webnovel

Chapter 7: Bryan and Benedict

Bryan James's POV

"Salamat talaga Justin sa pagtulong. Maloloka na kame kakaisip ng dapat gawin."

"Hindi ko naman to ginagawa ng libre kaya I'm trying my best to help." Alam niyo naman na siguro yung kabayaran dito sa baklitang to. HAHAHA.

"Buti nalang talaga anjan si Justin no Bry?" Singit ni Benedict sa tabi ko na kagagaling sa kusina namin. Oo dito nalang sa bahay namin naisipang gawin ang project namin since kumpleto naman si Dad ng tools. Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.

"Oh okay ka lang?" Pahabol niyang tanong. Deadline kase siya bukas tapos ngayon palang namin to nagagawa kaya medyo di ako mapakali.

Actually, may una kameng ginawa kaso sa kasyungahan ko eh nasira. Tinesting ko kase ayun sumabog. Hindi pala siya 220 volts tapos sinaksak ko. Hahaha. Buti nga di nagalit tong katabi ko. Nainis lang.

Flashback

"Sa wakas natapos din tayo. Saan ko dadalhin tong mga tools Bry?"

"Ah dun nalang sa may bodega." Sagot ko. Tumango naman siya bilang pagsang ayon.

Akalain mong nakagawa kameng dalawa? We decided to make a moon inspired lamp. Yung sinasabit sa cealing. Sobrang gandaaaaaa. Since di na ako makapag antay na  matry ayun sinaksak ko.

Right after ko sinaksak ayun nag spark sa may socket then biglang sumabog yung lamp. Nagmadali naman akong pinuntahan ni Benedict.

"Oh ano yung sumabog? Okay ka lang?" Nilingon ko siya kahit shock la din ako sa nangyari. Ng makabalik na ako sa sarili ko itinuro ko yung gawa namin.

"Awww. Shit. Anyare?"

"Sinaksak ko tapos ayun sumabog bigla." Saka siya napakamot ng ulo.

"Dapat inantay mo kase ako. Wala ka namang sugat o ano?"

"Wala naman. Sorry." Ang tangi ko nalang nasabi.

"Okay lang yan. Wala na tayong magagawa. Mali ko din kase di kita sinabihan na kailangan ng adaptor nung project natin." Saka niya ti nap yung balikat ko.

End of Flashback

So yun na nga ang nangyare mga kapatid. Bait nga neto. Kala ko makakatanggap ako ng kotong or kahit ano galing sa kanya.

"Huy te!"

"Ay ano yun Tin?"

"Sabog ka ba? Sabi ko pumili ka kung ano dito sa mga kulay na to ang gagamitin natin."

"Ah eh yung light blue nalang." Sagot ko.

"Mukha kang timang jan. Sino ba iniisip mo?"

"Andito na ako sa tabi mo may iniisip ka pang iba. Tsk." Pagdadrama ni Benedict.

"Sira. Wala naman akong ibang iniisip kundi..."

"Kundi?" Shit naman kase tong bunganga ko. Mabubuking pa eh. Oo na crush este gusto ko si Benedict. Kung itatanong niyo kung paano hindi ko din alam.

"Kundi yung project natin kung aabot ba tayo sa deadline bukas. Yon. Yun yung iniisip ko."

"Ay aabot talaga yan. Partida anjan pa si Justin para tulungan tayo. Salamat talaga Tin."

"Wala yun. May bayad naman akong isang box ng chuckie mula kay Bry."

"Si Paul nalang ang ibibigay ko sayo bilang pasasalamat ko." Natawa naman si Justin sa isinagot ni Benedict.

"Baliw. Anong gagawin ko dun? Idisplay ko sa bahay?"

"Pwede naman. HAHAHA. Gawin mong sabitan ng picture frame." Saka kame nagtawanan.

"Ay speaking of Paul. Nabasa niyo yung post niya last week? Sino naman kaya yung napupusuan nun no?" Nagkibit balikat lang si Justin samantalang si Benedict eh natatawa.

"Oh ano namang nakakatawa jan?" Tanong ni Justin.

"Akala ko naman kase kilala niyo na. Hindi mo ba kilala Justin?" Umiling naman si Justin bilang sagot.

"Sino ba?" Tanong ko naman.

"Hays. Wala talaga kayong kaide-ideya?"

"Sasabihin mo oh lulunurin kita dito sa pintura?" Pagbabanta ni Tin.

"Okay fine sasabihin ko na. I-" naputol ang sasabihin niya ng makarinig kame ng paparating na motor. Si Paul.  Pumasok na siya since nakaopen naman na yung gate namin.

"Oh sakto si Paul. Siya nalang tanungin niyo."

"Ng alin? Anong itatanong? Hi babe." Saka niya binalingan ng tingin si Tin. OMG. Kakilig!

