webnovel

Chapter Five

-ICEL-

"Wag mo siyang sasaktan please. Wala naman siyang kinalaman sa pagkamatay ni Gwen. Please. Maawa ka."

"Hindi natin alam, maaaring kasama siya. Kahit kasi anong pagpapaamin ko sa mga witness, ayaw nilang magsalita."

"Please naman, wala namang malalim na rason dito diba? Hustisya lang para kay Gwen ang kailangan natin. Huwag mo ng idamay si Icel."

Nagising ako nang marinig ko ang usapan ng dalawang tao. Hindi ko sila maaninag dahil malabo pa ang mga mata ko.

Sinubukan kong gumalaw pero nabigo ako dahil nakatali pala ang mga kamay at paa ko sa upuan.

Ang huli ko lang naalala ay.. Tinurukan niya ako ng tranquilizer. Hindi ko inakalang tatraydorin niya pala ako.

It all make sense now. Kung bakit hindi siya nasali sa alphabetical order na napapansin kong ang pagpatay ng killer ay alphabetically.

Ang rason kung bakit hindi siya natatakot sumugal. Yung mga riddles, ngayon ko lang naalala na mahilig siyang gumawa ng riddles.

It hurts like hell when the one you love, betrays you. I love and trusted him. I guess, hindi talaga ako marunong kumilatis ng isang traydor.

"I-Icel.." Nagulat ako ng marinig ang isang pamilyar na boses kaya naman nang maging malinaw na ang paningin ko ay agad ko itong linibot para mahanap ang may-ari ng boses.

At nang dumako ang tingin ko sa kanya, wala na akong nagawa kung hindi ang umiyak. Bakit nandito ang step sister ko?

"Let me out!" Nagpantig ang tenga ko ng marinig ang isang matininis na boses. Katabi ni Rachelle ang may-ari nito.

Nanlumo ako sa nakita. Pareho sila ni Rachelle na duguan at maraming sugat sa braso. Nagkukulay pula na ang mga puting blouse nila. Shit, LJ what did you do?!

"They're awake." Hindi ako nakagalaw. Walang salitang lumabas sa bibig ko. B-bakit.

Nag-angat ako ng tingin at bahagyang pumatak ulit ang mga luhang pilit kong pinipigilan.

"L-Lyle." Sambit ko na lamang ng makita siya habang may hawak na kutsilyo sa kanang kamay, puno ng dugo ang kanyang puting polo.

~•~

"Now tell me, who the fuck killed Gwen?" Sambit ni Lyle habang papalit-palit ang pagturo ng kutsilyo sa aming tatlo.

Ako lang ang walang bahid ng kahit na anong sugat. Siguro dahil sa sinabi ni LJ na huwag akong saktan. Hindi ko alam kung bakit inaalala niya pa ang kapakanan ko at hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako.

Habang pabalik-balik ang tingin ni Lyle sa aming tatlo, si LJ nama'y nakatulala lang sa isang tabi, nakatingin sa direksyon ko, puno ng pag-aalala at panlulumo ang mga mata niya.

"I repeat. Who the fuck killed Gwen?" Nakangising sambit ni Lyle at pinaglaruan ang kutsilyong hawak niya.

"I-I don't know. P-Please let me out.." Mangiyak-ngiyak na sambit ni Clarisse pero parang walang narinig si Lyle at patuloy parin ito sa pagngisi.

Nandito parin kami sa Intercom Room. Siguro matapos akong patulugin ni LJ ay dumating si Lyle bitbit si Rachelle at Clarisse.

"Ah, you don't know anything? O baka naman tinatago niyo lang para hindi makarating sa board members at masira ang school?" Kumuha si Lyle ng isang upuan at inilagay ito sa harap ko. Umupo siya doon kaya naman magkaharap na kami.

"Sige, ipapaalala ko sa inyo ang lahat." Sambit niya saka nagsimulang magkwento ng parang isang magulang na pinapatulog ang kanyang mga anak.

"HOY GWEN!" Napatingin ang dalagang si Gwen sa mga estudyanteng panay ang tawag sa kanya.

"Malayo-layuan mo nga si Kirby. Nagiging malandi ka na ah. Hindi ka naman matalino." May panunuyang sambit ni Joy kay Gwen.

