webnovel

Being In Love is Painful

Chapter 9: Being In Love is Painful

Reed's Point of View 

 Masakit sa isang tao na makitang may kasamang iba ang taong nagugustuhan nila lalo pa't nagagawang gawin ng ibang tao ang hindi mo magawa sa taong pinaka iniingatan mo. 

 Bakit nagagawa mong ngumiti ng ganyan kapag kasama mo siya? Bakit hindi ko magawang makita 'yan kapag ikaw na 'yung na sa tabi ko? 

 Nakatayo lang ako mula sa malayo habang pinapanood kung paano makitang magkasama si Haley at Jin. Sinundan ko silang pareho papunta rito, wala sana akong balak gawin 'yon pero hindi ako makapagtimpi't mapakali. 

Sigurado akong magagalit si Haley kapag nalaman niyang sumusunod ako sa kanya at baka nga mandiri pa siya dahil sinusundan ko siya, na hindi ko maipagkakaila na stalking na ang ginagawa ko. 

 Pero, 

 Lumabas na sila sa DiamondBucks na isa sa mga sikat na cafe sa area na ito at pumunta naman sa susunod nilang destinasyon. 

 …hindi ko mapigilan. Gusto ko siyang hilahin palapit sa akin subalit napakahina ko para gawin iyon. Ang kaya ko lang ngayon ay tingnan siya mula sa malayo. 

 Ipinasok ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ng jacket ko't pasimple silang sinundan. Subalit sa paglalakad ko ay napatigil na ako nang huminto sila sa kalagitnaan ng paglalakad. 

 Laking gulat nang hawakan ni Jin ang kamay ni Haley, at hindi ko 'yon nakayanan dahil hinayaan siya ni Haley gawin iyon at naglakad. Nanikip ang dibdib ko, at kung anu-anong katanungan ang pumasok sa aking isipan. 

 

 Ano'ng mayro'n? Bakit hinahayaan lang ni Haley na hawakan ang kamay niya? Gusto ba niya si Jin? May namamagitan na ba sa kanila na hindi ko alam?

Kailan pa? Bakit wala akong ideya?

 Kaya doon pa lang sa kinatatayuan ko ay tumalikod na ako't umalis. Dala-dala ang mabigat na kung ano sa dibdib ko habang pakiramdam ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. 

 Humawak ako sa dibdib ko't higpit na ginusot ang aking damit sa hindi maintindihang sakit na nararamdaman.

 I should have known this, right? If I fell in love with you that much, I would hurt just as much. 

*** 

 TUMAMBAY AKO sa Green Park at hindi na muna dumiretsyo sa bahay, nakahiga ako sa may pahabang simentong upuan at dito na muna nagpasyang magpalamig.

 Nakapatong lang ang likurang palad sa aking nakapikit na mata. Hapon na kaya may iilang bata ang naglalaro sa playground na hindi naman lalayo mula sa pwesto ko. 

 

 Inalis ko ang kamay ko at tumitig sa kalangitan, mabagal lang ang paggalaw ng ulap. Malapit na rin ang paglubog ng araw at mas nararamdam ko na rin 'yung kakaibang pagod. Gusto kong matulog pero ayoko pang umuwi. 

 Nagbuga ako ng hininga pagkalitaw pa lang ng mga mukha ni Haley sa utak ko. "I want to see her." Iyan na lang ang lumabas sa bibig ko na siya naman ang biglaang pagbungad ng mukha ni Irish. 

 "Who?" Mabilis akong napaupo, hindi naisip na parehong mauuntog ang noo naming dalawa. 

 Sabay kaming napahawak sa mga noo namin habang mariin na nakapikit sa sakit. "Ouch!" si Irish. 

 Binuksan ko ang isa kong mata para tingnan siya. "Sorry." Ibinaba ko na ang mga paa ko sa lupa para makaayos ng upo. "But don't scare me like that." 

Hinihimas-himas niya 'yung noo niya. "You're weak at surprises, I supposed?" Teorya niya 'tapos umupo sa tabi ko kaya binigyan ko siya ng nakapagtatakang tingin. 

