webnovel

Intoxicated

Chapter 13: Intoxicated 

Reed's Point of View 

Binuksan ko ang pinto sa likod ng kotse at saka ko inihiga si Haley sa back seat, at dahil sa nakabukaka ito ay ipinagdikit ko na ang mga hita niya habang nakalayo ang tingin.

Inurong ko pa siya nang kaunti at kinuhanan siya ng unan na nagmula pa ro'n sa passenger seat ko para naman kahit papaano ay kumportable siya. 

Dahan-dahan kong inangat ang ulo niya para mailagay ang malambot na unan sa ulo niya, pagkatapos ay ibinaba ang tingin sa mukha niya. Sobrang lapit na nararamdaman ko 'yung bawat paghinga niya.

Mapula ang pisngi niya pero mas naging mapula ngayon ang mukha niya dahil sa ininum niyang alak. 

At kahit nakainum siya, naaamoy pa rin mula sa kanya 'yung natural scent niya. 

Hinawakan ko ang hibla ng buhok niya. "Hindi mo man lang pinatapos 'yung night party." Saad ko kahit hindi na niya ako naririnig. 

Sinimulan kong ilipat ang tingin sa kanyang labi. Wala sa sarili kong inilapit ang mukha ko sa kanya upang halikan siya pero mabuti na lamang at nakabalik rin ako sa wisyo. Sinampal niya kasi ako habang tulog siya, tumagilid at hindi pa nakuntento ay tinuhuran niya ang tiyan ko.

Yumuko ako't napapikit nang mariin. "G-Gising ka ba?" Nahihirapan kong tanong at lumayo na nga sa kanya.

Hindi siya sumagot at humilik lamang. Pumunta na nga lang ako sa driver's seat nang maiuwi ko na siya sa bahay. 

Isinara ko na ang pinto at pinaandar ang makina ng kotse, muli ko ring sinampal ang sarili ko. "100 push-up para mamaya" Pinaharurot ko na ang sasakyan.

Sa kalagitnaan ng biyahe ay tinatadyak tadyakan niya ang likod ng inuupuan ko. Nagising siya. "Hoy! Ano nanaman bang problema mo? H'wag mo ngang sinisipa 'yan!" Suway ko sa kanya pero tuloy-tuloy pa rin siya sa pagsipa niya sa likuran upuan ko. 

"Mmh...! Shut u--*Hic* p... Ang ingay inga-- Ugguu ~ " Saglit akong napalingon para i-check siya pero kaagad ding bumaling.

"Hoy, Haley Miles Rouge! H'wag mong susukaan 'yung kotse ko, ah?! Mahal 'yung bili ko sa Mat kaya huwag na 'wag mong-- Haley?!" Reaksiyon ko nang makarinig na ako ng hindi kaaya-ayang tunog.

Wala na, nagsuka na siya!

Itinabi ko ang kotse sa gilid ng kalsada saka lumabas para tingnan 'yung nasukaan niya. Binuksan ko ang pinto at napahawak sa ulo nang mapagtanto ang bangungot ng isang driver katulad ko. "I-iyong kotse ko..."

Ang dami niyang suka!

Matapos niyang isuka ang dapat na isuka ay kaagad kong pinunasan ang bibig niya gamit ang panyo ko. "Ano bang gagawin ko sa'yo? Ang baho ng suka mo" Humalakhak siya kaya napatigil ako sa pagpunas sa bibig niya.

"May suka bang mabango? Suka lang naman na nanggagaling sa buko ang mabango-bango, eh. Ang tanga mo talaga kahit kailan, Reed Evans. Naiinis ako sa 'yo." Sabay hampas sa ulo ko.

Masakit 'yon, ah!

Inis kong ginulo ang buhok ko. "Gusto mo bang iwan kita sa kalye?"

Pumikit siya't natawa. "Akala mo naman magagawa mo? *Hic* Gag* ka ba?" Itong babaeng 'to talaga! Mas lumalala 'yung shitty personality niya kaysa sa usual. 

Naglabas ako ng hangin sa ilong at ngiting tiningnan si Haley. "May gusto ka ba?" Umangat kaunti ang ulo niya 'tapos itiningala ang ulo upang makita ako.

