webnovel

Who Are You?

 Chapter 21: Who Are You?

Jasper's Point of View 

Mahimbing akong natutulog sa kama ko at kasalukuyang nananaginip. Nagising at napatayo ako nang makarinig ako ng ingay mula sa kung saan, para bang sinadya itong ilapit sa tainga ko para magising pati ang diwa ko.

"Ano?! Ano?!" Natataranta kong sigaw habang lumilingon-lingon, pero nang maramdaman ko ang presensiya ni Mirriam sa kanan ng kama ko at dahan-dahan ko siyang nilingunan. 

Nakapameywang siya habang walang ganang nakatingin sa akin, hawak niya ang isang stick ng drum kasama 'yung frying pan. Iyon ang ginamit niya pambulabog sa tulog ko. 

"Lalaki." Tawag niya sa akin at inilapit ang mukha sa akin. "Ikaw 'yung nagpa-plano na lalabas tayo ng ganitong oras pero hanggang ngayon natutulog ka pa rin. Paano na lang kaya kung dumiretsyo ako sa meeting place natin at naghintay sa wala?" 

Tumitig muna ako sa mukha niya. 

Umagang-umaga, isang magandang binibini ang bubungad sa akin para lang gisingin ako. 

Ibinaba ko ang tingin sa damit niya. 

Nakasuot siya ng White inner blouse na mayro'ng disenyo ng black ribbon na pinatungan niya ng Blue denim coat. Sa ibaba naman ay nakasuot siya ng black skirt at boots. 

"Mirri, first time lang kitang makitaang magsuot ng ganitong klaseng damit." Sambit ko. 

Umangat ang magkabilaan niyang kilay at inilayo ang tingin kasabay ang kanyang paglalaro sa sariling daliri. "I-Is it weird?" Nahihiya niyang tanong kaya inalis ko ang kumot at napatayo para harapin siya. 

"Hindi! Ang cute cute mo nga, eh!" Masigla kong pagpuri sa kanya na nagpakurap sa kanya. 

"O-Oh." Nasabi lang niya at ibinaba ang tingin na iniiwas din niya pagkatapos. "But you sure are pretty lively early in the morning." Saad niya at lumakad papunta sa study table ko. 

Ibinaba ko naman ang tingin sa tiningnan niya kanina at nahiya nang mapagtantong may nakatayo na pala sa pagitan ng mga hita ko. Mabilis kong hinablot ang unan ko para takpan iyon at natawa. "S-Sorry, morning wood." Wika ko at tumungo. Pero nakakapanibago, dati rati lang. Sa mga ganitong sitwasyon, bubulyawan na niya ako. 

Pero siguro wala na rin namang rason dahil nakita na niya? 

Inangat kong muli ang tingin kay Mirriam na kasalukuyang tinitingnan ang mga gamit ko sa study table. "Nag-aral ka ba ng late kagabi?" Tanong niya sa akin kaya kumamot ako sa aking batok. 

"Kumuha kasi ako ng early quiz sa mga teachers natin para hindi na ako mahirapan kapag nakabalik na tayo mula sa provincial game." Sagot ko kaya nilingon niya ako. 

"Ayaw mong magsabay-sabay na lang tayo nila Reed mag quiz?" Taka niyang sabi. 

Umiling ako. "Hindi naman sa ayaw, pero pina-practice ko na kasing mag advance task para magawa ko rin ng maayos 'yung mga dapat na gawin, kapag nagawa ko 'yon. Magkakaroon ako ng advantage kahit papaano na makahabol sa mga palakol kong grado," I paused, ngumiti rin ako nang maalala ko 'yung pinaka goal ko kaya ako sinisipagang mag-aral. "Saka para na rin makuha ko 'yung reward ko galing sa'yo." Labas ngipin kong ngiti nang magtama ang mata namin. 

Para naman itong nagulat sa sinabi ko kaya tumalikod siya sa akin. "G-Gano'n? I see, then no choice, huh?" 

"Eh?" Reaksiyon ko saka siya muling humarap sa akin. 