"Sino daw yung nasa post mo last week." Sabi ko.

"Ikaw talaga ang daldal mo." Sita ni Paul kay Benedict.

"Luh. Wala pa nga akong kinukwento. Saka di ako nag open no. Si Bry."

"Aba naalala ko lang naman since ikaw ang napag usapan kanina. Ibibigay ka daw kase ni Benedict kay Justin bilang kapalit ng pagtulong niya sa amin." Sabi ko.

"Ahh. Eh kahit di naman niya sabihin buong puso kong ibibigay sarili ko kay Justin. Diba babe?" Saka niya pinalipat lipat ang pagtaas ng kilay. Natawa lang si Justin saka umiling.

"So sino nga daw yun pre?"

"Malalaman niyo din soon. Wag muna ngayon. Medyo dehado pa eh. May ibang crush." Sagot ni Paul.

Aww. Yun lang. Ang hirap ng ganyan. Yung may kakompitensya ka. Parang ako kay Benedict. Andaming humahadlang sa pagmamahalan namin. Una bading ako, pangalawa hindi naman yan magkakagusto sa akin. HAHAHA. Sad life.

"Sabi ko naman sayo ayoko na may inisip kang iba kapag andito ako." Biglang sabi ni Benedict. The fck. Wala na naman pala ako sa sarili kakaisip. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o ano.

"Naks. May namumuo na bang love team dito ha pre?" Pang aasar ni Paul.

"Bagay ba?" Sabay akbay sa akin. Hindi ko alam kung saan ko itatago yung mukha ko sa hiya.

"Bagay pre. Bagay na bagay." Tapos saka sila nagtawanan. Napailing nalang din ako. Hoy Benedict panagutan mo tong ginagawa mo ha? HAHAHA.

Matapos yun ay bumalik na kame sa paggawa ng project namin. Tumulong na din si Paul para mapabilis.

"Ano nga palang sadya mo at naparito ka pre?" Pang uusisa ni Ben.

"As you can see tumutulong na ako. Diba kinukilit mo rin ako kahapon? And besides nalaman kong andito pala si Justin babe ko kaya mas may dahilan ako para pumunta." Saka niya siniko si Tin.

"Pag to namali Paul sabunot abot mo sa akin." Natawa naman si Paul sa reaction ni Justin sa kanya na nakafocus sa ginagawa niya.

"Mahalin mo nalang ako kesa sabunutan mo ako." Sinamaan lang sjya ng tingin ni Justin.

"Linggong linggo trip mo na naman ako ha?"

"Ang tulad mo di trip trip lang. Sineseryoso dapat." Nag iwas nalang ng tingin si Justin para itago ang pamumula. "Uy kinikilig na yan." pang aasar pa ni Paul.

"LUL." Sagot naman ni Justin.

"Ang sweet niyo kapag nag aasaran kayo." Nasabi ko nalang bigla.

"Sweet din naman tayo ah." sabay sandal ni Benedict ng ulo niya sa balikat ko. Heto na naman tong puso ko. OA na naman yung pagtibok.

"Paninidigan mo tong pagpapakilig mo Benedict nako!" bulong ko.

"Pwede naman Bry. Gusto mo ba?" Saka niya ako tinitigan sa mata. Hindi ko siya makitaan ng kahit anong kalokohan sa mga mata niya. Sana nga lang. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Saglit lang ha? Maghahanda lang ako ng merienda." tumango naman si Paul at Tin.

"Samahan na kita." Sabi ni Benedict. Tumango nalang din ako.

Pagdatin sa kusina tahimik lang akong naghahanda ng kakainin namin. Nakalimutan ko na nga na nakasunod pala sa akin si Benedict.

"Bry." Pagtawag niya.

"Oh?" Sagot ko habang tinitimpla yung ice tea.

"Pwede naman diba?"

"Ang alin?" sagot ko ng isa pang tanong.

"Yung tayo." napabuntong hininga ako.

"Aaminin ko gusto kita." Pagsisimula ko. "Alam ko din naman na natutunugan mong gusto kita. Pero hindi mo dapat idepende dun ang pagdedesisyon mo na maging tayo. Hindi naman ako humihingi ng kapalit sa kung anong meron ako  para sayo."

"Gusto din kita Bry." Nagitla ako ng marinig ko ang mga katagang yun mula sa kanya. Nilingon ko siya at nakita ko sa mukha niya ang isang matamis na ngiti.

"Iniisip mo siguro kung paano no? Mukha lang akong maloko pero kapag may sinabi ako, pinangangatawanan ko at oo gusto kita." Nananaginip po ba ako? Pakikurot naman ako please.

"Ako nga Benedict wag mong pinagloloko ha. Ayoko ng  ganyang biro."

"Yan problema sa inyong mga babae at binabae akala niyo lagi biro." Mabilis lahat ng pangyayari ang huling naalala ko nalang ay ang mabilis na pagdampi ng labi niya sa akin.