Yumuko na lamang ang dalagang si Gwen at nagsalita. "Pasensya na, pinapalayo ko naman siya pero kasi.." Hindi na niya ito natapos ng bigla na lamang siyang pinaharap ni Joy sa kanya at sinampal ito ng napakalakas.

"So you're saying na nilalandi ka ng boyfriend ko? You bitch!" Galit itong sinugod si Gwen at pinagsasampal hanggang sa mamula na ang kaniyang mga palad kasasampal.

"Tama na!" Natigil naman si Joy sa pagsampal at nawala ang tawanan ng mga kasama niyang sina Dawn, Phoebe, Solomon at Desiree.

Lumapit ang dalagang si Rachelle at pinalayo si Gwen sa kanila. Kaagad namang nagtago si Gwen sa likuran ni Rachelle habang nanginginig.

"Don't dare to hurt my sister's bestfriend again." Ma autoridad na sambit ni Rachelle kaya naman agad na napataas ang kilay ni Joy.

"Oh my god, you're standards are too low. You know what, dapat hindi kinakaibigan ang mga 'yan. Pathetic." Matapos iyong sabihin ni Joy ay kaagad na silang umalis ng mga kasama niya.

Wala naman nang nagawa si Gwen kundi ang umiyak sa bisig ni Rachelle.

Sa likod ng isang puno, naroroon ang tahimik lamang na si Angel, nakatingin sa mga dalagita.

--

"We caught you cheating on the exam." Matinis ang boses ni Desiree habang pinagbibintangan ang dalagang si Gwen dahil siya ay nag top 1 sa klase.

"N-no. H-hindi iyan totoo." Depensa naman ni Gwen pero tumawa lamang ang grupo nina Joy at ngumiti ng parang nang-aasar.

Nasa harap sila ng kanilang adviser na si Miss Lani habang nagtatalo sa pag-aakusa kay Gwen.

"At talagang ayaw mo pang umamin! Kitang-kita namin at sa bag mo! Alam kong may kodigo ka!" Sambit naman ni Dawn habang nanggigigil na sakalin si Gwen.

"That's enough! Kunin niyo nalang ang bag ni Gwen para malaman na natin ang totoo." Sambit naman ni Miss Lani kaya ngiting ngiti ang grupo nina Joy.

Nang makuha nila ito ay agad na hinalughog ng grupo ni Joy ang bag ni Gwen at nakita dito ang isang answer sheet.

"Gwen, what's this?" Sambit ni Miss Lani kaya naman nagulat si Gwen sa nakita.

Alam niyang hindi siya nandaya kaya bakit mayroong answer sheet sa kaniyang bag?

"Ma'am hindi ko po alam. P-promise h-hindi ako nandaya.." Mahinang sambit ni Gwen na nagsimula nang humikbi.

"Liar. Ganiyan ba ang isusukli mo kay Icel? Ang hindi siya labanan ng patas sa academics? Cruel bitch." Sambit naman ni Solomon at sinundan ito ng isang mapanuyang ngisi.

Wala naman ng nagawa si Gwen kundi ang kunin ang bag niya at umalis na sa classroom.

Habang naglalakad pauwi, bigla nalang siyang hinila ng isang estudyante papunta sa SSG Office kaya naman sumunod na lamang siya.

Nang marating nila ito ay kaagad na linock ng estudyante ang pintuan kaya nagsimula nang kabahan si Gwen.

"What did you do you snake?" Sambit ng estudyante kaya naman napailing si Gwen.

"N-no. Wala akong ginawa. I swear. I've been framed up by them. Please believe me." Pagmamakaawa niya ngunit hindi natinag ang estudyante at agad na sinunggaban ng sakal sa leeg si Gwen.

"You fooled her. You used her! She treated you as her bestfriend but you! You betrayed her! Masakit ang makita siyang nasasaktan!" Sigaw ng estudyante at hindi ininda ang pagpalo ni Gwen sa kanyang mga kamay habang dinadaganan niya ito.

"L-Lamb.." Maya-maya pa'y nawala na ang pagpalo ni Gwen at naiwan ang kaniyang mga mata na dilat, hindi na humihinga.

Napabitaw ang estudyante at saka dali-daling umalis sa SSG office, iniwan si Gwen na wala nang buhay. Pero bago siya umalis ay pinagmukha niya munang suicide ang lahat.