"Sasabay ako sa'yong mag take ng quiz." Parang nahihiya pa niyang sabi nang hindi ako tinitingnan sa mata. "Gusto kong sabay tayong mag-aral kapag on break natin sa training." 

Damn, she's too cute. 

Matagal naman na siyang cute pero mas naging cuter siya-- hindi, siya ang pinaka cutest na nilalang sa mundong 'to.

"A-Anyway, para naman 'di masayang 'yung oras natin. Maligo ka na, maghihintay na lang ako sa baba." Lumakad na nga siya para umalis sa kwarto ko pero tinawag ko 'yung pangalan niya kaya tumigil siya't nilingon ako. 

Humagikhik ako. "I love you." 

Mabilis ang pagpula ng mukha niya 'tapos ibinaling ang tingin. "G-Ge." Sagot niya at lumabas na nga. Isinara niya 'yung pinto kaya naiwan na 'kong mag-isa rito sa kwarto. Na pagkalabas pa nga lang niya ay tinakpan ko kaagad ang mukha ko't pinagsususuntok ang kama ko upang magpigil ng kilig. 

*** 

NAKALIGO NA ako't nakabihis. Sa ngayon, inaayos ko lang ang buhok ko gamit ang gel. Habang nakatuon lang ang atensiyon ko sa buhok ko, pumasok sa isip ko 'yung kakaibang kinikilos ni Haley nung isang araw. Matapos niyang umalis sa Infirmary, hindi na niya nagawang sabihin sa akin kung ba't siya nagmamadaling umalis nung mga oras na iyon pero parang may bumabagabag sa kanya no'n. 

Subalit nang makasalubong ko naman siya sa cafeteria kahapon dahil iyon lang 'yung time na nakapagkita kami, para namang wala siyang problema. Masungit pa rin siya. 

Ibinaba ko ang mga kamay ko na kanina'y inaayos ang buhok ko kasabay ang pagkatok ng kung sino sa pinto ko. "Jasper, tapos ka na?" Tanong ni Mirriam mula sa labas kaya ipinagbuksan ko siya ng pinto. 

"Oh, Mirriam? Hindi mo na ba ako nahintay at gusto mo na 'agad ako makita?" Sabay pogi sign pero tinirikan lang niya ako ng mata 'tapos humalukipkip. 

"Nagbago na isip ko." Panimula niya na ipinagtaka ko. "Pwede ba nating isama si Haley?" Paghingi niya ng permiso sa akin 'tapos tumingin sa kaliwang bahagi. "Nag text sa akin si Kei na medyo down daw 'yung mood ni Haley. Eh, na sa school daw kasi siya ngayon kaya hindi niya mapuntahan. Eh, hindi naman daw niya maaya." 

Wala kasi talaga kaming pasok ngayon dahil holiday. 

Pero tumutulong si Kei sa I.T1 kasama si Reed gumawa ng mga certificates para sa mga makikilaro sa Provincial game. Appreciation yata iyon para sa mga athletes. 

Hindi na ako nagdalawang-isip at tumango na lamang bilang pagpayag. 

***

NANGINGITIM na eyebags ang unang napansin ko kay Haley pagkabukas pa lang niya nung pinto. Dumiretsyo na kami ng pasok Mirriam mula sa gate niya at kinatok lang namin siya sa mismong pinto niya.

"Ano kailangan n'yong dalawa sa 'kin?" Iyan kaagad ang tanong niya pagkabungad namin sa kanya.

Itinaas ni Mirriam ang kamay niya hanggang sa tapat ng kanyang dibdib. "Heyow." Bati niya.

Ipinatong ko naman ang kamay ko sa frame door. "Baka naman gusto mo kaming papasukin, Haley?" suhestiyon ko sa kanya subalit mas bumusangot siya. 

"Walang available na rooms dito for love making, so I'm asking you to leave--" Tinakpan niya ang dalawa niyang tainga nang sigawan namin siya ni Mirriam. 