Nakapikit siya nang iminulat niya ang kanyang mga mata kasabay ang pagbagsak ng hibla niyang buhok. "Meron." Tipid niyang sagot. 

"Ano?" Tanong ko, para bago sana kami makauwi maiabot ko 'yung gusto niya. 

Dumapa siya at payuko na hinawakan ang laylayan ng vest ko. "Ikaw." Nanlaki ang mata ko.

Nagsisimula na ring lumakas ang pagpintig ng puso ko pero nawala iyon nang humalakhak siya bigla. Ibinaba niya ang kamay niya at humawak naman sa noo, "Uto-uto ka naman? Walang magkakagusto sa tangang katu-- *Hic* lad m--" Sinarado ko na ang pinto at hindi na pinakinggan 'yung sasabihin niya.

Nakakainis siyang kausapin.

"Oy! Hindi pa ako tapos magsalita!" Ang lakas ng boses niya, rinig na rinig ko kahit na sa loob na siya.

Lumakad na ako papunta sa driver's seat at binuksan ang pinto.

Pabagsak akong umupo sa upuan 'tapos mabigat na bumuntong-hininga. 

"Reed Evans!" Asik niya kaya pumitik na 'yung ugat sa sintido ko sa inis.

"Manahimik ka nga!" 

Mirriam's Point of View 

"Bakit kasi hindi niyo binantayan? Paano na lang kung may pampatulog na inilagay 'yung lalaking 'yon sa baso ni Haley?" Sermon ni Harvey sa amin.

Yumuko kaming dalawa ni Kei, kung alam ko lang na iinum si Haley ay malamang, kanina ko pa napigilan iyon. 

Saka wala rin naman akong ideya na mayro'n pa lang mini bar sa convention na 'to! 

Kumamot ako sa apatse ko't pilit na ngumiti. "Basta ngayon, alam na nating hindi talaga siya pwedeng maiwanan." Tukoy ko kay Haley 'tapos napatingin sa mga kaklase naming masayang nagsasasayaw ro'n sa gitna. 

Inilagay ni Jasper ang kaliwa niyang kamay sa kanyang balikat. "Welp, siguradong hindi na makakabalik si Reed dito. Kaya tayo-tayo na lang 'yung makakapagsaya sa gabing 'to." 

Tumango ako bilang pagsang-ayon. "That is to be expected." Pagsang-ayon ko rin. 

Ipinagdikit ni Kei 'yung mga palad niya. "But it's a waste that I won't be able to see something interesting." 

"Like?" Tanong ko nang lingunin ko siya. 

Idinikit niya ang hintuturo niya sa kanyang labi. "Like kissing..." Binigyan namin siya ng walang ganang tingin.

"I think that's not a good idea" Sabay-sabay naming tugon. 

Ngumuso lamang si Kei. "Who knows? We're talking about her being drunk. She is more likely to tell the truth while intoxicated." Pagkibit-balikat niya. 

Nagmarka sa amin ang pag-alala, pagkatapos ay sabay-sabay na tumingala sa kisame at ini-imagine ang pwedeng mangyari.

Possibility #1:

Kapag hinalikan ni Reed si Haley ay pwede itong magulat at ma-speechless kahit na lasing ito. 

Possibility #2:

O kaya naman, pwedeng halikan ni Haley si Reed pabalik

Possibility #3:

Dahil nga sa lasing ang kaibigan ko na si Haley ay baka tulog na 'yon sa ngayon, kaya hindi rin siguro magagawa ni Reed ang iniisip namin.

Possibility #4:

Pwede niyang sabunutan, kagatin, sapakin o tadyakan at kung anu-ano pa!

And last but not the least, Possibility #5:

Pwedeng si Haley ang humalik. Pagkatapos niyon ay makakagawa sila ng bagay sa malamig na gabing ito. 

Pareho kaming napatingin ni Harvey at Jasper sa isa't isa. 

"It's bad, right?" Tanong ni Jasper na tinanguan ni Harvey. 

Nagtaka si Kei. "What? Ano ba'ng iniisip n'yo?" Tanong niya at humalukipkip. "Huwag n'yo masyadong pag-isipan ng masama si Reed. He likes my sister, but he wouldn't do anything to make her cry. He respect her." 