---

"Ikaw. Wag mong sabihin ang lahat. Walang mag-iingay na tayo ang dahilan ng pagsusuicide ni Gwen." Tarantang sambit ni Joy na siya namang ikinatango ng lahat.

Ibinaling naman ni Joy ang kanyang atensyon kay Angel na tahimik lang sa tabi ng sink sa C.R "Ikaw. Angel don't say anything. Baka ma expel tayo!"

Tumango lang rin si Angel sa takot na baka madamay pa siya sa nangyari.

---

"I heared everything! Miss Lani, Sir Paul please believe me.." Sambit ni LJ pero hindi lang siya pinansin ng mga guro dahil sa inis na gumagawa ng maling storya ang binata.

--

"Patay na si Gwen.. Pinatay siya ng mga kaklase ko.." Mangiyak-ngiyak na sambit ni LJ habang kausap sa kabilang linya ang kapatid na nasa ibang bansa nag-aaral.

"Gaganti tayo. Ipaghihiganti natin ang kakambal mo." Malamig na sambit ng boses na para bang linamon na ng poot at galit.

"That's why. It's a happy ending right? Now tell me, who the hell killed my sister? Who killed Lawrence's twin sister?" Marahan ngunit mabangis ang tono ng pananalita ni Lyle.

"She likes sheep. Naiwan niya pa nga yung keychain sa kamamadali niya. Angel was a witness. Too bad, she's been killed and correction, I didn't kill her."

Sa isang iglap biglang bumalik ang lahat ng sinabi niya noong mga bata pa kami. Akala ko i-iba siya..

"You like sheep?" Sambit ko nang mapansing suot na naman niya ang blue t-shirt niyang may printa ng isang tupa.

"Yes! Mommy said that my name means lamb that's why I now also like lamb. Ay wait, binilhan ako ni Mommy ng new keychain oh. Look." Iniabot niya ang isang tupang kulay puti na may cute na mukha.

"I love this." Nakangiti niyang sambit.

"Rachelle.." Mahina kong sambit at kasabay nito ang pagtulo ng mga butil ng luha sa mga mata ko.

"Gotcha." Tumayo si Lyle sa upuan at lumapit sa pwesto ni Rachelle.

"You fucking lamb. Why did you kill my sister?!" Kitang-kita ko ang galit sa mukha ni Lyle kaya mas lalo nalang akong napahagulhol.

"Tell me, did you kill Angel?" Tanong ni Lyle dahilan para bumakas ang gulat sa mukha ni Rachelle. Namumutla na siya.

Tumingin siya sa akin at nakita kong umiyak siya. "I did it for my sister. S-she betrayed Icel. I can't afford to see my sister cry.." Wala sa sarili niyang sambit habang nakatingin parin sa akin.

"Y-you killed the only witness? You killed Angel for your own sake! Pinagkait mo ang hustisya sa kakambal ko!" Mas naiyak pa ako ng makita ko si LJ na tumayo at inagaw ang kutsilyong hawak ni Lyle.

Lumapit siya kay Rachelle at kaagad na tinutukan ng kutsilyo ang leeg ng kapatid ko.

"N-No LJ please.." Naiiyak na sambit ni Rachelle. "I-Icel.. Please help me.."

Hindi na ako nakapagsalita pa. I-It's all my fault. I-It's all my fucking fault.

"D-Don't." Nauutal-utal kong sambit kaya naman ibinaba ni LJ ang kutsilyong hawak niya at tumingin sa akin.

"K-Kill me.. I-It's my fault.." Sambit ko na lamang saka pumikit. "Please.. Not my sister."

Sa isang iglap, naramdaman ko ang pagkalas sa akin sa upuan. Nang dumilat ako ulit ay nakita ko ang nakangiting si LJ.

"Malaya ka na. Please leave. I don't want to hurt you.."

Pinatayo niya ako at niyakap ng nakapahigpit kaya naman yumakap narin ako pabalik saka umiyak ng umiyak.

Pero natigil ang lahat ng makarinig kami ng isang putok ng baril.. Kumalas ako sa pagkakayakap kay LJ at ganoon rin siya.

Sabay naming liningon ang sina Lyle at lubos akong nanlumo ng makita ko si Lyle na nakahandusay, naliligo sa sarili niyang dugo at si Clarisse na wasak na ang bungo.