 "Saan ka galing?" Tanong ko sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Ang ayos yata ng porma natin ngayon? May date?" Tanong ko pagkaangat ko ng tingin sa mukha niya. Nakasuot siya ng White with mix of gold dress, 'tapos ay nakasuot ng gold flat shoes at medyo maayos din ang ayos ng buhok. 

 She tsked twice, nag gesture rin siya. "Hindi porke maganda o blooming ang isang babae ay mayro'n siyang ka-date, we're doing this sort of thing for ourselves." Pagkibit-balikat niya. Oo nga naman, silly me. 

"Pero pumunta ako sa kaklase ko kanina." Dagdag niya at sinilip ang mukha ko. "Ikaw? Sa'n ka pumunta?" Tanong niya at tiningnan ang suot ko. "All black, ah? Pumunta ka sa patay?" 

 Natawa ako. "Ewan ko kung matatawa ako sa tanong mo pero, siguro nga?" Patanong kong sagot at tumingala, hindi muna siya umimik at nakatitig lang sa akin hanggang sa marinig ko ang paglabas ng hangin sa ilong niya. 

 "I see now." Saad niya at bumaling. "Si Haley 'yan, 'no?" Hula niya dahilan para mapaurong ako't mamula. 

 "H-Hindi, ah!" Deny ko nang lingunin ko siya. "She's just a classmate!" 

 Binigyan niya ako ng walang ganang tingin. "Ridiculous. That whole she's just a classmate is just a self-defense mechanism. No wonder kaya wala kayong progress ni Haley." Parang napapagod niyang sambit at bumuntong-hininga. 

 Natahimik ako sa sinabi niya dahil totoo naman, tama siya. Kaya nga naiinis ako sa sarili ko pagkatapos ko makita sina Haley dahil alam ko sa sarili kong wala akong ginagawa. Duwag ako. 

 Gusto kong gawin pero hindi ko magawang kumilos 'agad. 

 "Takot ka bang masaktan?" Tanong niya sa akin. 

 "Lahat naman tayo takot, 'di ba?" Tanong ang ibinigay kong sagot sa kanyang tanong. 

 "Then you're not willing to risk yet." She said and paused. She directly looked at my eyes with seriousness. "You're not ready to love." 

 Malakas na dumaan ang hangin sa balat ko pagkasabing pagkasabi pa lang niya no'n. Namuo ang katahimikan sa aming dalawa, at ni isa sa amin ay wala yatang balak bumasag niyon. 

 Napatingin ako sa batang biglang humagulgol nang madapa siya mula sa pagtakbo, nakatingin lang sa kanya 'yung isa niyang kalaro nang umarte rin itong nadapa. Paraan niya para tumigil sa pag-iyak ang naunang bata na natalisod. 

 Pagkatapos no'n ay pareho silang natawa. 

 Tumungo ako dahil napaisip ako sa sinabi ni Irish. Malakas niya akong hinampas sa likuran na ikinagulat ko pa. "Even so, I know that you have your reason for holding back your feelings. But if you continue to act like that, Haley will be taken away." She stated. "Gusto mo ba 'yon?" Tanong niya sa akin. 

 Nakabilog ang bibig kong nakanganga nang humarap ako sa kanya. "T-Tama ka." Nauutal kong tugon, namamangha kasi ako sa kanya kaya hindi ko namalayan na matagal na rin pala ang pagtitig ko sa kanya. 

 Umurong siya palayo sa akin at niyakap ang sarili. "Sorry, may nagugustuhan na ako. Huwag kang ma in love sa akin." 

 Lumingon ako sa kaliwang bahagi. "Hindi ako interesado sa mas bata sa akin." Sabi ko. 

 "Gusto mong mag early dinner?" Tanong niya kaya ibinalik ko 'yung tingin sa kanya. "Kain tayo." Aya niya. 