"HINDI KAMI PUMUNTA RITO PARA RIYAN!" Sabay na bulyaw namin ni Mirriam. 

Sumuklay na lamang ako sa aking buhok gamit ang mga daliri ko 'tapos nginitian si Haley. "Gusto mong sumama sa 'mi--"

"Ayoko, marami akong gagawin." Pagtanggi niya at binigyan kami ng walang ganang tingin. "Kaya bye." At sinaraduhan niya kami ng pinto. 

Napasimangot din ako. "Pumunta pa kaya kami rito para sunduin ka!" Habol ko 'tapos napanguso. Lumingon ako kay Mirriam. "Dalhan na lang natin siya ng pasalubong pagkatapos ng date natin." 

Kinuha niya ang hibla ng buhok niya't pinaglaruan ito ng mga daliri. "M-Maganda pa nga." 

Haley's Point of View 

Nakasilip lang ako sa bintana at hinihintay lang na lumabas sila Jasper, matapos niyon ay umupo ako sa sofa at bagsak ding humiga. 

Kinuha ko na 'yung nakatagong automatic na thermometer sa underarm ko 'tapos tiningnan iyon. "37.5" may sinat nga talaga ako.

Inilagay ko na lamang 'yung thermometer sa glass table na nasa harapan ko't humarap sa kisame. Sa mga oras na 'to, si Mama talaga 'yung kailangan ko. 

Huminga ako nang malalim at pumikit.

Subalit, "Hailes." Narinig ko nanaman ang boses niya sa utak ko dahilan para muli rin akong mapamulat. Lumakas din ang pagtibok ng puso ko kaya umupo na nga lang ako't humawak sa aking noo.

Kinagabihan...

Tanging ang lamp shade lang ang mayroong ilaw sa kwarto ko. Dumiretsyo na ako rito noong sumasama na talaga ang pakiramdam ko.

Sa ngayon ay umiikot na rin ang paningin ko. Nakainum naman na ako ng gamot pero mukhang hindi tumalab sa akin. "Mmh..." Ungkol ko dahil pakiramdam ko, masusuka ako kung imumulat ko ang mga mata ko.

Ipinatong ko ang likuran ng palad ko sa aking noo habang naririnig ang sarili kong paghinga. Hindi na talaga maganda 'yung pakiramdam ko,

...Ma, kailan ka ba uuwi? 

Hanap ko kay Mama at iminulat ang mga mata nang makarinig ako ng kaluskos. "Ma-- Ngh." Napatigil ako nang makita ko nanaman ang taong iyon. Nakatayo siya ro'n sa nakasarang pinto. At gaya nung huling kita ko sa kanya, nakasuot nanaman siya ng puting maskara. 

Napalunok ako. 

Sobrang hina ng katawan ko 'yung tipong nakakaramdam ako ng takot. 

Hinampas ko nang mahina ang mukha ko dahil baka mamaya ay namamalik-mata lang ako. Saka malay ba natin kung epekto lang ito ng sakit ko kaya ako nag iilusyon, o sadyang nasisiraan lang talaga ako ng ulo.

"I don't mean to scare you, Haley. I won't harm you." Lumapit siya sa akin.

Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko. "Please, stay away from me." Pakiusap ko habang nanginginig ang katawan sa takot. Wala akong lakas, sa mga oras na 'to. Sobrang open ko na kaya akong atakihin ng kahit na sino. 

"Hailes" Tawag niya sa palayaw ko dahilan para umupo ako kahit na nahihilo ako, tinaliman ko siya nang tingin kasabay ang pagyukom ko ng kamao. "I am warning you, not to leave the city." Pag-uulit niya sa unang babala niya nung nakita niya ako sa Infirmary. "Allow me to protect you." Dagdag niya. 

Nagbuga ako nang maraming hininga para lumabas ang bigat sa aking dibdib. "Who... are you?" Nanghihina kong tanong saka niya itinungo kaunti ang kanyang ulo, pero nakikita ko kung paano niya ako tingnan sa mga mata niya. 

"I'm..." 

*****

Próximo capítulo