Napatingin naman ako kay Rachelle at mas lalo akong nanlumo ng makita ko siyang may hawak na baril. Umuusok pa ito tanda na bago palang ito ginamit.

"Come with me sister. Let's leave this hell together. Just let me kill your love of your life." Nakangisi niyang sambit na para bang nawawala na sa sarili.

"Ah this?" Turo niya sa baril na hawak. "Matagal nang na sa akin to. Too bad hindi napansin ng damuhong yan." Sabay turo niya kay LJ na hindi na makapagsalita dahil sa gulat.

"Now, come with me or I'll kill you to be with him." Nagsimula na akong umiyak ng dahil sa narinig.

Paano niya 'to nagawa? P-paano?

"Yes I killed your bestfriend for you but I hated you. Truth is, gusto kong maghirap ka dahil epal ka sa pamilya namin. Anak ka lang sa bagong asawa ni Daddy."

Hindi na rin ako makapagsalita dahil sa nangyari. This can't be happening..

Hinarap naman agad ako ni LJ saka nagsalita, "Go Icel. Run, I promise to protect yo--" hindi na niya natapos pa ng bigla na lamang siyang napahiga sa sahig at namilipit sa sahig.

R-Rachelle shoot him.. Agad naman akong napaupo sa tapat ni LJ habang umiiyak parin.

"R-Run.. P-please.. I love you." Mahina niyang sambit kaya naman wala na akong nagawa kundi ang yakapin siya.

"I won't lea--" Bigla na namang nagpaputok si Rachelle ulit ng dalawang beses at sa ikatlong beses nito ay wala nang lumabas na bala sa baril.

"Ops. Looks like wala nang silbi to. How about this.." Agad niyang pinulot ang kutsilyong inilagay ni LJ sa sahig at tiningnan ako ng nakakakilabot.

"Who's next? Ah.. You. Good night sis, see ya in hell!" At sa isang iglap ay bigla na lamang niya akong dinaganan.

"Die. Die. Die!" Sambit ni Rachelle habang gigil na gigil akong saksakin.

Hinawakan ko naman ng mahigpit ang kamay niya upang hindi niya ako masaksak.

Sa isang iglap, nakita kong bumulagta na siya, sumusuka ng dugo at bigla na lamang nalagutan ng hininga.

"R-Run.." Mahinang sambit ni LJ habang may hawak na isang swiss knife. Ewan ko kung saan niya ito nakuha.

Kahit nanginginig pa ay taranta akong tumakbo palabas ng building. Hindi liningon ang kahit na sino sa kanila.

~•~

9:30 a.m

"Ija, what happened to your building? Who killed your teachers and classmates?" Nandito ako ngayon sa ospital habang tinatanong ng isang police officer.

"Tell me, we'll protect you." Umiling lamang ako saka ngumiti ng tipid. Ayoko ng bumalik ang mga alaalang iyon.

~•~  

10 YEARS LATER....

Kabibisita ko lang kina LJ kanina at bibisitahin ko ulit sila mamaya matapos kong ihatid ang nakababata kong kapatid sa classroom nila.

What happened 10 years ago's still new to me. Hindi parin ako makapaniwalang nakaya akong pagtaksilan ng sarili kong kapatid. At hindi ko rin inaasahang may poot at galit na pala ang namumuo sa loob ng mahal ko.

I lost them. I lost my second family. Nang dahil lang sa isang krimeng nagawa ng mga kaklase ko. We lost everything-- we lost our happy memories.

"I'm so nervous, Ate." Mahinang sambit ng Grade 7 student kong kapatid.

Nabalik sa kaniya ang atensyon ko nang mapansin ang kaniyang pamumutla. Ganito rin ako noon noong kapapasok ko pa lang sa section ko.

"Asos, it's okay. Ganiyan rin ako noon eh. Sige na. Good luck baby." Nginitian ko siya bago pinapasok sa loob ng classroom.

"Hi everyone, I'm Mika Jane Deansin, a transferee student." Nanginginig niyang sambit saka ngumiti.

"Good morning! I'm Rachelle P. Buctot, your class adviser." W-wait..

"Welcome to STE Class Mika!" Masayang bati ng mga kaklase niya.

Hindi ako makagalaw.. No, how did it happen?

Tumingin ang adviser nila sa akin sa tulong ng bintana sabay ngiti. "Nice to meet you again, Sis."

"Rachelle.."

-THE END-