***

PABAGSAK na umupo si Irish sa malambot na upuan na naroon sa may gilid, malapit lang kami sa may aircon kaya malamig dito sa pwesto namin. Umupo na rin ako dahil pagod na ang mga paa ko, ang layo pa ng nilakad namin bago kami makarating dito.

Hindi ko naman kasi alam na mawawalan na ako ng gas, hindi ko kaagad na-check 'yong Fuel Gauge.

"May I take your order, Ma'am and Sir?" Paglapit nung isang waiter sa amin.

Pareho namin siyang tiningnan, halata sa mga mukha namin ang kaunting pagkairita.

Wala ngang ibinigay na menu sa amin at nakita naman yata iyang kauupo lang namin?

"Pwede ba muna naming makuha ang food menu bago mo kunin ang order namin?" pakiusap ko sa kanya, mukha namang nahiya siya dahil bigla itong yumuko. 

 

 "Pasensya na po" Paumanhin niya at kinuha ang menu para ibigay sa amin.

Pumili kami ng available na pagkain sa menu, at sa paghahanap ko ay huminto ang aking paningin sa Jerk Chicken Sandwich, marami ang laman at mukha ding masarap, pero sana ay hindi lang hanggang picture ang ganda nito, para bang commercial?

Ang gandang tingnan sa TV pero sa realidad, ang kaunti. Ta's kapag naka-serve, mehh. 

 Naglabas ako ng hangin sa ilong at inangat ang tingin kay Irish na patuloy pa rin sa pagpili. "Ang mahal." Rinig kong sabi niya. Nakatitig lang ako sa kanya nang pumikit ako sandali bago siya nginitian. 

 "Treat ko--" 

 "Ayokong tumanggap ng libre sa hindi ko boyfriend. Eww." Pagtanggi niya. 

 "What the hell, may ganyan ka pa lang rules, eh 'no?" Sambit ko at tumingala para mag-isip, 'tapos ay ibinaba ulit para tingnan siya. "Ganito na lang, libre ko bilang pagpapasalamat sa--" Naputol nanaman 'yung sasabihin ko dahil bigla nanaman ang pagsabat niya. 

 "Yeah, yeah. 'Tapos susumbatan mo 'ko kapag nag-away tayo? Huwag na, huwag na. Thank you na lang." Muli nanaman niyang pagtanggi. 

 "Edi huwag kang magparinig diyan na ang mahal!" Bulyaw ko at at lumingon na sa waiter para sabihin ang aking in-order. 

 "Jerk Chicken Sandwich, please" sabay na order namin ni Irish kaya napatingin kami sa isa't isa. 

 "Gaya gaya ka." Walang gana kong sabi. 

 "Iyon lang 'yung mura, eh." Tugon niya 

"Bagay po kayo Ma'am and Sir, pareho kayo ng gusto" HInampas ko ang lamesa kaya umurong ang ulo niya, 'yung mga tao naman sa paligid namin ay napatingin sa gawi namin. Ngunit hindi ko lang iyon pinansin at nakatingin lang kay waiter.

"Walang KAMI, okay?" Tugon ko, 'tapos nagulat na lang noong tumayo si Irish at tumabi sa akin, isabay mo pa na bigla niyang ipinulupot ang mga kamay niya sa mga braso ko. 

 Nanginig ako't hindi nakagalaw. "Ano'ng ginagawa mo?" Bulong kong tanong ngunit ibinaling lang ni Irish ang tingin niya sa waiter at matamis na nginitian. 

 "Sorry, nahihiya lang kasi itong kasama ko pero wala pang kami kasi hindi ko pa siya sinasagot." 

 

 Hindi naman ako makapaniwalang napatingin sa kanya at aangal pa sana nang apakan na niya ang paa ko. Dahan-dahan niya akong nilingon at pinanlisikan ng mata. "Huwag mo na akong ipahiya dahil sa ka-immaturity mo, Reed Evans." 

 Humagikhik ang waiter. "Ay gano'n po ba? Sagutin mo na, Ma'am. Gwapo naman 'yung kasama mo." 

