webnovel

chapter 23 misunderstanding

Tamara POV

Nako patay nakita nya

"ano bang nang yayari sayo una napilayan ka sunod nasugatan ka sa ulo mo sunod nadapa kapa at ok naba yung pilay mo?"

Tanong nang inang reyna sakin

"wag na po kayong mag alala nagamot narin po ng prinsepe kaya gagaling din po to!"

Sabi ko sakanya

"ah prinsepe?"

Tanong nya at parang napaisip sya

"ah opo bakit po?"

Tanong ko sakanya

"ah wala naman  mabuti sya ang naggamot ng sugat mo kasi magaling din syang gumamot ng mga sugat!"

Sabi ng inang reyna

Oo nga halata gamit yung liquid foundation hahah

Mendyo natawa tuloy ako kaya nag muka akong kinilig

"bat ka natawa?"

Nakangiti nyang tanong

"ah wala po may naalala lang po ako nung sinabi mong gamot!"

Nakingiti koring sabi

"ah ganun ba pero ok naman ba ang pag sasama nyo?"

Tanong nya

Nako wala pang isang bwan halos ang dami na naming pinag daanan kala mo tunay talaga kameng mag asawa daig pa ang palabas

"ah ok naman po!"

Sabi ko

"ah mabait ba sya sayo?"

Tanong ng inang reyna

Yun lang  di ko kayang sagutin yan

"ah ano po kasi eh -"

Sabi ko

"naintindihan ko talagang pasaway sya pero mabait naman sya talagang may isang pangyayari lang ang nag pa bago sakanya pero mabait pa naman sya!"

Sabi nya sakin

"ah anong pang yayari po yun?"

Tanong ko sakanya

Seryoso mabait ba talaga yun eh gangster bad boy nga yun eh muka pang babaero

"nung nawala sakanya yung pinakamamahal nyang tao , dahil dun sobrang laki ng pinag bago nya mas naging basagulero at babaero sya kaya ngayong may asawa na sya medyo nag bago sya lalo na yung pagiging babaero nya at sumasabay na rin sya sa pag kain samin"

Sabi nya kita kong may lungkot sa muka nya

"ganun po ba  ganun pala sya pag nawalan ng taong mahal pero alam may  alam po pala kayo  sa mga pinag gagagawa nya?"

Gulat kong tanong

" saaming lahat mag kakamag anak sakin lang sya nag kokwento ng mga nang yayari sakanya at sakin lang din sya malapit "

Kwento nya

Ah kaya pala pumayag sya mag pakasal dahil sa lola nya at yung sinabi nya na kung di lang dahil sa lola nya

"ah ganun po ba  pero bakit naman po mas malapit sya sainyo kesa sa mga magulang nya?"

Tanong ko

"dahil nung bata sya ako na agad ang nag aalaga sakanya , ako ang nag papakain sakanya at nakikipag laro dahil ang mga magulang nya ay abala dahil sa mga nangyayari sa bansa at halos kala mo ako na ang tunay nyang magulang dahil ako ang lagi nyang kausap , kasama sa pamamasyal at sa mga iba nyang ginagawa lagi nyang sinasabi sakin at ako lagi kolang syang sinuruportahan kung maganda ang ginagawa nya pero kung mali pinag sasabihan ko naman pero sadyang ganun talaga sya  at minsan nga  umaabot kame ng madaling araw dahil napapaganda ang usapan namin .  Ako lang ang nakakakilala ng tunay nyang  ugali!"

Kwento nya

"kaya nag papa salamat ako sayo dahil pumayag ka na pakasalan at bigyan sya ng pasensya sa mga oras na nag papasaway sya at dahil sayo nag bago sya!"

Sabi nya sakin

"ah ako po hindi po sa totoo nga po wala naman po akong ginawa at kung nag bago sya baka dahil sainyo po  at bakit ako nga po ang napili nyo?"

Tanong ko sakanya

Nag bago o sadyang iba lang ang kinukwento nya

"kasi nung una pala kitang nakita parang nagustohan na kita na maging kasintahan ng apo ko mahaba ang pasyensya , may pakealam  sa ibang tao , may respeto , at isa pa maganda hahaha!"

Sabi ng inang reyna

Wow ah maganda eh pangit pangit ko nga eh

"di naman po ako maganda at saka po hindi nyo po ba naisip na baka nag palanggap lang ang isang tao!?"

Tanong ko

"mahahalata mo naman yan kung nag papanggap lang ang isang tao dahil kung nagalit sya at nag reklamo sya  na natapunan at isa pa nung binayaran mo yung bulaklak nakita ko na wala kanang pera kung yung ibang  tao hindi gagawin yun dahil nasira na ang mga gamit nya natapunan na sya ng inumin at mag babayad pa kahit wala nang pera . Ngayon lang ako nakakita ng babaeng katulad mo dahil halos lahat ng babae sa paaralang yun mataas ang pride at laging nag papanggap na mababait sa harap ng taong gusto nila o may kailangan sila "

Sabi ng inang reyna

Kaya pala ganun din ang tingin nya sakin kala nya sipsip ako sa lola nya at  nag babaitbaitan lang dahil may kailangan

Ah ganun ba yung paaralaNg yun sabagay ang alam ko mga mayayaman lang ang nag aaral dun at kaya lang ako nakapasok dun dahil skolar lang ako

"ah ganun po ba?"

