Chapter 26: Thoughts
Mirriam's Point of View
"Your friend was just exhausted that's why she collapsed. But she's not depress or anything so there's nothing to worry about it" sabay-sabay kaming mga nagbuga ng hininga na tila parang nabunutan kami ng tinik. Geez, 'kala ko talaga may nangyari ng malala kay Haley at bigla bigla na lang nahimatay.
Umalis na nga ang Japanese Doctor samantalang napatingin kaming magka-kaibigan sa isa't isa. "Pft!" Tumawa kami nang tumawa dahil sa naging balita. Swear, Haley is too unpredictable na 'di mo na talaga maiiwasang mag-alala sa kaba.
Masyado siyang lapitin ng disgrasya kaya laking tuwa na nga lang namin na pagod lang siya.
Pero hindi man lang niya sinabi sa 'min! Hindi na siya nagbago! Mas pag-aalalahanin niya kami kapag mananatili siyang secretive.
Pagsasabihan ko talaga siya pagkagising niya. She's always like that 'till now.
"Pambihira talaga!" Paanas na sambit ni Reed na halata sa kanyang tono ng boses ang irita pero hindi mawawala mukha 'yung pag-aalala. Ngumiti lang si Jin at nagbuga lamang ng hininga.
Luminya nang kaunting ngiti ang labi ko.
Flash Back
Bago pa man bumagsak sa simento si Haley ay kaagad na siyang sinalo ni Reed at kuya na kaagad naman naming nilapitan.
"Harvey, ikaw na ang magbuhat kay Haley" udyok ni Kei na mabilis namang ginawa ni Harvey.
"A-ako na lang!" Natatarantang sabi ni Kuya.
"Ano'ng sinasabi mo?" Kontra ni Reed.
Kinuha ni Harvey ang pulso ni Haley. "Hanggang dito ba naman, mag-aaway kayo? Ako na lang. Matatagalan pa tayo kung mag-aagawan kayo sa kanya" Seryosong wika niya bago niya buhatin si Haley. Pagkatapos niyon ay mabilis siyang tumakbo na sinundan naman ng mga kasama ko.
Nakatingin na ang mga tao dahil sa nangyari. May iba na napapahinto at may iba naman na sinundan pa sila Harvey. Nilingon ko si Reed na hindi pa umaalis sa kanyang kinatatayuan, para bang napako siya ro'n na kahit gusto niyang umalis ay hindi makaalis.
Halata sa mata niya ang takot at pag-alala. Kaya mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya nang makarating ako sa kinaroonan niya. "Reed, let's go" Inangat niya ang kanyang tingin na kanina ay nakayuko.
"Mirriam..." tumango lang ako at saka siya hinila para sundan na ang mga kasama ko.
End of Flash Back
I was staring at Haley's eyes.
She's not sleeping peacefully, it's like she's having a war on her own. If I have the chance to read her mind, I'll do it in order to help her throughout the days 'till the monster inside her failed in controlling her emotions.
Napatingin ako kay Kei na malayo ang tingin. Malalim ang iniisip nito kaya napaharap ako sa kanya.
What is she thinking?
Reed's Point of View
Bumili si Jasper at Jin ng makakain sa labas at sa ngayon ay hinihintay na lang naming magising si Haley sa pagkakatulog niya.
Ibinaba ni Jasper at sinimangutan si Miles. "Nababagot na ako rito sa ospital. Kilitiin ko kaya si Haley nang magising?" suhestiyon ni Jasper na nagpabuga sa hininga ni Harvey.
"Are you some kind of a pervert?" Nakasimangot na wika ni Mirriam.
Napaurong ang ulo ni Jasper. "E-eh? Kikilitiin ko lang naman, eh?" hindi ko na lang sila pinagtuonan ng pansin at kumain na lang muli. At makalipas pa ng ilang minuto ay napatingin kami kay Miles nang magising na ito.
"Where am I?" Iniwan namin ang mga pagkain namin sa table at mabilis siyang nilapitan.
Halata sa mga mukha namin ang saya nang magising siya pero hindi ako natutuwa nang kunin ni Jin ang kamay niya para halikan ang likurang palad nito.
Sa sobrang badtrip ko ay kaagad kong tinulak palayo si Jin kay Miles. "What do you think you're doing, assh*le?" Tanong ko na may babalang tono sa aking boses.
Nginitian lang niya ako na para bang napaka inosente niya sa lagay na 'yun.
Mas lalo akong napipikon sa kanya! Buwisit!
Ipinatong ni Mirriam ang kamay niya sa kaliwang balikat ni Miles. "Sorry, Haley. Nandito ka kasi ulit sa ospital dahil nawalan ka bigla ng malay kanina." Sagot niya sa katanungan ni Miles saka tiningnan ang isang pagkain na nakalagay pa sa supot. "Gusto mo na bang kumain?" Tanong niya.