 Tumawa lang din nang kaunti si Irish saka nagpaalam ang waiter para ibigay ang order namin sa cook nila. 

Pagkatapos ay malakas niya akong binatukan. "Ayusin mo 'yang bibig mo minsan, ah? Kailangan ba talagang sumigaw ng gano'n?" 

 Bumaba ang balikat ko't napasimangot. Walang nagawa kundi ang mapa-"tsk" 

Patalon siyang humarap sa akin at nagpameywang sa inuupuan niya. "I'll teach you how to handle a woman and how to get out to your in-denial stage." Saad niya na nagpakurap sa akin. 

***

GABI NA KAMI nakauwi at sa ngayon ay habang papalabas kami ng resto ay nag-uunat ako. Ang daming sinasabi ni Irish habang kumakain kami, pero nakikinig lang ako sa kanya dahil alam kong makakatulong naman iyon sa akin. 

 

 "Listen. Most of the important things in the world have been accomplished by people who have kept on trying when there seemed to be no HOPE at all." Tuloy-tuloy pa rin sa pag lecture ni Irish at tumigil kasabay ang pagturo niya na kakaunti na lang talaag ay didikit na sa akin ang hintuturo niya sa ilong ko. "Kung hindi mo susubukan, 'di mo malalaman. Nakukuha mo ba 'yung sinasabi ko?" 

 She's pretty fired up. 

 Nagbuga ako ng hininga 'tapos ay labas sa ilong siyang nginitian. "Yeah, I appreciate your effort, really." 

 Sinimangutan niya ako at humalukipkip. Tumangu-tango siya. "Wala siguro tayong problema kung nakukuha mo." Sabi niya habang nakapikit, pero iminulat din pagkatapos. "Pero kung wala pa ring pagbabago, plan B tayo." 

 "Plan B?" Tukoy ko sa sinabi niya. 

 Nginisihan niya ako. "Hindi mo magugustuhan ang Plan B, pero huwag na muna nating pag-uapan habang hindi pa nangyayari" Pag gesture niya at humikab. "Oh, siya. Uwi na ako, inaantok na rin ako. Bye." Paalam niya't nauna ng naglakad. 

 Inihakbang ko ng isa ang kanan kong paa. "H-Hindi mo na ba kailangang magpahatid?" 

 "Hindi kita boyfriend, kaya 'di bale na lang." Pagkaway niya habang nakatalikod. 

Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya nang umayos na ako ng tayo't natawa ng wala sa oras. 

 Ang independent ng babaeng 'yon. Ta's reliable pa. 

 Ibinaba ko ang tingin sa simento 'tapos nagsalubong ang kilay. Tiningnan ko rin ang mga palad ko nang isara ko iyon. Kakausapin ko si Haley bukas, hindi ko pwedeng hayaan na sabihan ako ni Irish na hindi ako handa sa pag-ibig. 

 Love is the strongest of all! Ipapakita ko sa kanya kung gaano katotoo ang nararamdaman ko para kay Haley at kung paano ako magiging handa gawin ang lahat para lang maging akin siya. 

 …sinasabi ko 'yan pero mukhang hindi 'yon mangyayari sa ngayon. 

 Tila parang lumabas ang kaluluwa sa katawan ko nang stalk-in ko ang IG account ni Jin. Naka-post doon 'yung picture nila ni Haley, at tingnan mo kung gaano kaganda ang babaeng 'to! 

 'Di ko rin ipagkakaila na para silang mag jowa sa paraan ng pagdikit nila sa isa't isa. 

 Nakaupo lang ako ngayon sa driver's seat ng kotse ko nang kunin ko nang mapayamot ako ng kamot sa ulo, 'tapos ang sunod na lang na nangyari ay napasabunot na lamang ako sa buhok ko. 

***** 

Don't forget to visit my Facebook page to get more updates!

(@Yulie_Shiori)

You can also check my Wattpad. (@Yulie_Shiori)

Yulie_Shioricreators' thoughts
Próximo capítulo