"Oh mukha pa bang niloloko kita Bry? Gusto nga kita." Tulala pa din ako. "Ano na Bry nag aantay ako ng sagot mula sayo. Pwede bang magkaroon ng Bryan at Benedict na love team?" Naiyak ako saka tumango at niyakap siya.

"Akala ko hanggang panaginip nalang lahat ng ganito." Niyakap din niya ako pabalik.

"Shhhh. Tandaan mo hindi yan totoo. Deserve mo ang mahalin. Bulag lang ang mga tao na di nakakappreciate sa taong tulad mo. Hindi nila nakikita ang mga magagandang katangiang nakikita ko ngayon. At handa akong patunayan yun sa kanila."

"Antagal niyo naman jan! Baka naman may ginagawa na kayo Benedicto ha?!" Sigaw ni Paul. Natawa naman kame.

"May ginagawa daw tayo wala naman. Ano gawa na daw tayo baby?" 

"Sira! Lika na dalhin na natin to dun." natawa nalang din siya saka tinulungan akong buhatin yung tray ng merienda.

"Ano Bry nirape ka ba netong kumag na to?"

 "Di ko gagawin yun no unless papayag siya diba baby?" namula naman ako sa sinabi niya saka ko siya binatukan. mahina lang baka mamaya maalog utak bawiin na sinabi kanina. HAHAHA.

"Naks baby na agad? Bilis ah!" Singit ni Justin saka kumuha ng sandwich.

"Syempre baka maunahan pa ako eh mahirap na. Ayoko namang matulad sa iba jan na babagal bagal." sabi ni Benedict na halatang si Paul ang pinaparinggan. 

"Ako na naman nakita mong unggoy ka! Sabi ko nga diba soon?" sagot naman ni Paul.

"Soon din wala na siya. Ikaw din." sagot naman ni Benedict pabalik. Umiling lang si Paul.

"So seryosohan ba to ha Benedict?" Pangkaklaro ni Justin.

"Seryosong seryoso." nakangiti niyang sagot.

"OMG Bry!!!! Kelan pa?" baling ni Tin sa akin.

"K-kanina lang." sagot ko. At nakarinig naman ako ng tili mula sa kanya.

"Ikaw na!!!!! Asar ka! Ang haba ng buhok mo tara gupitin natin ano gusto mong gupit? semi kalbo?" natawa naman kameng lahat sa sinasabi niya.

"Kahit pa wala ng buhok yang si Bry mamahalin ko pa din yan." sabay akbay niya sa akin.

"Oh tara kalbuhin na natin!!!! Kainis ka talaga! Ikaw na may jowa!" saka ulit nagtititili si Justin.

"Happy for you my friend! At ikaw lalake malaman laman ko lang na niloko mo tong si Bry magtago tago ka na." pagbabanta ni Justin kay Benedict.

"Hindi ko hahayaang mangyari yun." sagot naman ni Benedict na ikinangiti nila Paul at Justin.

"Kaya ikaw Justin wag kang panghinaan ng loob makakahanap ka din. Malay mo anjan lang yan sa tabi tabi." sabi ni Benedict.

"Hindi ko pa iniisip yon. Crush crush lang." sagot naman ni Tin.

"Yun oh may crush! Pwede ba naming malaman kung sino yan?" 

"Wag mo ng alamin baka tinidurin kita." pagbabanta ni Justin.

"Sabi ko nga hindi na." Natawa naman kame except kay Paul na tumahimik bigla. Anyare dito?

"Sikretong malupit kase yun baka mashock ka kapag nalaman mo. HAHAHAHA." 

"HAHAHA malalaman din naman namin yan." 

"Tuloy na natin to. Para di na tayo gabihin sa paggawa. May pasok pa bukas." Ang seryosong sabi ni Paul. Tumango nalang kame saka bumalik sa tinatapos naming project. 

Anyare naman kaya dito? Bigla biglang nag iiba ng mood. Hmmm...

Benedict's POV

Mag aala singko na ng hapon ng matapos namin ang project namin ni Baby Bry ko. Hahaha oo na ako na dumamoves kanina. Ayoko na kaseng patagalin pa ang dapat na di pinatatagal. So official ng kame ni Bry.

Nagligpit na kame ng mga tools na ginamit namin sa project. Sasamahan ko sana si Bry na magbalik ng mga gamit  sa bodega nila ng magvolunteer si Justin na samahan siya. Madami pa daw siya gusto itanong. Haha bahala ka jan Bry sumagot dahil mukhang may kailangan din akong kausapin dito.

"Huy pre. Ang lalim ng iniisip mo baka di ka na makaahon?" pagsita ko kay Paul na nakatingin lang sa gate.

"Tingin mo pre sabihin ko na ba?" tanong niya bigla sa akin.