Labas sa ilong akong napangiti. "I understand but--" 

"Kumain na lang muna tayo, they'll be okay. Let's go." Ipinatong ni Jasper ang magkabilaang niyang kamay sa balikat namin ni Jasper para hilahin papunta sa kainan. 

Reed's Point of View 

"Haley, ang bigat mo..." Nabibigatan kong daing at kinuha ang susi ng bahay nila sa bulsa ko na kinuha ko sa purse bag niya kanina.

Binuksan ko ang pinto 'tapos pumasok. Bumungad sa akin 'yung pusa niya pero nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

Buhat-buhat ko si Haley sa likod at pakiramdam ko, may magka-crack na spine kung magtatagal pa 'to.

Ano ba'ng kinain niya? O baka naman mabigat siya dahil... 

Pumanik ako at hinanap 'yung kwarto niya.

Nang makita ko ay pumasok na ako dahil bukas naman ang pinto, unti-unti kong ibinababa si Haley pahiga sa kama. Tumalon at pumatong sa dibdib niya ang kanyang pusa kaya binuhat ko ito paalis para makahinga nang maayos si Haley. 

"Shh. Behave." Pakikipag-usap ko sa pusa saka siya pumunta sa gilid para doon na lamang matulog. Naintindihan niya ako? 

Inilipat ko ang tingin kay Haley. Natutulog na ulit siya. 

Humawak ako sa batok ko. "Dapat pala isinama ko si Kei para mapalitan 'yung damit niya" Sabi sa sarili at napasimangot sa biglang paglitaw ng kung ano sa utak ko. 

Ako na lang kaya magpalit ng damit niya?

Mabilis akong umiling at sinampal ang sarili. "100x push ups!" Kaso dahil sa tinatamad pa ako, mamaya ko na gagawin. 

Pabagsak na bumaba ang paa-han ni Haley kaya inangat ko ito at inayos ang kanyang higa. 

Bago ako umalis sa posisyon ko kung saan malapit ang mukha at katawan ko sa kanya ay muli nanaman akong napatitig sa mukha niya. Ilang beses na ba akong na-love struck sa 'yo?

Tinitigan ko ang bawat sulok ng mukha niya. 'Yung mahahaba niyang pilik na mata, 'yung pulang pula niyang pisngi at 'yung labi niyang namumula.

Bumuntong-hininga ako. Dito ko lang talaga siya natititigan ng malapitan.

Tiningnan ko ang scar niya na naroon sa gilid ng kanyang noo at hinawakan iyon. "Atleast ngayon, kaya mo ng protektahan sarili mo." Mahinang sabi ko at hinawi ang buhok niya.

"Reed..." Tawag niya kaya umurong ako palayo sa kanya. 

"Gising ka nanaman ba?" Paninigurado ko pero hindi siya sumagot. Kaya nagkaro'n ako ng ideya na baka nag i-sleep talking lang siya. 

Maybe she dreamed about me?

"Bakit ang tanga tanga mo?"

Napayuko ako dahil doon. Hanggang sa panaginip ba naman, sasabihan pa akong tanga? Saka paano nga ako naging tanga? Nalasing lang siya, eh. 

Unti-unti niyang iminulat ang mata niya kaya napaawang-bibig ako. "G-Gising ka." 

Diretsyo lang ang tingin niya sa kisame. "Bakit ganyan ka? Bakit mahirap sa'yo na maintindihan 'yung mga ginagawa ko?" Malumanay pero bakas sa boses ang kaunting kirot.

"Haley, you're drunk. Kung anu-ano na sinasabi mo." Saad ko subalit lumingon lang siya sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko dahilan para manlaki ang aking mata.

"I hope you always look me in the eyes" Nakikinig lang ako at hindi nakisabay sa sinasabi niya. "What would have happened if you made me think you hated me?" Seryoso niyang tanong kasabay ang pagbagsak ng kanyang luha. 

"W-Wait--" 

Inangat niya ang kalahati niyang katawan, siko niya ang gamit bilang pagsuporta. "Reed..." Muli niyang pagtawag sa akin saka lumapat ang labi niya sa akin na siyang ikinagulat ko. 

***** 

Próximo capítulo