Lumapit si Jasper at umikot na muna bago inabot 'yung pagkain na tinitingnan ko kanina. Nakapatong lang 'yun sa desk na nasa tabi ni Harvey.
"For you, binibining Haley." Pinitik pa ni Jasper ang bangs niya. "Special 'yang pagkain na 'yan dahil special ka." Pagturo ni Jasper kay Miles na may pagkindat pa.
Halos mandiri naman si Mirriam dahil sa itsura ni Jasper samantalang hindi naman napigilan ni Kei ang matawa dahil dito.
Nakatitig lang din sa kanya si Miles nang ngumiti siya. "Okay ka lang?" Tanong niya kaya para namang yelo kung manigas si Jasper. Animo'y nainsulto sa salitang binitawan ni Miles.
Pagkatapos ay nag-unat din si Miles bago tiningnan ang mga kaibigan namin. "Sorry for making you worried." Ngiti niyang sabi.
Ibinaba naman ni Harvey ang mga paa niyang nakapatong sa stool.
"Pasaway kang babae ka, kung okay ka na, tumayo ka na kaagad" pilyo na sambit ni Harvey na hindi inaalis ang walang gana nitong tingin.
Pumunta naman si Jasper sa gilid at nagmukmok. "Inaaway ako ni Haley."
"Eh?" Reaksiyon ni Miles.
Tumayo naman si Kei mula sa pagkakaupo niya at yukong lumapit kay Miles.
Dahil sa kakaiba nitong aura ay pare-pareho kaming mga lumayo sa kanya't nagsitabi. Ngayong na sa harapan na siya ni Miles ay laking gulat na lang namin noong malakas niyang binatukan 'yung kapatid niya.
Nagtakip pa ng bibig si Jasper samantalang namimilog ang mata ni Harvey.
Napaawang-bibig naman ako dahil sa gulat nung ginawa ni Kei. Seriously?
Nanginginig si Miles siguro sa sobrang sobrang sakit. "T-that hurts--"
"Huwag mo naman kaming pag-alalahanin!" Malakas na sigaw ni Kei na umalingawngaw sa paligid. Mas natahimik kami sa naging arte niya, ngayon lang namin siya nakitang ganito.
At tulad namin ay namimilog ang mata ni Miles. "Kei..." Marahan na pagtawag niya sa pangalan ng kapatid.
Nangingilid ang luha ni Kei sa sobrang pag-aalala nito. "We're so worried, don't you know that?! Paano namin malalaman 'yung problema mo kung hindi mo sasabihin sa 'min?! Paano kung sa susunod, may mangyari sa 'yo na 'di namin alam at mayro'n nanamang nangyari sa 'yong hindi maganda?!" Tumutulo na ang luha niya pagkasabi niya niyon.
Wala lang din masabi si Miles at yumuko lamang.
"Sorry." Tanging nasabi niya ngunit napaangat din ang tingin noong yakapin siya ng napakahigpit ng kapatid na si Kei.
"Don't ever hesitate to tell us what you really feel, okay? You're not alone. You aren't a nobody."
Natulala si Miles sa nasabi ni Kei. Mukha yatang natamaan siya sa sinabi ng kapatid dahil sa kakaiba niyang reaksiyon ngayon.
Is that how you feel, Miles?
Nalungkot ang tingin ni Miles at niyakap pabalik si Kei. "Sorry."
***
DALAWANG ARAW ang nakalipas nang magpasya na kaming umuwi sa Pilipinas. Malapit-lapit na ang pasukan at kailangan na naming gawin ang mga requirements ganoon din ang pag enroll sa Enchanted University.
Dito sa eroplano ay tulog na ang lahat. Hating gabi na kasi't pagod din ang lahat.
Ako na lang talaga 'tong gising pa dahil marami-rami ring pumapasok sa utak ko, wala namang kwenta.
Ang kasabihan, kapag hindi ka raw makatulog. May nag-iisip sa 'yo. Kaso sa oras na 'to, sino naman kaya ang mag-iisip sa akin?
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana noong mapatingin ako sa katabi ko. Katabi ko pa rin si Miles pero hindi ko na siya hinila paupo sa tabi ko. Bale siya na mismo ang kusang tumabi sa akin kaya hinayaan ko na lang. Kasi ang totoo rin naman niyan ay gusto ko rin.
"Mmh..." ungol niya
Krr. Lagyan ko kaya ng tape 'yung bibig niya? Iba 'yung dating sa akin ng ungol niya at hindi ako kumportable! Mamaya, iba pa ang isipin ng mga tao rito, eh.
Sumandal na lang ako sa malambot na lean seat habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Dito ko lang talaga siya natititigan, kapag tulog.
Pero kapag gising? 'Di ko magawa. Hindi ako makatitig sa kanya ng matagalan.
Ilang minuto rin siguro akong nakatitig sa kanya nang hawakan ko ang pisngi niya't ipatong ang noo ko sa ulo niya. "Good night."