero hindi iyon ang naging dahilan para hindi magsalubong ang kilay niya.
"What? T-That's not it, Lara--"
"I'm your big sister. But you never listen to anything I tell you!"
"If I LISTEN to you, would it change anything?! If you die, I'll die!" Ako naman ang napaurong sa sinabi ni Haley. "You know that, don't you?" Dagdag sabi niya saka tumayo ang tatlo na hindi pa pala nakakatulog.
Sumulyap ako sa lalaking tumatayo nilang lider na nakasandal sa pader at parang nakakatulog na dahil papikit-pikit na ito. Ibinalik ko ang tingin sa tatlo, naglabas sila ng isang Dagger, Tekko-Kagi at Kusarigama.
"Sino nagpadala sa inyo rito?" Seryoso't pero malumanay kong tanong.
Pumusisyon sila. "Wala kaming dahilan para sabihin 'yan sa 'yo, Vivien Villafuerte!" Tawag nito sa pangalawa't buo kong pangalan pagkatapos ay may kinuha pa sila sa mga bulsa nila. Isang injection iyon na itinurok nila sa kanilang mga leeg na nagpaawang-bibig sa akin lalo pa noong marinig namin 'yung mga buto nilang tumunog habang ini-stretch nila ang mga leeg nila. What was… that?
Dinilaan naman ng gitnang lalaki ang upper lip niya samantalang 'yung na sa kanan ay pinaikot-ikot sa kamay ang hawak na Dagger.
Noong kumurap ako ay laking gulat ko na lamang ng kumaripas ng takbo 'yung gitnang lalaki para puntahan kung nasaan si Haley.
Na sa harapan na ni Haley ang lalaking iyon at marahas na inalis ang suot suot na mask ni Haley kaya ngayon ay nakikita ang kabuohan ng mukha ng kapatid ko.
Lumapad ang ngisi ng taong ito. "A twin? I got yo--" Bago pa man niya matapos ang sasabihin niya, ipinutok ko na ang kaisa-isang bala ng aking baril sa kanyang noo na siyang nagpatalsik ng dugo sa mukha ko.
Nakita ko sa peripheral eye view ang panlalaki ng mata ni Haley dahil sa harap-harapan niyang nakita ang aking pagpatay. 'Tapos ay sumuka na lang siya pagkatapos.
Humarap naman ako sa dalawa at malamig silang tiningnan. Hinagis ko ang walang balang baril at humakbang tatlo bago huminto.
Mukha na silang nasisiraan ng ulo, epekto yata iyon ng itinurok nila sa kanilang mga leeg.
Tungo lang akong nakapikit. Huminga nang malalim bago marahan na tumingala para pantayan sila ng tingin. "Tapusin na natin 'to."
***
INILABAS NA ng taga W.S.O ang mga lalaking nasa sahig habang 'yung iba naman ay nililinis 'yong mga dugong nakakalat. 'Yung isa naman naming hacker ay nandoon sa CCTV room para I-remove lahat ng mga data sa nangyari ngayong araw.
Dumating si Roxas kasama ang mga tao sa W.S.O na naka-assign sa nasabing area, dumiretsyo sila rito dahil nandito raw 'yong taong hinahanap nila na nagsimula ng illegal business sa lugar na pinuntahan nila kanina.
Iyon 'yung taong nag message sa cellphone ni Haley-- ang tumatayong lider ng grupo na umatake sa 'min ngayon.
Inayos ko ang suot-suot na face mask ni Haley para hindi siya makita ng mga kasamahan ko. Hindi nila pwedeng makita 'yung kapatid ko, ayoko ng dumagdag 'yung sakit ng ulo niya. Hindi rin ako pwedeng magtiwala kanila.
Nakaupo lang din si Haley rito sa pahabang bench at nakatulog sa sobrang pagod.
Mamaya, iuuwi ko siya sa bahay. Hindi ko na siya pwedeng dalhin sa W.S.O Basement.
Tiningnan ko ang paligid. Wala naman masyadong nasira kaya wala akong ipag-aalala.
Inilipat ko naman ang tingin sa isang bangkay na gumamit at tumurok kanina ng kung anong drugs sa kanyang leeg. Kailangan kong ipa-imbestiga mamaya 'yon sa laboratory. Lalong lalo na 'yung isinaboy ng isa sa kanila sa mukha ko.
"Why the hell are you spacing out?!" Naalala kong singhal ni Haley kanina. Those bastards, what drugs did they used to hallucinate me?
"Miss Vivien." Nilingon ko ang tumawag sa akin saka tiningnan ang hawak niya, "20 people had been killed in the said area. Any children may be their next victim if this continuous. What are we going to do?" Kinuha ko ang folder na hawak niya para tingnan ang nakapaloob na litrato.
Iniisa isa ko 'yon, at halos manggigil ako sa paghawak dahil hindi lang sila basta't basta namatay ng isang saksak o tama ng baril.
May iba rito na tinaga-taga ng ilang beses ang ulo, tinanggalan ng dila't ari ng mga lalaki, at may iba dito na tinanggalan pa ng lamang loob para siguro pagkitaan at ibenta sa ibang bansa.
Black Rock Organization, tinatawag sila sa "Hostis Generis HUMANI", they are the enemy of mankind. Demon-- Anti-Christ or anything na pwede mong maitatawag sa kanila.
Kaya mayro'ng White Stone Organization na namumuhay sa kabila ng normal na mundong ito.
Subalit, masasabi ko bang kabutihan din itong ginagawa ng sikretong organisasyon kung nasa'n ako?
Ibinigay ko pabalik 'yung folder sa lalaking na sa harapan ko at nilingon ang natutulog kong kapatid.
Mapunta man ako sa impyerno kapag dumating ang araw na mamatay ako. Sisiguraduhin kong walang pwedeng gumalaw sa pamilya ko.
"Ihanda n'yo iyong kakailanganin. Aatake tayo mamayang madaling araw."
*****
Hello. I'm sorry for the slow update.
Kasi to be honest, my passion of writing is kind'a burning out.
Nawawalan na ako ng ideas for I don't know what reason. Kaya I tried na mag rest, at medyo matagal tagal na rin itong one week kaya kahit papaano naka-recharge ako.
I will try to post an update twice or thrice a week.
Thank you for your understanding.