Tanong ko

"pero may na kwento sya sakin tungkol sayo!"

Sabi ng inang reyna

Ano yan baka sinisiraan naman nya ako sa lola nya

"ano po yun!"

Kinakabahan kong tanong

"sabi nya nung isa araw may isang babae daw syang nakabangga nag sorry daw sya pero nagalit yung apo ko dahil natapunan sya ng inumin ng babae nagalit din yung babae dahil hindi rin nag sorry ang apo ko at sya pa ang nagalit kaya nasigawan sya ng babae , nagulat daw sya dahil lahat ng tao dun sa paaralang yun ginagalang sya at dahil dun lagi nya daw binubully yung babae . At nagulat ako nung sinabi nya na ikaw yung babaeng yun kaya pala nung nag kita ulit kayo gulat na gulat kayo at nung una ayaw nya pa"

Kwento nya kitang kita sa muka na parang natutuwa sya

"sorry nga po  pala dun  di konaman alam na prinsepe sya!"

Hiyang hiya kong sabi sakanya

"hindi mo kailangan humingi ng tawad dahil tama lang naman ang ginawa mo dahil nag sorry kana at ikaw pa ang sinisi kung ako nasa kalagayan mo magagalit din ako!"

Sabi nya

"ah ok po "

Buti pasya mabait di tulad ng tukmol nyang apo nakakainis

"ay oo nga pala alam mo bang magaling din syang gumuhit !?"

Tanong nga at tumayo sya , may binuksan syang kabinet at mag kinuha syang mga papel at sketch pad

"tignan mo !"

Sabi nya at mag pinakita syang mga drawing

Sa totoo ang gaganda mga lugar karamihan ang drawing  nya gamit mga lapis at color pencil halos parang daig nya pa ako eh kasi ako aminin ko di ko kayang gawin yung mga drawing nya at mag pinakita pa syang mga painting ang gaganda halos mapapanganga na ako sa galing nya gusto ko sana mag paturo eh kaso di kame close at wala rin akong balak makipag close

"candice !!!?"

Sabay kameng napatingin sakanya

"oh apo !?"

Sabi ng inang reyna

"lola!"

Nag beso sila

"anong ginagawa mo dito candice?!!"

Tanong ni ervin

Halatang tinatago nya lang yung galit nya at nag pipigil ng galit

"ah nakita ko syang hirap mag lakad dahil sa sugat nya kaya pinapunta kosya dito sa kwarto ko at nag kwentuhan kame pinakita ko nga mga drawing mo !"

Sabi ng inang reyna

Niligpit agan ni ervin yung mga drawing nya at hinawakan nya yung kamay ko

"halika"

Bulong nya

"mauna na po kame!"

Sabi ko at nag bow ako sakankanya habang hinihila parin ako ni ervin palabas ng kwarto . Nang malayo layo na kame at walanang tao sa paligid huminto kame at biniwan nya ang kamay ko ang higpit ng hawak nya

"pede ba candice layuan mo lola ko kung nauto mo sya at ang ibang tao sa bait baitan mo pwes ako hindi !"

Galit na galit nyang sabi

"ano pinag sasabi mo na niloloko ko lola mo no kala mo sakin mang gagamit at  mukang pera-"

Nag sasalita pa ako kaso bigla nya akong sinigawan

"oo lahat naman kayong mahihirap ganyan eh  mayaman nga tita mo pero ikaw katulong kalang sakanila  at ginagamit mo ang lola ko para kung kailangan mo ng tulong may mahihingian ka ng tulong  at purkit nawalan kalang ng magulang kala mo kaawa awa kana ano kayang mararamdaman nila kung ang anak nila -"

Sinampal ko na sya

Hindi kona mapigilan ang sarili ko sa mga sinabi nya parang gusto kona nga umiyak eh

" tuloy mo na ano muka kong pera na mang gagami? ,  pag bintangan moko , murahin moko , asarin moko, parusahan moko , saktan moko sirain at babuyin mo pag katao at kahit ano pang masamang bagay na gawin mo sakin tatanggapin ko pero wag na wag molang idadamay ang magulang ko dahil wala silang kinalaman dito at kung naulila man ako hindi ko sila sinisisi kaya eto lang mapapakiusap ko sayo wag na wag mong idadamay ang magulang ko!"

Sabi ko at umalis na ako , pag alis ko unti unti nang pumapatak ang luha ko sa mata ko

Pumunta ako sa kwarto ko yung tinuro ni shine at dun ako umiyak

"wag kanang umiyak kaya moto relax!"

Sabi ko sa sarili ko at huminga ng malalim

"yan tuloy molang relax kalang !"

Sabi ko sa sarili ko

Relax lang baka hikain kananaman nasa kabilang kwarto pa naman yung inhaler mo

Naka tulog nalang ako dahil sa iyak ko

Ervin POV

Pumunta na ako sa kwarto para mag pahinga bahala sya sa buhay nya

"(cring!!!)"

CALLING : LOLA

sinagot ko

"bakit po lola?!"

Tanong ko

"mag usap tayo!"

Próximo capítulo