"Ikaw. Kaya mo na bang sabihin?"

"Hindi ko alam eh. Natatakot ako sa magiging sagot niya. Syempre ang gusto kong sagot niya eh OO lang."

"Eh di pagsikapan mo na yun yung makuha mong sagot mula sa kanya. Ligawan mo. Kung hindi man yun yung sagot na makuha mo eh ganun talaga. Rejection is always present when you love." Napalingon naman sa akin si Paul saka natawa.

"Tang ina mo nagiging makata ka na porket kayo na ni Bryan! Bilis mo din no?"

"Syempre! Ako pa ba?" pagyayabang ko.

"Eh bat kayo ni Bry hindi mo man lang siya niligawan?"

"Pre gusto na namin isa't isa ng baby ko at hindi na dapat yung pinatatagal pa. Iba naman kaso niyo ni Justin."

"Hays. Sinabi mo pa. Problema ko pa yung asungot niyang bespren. Halatang ayaw sa akin."

"Paktay tayo jan! HAHAHA. Dapat kinakaibigan mo yung mga taong malapit sa kanya. Kaso, mukhang mahihirapan ka sa bespren niya."

"Kaya nga eh. Problema ko din yung crush niya. Buset na yan!" saka siya kumamot ng matindi sa ulo niya.

"Ay oo nga no nabanggit niya kanina. Kaya pala parang biyernes santo yang mukha mo. Sino kaya yun no?" 

"Si pareng Miggy." sagot niya. Para naman akong nabingi sa sinabi niya.

"Sino? sino???"

"Si Migs. Miggy. Si Tropapips."

"King ina?! Di nga?"

"Oo nga."

"Nako paktay kang bata ka. Paano mo nalaman?" tanong ko.

"Lahat ng bagay inaalam mo kapag gusto mo yung tao." sagot niya.

"PAANO NGAAAA?" Pag uulit ko sa tanong. Saka siya nagkwento.

"Stalker pala datingan mo pre eh. HAHA. Kaya pala minsan wala ka. Nakikiabang ka din pala kay Justin sa soccer field." Sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Hirap naman ng sitwasyon mo pre. Pero wag ka pa ring mawalan ng pag asa. Try and try lang. Malay mo mapansin din ni Justin yung mga effort mo na hanggang ngayon eh pending pa. Galaw galaw na oy!" Tumango tango na lang siya bilang pagsang ayon.

Maya maya pa dumating na rin yung dalawang mahal namin. HAHA korni.

"Oy Tin salamat talaga sa inyo ni Paul ha?" sabi ni Bry.

"Wala yun." sagot naman ni Justin. "Oh siya uwi na ako."

"Hatid na kita babe?" pag aalok ni Paul.

"Hindi okay lang mapapalayo ka pa. Pwede naman ako mag bus maaga pa naman." pagtanggi ni Tin.

"Nako Tin hirap mag abang jan. Rush hour na din baka gabihin ka pa." sabi ko. Syempre pinupush ko na din tong dalawang to para masaya.

"Sige na babe hatid na kita." 

"May magagawa pa ba ako eh mapilit ka. Oh siya babye na. Ikaw Benedict di ka pa ba uuwi?" tanong ni Justin sa akin.

"Wag mo kong inaalala Tin. Wala pang sampung minuto ang layo ng bahay namin dito sa bahay ng baby ko. Diba baby?" Saka ko dinikit ilong ko sa kanya. Namula naman siya ng bahagya. Cute!

"Hay nako baka makagat din kame ng mga langgam dito sa kasweetan niyo kaya aalis na kame. BYEEE."

"Bye! Ingat kayo. Pre ingatan mo si Justin." pagpapaalala ko kay Paul.

"Oo naman." sagot niya saka nakipag apir. "Salamat pre." Marahil tinutukoy niya yung pagrarason ko kanina kay Justin para ihatid siya. Eh kung sa totoo lang naman eh mabilis lang sumakay jan palabas dito sa village nila Bry. 

Maya maya pa ay nakaalis na rin ang dalawa.

"Para saan naman yung apir apir niyo ni Paul kanina?" tanong netong mahal ko.

"Secret na namin yun baby. Malalaman mo din soon." tumango tango nalang siya na kunwari eh sumasang ayon. "Oh pano una na din ako. See you bukas!"

"Sige sige ingat ka. Babye!" saka ako umalis. Pero bumalik din ako agad dahil may kukunin pa pala ako.

"Oh bakit may naiwan ka?" takang tanong ni Bry.

"Oo eh."

"Oh ano yun?" then out of nowhere kiniss ko ulit siya.

"Okay na. Nakuha ko na yung nakalimutan ko. Bye baby." Naiwang tulala si Bry sa may gate nila. HAHAHA. 2 strike agad para kay Benedict Pascual! 

Próximo capítulo